Kasal lang ba?

Gusto kong maniwala sa isang kwentong happy-ever-after. Katulad nga ng mga nangyayari sa mga fairy tales at soap operas, ang konsepto ng isang successful love story ay ang engrandeng kasalan sa ending, sa isang napakalaking simbahan at ang pagsabog ng mga pulang rosas.

Masayang malaman na umiebolb na ang mundo at mas malawak na ang pananaw at pagtanggap nito sa kaganapang pwede nang magpakasal ang dalawang taong pareho ang kasarian pero sa tingin ko, may mas malalim pang isyu kesa sa “fight for equality” sa gay marriage.

Mahaba, masalimuot, mapait at madugo ang pakikipaglaban ng LGBT para makamit ang karapatang ito at walang duda na ito nga ang gusto nating mangyari para sa ating mga sarili. Pero nasagi na ba minsan sa ating mga isip kung handa na nga ba tayo sa isang pagsasamang (ideally meant to be) permanent? Hindi ako eksperto sa samahan ng mga tomboy pero sa nakikita ko, ang mga relasyon nila ay mas matibay at mas nagtatagal kaya ang cynicism kong ito ay mas applicable sa mga bakla.

Hindi ko maideny na marami ring mga baklang relasyon ang nagtatagal (at may mga kilala akong couples bilang patunay, yung mga tipong umaabot ng mas higit pa sa limang taon ) pero sila ay mga rare breed sa mundo ng kabaklaan. Hindi sila ang representasyon ng kung ano ang dynamics ng gay relationships. Kumbaga pa sa ratings survey, mga 100 (or less) lang sila sa household samples na kinabitan ng metro.

Naniniwala ako na sagrado ang seremonya ng kasal at karapat-dapat lamang na maramdaman din ito ng mga bakla pero ang totoong struggle ng mga bakla ay hindi ang pakikipaglaban para sa karapatang makasal kundi ang mga pansariling laban natin sa pakikipagrelasyon at kung paano ito gawing pangmatagalan (o makabuluhan at the very least).

Ang bakla ay natural na makati at malibog, parang mga pusang umuungol sa gabing may full moon; adventurous at mahilig makipagsex sa iba’t ibang tao, parang mga tipaklong sa talahiban at hindi nakukuntento sa isang katawan at putahe katulad ng isang glutton.

Karamihan ng mga baklang relasyong nakita ko ay sandali lang ang itinagal. Nagiging norm na ang pag-aaway dahil sa mga trivial at mabababaw na bagay. O hindi kaya naghihiwalay dahil biglang nafall out of love, nagkaroon ng one night stand na iba dahil hindi siya satisfied sa sexual life niya sa partner niya (or worse, trip lang talaga niya ang magpapalit-palit ng kasex). Napakasuperpisyal ng mga dahilang ito para matapos ang isang relasyon pero napakacommon niya.

Hindi pa nga umaabot ng seven-year itch, hiwalay na. Hindi pa tapos ang getting to know stage, nag-away na. Hindi pa nagkakaalaman ng apelyido, bye-bye na.

Oo, ang mga ganitong kaganapan ay nangyayari rin sa mga straight relationships pero ang bilang ng mga relasyon na nagtatagal ng isang araw hanggang isang linggo ay hindi ganun karami kumpara sa kung gaano kababaw at kabilis nagtatapos ang mga baklang relasyon.

Naniniwala ako na mas malalim pa sa gender issues at double standards ang gay marriages dahil kahit sabihin man nating makati, malibog, adventurous, mahilig makipagsex, mapusok ang mga straight, ang mga bakla ay dapat humarap sa isang napakalaking challenge na gawing mas pangmatagalan ang relasyon sa isang kapwa bakla na hindi lamang 3rd party at/o pananawa lang ang nagiging dahilan ng hiwalayan. Ang mga bakla ay hindi nabubuhay para ipattern ang ating mga life at relationship dynamics sa mga straight pero hindi ba’t isang accomplishment para sa ating mga sarili at para na rin sa baklang lahi na kaya rin pala nating magdala ng matino at maayos na relasyon.

Pero paano pa masustain ang isang baklang kasal kung ang pakikipagrelasyon lang na hindi itinatali ng isang seremonya at mga piraso ng pinirmahang papel ay isa nang malaking failure? Sana huwag gawing laro ang gay marriage dahil ipinaglalaban ito ng mga taong mas naiintindihan ang importansya nito. Hindi ito pang-glamor lang. Hindi natatapos sa seremonyas o sa kilig phase lang. Hindi ito bahay-bahayan.

Ang gay marriage ay para sa dalawang taong willing na ibigay ng buo ang kanilang mga sarili para sa kanyang partner at sa pamilyang pinaplano nilang buuin dahil ang kasal ay hindi nilikha para mapanatili ang existence ng divorce. Ang kasal ay nalikha para sa isang kwentong happy ever after na pinag-eportan at pinagpagurang itayo ng dalawang taong pursigidong gawin ang mga ito.

