Magpapa-makeover ako

Sigurado akong ito na ang magluluklok sa akin sa dambana ng kagandahan. Walang effort, walang gastos.

Hindi na ako magpapagupit. Ganun din yun, tutubo pagkatapos ng isang buwan. Papalitan din ang current hair fashion. Sayang ang effort. Wala ka rin namang ibang gawin sa parlor kundi mag-scan ng mga lumang magazines. Bakit pa ba kailangan mag-gym at magpalaki ng muscles? E di kumain na lang ng kumain, magpakataba, magpakababoy. Minsan lang tayo bata. Pagtanda natin, mag-aamoy lupa rin tayo, lalaylay na ang balat at hindi na kinakailangan ang muscles. Marami na ang sakit na maninirahan sa katawan natin at magsisisi tayong hindi natin kinain ang mga pagkaing dapat nating inenjoy nung tayo’y malusog pa.

Masyadong mahal ang mga bagong labas na fashionable clothes. Sa totoong buhay, hindi naman sinusuot ng totoong tao yung mga ibinabalandra sa runway, eh. At katulad ng lagi kong ginagawa, hahalughugin ko ang lahat ng mga ukay-ukayan sa Pilipinas. Kung anong uso, babaligtarin ko ang fashion statement ko. Tight-fitting clothes? Pwes, papakyawin ko ang lahat ng extra large shirts. Bright colors? Mag-iitim ako lagi. Pagluluksa sa kinahinatnan ng Pilipinas.

At ang finale. Magpapakahaggard ako ng fatale. Easy. Wag matulog ng isang linggo, instant eyebags galore. Walang reinforcement na pulbo o hilamos. Maligo na lang kapag kinakailangan. Sayang kasi ang tubig, kailangan ng mga susunod na henerasyon ng malinis na tubig. Gusto ko yung tipong hindi na ako makilala sa sobrang kapangitan. Besides, what is essential is not visible to the naked eye naman, di ba.

Dapat, ang laging mantra sa buhay: oiliness is next to goddessness.

Advertisements