Biga-on!

Thanks Ben Padero for upsounding! Original blog entry here.

the thank you girls review

Photobucket

i missed the opportunity to work as designer for this movie since it was shooting the same time with serbis. also, i was held back by tvc work from leaving for mindanao ergo i missed working on a fantabulous movie by emotistic centerstage colleague, charliebebs gohetia

yesterday was the thank you girls’ premiere at the UP and carlo and i headed for the theater on the invitation by writer-editor-director bebs. we of course expected the tongue-in-cheek comedy fished out from gay beauty pageants and we were taken in for a roll!

haskang grabe ka-juker! bibo gyud siya, never laughed so hard at a movie in a long time. the great part of this film was how natural the dialogue, both scripted and impromptu, twittered out of the cast’s lip-shimmered mouths. of course in the beginning it takes a bit of time to get used to bisayan gay linggo. hearing them speak in their native tongues and acting out along the billboard-less highways of mindanao, the bantering and witty exchanges felt right at home as if we’ve worn red satin gowns everyday of our lives. lighting and sound technicals aside, this movie is fantabulous from fake diamond tiara to flattened-out yellow spartan flipflops.

Photobucket


among the cast, we laud mommy paula’s natural and realistic approach to her role, her gay mamasan was never sashaying and contrived. i particularly loved both scenes that featured mommy paula and son, chris, driving on the freeway and the backstage scene after the bukidnon pageant. being a bisaya, i enjoyed hearing the dialogue come as natural as air, her exchanges with chris were spot on and their emotions on check and never overboard.

of course, a large part of the movie lived on the glorious top of the jeep, called taplod (top load) in bisayan linggo. the script featured a loadful of MG (miss gay) pageant scenarios, here the thank you girls (linggo for contestants who didnt make it to the semi-finals round, ergo “thank you, girls”) reenact opening spiels and the quintessential question-and-answer round, rehearse, playaround and just about anything they could do there. sometimes witty, sometimes effortlessly stupid, totally laugh-out-loud moments for us and the audience. nagkini-at ang mga bayot sa atop sa jeep bwahaha

the pace and energy of the film were infectious so kudos to bebs the editor. i loved that final scene in fictional cagayan de oro (bebs ha!) with the mirrors, great editing. even the first act of the movie was ultimately made more energetic with the editing and the shifting to and fro scenes from davao to the pageant. the soundtrack was also very chika bibo. all the thank you girls’ characters were wonderfully developed, so kudos to bebs the writer. loved each of the characters and their plight in life and in love. the actors’ performances were right on so kudos to bebs the direction.

bebs is on cloud 9. after his success with writing adolf alix’s daybreak and being solely acknowledged in singapore for editing tirador (tama ba?) plus the pending urian nomination for both tirador and foster child’s editing, he’s soon off to ********* for the city’s international filmfest for thank you girls in september. i cant wait to see what else bebs has up his fuschia colored bead encrusted silk sleeve. dili ni atik-atik gang ha, congrats! ikaw daog, imoha ang korona. rampa bayot! lovett!

Eto na ang sinasabi kong baklain ang mundo

Finally, nirelease na rin nila officially. Oh-em-gee. I swear. I’m so loving this.

Sabi nga ni Allyson habang nag-uusap sila ni Mommy Paola sa madilim na bahagi ng pageant sa Bukidnon (in Tagalog):

Allyson: Di ko maintindihan kung bakit dito sa mga probinsya, mahilig sila magpa-MG (Miss Gay) para sa mga first timers.

Mommy Paola: Masarap raw kasi ang first time.

Oo. Eto. Perstyam ito ng TYG kaya masarap (at hihirit akong sana masundan pa, haha). Masarap na masarap, ohyeah. I-access ang press release dito. Opisyal na. TYG competes in the Dragons and Tigers Section sa Vancouver Film Festival. Char!

Vancouver fest unveils Asia-heavy slate
‘Longwang Chronicles,’ ‘Jalainur’ set for world premieres

By Adele Weder

Aug 28, 2008, 03:43 PM ET

VANCOUVER — The Vancouver International Film Festival on Thursday unveiled what organizers called the largest slate of East Asian cinema in North America, including world premieres for Li Fifan’s documentary “The Longwang Chronicles” and Zhao Ye’s “Jalainur,” which is set in wintry Manchuria.

