green noises of blur

i went there, blurry
rushes of light that raced through
my weary pupils
that wept, unseen
i left two pieces of memories
over the green hole of melancholy.
two pairs of black rubbers
succumbed through a
boundless silence that shattered
me.

i went there, cloudy
of any distance like claustrophobia
overshadowed, over cast.

i went there
before and after you came.

Advertisements

manood kayo ha!

Ng ‘The Making of Batanes” sa Friday, November 30, GMA 7.  Ipapalabas siya sa timeslot ng Meteor Garden 2.  Alas singko ata ng hapon yun.

Kasi, ako gumawa nun e. Tapos laitin niyo ang pagkagawa ko ha.  Yung lait na mawawalan ako ng narsisismo sa sarili.  Pero di nga, pagpupuyatan ko yan ngayong gabi para matapos at maibigay sa deadline ko bukas.  Samantala, eto ang music video ng theme song ng ‘Batanes’, kinanta ni Jolina Magdangal.  Ganda ng kanta, paboritong lss ko siya sa linggong ‘to.  Kinumpose ito ni Noel Cabangon.

80 most favorite films (#65-61)

See also: #80-76; 75- 71; 70-66.

65. MEAN GIRLS (2004)

“Watch your back.”

Director: Mark Waters

Starring: Lindsay Lohan, Rachel McAdams, Amanda Seyfried, Lacey Chabert, Tinay Fey, Jonathan Bennett

Plotline: Africa-born Cady Heron thinks she knows the survival of the fittest, especially when she joins the Plastics, the alpha girl group at her new high school led by Regina. When Cady finds out about Regina’s plans to just walk all over her, she decides to turn the entire school against Regina and throw her off the mighty throne. Cady soon discovers that she herself has become a mean girl.

Quotable quote: So fetch!

The success of this film is credited much to the witty and outrageously funny script written by Tina Fey who has proven her genius as Saturday Night Live’s former head writer and creator of the acclaimed tv series, 30 Rock. Marketed as a mainstream teenage flick, this is actually a satire worth a commendation. I the film’s statements about teenage status quo as it alludes more to what happens in the real adult world where the demigods devour their prey, willing or unwilling.

Fey in an interview says “Adults find it funny. They are the ones who are laughing. Young girls watch it like a reality television show. It is much too close to their real experiences so they are not exactly guffawing.” She said the original draft was partially a homage to the 80s teen sex comedies and that the female leads would have nude scenes.

If that pursued, it wouldn’t have been much effective as the final film’s brilliant dark humor.

Favorite scene: In the end of the film, Cady narrates about an emerging group of freshmen Mean Girls and imagines they’re being hit by a truck, a wishful thinking that really happened to her nemesis and former queen bee, Regina George.

64. LOVE ACTUALLY (2003)

“Love actually is all around.”

Director: Richard Curtis

Theme song: Jump – Girls Aloud

Starring: Colin Firth, Hugh Grant, Liam Neeson, Keira Knightley, Bill Nighy, Emma Thompson

Plotline: Follows the lives of eight very different couples in dealing with their love lives in various loosely and interrelated tales all set during a frantic month before Christmas in London, England.

Oh, yeah. So it’s actually around. Unrequited love, sexual ‘love’, unconditional love, filial love. It’s everything about the big L and some, about a naked has-been popstar. I like the film’s fluid storytelling, usual British humor and its statement against the US President. I just fell for the porn stars’ love story. So cute. And it’s a worthy film to watch over and over because of Colin Firth. And Colin Firth is so cute and yummy and adorable and eye-popping, saliva-flowing and very.. Colin Firth.

Favorite scene: Colin Firth scenes.

63. THE FULL MONTY (1997)

“Six men. With nothing to lose. Who dare to go….”

Director: Peter Cattaneo

Starring: Robert Carlyle, Mark Addy, William Snape, Steve Huison, Tom Wilkinson, Paul Barber
Plotline: Six unemployed steel workers, inspired by the Chippendale’s dancers, form a male striptease act. The women cheer them on to go for “the full monty” – total nudity.

