lipat bahay

Posted in 'zup? with tags , , on June 24, 2008 by dam-dam

Dahil modang gypsy at inaatake ako ng ADHD kada isang taon, eto’t lilipat na naman ako papunta sa aking pangatlong blog.

Sa mga naglink sa akin, pakiupdate na lang at ituro na ang mga nguso papunta sa address na ito:

http://bebsisms.blogspot.com

WordPress, magdagdag na kasi kayo ng features. Nakakabore kayo. Isa kayong malaking buraot. Kayong mga empleyado ng wordpress diyan, wag niyong tangkaing burahin ang mga dating entries ko dito ha? Hintayin niyo munang mailipat ko silang lahat sa blogspot ko.

Bye.

ober da bakod

Posted in 'zup? with tags , , , on June 20, 2008 by dam-dam

TULONG!

Paano ba ililipat lahat ng mga blog entries ko dito papuntang blogspot? Yung import something.

Gusto ko nang magblogspot. Amboring na ng WordPress!

Help.

tyg at daybreak

Posted in 'zup? with tags , , , , , on June 19, 2008 by dam-dam

At last, locked na ang TYG. Tapos na ang edit. I met up with Nono this afternoon para ikyeme ang music. And soon, audio mixing na. Soon, as in this weekend na. Di ba, Adolf? Malapit nang matapos ‘to! Pakshet! Next project na, please. Para magkapera na ang butas-butas kong bulsa. Char.

Nga pala, lumabas na ang DVD ng ‘Daybreak’ at nandoon kasama sa special features ang tsaran… TYG Teaser, Adela Trailer, Alternative Ending at iba pang bagay-bagay katulad ng isang napakalaking Photo Gallery na may mga hubad na katawan nina Coco at Paolo. Kaya bumili na kayo ng maraming, maraming kopya para madagdagan pa ang bonus kong si Briccio. Kareh?

veronica mars

Posted in showbiz with tags , , on June 17, 2008 by dam-dam

Can’t get over Veronica Mars. This is one of the shows that should have lived a longer life, unfortunately, CW decided not to give it a fourth season. But this cult hit has made fans clamoring for more, even sending petitions to CW executives and yes, Mars chocolate bars.

Since naging abala ako sa mga bagay-bagay, hindi na ako nakabili ng dvd ng 3rd season kaya wala akong clue kung ano na ang nagyari sa aking favorite detective sa kanyang first year of college (to think matagal na itong wala sa ere). I chanced upon this site at lovet nga naman, lahat ng shows at films na di ko pa napapanood ay pwede nang mapanood online.

Kaya magmamarathon ako ng fatale once matapos na ang TYG edit.

I sooo love the third season’s OBB plus acoustic-acoustican ang “We Used to be Friends” ng Dandy Warhols. Lovet. Ibalik niyo na ang Veronica Mars!!!!!!! At mahal ko pa rin so Logan. Eeeeeh.

lapit na

Posted in 'zup?, films with tags , , , , , , , on June 16, 2008 by dam-dam

Editing of TYG is almost done. Oh gawd, it took me almost a month to do it and mind you, karamihan ng mga pelikulang inedit ko would almost take two weeks the most. Even one week with “Daybreak” and “Foster Child”. Dahil nga siguro unang pelikula ko ‘to kaya mas stressed ako, mas allegated at mas balisa.

I asked the great Shitzy to edit half of the final scene kasi mukhang nalula na ako and I need to gasp and take a breath of fresh air. Buti naman at gracious enough itong aso ko para paunlakan akong tulungan. Thanks Shitz!

Within this week, may final cut na ang TYG and so far, mukhang happy-happy naman kaya sana magustuhan siya ng mga manonood. Ayiiii.

After ng final cut, ipapaaudio mix ko na siya at ipapacolor grade. Oh, can’t can’t wait to see the final film. Nangingisay ako sa excitement. Ito nga pala talaga ang pakiramdam ng maging bagong parent.