The festival, which is set to run Sept. 25-Oct. 10, will screen 73 East Asian films, with 27 international premieres and 18 North American debuts.

The Dragons & Tigers competition for emerging Asian directors includes international premieres for “German + Rain” from Yokohama Satoko and Uchida Nobutero’s “Kaza-Aana” (Japan) and Charliebebs Gohetia’s “The ‘Thank You’ Girls” (Philippines) and North American premieres for Emily Tang’s “Perfect Life” and Gao Wengdong’s “Sweet Food City,” both from China.

This year’s Dragons & Tigers jury includes Ichiayama Shozo, filmmaker Pe-nek Ratanaruang and critic Elisabeth Lequeret.

Vancouver’s 27th installment also has booked an international premiere for the Cuba Gooding Jr. starrer “Linewatch,” from Kevin Bray and Sony Pictures Entertainment, and a world premiere for Spanish director Ivan Noel’s coming-of-age drama “In Your Absence.”

Dinefine na si darkness!

Photo courtesy of Ben Padero

Halos isang linggo ako di makatulog. Iniisip ko kung mapupuno ko ba ang Adarna sa premiere night ng TYG o lalangawin ba siya at isang row lang ang mauupuan at ang row na yun ay bakante pa sa harap. Nag-aalala ako kung magugustuhan ba siya bilang ang premiere ay isang napaka-crucial na pangyayari sa isang pelikula at dahil hindi naman ito kalakihang pelikula, I have to rely sa word-of-mouth advertising.

Aligaga. Kailangan mag-color grading. Kailangan maglatag. Kailangan maghatak ng manonood. Kailangan magsubtitle. Maayos, walang typo at hindi text-language na subtitle. At dahil tradisyon ko na ang maghabol ng oras, kahapon lang nagkaroon ng master copy ang pelikula. Dalawang araw kong hindi tinulugan ‘yun.

Balak ko pa naman sana bumongga ng todo dahil alam kong may mga camera na magmamatyag. Magpa-makeover, yung tipong di na ako makilala ng mga kakilala ko. Umeport sa damit, yung tipong nasa Video Music Awards ako. Di ko rin naman nagawa. Pweh.

Kahapon ng tanghali, pagkauwi ng bahay galing Ignite, natulog na lang muna ako para di tumuyo ang balat ko at ayokong malosyang-looking. Wa na sa eport ng makeover at fashown. I was just banking on internet advertising at konting print mileage at nang makita ko nung Wednesday na marami naman ang nagpupromote sa mga sites nila, kumampante na ang katauhan ko. (Salamat, guys!)

Nilipad namin lahat ng cast from Davao para ma-experience naman nila ang World Premiere at nang makita nila for the first time yung pelikula. Hindi ko sila nakausap until alas singko y media na ng hapon pagpunta ko sa Adarna para magtechnical test. Maayos naman altough may mga modang hindi lumabas ang tunay na kulay base sa na-grade nang material (feeling ko, maganda pa rin naman na lumabas) at aligaga ang audio (hindi masyado nabigyan ng hustisya ang audio mix ni Sir Ditoy) . Aktwali, hindi talaga ganun kaganda ang acoustics ng Adarna pero kebs na. Maayos akong nakapag-technical test.

Nagsidatingan na ang mga tao ng 6pm. Narealize ko, andami, dami, dami, dami ko palang friends, haha. At kahit hindi ito sex film, maraming pumunta. Sobrang ganda ng ginawa ng UP Cinema na exhibit sa labas. Thanks Jed. May mga expected akong mga tao at celebrities na di nakarating, sayang. At may mga taong matagal ko nang di nakikita na dumating at sumuporta. Grabe, kakatouch.

Mark dela Cruz, maraming salamat sa pagpayag na mag-emcee bilang kinaladkad lang kita 30 minutes bago ang screening, hekhek. Unang pinalabas ang short film ni Leo bilang front act at bilang experimental ang pelikula, nakatulala lang ang audience after the film, haha! Angganda kaya nung film niya. Very internet relationship.