I vividly remember Robert Carlyle as the gay lover of Father Greg in ‘The Priest’ and I liked him after watching that film. Robert’s character here as the loser who can’t even give a child support is enigmatic and sexy. The film is about middle-aged men who are dealing with issues of self-esteem cleverly connected with their economic devaluation, oh well, at least generally. It’s like, getting full monty or stripping all the way is giving the everything of your nothingness. Had this been a Filipino film, this would have sucked, I’m sure. Thanks to dry British humor, everything in Full Monty is clever. And sexy.

Favorite scene: The striptease in the ending!

62. THE TRUMAN SHOW (1998)

“The story of a lifetime…”

Director: Peter Weir

Starring: Jim Carrey, Laura Linney, Ed Harris

Plotline: An insurance salesman/adjuster (Jim Carrey) discovers his entire life is actually a TV show.

This actually reminds me of ‘Big Brother’ and all its shit. It’s a statement about media’s tendency to play god and how we are being manipulated by them because of our natural obsession to see how other peoples’ lives are chronicled on television. As audiences, as depicted in the film, we love seeing other people’s privacies exposed on air because we see slices of them as our own. It is actually an overview of existentialism, man being the creator of his own meaning and essence as a person. Though, the portrayal of man being ‘god of himself’ in the film is ironic to existentialism because the concept itself is still patterned after a ‘divine creator’, named Christof in the film. In the end, the creator finally grants Truman the freedom to self-substantiate. And oh, Jim Carrey should have at least been nominated for an Oscar for this film.

Favorite scene: Christof is interviewed saying he does not see harm in deceiving Truman, arguing that he’d rather not know the truth. Christof is indeed resigned to the fact that Truman is no longer in his control.

61.  THE GYMNAST (2006)

“Rise above.”

Director: Ned Farr

Starring:  Dreya Weber, Addie Yungmee

Plotline: The talented Jane Hawkins was an impressive gymnast at the top of her game until a devastating injury ended her career. Now she pours the passion, strength and discipline that once fueled her sport into maintaining both a tedious job as a massage therapist and a loveless marriage. A chance meeting leads sets Jane on a new path: performing a CirqueDu Soleil style aerial act with a mysterious and beautiful dancer named Serena.

I love the quietness of this film, letting the flow and rhythm of the gymnast’s and dancer’s body movements do the talking.  It’s an enigmatic film that not only tackles a woman’s struggle with rediscovering her self-worth and attraction to another female but that of liberation from everything that strangles her.  This is a good film.  And the two female leads are great movers!

tawagang bebe part 2

Tsaran, ang balahurang bebe strikes back! Woohoo. Got this again from a g4m forum. Sa mga nagpost ng mga ‘to, patawad, di ko kayo ma-cite lahat. Gusto ko lang kayong pagtawanan bilang mga tao. Kaya, kapit na sa hailstorm ng katamisan ng mga bebe!!!!

Tawagang hayup: pao-pao parang doggie lng but mostly bhaby twg koh (with an H); tawag niya sakin “pusa” ang cute diba (meow); tawag ko kay ex.. bantay;

Tawagang pagkain: chocolate; ampalaya; chubby eggpie; ung isang ex ko tawag ko sa kanya my sushi….and he calls me my sashimi (oishi!); beef mami; crinkle; munch; dough; frap; sugs short for sugar; bagoong; swirly bits; slurppy; pepperoni; balut;

Tawagang nationality: lakay; intsek, chinese kasi siya at bombay, kasi mukha ako Bombay (oh, watta combination);

Tawagang nakakawindang: kaps; mah boo; shining star; bakla!!!; yabs; pupot kapag inaasar ako; stinky tawag ko sa kanya, pinky tawag nya sakin because of my cheeks! (‘coz he uses only Ponds after seven days).

