batanes pics

More in my Multiply account.


These are the hands that took them.


Sunset. Took this while I was in the service vehicle on our way to Sungsong.


Jerome and Marlon in Marlboro Country. Right, a view of Pacita owned by Cong. Abad. I heard he had this built for his daughter’s wedding next year.


In Chavayan. It was the most stunning location we had.


Perfect for emo mode.


Doors and windows.

Advertisements

cinemalaya 2008 semi-finalists

CINEMALAYA 2008: SEMI-FINALISTS OF FULL LENGTH CATEGORY

No. TITLE FILMMAKER

1 100 Chris Martinez
2 Abalorio Norman S. Regalado
3 Ang Tagabasa Dale Custodio
4 Antiparang Basag Edith Asuncion
5 Asan na nga ba si Tupe? Carlo F. C. Castro
6 Baby Angelo Joel Ruiz & Abi Aquino
7 Bakal Boys Ralston Jover
8 Bantay Marinette Lusanta 
9 Biyaheng Norte Bong Ramos
10 Brutus Tara Illenberger
11 Frames Enrico Aragon
12 Huling Pasada Paul Sta. Ana
13 Jay Francis Xavier E. Pasion
14 KAHOS: The Purge Boyette Rimban
15 Konsyerto sa Kagubatan Paul Y. Morales
16 Kristo Jerwin D. Espiritu
17 My Fake American Accent Onnah Valera
18 Namets (Yummy) Jay Abello
19 Ranchero Michael Christian Cardoz
20 Sa Ilalim Ng Aratiles Pam Miras
21 The Gift of a Smile Emmanuel dela Cruz
22 The Thank-You Girls Charliebebs Gohetia
23 Tinig Sa Dilim Ellen Ongkeko-Marfil & Froi Medina
24 Tres Marias (1) Liza Cornejo
25 UPCAT Roman Carlo Olivarez

wuy si jodi (wala yatang ‘e’)

Disclaimer: Hindi ito ang pinakamagandang kuha ko with Jodi. Bangag lang ako nung mga panahong ito. Si Tonee kasi, antagal ibigay yung ibang mga pics.

Sabi ko ke Adolf (Alix) nung September sa shoot ni Raya Martang, ‘huy, Adolf, raket naman diyan’. Wala akong iniedit na pelikula nun. Dalawang buwan rin akong nagpalamon sa pahinga at katamaran.

Sabi ni Adolf ‘sige, me gagawin akong digital, sama ka.’ Tungkol daw sa mga nurses. Anong gagawin ko, tanong ko. Wala na raw ibang position, sabi ni Adolf. Basta go na lang daw ako sa pre-prod sa Baang Cafe (di ba, BangBang yun?) sa Morato. Lumipad naman agad ako.

Andun ang producer, si Carl Balita. Sikat pala siya sa nursing review industry. Aaaah. Pinakilala ako ni Adolf, sabi ako ang script con. Haaaa? Ako? Ayoko na magscript-con. Ansakit kaya sa ulo nun. Siyet.

Cut to.

Me binigay na downpayment ang line producer na si Carlo Maceda. So, tinanggap ko na. Tutal, seven days shoot lang naman.

Cut to.

Gabi, exterior, sa Binangonan Rizal. Masaya kaming nagbabonding ni Jodi at pinramis ko sa kanya na gagawan ko siya ng write-up sa blog ko.

Dissolve. Flashback. Flash of white ang transition.

First day. Ay, si Jodi Sta. Maria pala isa sa mga artista. At si Agot. Naku, impression ko pa naman sa mga yan, matataray. Hala. Unang encounter ko ke Jodi, nasa car siya, kunwari first day of school, magkikita sila ni Agot. Kami ni Jerome ang stand-ins nun.

Sabi ko ke Jodi, ‘Miss Jodi, papicture naman, for continuity lang’. Ngumiti siya. Yung usual Jodi smile na may kasamang mapupungay na mata. E angganda pa naman ng mga mata ng babaeng yun. Tapos, itinaas niya ang dala niyang mga libro at di talaga natanggal ang ngiti sa mukha niya. Pagkatapos ko siyang makunan, sabi niya ‘thank you’. Huwaw.

Lagi kong naaalala si Jodi bilang si George sa ‘Tabing-Ilog’. (Jods, patawad pero sasabihin ko talaga na me konting hawig ka ke Via Veloso, yung sexy star nung early 2000.) Tutomboy-tomboy ang role niya dun. Kakatuwa silang tingnan ni Baron Geisler, yung laging clueless na si Fonzy.

‘Tabing-Ilog’ baby ako bilang tao. Kaya lagi ko siyang inaabangan linggu-linggo. Iba yung chemistry nila ni Baron. Me konsepto ng pagkamatining ang boses ni Jodi kaya pag nag-aaway sila ni Fonzy, nakakatuwa. Kinu-complement nila ang mga characters nila. Si Fonzy, yung batang walang disposisyon sa buhay at si George yung laging pumupuno dun dahil sa kanya laging nakasandal si Fonzy.

Pero nagrigodon ng loveteam yung show. Naging si George at James (Patrick Garcia). Okay lang din pero iba talaga ang tandem nina Jodi at Baron.

Napanood ko si Jodi sa ‘Jologs’, isa sa mga pinakapaborito kong pelikula sa buong buhay ko (abangan kung anung numero ko siya ilalagay sa aking 80 Most Favorite Films). Vestal virgin naman siya dun. Dun ko nakita na oo nga, anggaling nga ni Jodie. Kaya niyang gumanap ng anong role.

Kakatawa yung eksenang magsi-sex na sana sila ni Patrick pero dumating yung tatay niya at nagmamadaling tumakbo palabas ng condo si Jodi.

Tapos, anggaleng niya sa ‘Bagong Buwan’. Paano kaya niya hinugot yung arte niya dun bilang babaeng manganganak na pero wala ang asawa niya.

Pagkatapos nun, di ko na alam kung me mga pelikula pa si Jodi o tv show kasi di na ako masyadong nanonood sa ABS nun.