I’m currently in the process sa pagbubuo ng soundtrack ng TYG. Meron na akong kanta ni Michael Cruz (Singing Bee) na pinamagatang “Naroon” which will be the film’s main theme. Siyempre, andyan ang baklang-baklang “Churvaloo” mula sa isang napakagaling na bandang Haphazard. And the catchy “Paghihintay” by Roxymorrons. Maraming Roxymorron songs ang nasa OST ng TYG at masasabi kong anggaleng-galeng ng bandang ito.

Marami pang ibang unsigned alternative rock bands and songs ang mapapabilang sa TYG soundtrack and I’m still looking for more songs. Kaya, kung me kilala kayo na unsigned bands na willing magpahiram ng kanta nila, dali na, ikontak niyo na ako.

Yiiiii. Ansaya-saya. At least, masasabi ko na malapit na nga matapos ang isang phase ng post-prod and I’m on to my next step.

Kaya mga people, let’s all HAIL THE QUEENS OF THE BACKSTAGE!!!

Define darkness.

Char!

yun ang sabi sa akin

Posted in tidbits with tags , , on June 15, 2008 by dam-dam

Kung kayo ang ikukumpara ke Elwood Perez, ano ang magiging reaction niyo?

Uhm, ako, nung sinabi sa akin yun ni Ferdie nung isang araw, napatingin na lang ako sa kanya. Na may konting smile. Dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong ireact.

Pwede bang ke Tom Tykwer na lang?

cinemalaya 2008

Posted in films with tags , , on June 14, 2008 by dam-dam

I encourage everyone to support my friends’ Cinemalaya 2008 entries on July 11-20 at the Cultural Center of the Philippines.

FULL-LENGTH

RANCHERO Directed by Michael Christian Cardoz

Ranchero is about a day in the life of prison cooks. Michael submitted Ranchero’s script as a final project for his scriptwriting class with Sir Bing (Lao) so expect real-time storytelling and helluva lots of handheld shots with this one. It will also be screened in Paris Cinema before its premiere in Cinemalaya, I think on the first week of July. Looks like the film’s gonna have good times ahead.

Michael is a friend way back in our UP Film days. Naging orgmate, sometimes classmate, rantmate, etc. ko rin siya, kaya go, go, go Cardotch.

Eto, a very Michael Cardoz quote, haha: Nang dumating ang Cinemalaya sa buhay ko. Humaba ang buhok ko at nawala ang kakarampot na pisnging naipon ko sa pagka-bum.

Ayan, me purpose na sa buhay si Cardotch.

Know more about Ranchero here.

RANCHERO TRAILER

MY FAKE AMERICAN ACCENT (MFAA) Directed by Ned Trespeces

MFAA is a timely comedy about the life in call-centers and well, its agents’ personal struggles. I saw the funny trailer and I think hundreds of thousands of call agents are going to see parcels of themselves in this film.

Being an ex-call center agent himself, Ned is an insider and I’m going to quote Ned (taken from his blog):

The idea of making My Fake American Accent came about right after I had finished screening Trabaho in Cinemanila. I got myself a job in a call center. I would tell my girlfriend about my day at the call center and she would say that this would be a good idea for a film. I was one of the older people in my batch; average trainee age was around 19 to 22, I was already 31 then. I didn’t blab to my co-trainees about my age so that it would be easier for me to get the younger people to talk to me and tell me their stories. On my second week of training, one of my batchmates got himself some national media attention by climbing up a billboard and threatening to jump. Very cinematic indeed! I worked 11-hour shifts four times a week. The job lasted three months. Our US client pulled the plug on our account- not enough calls were coming in. I got a $100 bonus. And for some fluke reason, the company forgot to make me sign their mandatory training bond, so I didn’t have to take the account that they wanted me to transfer into. I quit and took some time off. Went on a road trip through Mindoro, Romblon, Boracay and Panay Island. After that much needed rest, I plunged into my second call center job. But that’s another story.

I met Ned and his co-proponent and co-writer Onnah when the 12 shortlisted semi-finalists were interviewed by the Cinemalaya Committee a day before the announcement of the 10 finalists. I like the concept of MFAA because it’s a comedy. Way to go, Ned and Onnah!

Know more about My Fake American Accent here.