Dudong; panget; alas; doo; dadoo; maicy; adik; heaven; pangga kasi bacolodnon-ilonggo siya pati na yung 2 exes ko; tsub-tsub; moi-moi; bhehon parang pansit haha (ay, natawa sa sarili);

Bonsai; tay; bagets, yun ang dapat, 18 pa lang sha eh.. 21 nako (ok, payn); drops (bakit??); pamin kasi paminta sya masyado; pumba; dadilavz tawag nya sa ken, beybilavs kol ko sa kanya; bubu o kea yubby;

Tawagang shortcut: loko short for love ko; bobe= bobo bebe; mako, short 4 mahal ko; by, short for baby right now nag-e-evolve yung tawag ko sa bhe ko… nagiging ambhebipupotskidoodle…. hehehe, parang snuffle-upagus…lol (ay…);

Tawagang hindi epektibo: char char; xa nmn c pika,.,. huhu,. he dumped me (buwahhahahahhaha, ayan kasi ang arte); tawag ko sa isang naging buddy ko eh moo my one and only.. haha.. corny.. kaya iniwan din agad ako.. huhuhu.. hirap tlgang maging chubby (fine); sunget at kulet baho at panget sad…ngaun wla nko tinawag na ganyan!;

At dito ako tumambing sa lahat lahat… “I call my ex freddie Krueger… !! yeah!!! rock on…. (rock on ka diyan!)

Also read: Tawagang bebe (part 1)

condolence kay christmas

Iniisip ko pa lang ang simoy ng Pasko, naaalala ko na ang exchange gips noong elementary at high school. Ayaw ko pa nun makatanggap ng panyo na stripes o di kaya ng photo album. Gusto ko, game and watch. O brick game. Pero lagi ako nakakatanggap ng panyo o photo album. O minsan, coin purse na yari sa banig.

Lagi-lagi, sa mga Christmas parties noon, nagdadala ako ng bukayo o sunog na tsokoleyt keyk na niluluto ni Mama. Kadalasan, lagi kong inuuwi ng buo ang mga yun kasi walang kumakain. Ang mga mas mayayaman kong mga kaklase ay nagdadala ng istapegi o hotdog na may marsmallows at laging benta ang mga yun sa mga batang hindi laging nakakatikim ng istapegi at hotdog na nasa istik. Nangunguna ako sa linya nun.

Sa dapat na minimum na sinkwenta pesos na regalo, nilalagay ni Mama ang isang balot ng maliit na pulang Chippy at limang piraso ng kendi sa kahon ng Lion Tiger katol. Ibinalot ito sa tig-pipisong pambalot na nabibili sa palengke. Ang malas nga naman ng mga kaklaseng nabubunot ko sa exchange gips. Taon-taon malamang, naaalala nila ang trauma na sinapit nila sa kamay ng kakuriputan ng nanay ko.

Sabi niya kasi ‘para hindi ka lugi, Anak’ kung sakali raw na ang makuha kong gip ay yung tsokolateng parang gold na piso. Pero paborito ko ang mga tsokolateng parang gold na piso.

Ni minsan, hindi ako naniwalang para lang sa mga bata ang Pasko. Hindi lang naman siya tungkol sa kendi, santa klaws, paputok, regalo o istapegi.

Limang taon na ang nakakaraan, sobrang hagulhol ko nang tumawag ako sa payphone sa bandang Anonas Street, alas dose ng hatinggabi, noche buena. Kumakanta si Tracy Chapman ng ‘O, Holy Night’ nun. Andaming paputok na nagpabingi sa akin na kahit konti lang ang mga taong dumadaan sa madilim na parte ng noo’y Glori’s, naramdaman ko ang saya ng Pasko kasama ang pamilya. Masaya sila sa Davao habang nangungulila ako sa amoy ng usok ng bagong paputok na judas’ belt at super lolo at thunder. Doon ko naisip na dahil walang perang pang-uwi, namatay ang Pasko ko.