Nung nasa Binangonan kami habang nagsu-shoot ng ‘Nars’, ang tawag ng mga tao sa kanya ‘Cynthia’. Wonga, yun pala yung role niya sa ‘Walang Kapalit’. Angganda nga ng reviews ke Jodi dun bilang lunatic na walang ibang kasalanan kundi magmahal ng sobra. Though sumemplang ang ending, bawi naman daw sa akting ni Jodi. Huwaw.

Sana pala sinubaybayan ko yung ‘Walang Kapalit’, at least dahil man lang sa pagiging saving grace si Jodi dun.

Pinahanga ako ng babaeng yun nung sinabi niyang ‘I don’t want to be just a celebrity, I want to be an actress’. Magaling umarte si Jodi. In fact, sa ‘Nars’, dalawa sila ni Agot na magagaling. Masaya ako na kahit mainstream ang orientation niya, willing si Jodi na umarte sa indie kung yun ang magpapagrow sa kanya.

More than that, professional katrabaho ang babaeng yun. Masaya pang kakwentuhan sa set, walang arte, walang kyeme. Nabura lahat ng impression kong mataray siya (si Agot masaya ring katrabaho).

Akala ko pa naman kasama siya sa ‘Batanes’, sayang. Mas masaya sana kung andun siya. O ayan Jods, eto na utang ko sayo ha. Sana makatrabaho pa kita uli at sa ‘uli’ na yun, sana ako na ang direktor mo. *Ngiti*

i will post the landscape pics some other time…

..in the meantime, camwhoring first.


I know, cute lang.


With Iza, upon arrival in Batanes.  Right, with Sid upon arrival in Sabtang.


In Sabtang, left, with Kuya Rolly (PM), Adolf (Director), Maxie (Asst. Line Producer) and Armi (Script Continuity. Right, ako ang real ‘Masahista’, not Coco.


Ganun kagutom si Sid.  Right, umaanggulo si Coco (as usual).


Oo, me konsepto ng crane shotssss ang pelikula.  Right, sa bahay yan where Ken stays.

the happy part…

Some random pics of the shoot. Oh, well not really very behind the scenes mode pero choosy ka pa ba? Detailed story sa susunod na pag me maayos na akong internet connection dito. Dami ko sana ikikwento. Naglalaway kayo no? Bleh. More on my Multiply and will upload more soon.

From top to bottom, left to right:

1. Some vanity.
2. A fisherman tries his made-in-Batanes rod.
3. ‘Batanes’ co-director Adolf Alix (the other one is Ignite Media’s Dave Hukom), Iza Calzado in the middle and Piolo look-a-like Joem Bascon who plays as her Ivatan husband in the film.
4. Pointing at nothing in particular at the Chanaria Shelter Port.
5. Vanity pic, still at the Chanaria Port, taken this afternoon.
6. In Mahatao, first shooting day.
7. Oh yeah, some macho image at Chanaria. Tseh.
8. First shooting at Mahatao.
10. Harutan mode with Coco Martin shortly after he arrived from Manila (with Sid Lucero).

im supposed to be bragging about batanes but…

I just lost him.

It was more painful than being rejected in that much awaited job interview or having let go of that only red balloon that we want to bring home after the kiddie party.  I feel remorse, more intense than the death of a lovely puppy.  In fact, the grief is anesthesia to my senses.

I will never see him like I’ve never seen him.  It gets hard when one of you stops understanding but you know that you used to understand each other.  It’s just that, one goes beyond not understanding how to understand.  The fights that go along with the friction aren’t orgasmic anymore.

Then, a heart suddenly chooses to stop beating for you.

He is the type who knows when to stop and when not to want anymore.  I saw this coming… just not tonight.  He dumped me simply because I don’t have time to spare for him.  Apparently, his concept of ‘spending time together’ is a 24-hour undivided attention regardless of insomnia and narcolepsy.  The only exceptions are the moments he travels in dreamland or he goes to Government or Farenheit or spends quality drinking sessions with his close friends.  I understand that he lived his own lifestyle even before we met and I have to grant him that.  But when he’s vacant, I have to be vacant, too.  If not, I’m declared as an unworthy partner.  Less than 24 hours for him, it’s not ‘spending time together’.  It’s allegedly a deliberate attempt at ignoring him.

My concept of spending time together is of quality staggered little moments.  I have to work my ass off, period.  As an editor, I don’t sleep for days.  As a production slave, I can only breath during break times.  I make sure I spend time with him, in any manner available to me, summing up to 6 hours a day.  The truth is, months ago when I was a bum, he had the entire of me almost 20 hours daily.

Here in Batanes, acquiring a cellular network is nosebleed.  Most locations are remote and we finish shooting after midnight.  During breaks, I eat while I virtually spend time with him.  While there’s a take (as long as there’s a signal), I spend time with him.  The wonders of technology.

Apparently, he couldn’t sustain to understand that I have to survive so I work myself to death.  He doesn’t think that while my body kills itself, my mind wanders, worrying about how his colds ruin his day.  Or his stomach ache could actually be appendicitis.  Or if he stuffs himself with just fried chicken, four meals a day.  Or paranoid that he might be in someone else’s arms.

I know he tried to adjust to being my work’s competitor and it was not easy for him to do that.  I appreciate that magnanimously, I loved him more for that.  But for an innately impatient person who wants your full attention 24/7, waiting is death to him.

Yesterday and today, I failed to contact him.  Not that I didn’t want to, as what he insists, but because we were shooting in a remote area without any network.  When I got back to civilization, he didn’t want to hear my stories anymore.  He refused to respond on how fun it was talking with Iza Calzado.  Or how the shoot can be so nasty.  How the weather can be so unpredictable.  Nor was he interested in telling me how his day had been.  He wouldn’t even show me his vanities anymore nor told me what was currently listening to. Nor showed me anything that made me deeply fell for him.

Then a while ago, he told me it was over.  The news was buried right on my bleeding chest.  Oh, and he didn’t want to hear my dramas anymore.  How karma works so ironically just when everything else are going smoothly for me.

He told me he’s gone. Without fighting for what was left of us.  Probably, he was too tired of the situation.  Too impatient with my allegedly “long” absence.  I don’t know how to grieve for now.