MFAA Trailer

CINEMALAYA SHORTS

TUTOS Directed by LA YAMSUAN

Tutos is about the relationship of a father and his teenage daughter with sewing as metaphor. I don’t exactly know what tutos means but I’m sure it has something to do with sewing or sewing things together or something. This is LA’s UP Film Institute undergrad thesis and I’ve seen it during the thesis defense. I must say it’s one of the best films in the batch. The film is simple pero malakas ang tama.

Cinematography is done by no less than THE Sol Garcia, of course and edited by THE Shitzy, Leo Valecia.

Know more about Tutos here.

TUTOS Trailer

ikaw kaya ‘to

Posted in emo with tags on June 13, 2008 by dam-dam

Hindi ba’t pareho tayong hindi marunong magmahal?

Kaya halika, samahan mo akong maglaro, maghanap at magmasid sa mga dumadaang hindi na natin masasalubong uli. Takpan natin ang ating mga mata, maglakad habang may nakasandal sa ating mga likuran. Madadapa tayo na walang galos ng alaala sa ating daraanan.

Sumabak tayo sa isang paglangoy na magtatapos sa araw ng ating paggising. (Hiling ko na hindi pa bukas o sa makalawa iyon). Itanghal natin ang ating mga sarili sa pinakamataas na pedestal ng ating pagkabulag at gawin mo ang lahat ng hindi ko kayang harapin.

Pakinggan natin ang sigaw na nagmula pa sa malayong kabihasnan at ibalik ito sa matagal nang nagmamatyag sa ating harapan. Ipangako mong magsasabay tayo dahil ang isang hakbang ko ay patungo sa maliwanag na kagandahan at ayokong lumabas sa kulungang kasama ka.

Huwag mo nang sundin ang kampay ng kanilang mga paa dahil mapipilay tayo sa mga ngiti nila. Tumitig tayo nang hindi kumukurap hangga’t hindi tayo bumabalik.

Hinding-hindi natin matutunan ang magmahal kaya halika na. Paglaruan natin ang isa’t isa.

hindi ito tribute kay glenn kulot

Posted in life, tidbits with tags , , on June 12, 2008 by dam-dam

Medyo humaba na ang buhok ko, kulot na naman at dadagsa ang mga parmesan mula sa kanilang kamalayan. Hindi ako kumakain ng tofu o tokwa kaya dapat kalahati lang ang binabayaran ko sa order na tokwa’t baboy. Hindi ko alam kung ano ang kaibahan ng tofu at tokwa. Ayoko rin ng sashimi at sushi, hindi ko rin alam kung ano ang kaibahan nilang dalawa. Pareho silang Japanese food. Pero gustong-gusto ko ang kinilaw, niluto na kasi sa suka at pipino yun.

Hindi na ako adik sa Facebook at maraming-maraming salamat sa mga silent readers ng blog na ito (na nabibilang lamang sa aking 1-2-3 little indians), may nagtitiyaga palang magbasa nito. Salamat Ralph at Dickit. May silbi rin pala ang counter na nasa ibaba ng blog na ito kahit hindi ako mahilig sa mga forums.

Umuulan pero mainit pa rin. May narinig akong sumabog kani-kanina lang, malamang ito ang poste ng kuryente na malapit sa amin kaya biglang nagbrownout.  Doon sa may posteng yun nagtitinda ng masarap na tigsasampung-pisong barbikyu na lagi kong binibili tuwing alas-otso ng gabi. Summer ngayon pero bakit laging walang tindang yelo ang sari-sari store sa harap ng bahay namin. Sayang tuloy ang tinitimpla kong juice.

Ninety percent done na ang final cut ng TYG. Oo, antagal naman tapusin nito. Malamang, hindi matatapos ang Hunyo na di ito matatapos. Saan kaya ang world premiere nito? Wala akong ibang gagawin kundi ang maghintay ng bali-balita.  Ayokong pumunta sa Paris, andami na nila dun eh. Gusto ko, ako lang.