For the first few minutes ng TYG, naging tin can-sounding ang audio. Ulk! Nyetah. Something always goes wrong, divine. E, maayos naman ang technical run so bakit nagkaganun. Si manong mixer talaga! So, kelangan ko siyang aligagain! Tumayo ako at dumikta sa tabi niya para iayos yung mix habang nagpapalabas. Kaya pasensiya kung nagkaganun ang audio sa ibang parts kasi nag-aayos si manong. PERO I ASSURE YOU, HINDI TALAGA PANGIT ANG AUDIO NG TYG, I SWEAR! I paid so much detail sa audio mixing kaya alam kong maayos ang technicals ng pelikula dahil alam ko kung gaano ka-crucial at kaimportante ang sound.

Anyway, habang nagpi-play ang pelikula, natuwa naman ako at tumatawa ang mga tao kahit sa mga parteng di ko inexpect na tatawa sila. Siyempre bentang-benta pa rin ang “define darkness” kahit nasa trailer na ‘to. Sabi ni Andrew, dapat nagdala raw siya ng papel at bolpen para mailista ang mga quotable quotes sa MG (Miss Gay), hekhek.

Ayun. Nawala na ang mga masasamang kaluluwang bumabagabag sakin. Maganda ang reception ng mga tao after and tuwang-tuwa si Jim, yung producer, sa resulta. At siyempre, touched na touched ako ke Cranks at Karl sa flowers! Eeeeeh. Mu-miriam Quiambao moment ako, pagkatapos madulas ay tumayo at pumroclaim nang rumirepresent sa all women in the world who stumbled and got up. Ansaya. Tapos, binigyan pa ako ng UP CINEMAsters ng sign book kung saan umemo message ang mga tao.

Oh yeah, Dimen. I’m officially a god. Buwaha. What took you so long to even realize that? Char.

So, ayun. O-opportunitista nako to thank everyone who helped out (no tears).

  • Jim for making this happen. You’re the one who should be commended.
  • Adolf for being unconditional (char).
  • Noel dahil lagi kang handang sumuporta at tumulong.
  • Staff and crew at actors na rin (isa-isahin ko pa ba kayong ilista?) dahil naging masokista kayo sa panghahaggard ko, haha. And for sticking out with me during our worst times sa shoot, di niyo ako iniwan (emo niyo, tsweh!). Buti na lang at friends tayo kaya kinaya natin ang worst conditions na naexperience natin.
  • Nelson Canlas and Michael Cruz.
  • Film friends. (wag na kayong magpabanggit ng isa-isa, baka me makalimutan pa’ko).
  • UP CINEMA. Habac, masaya ako manghaggard diba?
  • Chris Fabian dahil lagi mo akong binibigyan ng exposure, hehe.
  • Sa mga artists at banda na nagtiwala at nagpahiram ng kanilang mga kanta. Roxys, Haphazard (great meeting you MM, churvaloo girl!), Kampai, Gasulina, Sidecrash, Reggztheory, Lizardchips, Chris Uy, atbp.
  • Sa mga nag-extra sa pelikula.
  • Yam, Yen, AVL, Kuya Roy ng Iwag, Mintal gays.
  • Libay Cantor at Nonoy Lauzon.
  • Sir Ditoy and Soundcrew Staff.
  • Ignite staff. Tom, dubout uli, haha.

Sa mga pumunta kagabi:

  • UP CMC friends. Klaring, Dan, Emman, Kirkay, Sol, etc.
  • Davao friends.
  • Congress people.
  • AJ, Miggs, Princhecha Fiona, Kuya , Geloy bloggers (kahit hindi nakapunta).
  • Nestor de Guzman, salamat sa book.
  • Ben, salamat sa magandang review! Friend talaga kita.
  • Babaylans! Thanks Nicole.
  • Coco Martin. Thanks, Co at pinakilig mo ang mga bakla dun haha.
  • Jerome Romzey at Toni Ikwin.
  • At sa mga tumulong na nakalimutan kong banggitin, salamat!

So.. on to the next destination. Baklain ang buong Davao! At buong mundo na rin. Eto ang mga schedule ng screenings:

Sept 8 – Premiere Night (Davao) at Gaisano Mall of Davao. Tickets at P100.

Sept 10-16 – Regular Showing (Davao) at Gaisano Mall of Davao

Sept 23 – Advance Screening 9:00pm Robinsons Indiesine

Sept 24-30 – Regular screening (Manila) Robinsons Indiesine

Weh, seryoso?