A sudden realization.  Those who say ‘I’ll wait for you’ are usually the ones who won’t.  Those who say ‘please don’t leave me’ are the ones who won’t stay.  And those who say ‘I love you’ are the ones who will not be patient enough to see you home at night. 

And those who whisper your name in the wind are the ones who will say they have just stopped loving you the moment you’re not the person they’d want you to be.

Anyway, I took pictures of the shoot here in Batanes.  We just wrapped up our third day, by the way.  I’ll post the gorgeous pics when I have the chance.  Soon. 

I’d rather be happy and move on.  Besides, I have the whole month to get occupied with Batanes.  And a Cinemalaya script to finish and polish.  When something leaves, something comes.  I can’t have it all.

life in a little black anonymous bag

Two hours before my scheduled flight, I packed a few pieces of tees and pairs of pants that I will be wearing for Batanes. I couldn’t decipher what I was feeling. Excitement and apprehension and numbness. We will be staying there for a month for a film shoot but I wasn’t sure if we’ll get there in the first place. I have this reservation about flying Asian Spirit. That name is my signified term for plane crash.

Yesterday, I went on a panic buying mode.  Had to buy the things I thought I’d be needing. Shorts.. Oh, I need skimpy shorts for the beach. Alcohol, I need some disinfection. A cellphone! I need a phone or I’ll be damned. A still camera! I need to buy one. Food, food, food. Dork.

I brought with me a few items, probably not enough to get me through the whole stay. Those are the only wearable clothes that I have because most of my shirts won’t fit me anymore. Reminds me I have to get rid of this belly but I’m too lazy to conform with vanity. I know I’m vain but I’m not vain enough to look perfect.

At the same time, I felt so guilty about leaving Karl’s thesis unfinished. I don’t wanna see him humiliated by the Thesis Defense Panel because his film’s editing sucks big time.

I also wanted to stay for a few more days so I could spend time with my Mom who will be leaving for Davao next week and my brother who’s leaving soon. We won’t be seeing one another for a long time, I’m sure. And I wasn’t able to bond with my friends. Sucks.

Oh God. Why does packing seem so dramatic?

The purple towel is still wet and I insist on bringing it but my bag is not big enough to contain it. An assessment of my belongings made me realize I’m not worth much as a person. If I were to be auctioned last night, nobody would raise a hand for me.

I wanted to travel light, I need to keep reminded. Not too heavy enough to cause a plane crash in case it faces a signal number three typhoon.

Just when everything started to sink in, I woke my Mom and brothers up and gave them my last instructions for the apartment. The leaving part wasn’t emotional though. Oh, a good sign.

Got to the domestic airport at 5am. I wasn’t late. I was so sure the nagging mouths who kept on reprimanding me for my prima donna complex would shut up but they never did. Such stigma. At least, I get to be the diva.

Upon boarding, the guards refused to let me in because I had no ID to show. Right. Thanks to the robbers, I wished them dead right then.  Oh, that was the time when a charming smile became handy.

When I finally got in, I received the big sign that said “Closed” under the Basco flight schedule.

Typhoon Ineng is having the time of her life in Batanes, up on signal number 2. So I have to be anxious for another day before I get to enjoy the simple life up north.

Deep breath.  I wish I was never that dramatic while packing up. The typhoon just spoiled the aftermath of my moment.

mudraks (hindi yung pelikula)

Ansaya ng may nanay. Lumipad si Mama galing Davao para ihatid ang isang kapatid ko na pupuntang Saudi.

Unang-una niyang ginawa pagdating sa apartment ay kunin ang walis at naglinis. Malamang pagkatapos ng litanya niya ng mga bagay-bagay. May konsepto naman kami ng mga kapatid ko ng paglilinis ng bahay pero iba talaga yung linis na parang dinilaan ng aso. Ibig ko sabihin, iba talaga pag ang nanay ko ang naglinis. Pulido. Walang pinapatawad na dumi o alikabok.

Kumusta naman yung lagi akong wala sa bahay at ang paglilinis ng kapatid ko ay yung pagliligpit lang ng mga kalat, sampung galaw ng walis, limang pahid sa mga alikabok at anim na pagpag ng unan at kumot.

Kinabukasan nun, ang aga nagising ni Mama (as usual) para maglinis. Paggising ko, huwaw. Parang nagising ako sa ibang mundo. Gusto kong sabihin na “Ma, hindi ka naman lumipad ng Manila para maglinis lang di ba?” Pero choosy pa ba ako?

Nung tanghaling yun, nagluto siya ng sobrang namimis kong law-uy. Hay. Grabe. Namiss ko yun. Malamang sa mga Bisaya, makakarelate sila. Kadalasan, yung law-uy ng nanay ko, me halong ‘una ng ginamos’. Yun na, hirap itranslate sa Tagalog.

Tapos, bilang dessert, pinapak namin ang mga duryan na dala niya habang uma-update ang nanay ko sa mga tsismis na nangyayari sa lugar namin.  Halos maduling ako sa sarap.  Huwaaaw.  Mura lang ang mga duryan sa Davao ngayon.  Waaaah.  At bilang aphrodisiac siya, halos magkaron na rin ako ng spontaneous human combustion nung mga panahong yun buti na lang maulan.

Tapos nun.  Ayun na. Tapos na ang kwento ko.

penis monologues (part 5 of 5)

PENIS NG QUEZON MEMORIAL CIRCLE (by Bebs d’ Gorgeous)

Napapansin niyo ba? Kulay black eye ako. Pakshet! Ikaw kaya ang isubo at isalsal gabi-gabi..

Nga pala, etits ako ng isang pamhin… pamintang durog, pamintuan, pamintol.. sila yung mga baklang mukha at kilos lalaki talaga na akala mo, hindi bulok yung matris nila!

Parang.. (boses pamin) pare, sarap ng balls mo no? Huh! Kinaya mo yun?

Pangalan ng amo ko? Eustaquio Santos III.. pag Belinda Bright (araw) pa! Pero pagsapit ng knight in shining armor (night), magiging Bryan na o kahit na anong pangalang pang bold star na kahali-halina. Yung nakakapagpainit ng katawan. Describe yourself? Malibog. Hobbies? Isa lang, hanap ng parausan. Dapat sa baklang pamintuan din. Di ako nagpapasubo sa mga baklang pa-girl. Favorite hang-out? Quezon Memorial Circle siyempre.