Nababother ako sa taong may malaking nunal sa mukha. Okey lang ke Stacie O. kasi nasanay na ako at bagay naman sa inosente(?) niyang mukha pero bakit may mga nunal na nailagay sa maling parte ng mukha? Hindi bagay. Panira ng hitsura. Maganda ang orange-black combination. Very dark at mysterious. Kelan kaya ako magiging mysterious? Gusto ko maging mysterious. Attractive ang mga mukhang mysterious. Kaya lang, balahura ako, halatang umaarte kapag nagpapakamysterious. At hindi ako magaling na aktor.

Iba ang amoy ng natuyong damit sa summer at tag-ulan. Masarap lagyan ng coffeemate ang milo. Hobby ko ang magtimpla nito nung shoot namin sa Batanes. Mag-iisang taon na nga pala yun, ambilis tumakbo ng panahon, kasimbilis ng mga kabayo sa Sta. Ana.

Kulot na uli ang buhok ko pero ayokong magpakalbo.

popcorns and cellphones

Posted in tidbits with tags , on June 9, 2008 by dam-dam

Yan ang literal na pop sa popcorn. Imagine niyo na lang kung ang utak ninyo ang nasa gitna ng mga cellphones na yan. Or to quote my bebe Shitzy, “my phone’s always in my pocket”. Yay. I can imagine.

Naisip ko tuloy na kaya umabot ng 150 years ang mortality rate ng mg tao sa panahon ng bibliya dahil wala pang cellphone noon. Or technology for that matter

nagmamayabang at choosy ako

Posted in angas with tags , on June 8, 2008 by dam-dam

Dahil hino-haunt pa rin ako HANGGANG NGAYON sa sinabi ni Jerwin noong medyo ilang buwan na ang nakakaraan, eto’t naaaligaga ako.

Sabi niya: Bebs, malakas ang appeal mo sa pangit.

Potah ka Cranks! Mukhang nagkatuloy-tuloy na nga ang sumpang ito. Araw-araw, ang average number of messages na natatanggap ko sa G4M mula sa mga “pangit” ay: 5.

At ang average number ng pagreply ko sa kanila ay: ZERO.

Hoy, mga panget! Di ko kayo type, ok. Wag na wag na wag niyo nang hingiin ang number ko o magdemand na maging textmates tayo o maging ka-YM ko kayo o maging friends tayo. I have millions of them kaya di ko na kayo kailangang idagdag pa, mga peste! Kung pupuwede lang, wag niyo nang iview ang profile ko kasi naalibadbaran ako kapag nakikita ko na araw-araw, kayo-kayo lang ang bumibisita dun. Nakakawala kayo ng self-esteem eh!

Para me idea kayo, eto ang type ko: MGA PERFECT LOOKING PEOPLE!

Kung hindi niyo pa maintindihan ang ibig kong sabihin sa deskripsyon na ito, pwes, sasabihin ko sa inyo na sila ay yung mga lalakeng kamukha lang naman ng mga modelo sa magazines, yung mga tipong malalaki ang katawan na walang ibang ginawa sa mga buhay nila kundi magturok ng steroids o magbuhat sa gym. Perfect ang kanilang smile, yung tipong nakakatunaw ng libido at ang mga mukha nila ay nagpapatunay na minsan, hindi talaga fair ang Diyos.

Matatangkad sila, katulad ng mga modelong rumarampa ng naka-bikini briefs sa mga fashion show o nambabalandra sa mga billboards at print ads. Mukha silang mabango at naliligo, parang mga pornstar na walang bahid ng dungis sa katawan. Mapuputi sila, yung tipong isang galong gluta ang iniinom araw-araw.

Wala akong plano na patulan kayo dahil allergic ako sa pangit at ang gusto ko lang maachieve ay ang magkaboyfriend ng mga lalakeng EPEKTO NG PHOTOSHOP!

Kaya, kayong mga pangit, huwag niyo na akong iritahin, pwede? Stop na. Wag niyo nang letsehin ang araw ko. Dahil kung sa mundo niyo, Adonis na ang tingin niyo sa akin, pwes, sa mundo ko, mas masahol pa ako sa hitsura ni Gollum na milya-milyang paligo ang lamang sa akin, ok!