Gusto kong maniwala na ang mga bakla ay marunong magpahalaga ng commitment at kasal para hindi naman masayang ang ganito ka-rare chance na mabigyan ng lipunan ng equal rights. Pero sa aspetong yan, mukhang malayo pa ang lalakbayin at gagawing eport ng mga bakla. Matuto muna tayong ikondisyon ang ating mga sarili sa pagpasok sa isang monogamous na relasyon bago tumalon sa isang mas mahirap na pakikipaglaban na tinatawag nating kasal.

Biglang allegated

Aba, nagising na lang ako isang umaga (aktwali, hapon, dahil nga baligtad itong body clock ko) na magiging bisi-bisihan ako this week, more than the usual. Iiedit ko ang bagong pelikula ni Adolf na heggard mode dahil kailangan matapos in time for Cinemalaya. Oo, may konsepto si Adolf ng pagko-quota ng isang pelikula kada buwan, haha.

Ibig sabihin, konting breather from TYG which is not necessarily malaking espasyo dahil simula Tuesday ay audio mixing na kami. Wednesday at Thursday ay dubbing days. Konti lang naman, mga bakol (buckle) moments lang at ibang mga karagdagang dialogues at singit. Which reminds me kailangan ko nang isulat ang mga dapat isulat. Go utak. Go work.

Tapos uuwi pa ako sa Davao by Friday para magdub naman dun. Sayang at haggang Monday lang ako dahil kailangan ko na umuwi para mafinal mix na ang mga bagay-bagay.

I’m meeting up Nono later to check if nakagawa na siya ng score. And the most fun part? Ang pagfinalize ng mga kanta para sa soundtrack. Pili dito, pili doon. Saya. Gusto ko kasi mixture of Visayan, Tagalog and English songs ang magiging soundtrack. Hankyut kasi.

So far, eto na yung mga songs na parte ng pelikula:

Naroon by Michael Cruz. Ito ang magiging TYG theme. Ito ang kantang laging kinakanta ni Macario, yung character na walang talent pero mahilig magitara at kumanta.

Churvaloo by Haphazard. Oo, ito ang chur chur, mega mega chur chur song na nasa . Sana matuwa ang mga manood kung paano ito ginamit sa pelikula. Kebhhheeeerrrrr..

Paghihintay by Roxymorrons. Very catchy song from the Roxys. At dahil magaling ang bandang ito, marami silang mga kanta na ipifeature sa TYG tulad ng Gunita, Anywhere, Christmas R&R at Boom. Wooh. Dami. AB! Gawa na tayo ng bidyo hehe. Happy berdey nga pala Roxys!

Crown Me Queen by Chris Uy. He responded dun sa isang article ni ginawa ni Chris Fabian (salamat Chris!) sa Mindanao Times tungkol sa aking paghahanap ng mga kanta para sa TYG. Ayun, ginawa niya talaga ang kantang ito para sa pelikula. Very upbeat-upbeatan and nice. Bagay talaga sa mga thank you girls. Crown me queen!

Kalibangon by Reggztheory. Banda mula sa Davao ang Reggztheory. Parte sila ng isang rock wave sa Visayas and Mindanao na tinatawag nilang bisrock. Bisayang rock. Tungkol sa mga natatae ang kantang ito. Pero walang toilet humor ang TYG, ha. Kakatawa kasi ang lyrics. Metaphoric? Ewan. Baka. Haha. Meron rin silang isa pang kanta na kasali, yung Saliva.

Kampay by Kampai. Ang bandang ito ay minamanage ni Nestor (oii, idol) at katunog nila ang Kala. Magaganda ang mga kanta nila and currently they’re recording songs for their debut album.

Ayaw na by Campus Mate. Bisrock band naman sila galing Cebu.

Exasperation by Chui Sulit. Si Chui ay isang talent mula sa Davao. Magandang mabagal na kanta.

May mga kantang bisaya pa hinihintay ko na lang ang “oo” mula sa mga bandang hiningian ko ng permiso.

Kapag natapos na ang official site ng TYG, ilalagay namin doon ang bio ng mga bandang ito at siguro mga 30-second samples ng mga kanta nila. These unsigned bands deserve to be given their break lalo na ang mga bisrock bands.

Mukhang for the next two weeks, mawawalan na naman ako ng social life nito pero go lang. Kung saan lulunurin ng daluyong, sasabay lang ako. Natutuwa ako’t bisi-bisihan ang mga buhay-buhay. At finally, by that time, tapos na talaga ang TYG.

At sa mga naghihintay kung kailan talaga ipapalabas ang pinakabaklang pelikula sa lahat ng mga baklang pelikula, abangan na lang ang isiset na final date. Dadating dito next week ang aking butihing prodyuser na si Jim at mapag-uusapan na namin lahat ng iskedyul. May mga balak pa kasi kami sa pelikula na sa ngayon, hindi pa pwede ireveal.

In the meantime, mag-abang-abang na lang muna sa 24 Oras at baka sakaling swertehing ifeature uli kami sa Chika Minute tulad ng ginawa kay Gie noong Friday. Huwaw. Chikaaaa Minute!