Actually, walang nakakaalam na titi din hanap ng amo ko. E, sino ba? Sa mga pamintang durog (pamhin), sila-sila lang naman ang nagkakaalaman e. Katunayan, sa mga bahong tinatago ng amo ko, ako lang yata ang sinasabunan at pinapaliguan niya. Kahit na halos di na ako makahinga at durog na sa kaiipit, para bumakat lang ako sa masikip niyang pantalon.

Sabi ni bosing, mas mabenta raw ang mga baklang pamhin na tulad niya kaya, ayun! Nagpalaki siya ng katawan. Pag baklang pa-girl daw kasi, madaling mahalata ng Gardo Versoza o gwardiya kung may milagrong nanyayari. Pag mga pamhin kasi ang magkakasama, parang magtropa lang daw kaya okay lang.

Marami ding callboy dun pero dam-et, sa mga pa-girl na lang sila! Alangan namang magbabayad pa si bosing ng P500 o di kaya P200 pag alas kwatro na ng umaga. Pucha, gawin bang parang panindang nabilasa!

Nagkukumpol-kumpol ang mga paminta sa mga madidilim na lugar tulad dun sa tambakan ng container sa QMC. Shet! Mabulag man ang amo ko, alam pa rin niya kung saan pupunta pag inatake na ng kati. Kebs na rin ako kahit mag-walk with fate siya buong gabi sa kakahanap ng maparausan.

Kabisado ko na rin ang kalakaran dun. Pasmile-smile sa simula. Minsan, sila yung lumalapit ke bosing o di kaya sinesenyasan siya na lumapit. Kapag garapalan naman, tatawagin siya.

“Tol, pakiss!” Exagge naman. Di naman kaagad ganun. Andami ngang kadramahan sa buhay, kunwari magtatanong kung anong oras na o di kaya “nakita mo ba yung kasama ko kanina?” Tapos, magtatanong ng pangalan, address, kung nagtatrabaho ba at kung saan o estudyante ba. Getting to know each other chenelyn! Puta, lokohan lang. Tsaka, ang hirap kaya magpigil ng libog!

Sa isang dako, daig naman ang mga paniki sa kweba ng Sagada kung magsiksik ang mga pamintang durog sa isang CR sa QMC. Karamihan dun, sadyang umiihi, naglalabas talaga ng etits. Punyeta! Nagpapadelicious! Anyway, kapag ganun, sinisigurado kong tigas na tigas ako para madaling makakuha ng partner si bosing.


Fuck, ayan, nag-iinit na naman ako.

Pag nagkasundo sa usapan – alam mo yun, kung me bayad ba o wala, pero kadalasan kasi, wala! Kasi pare-pareho ang modus operandi ng mga pamhin dun.. magparaos! Kahit saan, pwede maghadahan, basta tago. Pag me pera naman ang isa, sa motel… pero si bosing, sa QMC lagi.

Ang drama uli, magpapakiramdaman muna kung sino ang unang hihimas. Iniisip pa kung pwede bang maghalikan? O magkakapaan lang?

Pucha, pag ganong tirik na ang mga mata ni bosing, luluhod na siya at dahil pamhin din ang partner niya, sinusubo rin ako pagkatapos. O di ba, walang talo!

Pero di pa rin pwedeng sumiguro. Lilinga-linga pa rin, baka me dadaang Gardan Angel (gwardiya). Ako pa! E, flexible ako. Matigas man, naipapasok rin sa masikip na pantalon. Kebs kung makikita kami ng ibang mga nagrarampa, basta ba walang pakialamanan ng partner. Mamatay na lang sila sa inngit!

Me iba na nagiging friends o magjowa pagkatapos maghadahan. Ngunit di man sabihin, klaro na sa amin na one-night stand lang ito. Pagkatapos ng nangyari, wala ng ibang masasabi kundi “sa susunod uli ha” o di kaya “sige” o di kaya, isang simpleng “salamat.” O kadalasang isang tango lang. At pagkatapos nun ay ang paghihiwalay, uuwi ng bahay… hanggang sa susunod na gabi na ako’y isubo uli.

At yan ang PENIS MONOLOGUES. (Comm 100 version)

penis monologues (part 4 of 5)

PENIS NG CROWN CINEMA – QUIAPO (By Ryan Villareal)

Heavy!!! Mga ‘tol, kumusta??!!

Pakshet! Tumitigas na naman ako, wala pang susubo. Ganyan talaga dito… GARAPALAN! Konting kalabit, subo… Pagod na nga ako eh! Matagal na rin ako sa trabahong ito. Pero at least, kahit hindi ako film major, marami naman akong alam sa mga pelikula. Halos lahat sa local.

Gaya na lang ng “Curacha”, “Sutla”, “Talong”, “Toro”, at kung anu-ano pa. Meron ding international tulad ng Asian Heat part 1, part 2, part 3, part 4 at American Heat part 1, 2, 3, 4 at iba pa.

Halos araw-araw may sumusubo sa akin dahil ito na ang kalakaran dito. Normal lang na may tumaas-babang ulo sa likuran, harapan, gilid mo, humahalinghing at tang-inang sumisigaw.

Una, lalapit sa iyo ang bakla at tatanungin kung may kasama ka. Minsan, palakad-lakad lang at ang mga tulad ng amo ko na ang lumalapit at pinapalibog ang mga bakla gaya ng paghimas sa akin sa harapan nila o paghubad ng t-shirt hanggang mauwi na sa sex. Ang dali lang, di ba?!


Alam niyo, masarap ang feeling pagkatapos masubo kasi nakakawala ng init. Pero yan ay pag sanay ka na. May isang bakla nga na sumubo sa akin, first time yata niya. Parang nagsisi pa, pero nang nakasanayan na niya, aba! Ligayang-ligaya na pagkatapos. Meron talagang feeling na madumi kapag una, sa una lang yan!