Mas mabigat marahil ang dahilan ng kalungkutan dahil hindi ko naramdaman sa unang pagkakataon ang Paskong nakasanayan ko. Na kahit gaano kasimple ang handa namin sa noche buena noon, walang kapantay ang saya na kasama ang mga mahal sa buhay. At ng christmas party kasama ang mga kapitbahay (at mga kras), ala una ng gabi pagkatapos ng noche buena, habang sumasayaw at nagdidisco sa maalibok na daan sa harap ng bahay namin.

Ewan ko kung ako lang pero hindi ko na nararamdaman ang Pasko ngayon. Nobyembre na pero ang mga kantang pamasko na nagpapasigla sa akin nung bata pa ako ay naririnig ko na lang sa mga mall o sa mga tiangge at ukay-ukay. At ang katumbas na inis dahil kahit naririnig ko ang mga kantang ito, hindi na tagos sa puso ang ibig sabihin nila.

Habang nakikinig ako ng mga pamaskong kanta sa mga mall, napapaligiran ako ng mga bagay-bagay na gustung-gusto kong bilhin pero hindi ko mabibili. Nagpapalaway, nagsasabing ‘mas makahulugan ang Pasko kapag binili mo ako’. Ang totoo niyan, ang Pasko ngayon ay nagpapababa ng moral sa sarili.

Ngayon, mas nararamdaman ang Pasko kapag may bagong damit, ipod, laptop, sapatos, selepono, boypren. Walang Pasko kapag walang pera.

Higit pa dun, hindi ko na naaamoy ang simoy na dati nagpapaalala sa akin ng saya ng exchange gips at Christmas parties, ng mga panyo at photo albums. Wala na ring gaanong mga nagpapaputok ngayon. Mahal na kasi.

Hindi ko na rin naririnig ang paborito kong kanta na “my idea of a perfect Christmas.. is to spend it with you… in a party or dinner or two…” Tanging mga alala na lang ang nararamdaman ko kapag naririnig ko yun. Isang maliit na ngiti na lang na nagliliwanag sa mukha ko dahil kung tutuusin, ang kantang yun ang nagpaparamdam sa akin na may totoong Pasko pa dati.

Nawawala na siya. Para na lang siyang isang araw na selebrasyon gaya ng Araw ng mga Patay o Araw ng Kalayaan. Tsaka, marahil na rin siguro, wala na masyadong nagpapakontes at nagpapapromo ngayon sa telebisyon na noon, laging nagsisimula Septyembre pa lang, siniset na nila ang mood ng buong kapaskuhan.

Alam kong hindi macbook o bagong selepono ang magpupuno ng puwang ng okasyon. Hindi na nga lang siguro kasingsaya ang Pasko dahil iba na ang konsepto nito para sa karamihan ng mga tao ngayon. Pero sana, kahit man lang ang atmospera ng selebrasyon maibalik man lang, masaya na ako.

Hindi ko na rin maibabalik ang pagiging sipuning bata na laging nakakatanggap ng panyo at photo album, pero sana maramdaman ko pa rin ang saya ng Pasko kahit ngayon ay sipuning matanda na ako.

smells good, tastes good

Orgasmo ang makatikim uli ng duryan. Kaya nang umuwi ako sa Dabaw nung isang linggo, nagpabili agad ako ke Mama. Kung me duryan man dito sa Manila, ang mahal kasi. Kasing mahal ng puri ko. Tsaka nag-iinarte ang mga taga-rito, mabaho raw yung amoy. Tseh. Bango kaya. Sarap!

Nung lumipad si Mama ng Manila bago ako pumunta ng Batanes, nagdala siya ng duryan pero karamihan sa mga yun ampapait. Me iba-ibang klase na pala nito. Kala ko dati, malagkit lang at yung regular lang ang meron. Di ko kinaya ang pait niya.