Nang dahil sa "Lobo"

Kaya kita namimiss Bols, eh. Kahit ganyan ka. Lagi tayong may pinag-aawayan sa mga bagay-bagay, tulad nang pinag-usapan natin kanina. Pero hindi talaga kami nag-aaway.

Bols: uy ano na ung Ma.?

Bebs: wala


Bols: eeeeeeeeee


Bebs: nilagay lang daw niya pampaswerte

: which turned out hindi siya sinuwerte hahaha

Bols: ehehee. sino ba sinuwerte dun?

Bebs: weird di ba
: gaga talaga un
: bols libre moko tonight
: lalabas ako ng bahay after a long time e

Bols: wag ka muna lumabas ngaun
: the coast is not clear

Bebs: why not clear?

Bols: you know, people don’t like me

Bebs: mamayang gabi pa actually
: lika dinner tayo
: punta kasi ako gma7
: samahan moko
: lika na dinner tayo or coffee (buwhahhah)
: mamyang gabi pa naman e

Bols: hehe i have to go straight home

Bebs
: potaka
: ngayon lang ako umiimbayt
: hmf
: my new love na banda
: check this out
: http://www.youtube.com/watch?v=XVnRzEjpUmE

Bols: sorrrrryyy
Bols: kasi naman…

Bebs: hmf
: ganyan ka
: pag iba umimbayt sayo. fly ka kagad

Bols: hey, what does Embedding disabled mean? What does Embedding mean? (benta to)
: gagu wla akong pinipili. kahit kanino di ako sumasama

Bebs: ahhahahahahha
: wushu
: pokpok ka kaya

Bols: astig nung vidyooooo

Bebs: opkors!!!
: very video killed the radio star
: angganda ng kanta
: magaganda mga kanta nila actually

Bols: namiss ko ang Kulay

Bebs: chek mo ung iba pang mga songs nila
: waaaaaah kulay

Bols: delicious and burn and all

Bebs: waaaaaaaahhhh
: sana di na lang namatay ung isa di ba?

Bols: yung isang babae ba ung namatay? syempre hindi si rada no
: o si boom?

Bebs: ung maikli ung buhok
: si jennie ata ung name

: tapos pinalitan ni angel na blondie

Bols: mmm anu bang kinamatay niya?

Bebs: ewan
: di ko na maalala

Bols: payat pa ni rada nun

Bebs: 5 years old pako nun e
: me videos ba sila sa youtube?

Bols: yup meron pati commercial. astig ng CGIs ni boom. sabe sa bahay lang daw nila yan shinushoot
: at sila din ang nageedit, etc

Bebs: eto meron
: http://www.youtube.com/watch?v=P63SJOw5bEk
: to think hitech na yan nung panahon na yun
: bakit mo gusto ang lobo?

Bols: syempre at kung tutuusin mas maganda pa siya sa Bitiw ng spongecola

Bebs: ahahhaha
: at bakit ka aegis mode?

Bols: may gusto kasing maachieve ang lobo

Bebs: GUSTO

Bols: at kahit papapano naaachieve naman niya
: yung pagkafantastic naman nakuha yung core ng idea

Bebs: di ba siya overscored?

Bols: hahaha, of course.
: the irritating martin nievera
: but that’s beside the point hehe

Bebs: hindi
: even the other musical scores niya
: lahat ng scenes me music

Bols: sakin tolerable

Bebs: ayun, ung amerikana sa kulay ang namatay
: gf ata siya ni boom dati

Bols: genre-fixated pa rin ang ABS e,
: mahirap alisin sa sistema nila hanggat andun si charo santos, cory vidanes and the rest of the team
: to think si charo ay nasa mga pelikula ni mike de leon
: na ang tatahimik

Bebs: un ang akala nila na bibenta e
: late naman lagi evolution ng tv sa pinas e
: 10 years ago, me reality shows na
: ngayon lnag nagboom satin
: so give it 30 years to 40, magkakaroon na tayo ng weekly comedy series sa primetime
: parang sa states
: or mga weekly drama series

Bols: nothing’s wrong with that, i guess

Bebs: there’s wrong with it

Bols: mentality mo kasi

Bebs: ibig sabihn sa lahat ng bagay
: mabagal evoution natin
: hindi tayo ang gumagawa ng culture

Bols: wala namang masama

Bebs: tayo ang nanggagaya ng culture
: nga pala

Bols: mmm, so ibig mong sabihin orihinal lahat ang ginagawa ng mga taga US? hindi no

Bebs: naaalala ko na yung pepsi commercial nila
: kaya pala nawalan sila ng career

Bols: expansion of culture yung tawag sa ginagawa natin. not necessarily copying
: at hindi naman US ang basehan

Bebs: jinx daw kasi ang magpepsi commercial
: hindi ko sinsasabi na sa US lang
: the thing is
: US lang ang lagi nating basehan ng kultura

Bols: natin? ikaw lang hehe

Bebs: sige nga, sabihin mo sakin ano siya kung hindi siya copying
: everywehre you go, lahat kopya
: pano mo matatawag na expansion of culture un?