Ginagawa ‘to ng boss ko para magkapera dahil alam mo na naman dito sa Pinas, mahirap magkapera. Dito maligaya ang amo ko, may pera pa. Akalain mong magpaparaos ka eh, bibigyan ka pa ng pera. Ang mga bakla, libog lang talaga ang rason kung bakit sila andito at sumusubo ng katulad ko.

Sa katulad ng amo kong kumikita dito eh, natural ok lang ang sitwasong ganito… sa mga bakla, ok lang kasi parausan na nila yun… Gobyerno lang ang may ayaw niyan! Mga putang inang pulitikong hipokrito na akala mo hindi kumakantot!

Mahirap lang pamilya ng amo ko at tanggap nila ang trabahong ito dahil halos lahat naman sa baranggay eh, yan ang pinagkakakitaan.

Mga mayayaman lang naman ang hindi makatanggap dahil ang mga gagong ito, hindi alam ang kahirapan. Ilegal na kung ilegal. Pumupunta diyan ang amo ko para kumita. Minsan, nakaka-100 pero pag nalaspag at nasugatan na ako dahil sa kalibugan ng bakla, aba! Siyempre, 300 – 500 pesos na yan. Putang inang mga bading yan! Sayang naman ang katigasan ko pare.

Maraming bakla doon sa balcony kasi kubli at konti ang tao, nagagawa nila ang gusto nila sa dilim. Nag-iiba sila, nagiging malibog… nakakatakot ang mga gago. Itong sinehan, luma na pero hanggang ngayon marami pa ring pumupunta para magparaos. Sira-sira na ang pintuan at upuan, madumi pa ang mga cucicle kung saan minsan ako sinusubo. Natatakot nga ako minsan at baka matetano ako, kawawa naman amo ko.. wala nang hanapbuhay.

Sige, hanggang dito na lang mga ‘tol… hahanap muna kami ng tsutsupa, malapit na akong pumutok eh!

penis monologues (part 3 of 5)

PENIS NG UP DILIMAN CAMPUS  (by Liezl.. wuy, Liezl, nakalimutan ko apelyido mo.. patawad… waaaaaaaah.)

Mga isko at iska, great day to all of you!  I am a proud penis from peyups!  Astig!

Pag-aari nga pala ako ng isang gwapitong taga-Yakal.  Sa dorm nila, ang amo ko ang pinakabata.. pinakabatang nahada ng bakla.  Sori ha, I look so pale pa.. kaaaral kasi.  Mahirap ang laging paaalalahanan na ang taong bayan ang nagpapaaral sa’yo.  Kaya eto, tinodo ng amo ko.

‘Lam niyo kahit oblation scholar ang amo ko, kinakapos pa rin siya.  He came from a not so well-to-do family.  Kaya ako ang puhunan niya sa dirty business niya.  Pero alam niyo nakakasawa na rin.  Kasi eto.. sa UP ka na nga nag-aaral, sa UP pa rin nakatira, pati ba naman sex life niya, sa UP pa rin?

Mind you! Satisfied na rin kami kasi magaan-gaan ang demands dito kesa sa dream school ng amo ko – The home of the Blue Eagles – Ateneo!  Kung saan ang mga etits na tulad ko ay carnation pink in color.

Pag dumadating ang matitinding pangangati or whenever my boss is broke, we need not go far.  There are enough horny gays in the campus.  Kahit abutin ng tilaok ng manok dito sa unibersidad, walang patawad.

Magsisimula ang rampa ng mga yan sa Sunken, where they will horse around hanggang umalis ang last trip ng jeep Philcoa bound.  Tapos lipat sila sa Dagohoy, Area 2, Krus na Ligas at sa maliblib na lugar na maaaring pinamumugaran ng mga prospects nila, tulad ng amo ko.

It’s a matter of territoriality as they say.  Mga cross-dressers sila, mga nakawig at masked with tons of make-up and cosmetics.  Lahat gagawin ng mga yun para lang mapansin. 

Magpapacute, they’ll smile sweetly, stare stickily, sway their hips like a pendulum and whip their butts soundly and flirtatiously.  And pag ngumiti, sumipol at kumaway na rin ang mga callboys na kung tawagin tulad ng amo ko, the show begins and the mystery unfolds.  Grabeeh!  It’s a different kind of “ballgame.”

Once nga, broke na naman ang amo kong gwapo, kaya ayun, naipasubo na naman ako.  Nakagat-kagat din, kulang na lang lulunin. 

Ironic nga kasi marunong din pala silang mahiya.   Isang beses kasi, nadaanan kami ng isang friend nung baklang sumupsop sa akin.  Todo explain siya na kesyo napadaan lang daw siya to borrow some notes.  Buti na lang tapos na session namin nun.  Pero ganun talaga sila.  They use a very weird jargon, “gay lingo” kung tawagin. 

Letse!  Sila lang ang nagkakaintindihan.  Kunsabagay, wala akong pakialam dun.  Basta ako, nakakaraos at may bread (money) pa si boss.  Yun nga lang, hindi maiiwasan ang public scrutiny.  Damn those prejudices!  Sabihin na nilang immoral ito, di naman nila kayang palamunin ang boss ko.

Kaya wag kayo magtataka kung bakit preferred ng mga machong genius ang mga syoke!  Mahirap kasi magpalabas sa babae, kaya sa bading na lang.. may papay pa! 

Yun nga lang, laging madalian, may exams pa kasi eh, deadline na rin ng term paper.  Iskolar ata boss ko!

Alam niyo ba sino idol niya?  Siyempre, si Oble!

penis monologues (part 2 of 5)

PENIS NG PANSOL-BALARA (By Deneb Sumogat)

Utin, bolyags, titi, etits, yagbols… ano pa ba ibang tawag sa amin?  Siyanga pala, ako ang penis na taga-Balara.  Tambay sa kanto ng Pansol.  Kumusta kayo?

Tangina!  Nangangati na naman ako.  Ilang araw na rin akong nangangati kaya eto, lubog na lubog na ang kulay, nangingitim at pantal-pantal pa! iisa lang naman ang buhay naming mga etits – sinusubo, nilalaro.  Kami ata ang abusung-abuso.  Mula baklang bata, birhen pati mga amoy-lupa, nakatikim na sa akin.  Kung saan-saan lang.