Huwag kayong mag-alala at matuwa na kayo sa katotohanang pare-pareho lang tayo ng kapalaran. Kung sa paningin ko ay libag lang kayo, para sa mga perfect-looking people na pinapantasya ko, tae ako.

Kaya ganti-gantihan na ito. Kung di man nila ako kayang patulan, pwes, ipapasa ko sa inyo ang aking pagkamuhi at di ko rin kayo papatulan no! Tumigil na kayo at wala kayong mapapala sa akin. Sa parehong sitwasyon, since wala rin akong mapapala sa mga perfect-looking objects of my antasies, tabla-tabla na lang.

Isa nga lang ang pagkakaiba natin, mga panget: KAYO, malakas ang loob niyong imessage ako habang AKO ay nakamasid lang, nakatingin, naglalaway at nangangarap at nilalamon ng takot na bigyan sila ng mensahe.

Dahil ang totoo niyan, nabibwisit rin ako sa kanila! Kung kayong mga pangit ang mga kuhol sa kabukiran, ang mga PERFECT-LOOKING PEOPLE ang totoong mga SALOT NG LIPUNAN! Mas masahol pa sila sa mga janitor fish sa Marikina River. Ang mga taong ito ang dahilan kung bakit mababa ang tingin natin sa ating mga sarili at kung bakit mataas ang presyo ng bigas, gasolina, matrikula at pamasahe.

Pero mga pangit, tigilan na ninyo ako ha. Di ko pa rin kayo type. At hindi ako natutuwa kapag pinaflater ninyo ako. Kasabot!

why, ngano, bakit?

Posted in tidbits with tags , , on June 7, 2008 by dam-dam

* Bakit halos lahat ng tao ay adik na sa photography? Bakit parami ng parami na ang mga camwhores at narci? Bakit parami na ng parami ng parami ang mga exhibitionists (yung mga nagsushow sa webcam)? Bakit maraming kumukuha ng bidyo sa kanilang mga sarili habang nagsisex sila? Bakit masaya manood ng sex scandals?

* Bakit dumadami ang mga baklang paminta? Bakit sila vain? Bakit laging putol ang mukha nila sa pictures? Bakit lagi nilang kinukunan ang sarili nila na nakaharap sa salamin? Bakit lagi silang half-naked sa pictures? Bakit endangered species na ang straight guys?

* Bakit ang mga nag-aangas-angasan sa mga gimik bars ay laging nakataxi kapag umuuwi? Bakit sila tumitira ng esctasy? Bakit mukha silang sabog? Bakit maraming social climbers sa gimikan? Bakit kailangan magpakafashionista kapag gumigimik?

* Bakit Louis Vuitton bags ang sukatan ng pagiging sosyal? Bakit kailangan bumili ng Louis Vuitton bags? Bakit hindi na lang pinakain sa mga mahihirap ang pambili ng Louis Vuitton bags? Bakit fashion saves the world at why not bigas na lang?

* Bakit anggwapo ni Mario Maurer? Bakit di ako nastarstruck sa kanya? Bakit wala pang celebrity ang nagpapastarstruck sa akin?

* Bakit lagi akong nananaginip na lumilipad ako o naglelevitate?

* Bakit wala akong kadate? Bakit walang nag-aaya sa akin? Bakit hindi ako ang best slut in town? Bakit yung mga crushes ko, hindi ako cursh? Bakit ako bitter? Bakit ko pa tinatanong ang mga ito?

* Why… does it have to be such a blue kiss, when I kiss you… Now, I color my world with a blue kiss… I’ve got kisses for you… Kanta ni Jane Wiedlin.

* Why does it always rain on me? Kanta ng Travis.

* Why is your nose such a porpoise? The Hungry Hippos.

* Why you wanna break my heart? Tia Carrere.

* Why do fools fall in love? Diana Ross and the Supremes.

* Why did you mess with forever? John Mayer.

* Why do you want him? Greenday.

* Why can’t I have you? The Cars.

* Why does it hurt so bad? Whitney Houston.

* Why don’t you get a job? Offspring.

* Why should I? Bob Marly and the Wailers.