Bols: iba-iba kasi ang sensibilities ng tao. kung sayo pangongopya siya, sakin pagpapalawig lang.

Bebs: dapat, culture starters tayo, hindi copycats
: or if u wanna put it this way, “glorified version”

Bols: blurring of boundaries. bat may masasabi ka pa bang ORIGINAL ngaun? ang TYG ba ay original? masasabi mo bang hindi ka naimpluwensyahan?
: culture starters tayo, baka hindi ka lang din aware

Bebs: bakit sinabi ko ba na walang impluwensiya ang tyg?
: what im trying to do is divert it from my “influence”

Bols: hindi nga. in relation to what you said, hindi tayo nanggagaya. naiimpluwensyahan lang

Bebs: kung meron nga siyang direct influence, which i doubt
: so bakit hindi tayo ang mang-impluwensiya?
: bakit masaya tayo na maimpluwensiyahan?
: maimpluwensiyahan LANG

Bols: anu ka ba — ever since nabuo ang mundo, lahat tayo naimpluwensyahan lang!!

Bebs: bakit ung iba, kahit sabihin nating nainfluence sila, bakit they’re trying to make it look different from the influence
: iba ang naimpluwensiyahan sa nangopya bols

Bols: matter of perspective din kasi – – para sayo, ganun. sakin hindi

Bebs: and im saying, we’re coypying

Bols: yes, we’re copying. but doesn’t everyone else do it too? masyado mo lang sigurong sinisingleout ang mga pinoy. don’t be too hard on youyr race.

Bebs: im not being hard on my race
: i’m proud of my race, not on the things we do

Bols: absurd logic

Bebs: kahit ikaw mismo di ba

Bols: virtual admiration?

Bebs: ayaw mo sa mga gingawa ni charo
: so what do u want them to do?
: other than copying

Bols: ye, i can see its good points

Bebs: what do u want them to do
: because all they can do is copy
: or make glorified versions

Bols: i’m proud of my race despite the shortcomings
: which does not make it necessarily BAD.

Bebs: hindi yun virtual admiration

Bols: the local version of my girl is good

Bebs: im proud of my race and i’m gonna do something that will make them see us not as copycats
: yan ang virtual admiration

Bols: “make them see us” – e di ginagawa mo yun para sa ibang lahi!

Bebs: ayan ka na naman
: mali ka na naman ng perception

Bols: gusto mong magpasikat sa kanila

Bebs: hindi yun pasikat
: it’s changing the image
: as if naman hindi ka french addicted

Bols: well good intention
: haha nakakatawa ka. kailangan mong mamersonal e hindi mo naman talaga ko kilala

Bebs: yeah right
: look who’s talking
: you even assume you know me better than myself
: lahat ng opinyon mo, sa sarili m rin naman nanggaling e

Bols: kaya nga dapat ang basehan lang natin yung mga sinasabi natin dito. hindi yung ibang bagay,
: bat ba tayo napunta rito?

Bebs: di ba pamimersonal yung sabihan mo ang isang tao na “virtual admiration”
: me judgement ka
: me opinyon ka
: about sa sang tao
: kaya pamimersonal din un

Bols: haha i can’t say anything more :))

Bebs: “mentality mo kasi”

Bols: nagsalita

Bebs: “natin? ikaw lang”
: “absurd logic”
: di ba pamimersonal?

Bols: nakakatawa yung mga taong kelangan iqoute sayo yung mga sinabi mo.

Bebs: then stand by what you said
: dahil sinabi mo ang mga yun
: repercussions

Bols: may sinabi ba kong hindi?

Bebs: so bakit ka natatawa
: like you dont quote people on ur reviews

Bols: may konteksto kasi ung pinaggalingan. don’t take those words out kasi nagmumukhang ginagamit mo lang siya at your expense.
: AT YOUR EXPENSE.

Bebs: its still quoting bols
: at may konteksto ang pangongowt ko sayo

Bols: yeah this should stop

Bebs: when purposes serve us right, dun lnag nagiging maganda ang mga bagay bagay no?

Bols: hindi naman. may mga tao lang na reckless.

Bebs: you referring to yourself?
: or should i give you a life size mirror?

Bols: ang akin lang, there;s nothing wrong with our culture; it’s with the people. kaya ang mga tao ang dapat icriticize, hindi yung culture. ayun lang. tuppence worth.

Bols: sana masaya ka na. 😀

Bebs: and as what ive said
: eto ang sinabi ko
: i love my race but not the things we do

At na-dc ako.

Super konyo and the kopi culture

E-wee. Like, I’m back from the dead na talaga. Like, I never in my wildest hunch talaga that I will be making waves again. Like, I thought talaga that I’m in the ashes na, like getting buried six feet under some kadere cemetery na. But, like, I’m alive pa pala. Ahihihihi.

Oh yeah, I’m Super Konyo, the great conyow, not the Zamboanga word for the mani of a girl huuuh. Like, a conyow, you know. Some kinda upper strata in the economic heirarchy of this third world country. E-weee.