Diyan sa likod ng narra, likod ng jeep, likod ng puno.. kahit saan basta likod at tago.  Hangga’t hindi pa sumisikat si Sandra Bullock (sun) at natatakpan pa ng kadiliman ang kampon ng kabaklaan, patuloy ang rampa pati ang kita.

Meron nga kanina, singkuwenta’y singko anyos na! Matanda na! Kadiri!  Putang inang bading yun ah! Naghahanap pa rin ng bolyag na masisipsip.  Nalilibugan siguro.  Sayang din naman, pambili rin yun ng load ng amo ko.  Nasarapan ata kanina, halos lulunin na’ko.  Pweh!

Ewan ko ba kung bakit di pa rin ako masanay-sanay, halos walong taon na rin naman akong ganito ang job.. bino-blow job!  Sa dami ba naman ng naging customer ko na karamihan ay mga syoke ng peyups, di ko na mabilang. 

Kinse ako ng una akong matikman.  Mali… Ng una nilang matikman ang kabirhenan ko! (Laughs) Kinulang eh, tsaka por eksperyens lang baga.

Minsan nga, muntik ng makapatay si bosing.  Matapos ba naman sairin at tsupain tamod ko, bigla na lang tumakbo.  Buti sana kung me binigay na datung ermats ni amo.  Letse na gagang bading na yun!  O, di nakita niya hinahanap niya.

Hindi naman sobrang sama ng amo ko.  Nagagamit lang ako pag sobrang gipit siya.  Ang problema, lagi naman siyang gipit kaya lagi rin akong gamit.

Hindi naman lahat pinapatos ni bosing.  Namimili rin paminsan-minsan.  Ayoko rin naming mas mukhang sanggano pa sa kanya ang hahada sa akin.  Parang ako naman ang bading nun eh!  Okay na rin kahit parang binagsakan ng isang libong aspile ang pagmumukha nila.

Minsan naman, tawag lang ng laman, libog ng katawan.  Normal lang dito yan lalo na sa mga kumpare kong etits dito sa Balara.  Kanya-kanyang diskarte lang.

Sanayan lang naman… isang tingin at kembot lang ng bewang, alam na agad kung game ka.  Wala ng usapan, yun bang tinatawag na gay instincts.

Minsan nga umiinom ang amo ko sa kanto mag-isa.  Nagtanong ba naman kung nakita ko ang papa niya.  Tangeee!!! Nakita na nga niyang mag-isa lang ako.  Siyempre, sakay lang tsaka tumatayo na’ko eh.  Naglalaway na rin.

Ang ganda ng loka!  Kung di ko lang alam na me lawit din, di ko akalaing bakla.  Ang gagang bading, informant pala diyan sa peyups.  Pinag-aaralan kung pa’no rarampa ang kampon nila.

Hindi ko maintindihan kung bakit pa nakikialam ng buhay ng may buhay.  Erpats, ermats nga ni bosing, walang paki basta me perang iaabot eh.  Kiber ko ba sa sasabihin nila!  Bakit, may ipapalamon ba sila sa amo ko?  Ang alam ko, madatung si boss pag sinusubo ako.  Nasa heaven naman sa sarap ang mga bakla kaya proud ako.

So, go lang.

To be continued.

penis monologues (part 1 of 5)

Hay naku ha! Bago pa naisip na magkaroon ng show na Penis Talks, kami ng grupo ko sa Comm 100 namely: KZ, Ryan, Deneb, Liezl at ako ay nagkaroon na ng Penis Monologues na report namin noong 2003. Naishare ko na ‘to sa previous blog ko pero gusto ko uli ishare ngayon…

At dahil sa sadyang magaling na magaling kami, binigyan lang naman kami ng grade na 0.5 ng prof namin. Hayyyy… 0.5. Mas mataas pa sa perfect grade na 1.

WARNING: THIS IS A COPYRIGHTED MATERIAL. ANYONE WHO COPIES THIS WITHOUT PERMISSION WILL BE CHARGED WITH PLAGIARISM BUKOD SA MASUSUNOG ANG HALANG NA KALULUWA SA IMPIYERNO PLUS MALULUNOD SA LIMANG MILYONG DRUM NG KUMUKULONG ALKITRAN!

Kaya, warning sa gustong ipasa-pasa ‘to. This is the first of five parts. Salamat sa mga groupmates ko dati na pinayagan akong ipost ‘to. Enjoy!

Introduction

Ang susunod na programa ay may mga tema at lenggwaheng hindi angkop sa mga konserbatibong manonood. Sige, tumawa kayo ngunit ito ang reyalidad ng buhay. Hindi kami ang karapat-dapat na maglagay ng limitasyon sa kung ano ang angkop at hindi angkop. Patnubay ng Propesor ang kailangan. Ito ang “Penis Monologues”.

UNIVERSAL PENIS (by KZ Otarra)

Maganda at nag-iinit na gabi po sa inyo. Siguro, nakikilala na ako ng mga kalalakihan, bakla at mga haliparot na babae diyan.. sa mga virgin, makinig na lang kayo at ng kayo ay maliwanagan.

Ako nga pala si Penis sa wikang banyaga, ari ng lalake sa Tagalog, titi kung minsan, etits sa mga pasimple, dick sa slang na Ingles, cock sa mga porno materials, male genetalia sa mga elegante at sophisticated, fallous sa mga pasosyal at kikay, nota sa mga bading, male reproductive organ sa mga doctor, nurses, midwife at iba pang mga medical practitioners, masculinity sa mga hipokritang matatandang dalaga, toto sa mga nanay at walang malisya at batotoy sa mga paslit na hindi pa tule.

Bilang universal penis, ako ay 12 inches and I have a diameter of 2 inches. Dakota dava?!!

Many adjectives and nouns ang ikinakabit sa akin: malaki, mataba, dyutay, dakota, delicious, food, edible, mala-lollipop, mala-upo, mala-butiki, mala-talong, mala-saging, anaconda at take note, palagatasan.. ang bagong bukal ng buhay at kaligayahan.

Bakit ba ako nandito? Ako ay nakatayo sa harapan ninyo upang ishare namin sa mga tao na natikman na kaming mga titi.. hindi mga babae kundi mga lalaking may titi na naghahanap din ng titi, in short, mga bading, bakla, badaf, gay, homosexuals, syoke at binabae.