* Why should I care? Toni Braxton.

* Why was I born? Billie Holiday.

* Why worry? The All-American Rejects.

* Why Go? Pearl Jam

* Why Georgia? John Mayer.

* Why me? Irene Cara.

* Why not? Hillary Duff.

* Why. Avril Lavigne. Why. Annie Lennox. Why. Tracy Chapman.

* Why Pt. 2. Collective Soul

* Why, why, why Delilah?

hot, hot, hot, slurp

Posted in showbiz with tags , , , , , , on June 6, 2008 by dam-dam

He’s the uber hot Alejandro Manzano, lead singer of Boyce Avenue, a Florida-based harmony-driven rock band. Alejandro’s acoustic and piano takes on some pop songs like Leona Lewis’ Bleeding Love, Chris Brown’s With You and Jordin Sparks’ No Air, among others, made him an instant hit on youtube.

Boyce Avenue consists of Alejandro, his two brothers Fabian (yummy too!) and Daniel plus their friend Steve Hatker.

They just released their first album “All You’re Meant To Be” last March with singles “Find Me” a song that became a finalist in the Pop Category for the USA Songwriting Competition and “All the While” which was a semi-finalist in the 2007 International Songwriting Competition.

Here are Alejandro’s versions of some songs. Gawd, I so wish he’s gay.

WITH YOU BY CHRIS BROWN

BLEEDING LOVE BY LEONA LEWIS

NO AIR BY JORDIN SPARKS

POCKETFUL OF SUNSHINE BY NATASHA BEDINGFIELD

SHADOW OF THE DAY BY LINKIN PARK

Kumbersasyon sa bagong kakilala

Posted in tidbits with tags , on June 5, 2008 by dam-dam

Never ko pa siya nakita. DJ, kinikwento ko lang, haha.

Bebs: Ano ang height mo?

DJ: I’m 5′7

Bebs: Ah, kala ko 4′11.

DJ: Waaah. Bat mo naman naisip na 4′11 ako. Ako taga-Cavite pa ako pero kaladkarin akong bata. Hehehe

Bebs: Walking distance lang pala.

DJ: Siguro, if 4′11 ako, pwede akong pumasa as a child actor. kaw, ano height mo?

Bebs: 4′6. Mas matangkad ka ng konti. At boring ako bilang tao.

DJ: I don’t think boring ka kasi nagrereply ka naman sa text ko. *insert sweet nothings* 4′6. Weh, di nga.

Bebs: Malamang hindi.

DJ: Sabi mo kasi 4′6 ka. Kung 4′6 ka, supporting child actor ka lang. Premature baby ako, 8 months lang. Kaya kulang-kulang ako.

Bebs: Ah. Talo mo pala ang mga Pebrero.

DJ: Harharhar. Me boyfriend ka?

Bebs: Wala, wish ko lang.

DJ: Sige, sulat tayo sa GMA7. Ikaw na rin ang magdirek ng segment. Sosyalan.

Bebs: Umayos ka.

DJ: Maayos naman ako ah. I’m bored sa office. Active lang mga tao around me. Para akong goldfish dito. Short attention span pero dilat ang mata, aware.

Bebs: Huwaw. Amazing.

DJ: Let’s go out para mahanginan ka naman and smell the polluted air.

Bebs: Saan naman? Di ako gumigimik.

DJ: Istarbak. O nood tayo movie. Kung Fu Panda! Para di na natin kailangan mag-isip.

Bebs: San ka pala nakatira?

DJ: Lapit lang, Cavite!

Bebs: Isang block lang pala e.

DJ: Uu. Dati nga uwian ako Cavite to UP Diliman.

Bebs: Nilalakad mo lang pala. Musta ang varicose veins mo?

DJ: Eto, wala na masyado. Nagspray ako ng baygon para mawala.

Bebs: Sana ininom mo na rin.

DJ: Ayoko. Masyadong mapait. Kahit lagyan ko ng asukal and moth balls, mapait pa rin.

Bebs: Try mo muriatic.

DJ: Acidic ako eh.

Bebs: Papel kaya? Sawsaw mo sa toyo.