Sabi pa ni Mama, “November na. Di na season ng duryan ngayon. Ayan, P40 na kada kilo”. Wa, Ma. Kumusta naman kung nasa season yun. Sabi, P10 daw kada kilo. Ahhh. Durian festival kung durian festival.

At nginata ko na at ng kapatid ko ang isang buong duryan na biniyak niya sa harap ko. Ansarap, antamis, ang-orgasmic! Nanuod lang ako ng tibi at ten minutes after, ayun, ubos na agad. Siyet, bitin. Pagkatapos, mahilo-hilo akong tumayo ng sofa para pumunta sa kwarto. Naknamputcha. Musta naman ang cholesterol ng duryan. At isang buong prutas pa ang kinain ko nang walang pakundangan. Waaah.

Di bale, ininggit ko naman sina Angie at Caloy, ayun, matunaw-tunaw sa sobrang dismaya.

Naglambing pa si Agnie na magdala raw ako pagbalik ko, sabi ko oo naman. Araw ng alis ko, pinabili ko si Mama ng limang duryan at nilagay lahat ng laman sa lalagyan ng ice cream para di mangamoy sa eroplano.

Kompident pa akong lumusot sa check-in area kasi gusto kong ihand carry na lang siya. Habang naglalakad ako, medyo lumalabas ang amoy niya konti pero hala, sige. Pagdating ko sa xray machine, nadiskubre ang scam ko at pinacheck-in sa akin ang bag. Siyet, me laman din na mga suman yung bag. Waaaaah. Baka, mapaflat lahat!

Pagdating ko ng Manila, nagbus na ako pauwi. Alam ko kung gaano kaselan ang mga taga-Manila sa mabangong amoy ng duryan kaya mahigpit ang hawak ko sa bag na nilagyan nito, medyo lumalabas na kasi ang amoy. Baka nabutas habang nasa eroplano siya.

Pagdating ko sa bahay, pinapak agad namin ng katapid ko ang mga duryan. Kaso, me ibang lasa at amoy na siya. Maasim na medyo kakaiba. Siyet. Nilamon ata ng init sa loob ng cargo at napanis. Kahit nilagyan pa namin siya ng ice, wala pa ring epek. Pagkatapos ng dalawang oras, ayun, nag-iba na nga. Di na namin siya nakain. Hay. Sana pala dinevour ko na lang siya habang nasa Davao pa. O di kaya, nilagay ko sa plastic tapos niref buong gabi.

Ang arte kasi sa eroplano e. Sana hinandcarry ko na lang.

Di ko tuloy naibigay kay Agnie yung pangako ko. Tumutulo pa naman laway nun habang iniisip kung gaano kasarap ang duryan. Sige lang, sa susunod na pag-uwi ko ng Davao. Sisiguraduhin kong di na mapapanis ang dala ko. Pinagtiyagaan ko na lang din lamunin ang masasarap na mga suman na dala ko.

nars, showing on dec. 7

Directed uli by Adolf Alix. Humahataw na direktor (buwahhahahahah). Produced by Carl and Carl Productions. More in my Multiply account.

Dito ko unang nakatrabaho si Adolf at si Agnes, ang writer at ang mga staff na nakasama na rin ni Adolf sa Donsol at Kadin. Haggard ang shoot pero masaya. Aktwali, this was shot even before Batanes pa, di ko lang naaupload ang mga piktyurs.

Isang mahalagang impormasyon: alipin lang ako dito.


First day ‘to. Jen with Coco, na bading ang role. Right, Agot, who plays a doctor na nag-Nursing.


This was shot even before Jon Avila entered the PBB house. He plays Jen’s love interest. Right, the other actors who comprise the “group”.


Two good friends, Agnes the writer and Adolf the director. Right, with Carlo Maceda, who produced the film.


With Jon and Jen. Right, with Maisa, co-cinematographer, Jerome, Tonee and Jon.


Left, rare picture where Adolf smiles. Right, last day harutan with Jerome, Agot and Jodi.