Like, I always go to some cafe in the posh areas in the metro to meet my so-called friends like that. Like, my friends from college and we always make kwento to ourselves how we are making work na in the real world. This real world is making me crazy talaga. It’s so ish! Like, many people so different from the people I encountered in college and from the skwa-kwa I used to live before I become like this social butterfly, ahihihihi. There are like, many, many bitches talaga, like, making gaya the monsteresque of Devil Wears Prada talaga.

Anyway. To chillaaawwwt mahself talaga from the burden of work, I meet up with my friends talaga in cafes. Like e-weee, no to Starbucks kaya. Like, it’s so not posh talaga. It’s like considered the masa of the cafes. It’s like the place to go for middle-class wannabes kaya. So I insist to my conyo friends din that we chillaaawwwt in like, Coffee Bean or UCC. Like GJ is sooo for oldies kaya and nobody goes there to chillaaawt. E-wee. And Seattle’s Best is like, a Starbucks wannabe kaya.

Like I always wonder why the kopi is so mahal there and the 3-in-one sachets are like a one-time buhos and drink na but still people are flocking there to buy a tall glass of coffee that is like so mahal talaga.

It’s like I don’t really drink kopi kaya but I love hanging out talaga in cafes because of the eye candies, you know, some metrosexual guys on the loose having some very kapal foundation and make-up in their faces with their buffed bods to make my drool flowing talaga. Ish. It’s so katurn-on talaga. Fierce! Their hands are even cleaner than mine talaga and its like, my gaydar is already turning round and round my head talaga like some psychedelic 80s video. Like, so many eye candies there making eyeball coffee-ing themselves and then go to a nearby motel na afterwards. Also, I get the chance to backbite people who are jologs with jologs dresses and jologs Tagalog language talking to each other, making so much ingay. Ish. Like now I believe a cafe is a glorified school canteen talaga.

And then, these people pa are taking pictures of themselves like, it’s a posh version of a Luneta Park talaga. Like, duh. They even use flashes pa! So ish talaga. So sakit to the eyes with that flash ha.

This pa. Just a scoop about myself. Like, I really don’t drink coffee because it’s like making me antok when I drink it so I just order some hot chocolate. And since I insist in the Coffee Bean, like even if their hot choco is so like far, far not masarap than Starbucks but I just tiis so I can be sosy kaya. Like, when I’m not with my friends, I secretly sneak in to Starbucks talaga to order their Signature Hot Choco. Fierce! Then I ran as fast as I could to labas myself, I’m just scared some kinda friends will see me. It’s gonna be like, so kakahiya.

Like, this cafes ha, are making patugtog some music that I don’t understand. They said, it’s gonna make you relax but like, some ironic twist of things, the kopi you’re drinking makes you like a very agitated human being kaya. Ish talaga. Why are some people so tanga in their analysis talaga.

There was one guy pa nga I overheard talking to his friends. He was like, very pangit talaga and like, he looks so poor. You know naman talaga when a person is like, mayaman and posh di ba. Like, the skin is gonna glow like a mayaman glow. But this guy is like so obviously a social butterfly talaga. He went on bragging and making his voice so loud pa, like, “hey pare, you should have gone to the gym kanina coz no one was there.” Like, the guts! Ish. Very mayabang with his poor-looking skin. I really wanted to throw talaga my hot choco on his face. Ish. Him and his fake conyo accent pa talaga. The nerve.

Like, okay, I’m gonna go na. Like this coffee culture is like getting into my system na. I’m gonna have so much stuff to say pa but I’m like I don’t have a budget for a wifi card to buy in that cafe. Like, I’m gonna find na lang some free wifi zone na lang. And oh, at least I got to like, open my laptop and making show to everybody that I have one talaga.

Like, showing-off is a necessity in that kind of world talaga. Ish!

lipat bahay

Dahil modang gypsy at inaatake ako ng ADHD kada isang taon, eto’t lilipat na naman ako papunta sa aking pangatlong blog.

Sa mga naglink sa akin, pakiupdate na lang at ituro na ang mga nguso papunta sa address na ito:

http://bebsisms.blogspot.com

WordPress, magdagdag na kasi kayo ng features. Nakakabore kayo. Isa kayong malaking buraot. Kayong mga empleyado ng wordpress diyan, wag niyong tangkaing burahin ang mga dating entries ko dito ha? Hintayin niyo munang mailipat ko silang lahat sa blogspot ko.

Bye.

tyg at daybreak

At last, locked na ang TYG. Tapos na ang edit. I met up with Nono this afternoon para ikyeme ang music. And soon, audio mixing na. Soon, as in this weekend na. Di ba, Adolf? Malapit nang matapos ‘to! Pakshet! Next project na, please. Para magkapera na ang butas-butas kong bulsa. Char.