DJ: Ay. Alam mo ba na mas masarap ang papel na kulay dilaw vs papel na kulay brown. Yellow pad vs. brown envelope. Wahhahahah. Nablog ko siya dati.

Bebs: Mas masarap ang newspaper na binalot sa tinapa.

DJ: D masyado. Haha. Syet, pareho na tayong bored.

Wow. How profound this text messaging discourse.

Latag lang

Posted in 'zup?, films, life with tags , , , , , , on June 1, 2008 by dam-dam

Pakshet. At last, pagkatapos ng napakahabang panahon na halos dalawang linggo o mahigit pa yata, me nagawa na rin akong rough cut ng TYG. Ibig sabihin, dalawang linggo akong wala sa sibilisasyon at kasa-kasama ko lang ang aking pinakamamahal na laptop na si Briccio. Katulad nga ng lagi kong disclaimer ke Dante pag nakakagawa na ako ng rough cut, “latag lang…….” Pang-iwas okray haha. Kaya nga rough cut e, dahil rough siya.

Masasabi ko na ang “Tirador” ang pinakamahirap na pelikulang inedit ko. Walang logs, walang sequence numbers, wala lahat. At mukhang halos mga ganong lebel na rin ang TYG. Sa TYG naman kasi, medyo nahirapan akong iedit siya, given na hindi ko nashoot ang lahat ng mga naisip at gusto kong gawin kaya kelangan ko rin mag-adjust sa editing. May mga biases kasi ako bilang tagasulat at nagdirek pero kailangan kong magpakaeditor at the same time. Kadalasan, ang mga editor ang objective, logical mind sa proseso ng pelikula at tagapukpok sa ulo ng direktor kapag masyado na itong inlove sa mga shots niya.

Kumusta naman kung ako lahat yun bilang tao.

Ang alam ko, si Bb. Joyce Bernal, sinisigurado niyang siya ang gumagawa ng rough cut ng mga pelikula niya. Kokonting full length directors lang ang alam kong nag-iedit ng sarili nilang mga pelikula, example na si Lav Diaz at yung director ng “The Gymnast”.

Dapat ang pinakamagaling kong bebe Shitzu ang iedit nito pero since Bisaya ang dialogues, naisip kong baka mahirapan siya. At yun nga, me mga ibang parte sa iskrip na di nasunod at karamihan ay di magkasundo ang mga logs at id, haha. Paging Peky Ladinyot.

It took me quite a while na ipsyche at ilapit ang sarili ko sa personang editor. Multiple personality ito kaya after several days ng hibernation, sumapi na rin sa katawan ko ang kaluluwang yun.

Marami akong natutunan sa prosesong ito:

1. Mahirap iedit ang sariling pelikula. Ibang usapan kapag short film siya kasi short. Kapag full length na kasi, full na siya. Kaya ang nangyari, natagalan ako sa psyching up at sa pagtatrial and error ng mga clips.

2. Mahirap gumawa ng road movie pero kapag may ganitong pelikula pa uli, gagawin ko pa rin siya. Sa mas malaking budget siyempre, haha. Sa TYG ko natutunan ang magmake do with what I have. Kaya resourceful kung resourceful, kembot kung kembot ng mga kung anong pwede mapalibre.

3. Magagaling ang team ko. Di ba Maxi? Musta ang bestfriend mo? Haha.

4. Ang di paglabas ng bahay ng matagal-tagal ay nakakaburat, nakakaputi, nakakatipid sa tubig at damit, nakakaburyong at nakakadry ng buhok.

5. Nakakadugo ng ilong ang magtranslate ng Bisaya papuntang English, lalo’t gay linggo. Ano nga ba ang English ng char at echosera? Ang makakasagot, may kiss.

6. Iba na ang magiging editor ng susunod na pelikula. Oi, nangangarap na me susunod.

Kaya pagkatapos ng latag mode na ito, isang linggo na naman ang bubunuin ko para sa final cut. Yiiii. Excited nako magcolor grading at maglatag ng audio.

Excited na rin akong ipalabas siya. Yiiiiiiiiiiiiiiih.