Ang relasyon ba ng amo ko at ng mga baklang sinubo ako ay libog lamang? Kontrobersyal ang usapan tungkol dito at magpahanggang ngayon ay kubli pa sa mata ng lipunan.

Bakit nga ba gustung-gusto kami ng mga bading? Hindi naman kami sintamis ng pulot-pukyutan o singnamnam ng mani, sing-asim ng mangga o simpait ng ampalaya… nguni’t kami ay hinahanap-hanap at inaasam. Sa totoo nga ay hindi kami ganoon kasarap. Madali kaming pawisan sa loob ng pantaloon at masikip na brief, hindi rin naman ganoon kasarap ang aming tamod at minsan ay nagdudulot pa kami ng nakamamatay na sakit.

Nagkalat na ang mga kapatid kong nagpapasubo sa mga bading sa kasalukuyan. Ang mga pampubliko at minsa’y pribadong lugar ay ginagawang langit.. kanilang makamundong langit. Napansin ko nga, konting labas lang namin sa pantalon ay para nang isdang lalapit ang mga bading sa amin at buka na ang bibig.

Natatangi ang komunikasyon ng mga bading at sa amo namin. Relasyon at komunikasyong patuloy na tinutuklap ng mapanghusgang kamay, bibig at mata ng buhay na lipunan.

Masaya ang aming angkan dahil gumawa ng pag-aaral si Darwin Sauler aka Darla tungkol sa rampa o sexual activities ng mga bading, specifically ang tungkol sa communication patterns ng mga bading.

Siya ay naghanap o nag-obserba sa Crown-Cinema sa Quiapo, Quezon City Memorial Circle, Pansol-Balara at ditto sa loob ng UP Campus. Nais niyang malaman ang mga characteristics ng mga bading na nagrarampa, ang pattern ng events, kung paano ito nag-umpisa at nagtatapos at kung anu-ano ang mga verbal at non-verbal communications na ginagamit nila sa pamamagitan ng interview at direct observation.

Mahalaga ang study na ito dahil ika nga nila, everything about homosexuality is controversial. Kaya ito ginawa para maliwanagan ang issue tungkol sa communication patterns ng bading tuwing rumarampa sila. Hindi po kasama ang moral at etikal na usapin.

Sinutsutan ko ang ilan kong kapatid na tumayo at manindigan sa mga harapan ninyo at magshare ng kanilang 1st time at iba pang experience upang higit ninyong maunawaan ang relasyon ng bawat isa sa amin.

To be continued.

biktima

Pakshet. Pakiramdam ko ako na si Richard Bolitas, ang taong kahit naglalakad lang sa sidewalk ay crime-victim prone.

Kagabi, nagcelebrate ang buong production staff and crew sa Gerardos, sa harap ng ABS-CBN dahil naglast shooting day na kami sa ‘Nars’ (abangan ang entry at mga piktyurs ko para dito). At bilang modang saya-sayahan kahit walang tulog, tawa kami ng tawa sa pambabalahura ke Direk Arman na pinangalanan ni Jodi Sta. Maria ng “DD (direk daut)” dahil sa kanyang mga classic at walang prenong nakaka- rollingonthefloorlaughingoutloud one-liners.

Inihatid ako nina writer Agnes at Direk Arman sa Philcoa ng mga alas dos ng umaga (halos alas tres na yata) at bilang umuulan, hapong-hapo at mabigat na ang mga mata, kelangan kong sumakay ng kung anumang modang transportasyon na mauunang tatambad sakin.

Ayun, lumabas mula sa Quezon circle ang isang bakanteng jeep na may lamang dalawang lalakeng pasahero. Sumakay ako sa front seat. Sa mga ganitong pagkakataon, lagi akong nakasilip sa salamin sa taas para makita ko ang mga hitsura ng mga pasahero sa likod (at suma-sight kung gwapo ang mga nakaupo dun). Ang huling matandaan ko, ang dalawang lalakeng pasahero ay mukhang mga holdaper.

Siyet. Wonga no. Naisip ko bigla. Ang isang lalake ay nakaupo sa kabilang extreme gilid habang ang isa ay nakaupo sa extreme gilid sa me likod ng passenger seat. Nahuli na ang pagputok ng bulb sa taas ng ulo ko na may kasabay na microwave oven sound dahil naunahan na akong hawakan sa leeg ng lalakeng payat na nasa likod ng passenger seat.

Tangena. Nasaan ang bato ni Darna nung kinakailangan ko siya. Me sinabi ang lalakeng payat habang lumilipat siya sa tabi ko. Tiningnan ko ang driver kung kasabwat siya pero mukhang hindi dahil lumipat na ang lalakeng mas malaki ang katawan sa likod niya. Sabi, diretso lang daw ang takbo at nanginginig talaga ang kamay nung kawawang driver. Itinutok ng lalakeng malnourish ang kanyang kutsilyo cum balisong o kung anumang patalim sa gilid ko.

Sabi ko sa thought bubble ko, ‘siyet, tangena. Hindi pa ako pwedeng mamatay, hindi pa ako sikat.’ Buti na lang at me grace under pressure ako nung panahong yun dahil di ko naramdaman ang panic. Habang hinahalughog ng lalaking malnourish ang bag ko, nag-iisip ako kung paano ako makakalundag sa jeep. Mukhang mahirap kasi nasa gitna ako ng driver at ng malnourish.

Naalala ko bigla yung lalakeng Engineering student na naholdap sa jeep sa UP tapos tumalon mula sa tumatakbong jeep. Ayun, lasog ang katawan. Thought bubble uli, ‘ayokong mamatay na basag ang bungo ko no!’

Unang kinuha ng malnourish ang pitaka ko. Sabi ko, siyet, sana wag niyang buksan. Dinivert ko agad ang attention niya at mabilis kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa at ibinigay sa kanya. Gusto kong humirit ng ‘sandali Kuya. Pwede bang replayan ko lang ang text ni Carlo?’ Bilang katext ko lang siya 5 seconds ago bago ako sumakay ng jeep at aligaga yun pag di ako nagrireply agad.