Nga pala, lumabas na ang DVD ng ‘Daybreak’ at nandoon kasama sa special features ang tsaran… TYG Teaser, Adela Trailer, Alternative Ending at iba pang bagay-bagay katulad ng isang napakalaking Photo Gallery na may mga hubad na katawan nina Coco at Paolo. Kaya bumili na kayo ng maraming, maraming kopya para madagdagan pa ang bonus kong si Briccio. Kareh?

veronica mars

Can’t get over Veronica Mars. This is one of the shows that should have lived a longer life, unfortunately, CW decided not to give it a fourth season. But this cult hit has made fans clamoring for more, even sending petitions to CW executives and yes, Mars chocolate bars.

Since naging abala ako sa mga bagay-bagay, hindi na ako nakabili ng dvd ng 3rd season kaya wala akong clue kung ano na ang nagyari sa aking favorite detective sa kanyang first year of college (to think matagal na itong wala sa ere). I chanced upon this site at lovet nga naman, lahat ng shows at films na di ko pa napapanood ay pwede nang mapanood online.

Kaya magmamarathon ako ng fatale once matapos na ang TYG edit.

I sooo love the third season’s OBB plus acoustic-acoustican ang “We Used to be Friends” ng Dandy Warhols. Lovet. Ibalik niyo na ang Veronica Mars!!!!!!! At mahal ko pa rin so Logan. Eeeeeh.

lapit na

Editing of TYG is almost done. Oh gawd, it took me almost a month to do it and mind you, karamihan ng mga pelikulang inedit ko would almost take two weeks the most. Even one week with “Daybreak” and “Foster Child”. Dahil nga siguro unang pelikula ko ‘to kaya mas stressed ako, mas allegated at mas balisa.

I asked the great Shitzy to edit half of the final scene kasi mukhang nalula na ako and I need to gasp and take a breath of fresh air. Buti naman at gracious enough itong aso ko para paunlakan akong tulungan. Thanks Shitz!

Within this week, may final cut na ang TYG and so far, mukhang happy-happy naman kaya sana magustuhan siya ng mga manonood. Ayiiii.

After ng final cut, ipapaaudio mix ko na siya at ipapacolor grade. Oh, can’t can’t wait to see the final film. Nangingisay ako sa excitement. Ito nga pala talaga ang pakiramdam ng maging bagong parent.

I’m currently in the process sa pagbubuo ng soundtrack ng TYG. Meron na akong kanta ni Michael Cruz (Singing Bee) na pinamagatang “Naroon” which will be the film’s main theme. Siyempre, andyan ang baklang-baklang “Churvaloo” mula sa isang napakagaling na bandang Haphazard. And the catchy “Paghihintay” by Roxymorrons. Maraming Roxymorron songs ang nasa OST ng TYG at masasabi kong anggaleng-galeng ng bandang ito.

Marami pang ibang unsigned alternative rock bands and songs ang mapapabilang sa TYG soundtrack and I’m still looking for more songs. Kaya, kung me kilala kayo na unsigned bands na willing magpahiram ng kanta nila, dali na, ikontak niyo na ako.

Yiiiii. Ansaya-saya. At least, masasabi ko na malapit na nga matapos ang isang phase ng post-prod and I’m on to my next step.

Kaya mga people, let’s all HAIL THE QUEENS OF THE BACKSTAGE!!!

Define darkness.

Char!

cinemalaya 2008

I encourage everyone to support my friends’ Cinemalaya 2008 entries on July 11-20 at the Cultural Center of the Philippines.

FULL-LENGTH

RANCHERO Directed by Michael Christian Cardoz

Ranchero is about a day in the life of prison cooks. Michael submitted Ranchero’s script as a final project for his scriptwriting class with Sir Bing (Lao) so expect real-time storytelling and helluva lots of handheld shots with this one. It will also be screened in Paris Cinema before its premiere in Cinemalaya, I think on the first week of July. Looks like the film’s gonna have good times ahead.

Michael is a friend way back in our UP Film days. Naging orgmate, sometimes classmate, rantmate, etc. ko rin siya, kaya go, go, go Cardotch.

Eto, a very Michael Cardoz quote, haha: Nang dumating ang Cinemalaya sa buhay ko. Humaba ang buhok ko at nawala ang kakarampot na pisnging naipon ko sa pagka-bum.

Ayan, me purpose na sa buhay si Cardotch.

Know more about Ranchero here.

RANCHERO TRAILER

MY FAKE AMERICAN ACCENT (MFAA) Directed by Ned Trespeces

MFAA is a timely comedy about the life in call-centers and well, its agents’ personal struggles. I saw the funny trailer and I think hundreds of thousands of call agents are going to see parcels of themselves in this film.

Being an ex-call center agent himself, Ned is an insider and I’m going to quote Ned (taken from his blog):

The idea of making My Fake American Accent came about right after I had finished screening Trabaho in Cinemanila. I got myself a job in a call center. I would tell my girlfriend about my day at the call center and she would say that this would be a good idea for a film. I was one of the older people in my batch; average trainee age was around 19 to 22, I was already 31 then. I didn’t blab to my co-trainees about my age so that it would be easier for me to get the younger people to talk to me and tell me their stories. On my second week of training, one of my batchmates got himself some national media attention by climbing up a billboard and threatening to jump. Very cinematic indeed! I worked 11-hour shifts four times a week. The job lasted three months. Our US client pulled the plug on our account- not enough calls were coming in. I got a $100 bonus. And for some fluke reason, the company forgot to make me sign their mandatory training bond, so I didn’t have to take the account that they wanted me to transfer into. I quit and took some time off. Went on a road trip through Mindoro, Romblon, Boracay and Panay Island. After that much needed rest, I plunged into my second call center job. But that’s another story.