Binolunteer ko na rin ang pagbulalatlat ng bag ko sabay sabi ‘eto po’. Po ako ng po. Tangena. Hindi ako masyadong ma-‘po’ bilang tao at ang hayop na holdaper na yun lang ang nagkaron ng prebilihiyong ‘galangin’ ko ng fatale. Siyet siya. Kung di nga lang dala ng pangangailangan, di ko ibababa ang dignidad ko ‘no para galangin lang ang pesteng hayop na yun.

Nasa lampas Central na kami nun, halos sa harap ng Iglesia ni Cristo. Hindi ako makapag-sign of the cross bilang Iglesia ni Cristo kaya yun. Thought bubble uli ‘manong driver, dahan dahan naman ng takbo para naman makalundag ako. But no…’

Hinalughog ng malnourish ang bag ko. Nakita niya ang maraming barya. “Ano ‘to? Bakit maraming barya dito?” Tanga ka pala e. Malamang mga sukli-sukli na inilagay ko lang sa bag ko bilang wala akong coin purse.

Pinakialaman niya rin ang mga susi ko. Tanong uli ‘Ano to?’ Susi, malamang. Antanga. Antanga-tanga. Nakakairita ka na Manong ha. First time mo bang mangholdap? Thought bubble uli.

Sinuri niyang mabuti ang cross keychain na binigay sakin ni Ben galing Roma. Hay Manong, walang value ang mga yan. Asa ka pa. Nakita niya ang charger ko, sabi ko ‘kunin niyo na rin ho yan’. Tanong niya ‘asan ang camera mo?’ Tanga. Sa cellphone yan, thought bubble. Ang nasambit ko ‘sa cellphone PO yan’.

‘Akin nang relo mo.’ Siyet. Ang magandang relo ko. Anak ng pakshet ka naman Manong oh. Memorable yang relo na yan kasi sinuot yan ni Jon Avila sa isang eksena sa ‘Nars’ nung maispatan niya habang nag-uusap kami. Sabi, ‘Hey, your watch is nice’. I replied ‘Thanks.’ ‘Can I wear it?’ And the rest was history. Shet ka Manong. Attention grabber ang relong yun. Andami pa namang nagandahan dun. Kainis. Binigay ko na rin ng walang kagatol-gatol.

‘Ikanan mo! Ikanan mo!’ sabi ng lalakeng malaki ang katawan. Best supporting actor ka Manong? Nasa Balara na kami nun, sa harap ng Our Lord’s Grace. Hay. Salamat, bababa na ang mga holdaper. O di kaya, ito na yung parteng pagsasaksakin na kami nung driver at itatapon na lang ang malamig naming mga bangkay sa harap ng madilim na squatter’s area dun habang umuulan. Siyet… what a cinematic way to die.

‘Pwede ka na dito di ba!’, sabi nung malnourish. ‘Opo’ sagot ko. Tangena, napa-opo uli ako. Mabilis akong bumaba ng jeep habang inipit ng dalawang holdaper ang driver. Sana naman di siya patayin. Sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, ayun, basang basa ako sa ulan at parang antagal dumating ng jeep na pwede kong sakyan uli.

Kumusta naman ang LSS kong ‘Samson’ habang nababasa sa ulan… “Samson went back to bed.. told me that my hair was red… na na na na na… you are my sweetest downfall….”

Buti na lang di nila binuksan ang makapal kong pitaka. Buti na lang, di nila kinuha ang mga barya, me pamasahe pako at nakapagtricycle pauwi. Buti na lang di ako sinaksak ng purol nilang kutsilyo. Buti na lang di ako nagpanic.

Hay. Bakit ba lagi akong nahoholdap pagkatapos ng isang project. Last year naman, pagkatapos ng ‘Twilight Dancers’, nilaslas ang bag ko at kinuha si TD, ang aking P900. Kainis, andun pa naman ang mga tseke ko na ipapaencash ko pa naman sana today.

Nung isang araw, parang nagbabadya na rin si Insiang, ang aking recon na cellphone na nabili ko ng P3,000 sa Ever. Me konting sira na ang housing at matigas na ang keypad. Sabi ni Agnes nun, ‘nagpapapalit na yan!’ Hay. Papalitan ko na nga siyang tuluyan. At least me dahilan na nga akong bumili ng bago.

Buti konti lang ang natangay sakin ng mga hayop na yun. Ang aking kulay silver na pitaka na bigay sakin ni Marlette nung birthday ko 4 years ago. Makapal siya dahil sa mga id at mga papeles ko. Siyet, andun pa pala ang mga 2×2 pictures ko. Pag itinapon nila yun, kawawa naman ang UP at Ateneo ids ko. Sayang. Pero nakahinga ako ng maluwag at di nila binuksan habang nagaganap ang lahat or else, makikita nila ang laman nitong P120 pesos.

At ang maganda kong relo. Waaaaaaah. Ang napakaganda kong relo na nabili ko rin sa Ever sa tumataginting na halagang P99.00. Pero di yun e. Sayang ang mga alaalang minsan nakadaupang-balat kami ni Jon Avila, na lagi kong tinatawag na ‘Noknok’. Waaaaah. Sayang talaga.

Sa totoo lang, wala talaga silang nakuha sa akin. Di ko pinakitang natakot ako kaya achieve na rin yun. Naiimagine ko tuloy ang mukha nung dalawang gagong yun pag binubuksan na nila ang pitaka ko. Buwahhahahhahaha. Mas lalo siguro pag inattempt na nilang isangla ang relo at cellphone ko. Buwahhaha uli. Tingnan natin kung me mapapala nga sila.

Hay, ang karma… ambilis nga naman. Akala nila maisahan nila ako. Pwe.

Eto ang mga tips ko in case nasa ganitong moda din kayo.  Una, wag magpanic.  Relax lang, kahit akting lang.  Isipin mo na kinakabahan rin sila tulad mo.  Tapos, wag silang tingnan sa mata.  Para silang mga aso o ahas.  Wag nang pumalag.  Ibigay mo na ang lahat.  Hindi magkasing-value ang buhay mo at ang cellphone mo.  Yun lang.