I met Ned and his co-proponent and co-writer Onnah when the 12 shortlisted semi-finalists were interviewed by the Cinemalaya Committee a day before the announcement of the 10 finalists. I like the concept of MFAA because it’s a comedy. Way to go, Ned and Onnah!

Know more about My Fake American Accent here.

MFAA Trailer

CINEMALAYA SHORTS

TUTOS Directed by LA YAMSUAN

Tutos is about the relationship of a father and his teenage daughter with sewing as metaphor. I don’t exactly know what tutos means but I’m sure it has something to do with sewing or sewing things together or something. This is LA’s UP Film Institute undergrad thesis and I’ve seen it during the thesis defense. I must say it’s one of the best films in the batch. The film is simple pero malakas ang tama.

Cinematography is done by no less than THE Sol Garcia, of course and edited by THE Shitzy, Leo Valecia.

Know more about Tutos here.

TUTOS Trailer

ikaw kaya ‘to

Hindi ba’t pareho tayong hindi marunong magmahal?

Kaya halika, samahan mo akong maglaro, maghanap at magmasid sa mga dumadaang hindi na natin masasalubong uli. Takpan natin ang ating mga mata, maglakad habang may nakasandal sa ating mga likuran. Madadapa tayo na walang galos ng alaala sa ating daraanan.

Sumabak tayo sa isang paglangoy na magtatapos sa araw ng ating paggising. (Hiling ko na hindi pa bukas o sa makalawa iyon). Itanghal natin ang ating mga sarili sa pinakamataas na pedestal ng ating pagkabulag at gawin mo ang lahat ng hindi ko kayang harapin.

Pakinggan natin ang sigaw na nagmula pa sa malayong kabihasnan at ibalik ito sa matagal nang nagmamatyag sa ating harapan. Ipangako mong magsasabay tayo dahil ang isang hakbang ko ay patungo sa maliwanag na kagandahan at ayokong lumabas sa kulungang kasama ka.

Huwag mo nang sundin ang kampay ng kanilang mga paa dahil mapipilay tayo sa mga ngiti nila. Tumitig tayo nang hindi kumukurap hangga’t hindi tayo bumabalik.

Hinding-hindi natin matutunan ang magmahal kaya halika na. Paglaruan natin ang isa’t isa.

hindi ito tribute kay glenn kulot

Medyo humaba na ang buhok ko, kulot na naman at dadagsa ang mga parmesan mula sa kanilang kamalayan. Hindi ako kumakain ng tofu o tokwa kaya dapat kalahati lang ang binabayaran ko sa order na tokwa’t baboy. Hindi ko alam kung ano ang kaibahan ng tofu at tokwa. Ayoko rin ng sashimi at sushi, hindi ko rin alam kung ano ang kaibahan nilang dalawa. Pareho silang Japanese food. Pero gustong-gusto ko ang kinilaw, niluto na kasi sa suka at pipino yun.

Hindi na ako adik sa Facebook at maraming-maraming salamat sa mga silent readers ng blog na ito (na nabibilang lamang sa aking 1-2-3 little indians), may nagtitiyaga palang magbasa nito. Salamat Ralph at Dickit. May silbi rin pala ang counter na nasa ibaba ng blog na ito kahit hindi ako mahilig sa mga forums.

Umuulan pero mainit pa rin. May narinig akong sumabog kani-kanina lang, malamang ito ang poste ng kuryente na malapit sa amin kaya biglang nagbrownout.  Doon sa may posteng yun nagtitinda ng masarap na tigsasampung-pisong barbikyu na lagi kong binibili tuwing alas-otso ng gabi. Summer ngayon pero bakit laging walang tindang yelo ang sari-sari store sa harap ng bahay namin. Sayang tuloy ang tinitimpla kong juice.

Ninety percent done na ang final cut ng TYG. Oo, antagal naman tapusin nito. Malamang, hindi matatapos ang Hunyo na di ito matatapos. Saan kaya ang world premiere nito? Wala akong ibang gagawin kundi ang maghintay ng bali-balita.  Ayokong pumunta sa Paris, andami na nila dun eh. Gusto ko, ako lang.

Nababother ako sa taong may malaking nunal sa mukha. Okey lang ke Stacie O. kasi nasanay na ako at bagay naman sa inosente(?) niyang mukha pero bakit may mga nunal na nailagay sa maling parte ng mukha? Hindi bagay. Panira ng hitsura. Maganda ang orange-black combination. Very dark at mysterious. Kelan kaya ako magiging mysterious? Gusto ko maging mysterious. Attractive ang mga mukhang mysterious. Kaya lang, balahura ako, halatang umaarte kapag nagpapakamysterious. At hindi ako magaling na aktor.

Iba ang amoy ng natuyong damit sa summer at tag-ulan. Masarap lagyan ng coffeemate ang milo. Hobby ko ang magtimpla nito nung shoot namin sa Batanes. Mag-iisang taon na nga pala yun, ambilis tumakbo ng panahon, kasimbilis ng mga kabayo sa Sta. Ana.

Kulot na uli ang buhok ko pero ayokong magpakalbo.

popcorns and cellphones

Yan ang literal na pop sa popcorn. Imagine niyo na lang kung ang utak ninyo ang nasa gitna ng mga cellphones na yan. Or to quote my bebe Shitzy, “my phone’s always in my pocket”. Yay. I can imagine.

Naisip ko tuloy na kaya umabot ng 150 years ang mortality rate ng mg tao sa panahon ng bibliya dahil wala pang cellphone noon. Or technology for that matter

nagmamayabang at choosy ako

Dahil hino-haunt pa rin ako HANGGANG NGAYON sa sinabi ni Jerwin noong medyo ilang buwan na ang nakakaraan, eto’t naaaligaga ako.

Sabi niya: Bebs, malakas ang appeal mo sa pangit.

Potah ka Cranks! Mukhang nagkatuloy-tuloy na nga ang sumpang ito. Araw-araw, ang average number of messages na natatanggap ko sa G4M mula sa mga “pangit” ay: 5.

At ang average number ng pagreply ko sa kanila ay: ZERO.

Hoy, mga panget! Di ko kayo type, ok. Wag na wag na wag niyo nang hingiin ang number ko o magdemand na maging textmates tayo o maging ka-YM ko kayo o maging friends tayo. I have millions of them kaya di ko na kayo kailangang idagdag pa, mga peste! Kung pupuwede lang, wag niyo nang iview ang profile ko kasi naalibadbaran ako kapag nakikita ko na araw-araw, kayo-kayo lang ang bumibisita dun. Nakakawala kayo ng self-esteem eh!

Para me idea kayo, eto ang type ko: MGA PERFECT LOOKING PEOPLE!

Kung hindi niyo pa maintindihan ang ibig kong sabihin sa deskripsyon na ito, pwes, sasabihin ko sa inyo na sila ay yung mga lalakeng kamukha lang naman ng mga modelo sa magazines, yung mga tipong malalaki ang katawan na walang ibang ginawa sa mga buhay nila kundi magturok ng steroids o magbuhat sa gym. Perfect ang kanilang smile, yung tipong nakakatunaw ng libido at ang mga mukha nila ay nagpapatunay na minsan, hindi talaga fair ang Diyos.

Matatangkad sila, katulad ng mga modelong rumarampa ng naka-bikini briefs sa mga fashion show o nambabalandra sa mga billboards at print ads. Mukha silang mabango at naliligo, parang mga pornstar na walang bahid ng dungis sa katawan. Mapuputi sila, yung tipong isang galong gluta ang iniinom araw-araw.

Wala akong plano na patulan kayo dahil allergic ako sa pangit at ang gusto ko lang maachieve ay ang magkaboyfriend ng mga lalakeng EPEKTO NG PHOTOSHOP!

Kaya, kayong mga pangit, huwag niyo na akong iritahin, pwede? Stop na. Wag niyo nang letsehin ang araw ko. Dahil kung sa mundo niyo, Adonis na ang tingin niyo sa akin, pwes, sa mundo ko, mas masahol pa ako sa hitsura ni Gollum na milya-milyang paligo ang lamang sa akin, ok!

Huwag kayong mag-alala at matuwa na kayo sa katotohanang pare-pareho lang tayo ng kapalaran. Kung sa paningin ko ay libag lang kayo, para sa mga perfect-looking people na pinapantasya ko, tae ako.

Kaya ganti-gantihan na ito. Kung di man nila ako kayang patulan, pwes, ipapasa ko sa inyo ang aking pagkamuhi at di ko rin kayo papatulan no! Tumigil na kayo at wala kayong mapapala sa akin. Sa parehong sitwasyon, since wala rin akong mapapala sa mga perfect-looking objects of my antasies, tabla-tabla na lang.

Isa nga lang ang pagkakaiba natin, mga panget: KAYO, malakas ang loob niyong imessage ako habang AKO ay nakamasid lang, nakatingin, naglalaway at nangangarap at nilalamon ng takot na bigyan sila ng mensahe.

Dahil ang totoo niyan, nabibwisit rin ako sa kanila! Kung kayong mga pangit ang mga kuhol sa kabukiran, ang mga PERFECT-LOOKING PEOPLE ang totoong mga SALOT NG LIPUNAN! Mas masahol pa sila sa mga janitor fish sa Marikina River. Ang mga taong ito ang dahilan kung bakit mababa ang tingin natin sa ating mga sarili at kung bakit mataas ang presyo ng bigas, gasolina, matrikula at pamasahe.

Pero mga pangit, tigilan na ninyo ako ha. Di ko pa rin kayo type. At hindi ako natutuwa kapag pinaflater ninyo ako. Kasabot!