Bigla akong nagulat kanina pagbukas ko ng Facebook, eto ang bumungad sakin…

Di ako makapaniwala. Seryoso? Si J.R. Richards nga ba ito? Huwaw! Pakshet, kinilig ako ng sobra, yung kilig na may pangingisay at tirik mata. Grabe, Dishwalla vocalist ito, inadd ako bilang pwend sa facebook. And I’m like.. eeeeh, a fan.

Nadiskubre ko ang Dishwalla nung 2000 nang marinig ko ang ‘Counting Blue Cars’ at ayun, tinuloy-tuloy ko na. Karamihan sa kanilang mga kanta, ginamit na soundtrack sa mga tv shows tulad ng Charmed. Sila ang kumanta ng Somewhere in the Middle, Angels and Devils, Every Little Thing, Collide at ang pinakapaborito kong Candleburn at Opaline. Woohoo. Kinikilig pa rin ako.

After a 3-year hiatus, nagconcert ang Dishwalla nung July with their original drummer and a special guest vocalist dahil busy nga itong si J.R. sa kanyang solo project which will be released by fall. Di na rin ako nagpatalo at minessage ko siya. Eeeeeh. I love you, J.R.! Char.

Tren [insert elipsis]

Napansin ko na siya nung Huwebes, sumakay ako sa pinakalikod na tren ng MRT katulad ng ibang ordinaryong araw. Heggard ako, nakisiksik sa gitna, nakipag-agawan ng espasyo, nagpapacute at paminsang tinitingnan ang repleksyon sa salaming malinaw. Naghahabol ng oras katulad ng ibang ordinaryong araw. Galing pa siguro siya sa North Station, nakaupo na kasi siya pagsakay ko, kumportable sa kanyang tshirt, shorts at tsinelas. Parang ako.

May aura siyang malakas ang dating sa bading. Sumisinghot ng sipon at napapangiti ako kapag naririnig ko siya. Naalala ko tuloy si Carlo, napakasakitin, araw-araw laging may sipon. Habang nagtitiext ako, nakatingin lang siya sa kawalan. Nag-iisip siguro. Iniisip niya siguro ako. Kahit alam kong hindi napapadpad ang mata niya sa akin. Alam ko yun, naramdaman ko. Mabisa ang peripheral vision ko.

Bumaba siya sa Shaw Blvd. at katulad ng ibang ordinaryong araw, matalas ang paningin ko. Kaya kong mapansin ang mga bagay-bagay sa loob ng MRT dahil may kapangyarihan ako ng depth of field. Naisip kong isa lang siya sa halos libong gwapong lalake na dumadaan, sumasakay, naaamoy, nagpapacute, nagpapawis sa MRT. Pero naalala ko siya.

Heggard uli ako Biyernes ng alas singko ng hapon. Nagmamadali, naghahabol ng oras, iba na ang damit ko. At katulad ng ibang ordinaryong araw, umupo ako sa pinakalikod ng tren, hindi na gaanong nakisiksik, hindi na gaanong nagpapawis pero mukha pa ring patay ang buhok ko, kumulot dahil nabasa ng pawis.

Nakita ko uli siya. Ang gwapong lalakeng sumisinghot ng sipon sa MRT. Sa parehong upuan, sa parehong posisyon, sa parehong oras. Nakapink na siya ngayon. Naka-Levi’s tshirt, nakashorts, nakatsinelas. Parang ako.

Mas malakas na ang singhot niya, kaya niyang higupin ang buong sangka-MRT-han kung gugustuhin niya. Hindi ko alam kung bakit hindi na sumagip sa isip ko si Carlo. Nag-away kasi kami nung araw na yun.

Nagtitext ang lalakeng ka-coincidence ko. Nakatingin ako sa kawalan. Si Carlo kasi, inaway ako nung araw na yun, wala na tuloy akong kalandian. Siguro, katext ng lalake ang kanyang boyfriend. O girlfriend. O nanay o anak. Katulad nung isang araw, hindi siya ngumingiti, hindi ko nakitaan ng landi ang kanyang mga mata. Tinitigan ko na lang siya mula Quezon Avenue hanggang sa pagbaba niya at ilang beses ko nahuli ang isang lalakeng nakatingin din sa akin. Sayang, hindi ako nahuli ng lalakeng sumisinghot na nakatingin sa kanya. Handa pa naman ang mga muscles ng mata ko para sa isang kindatan session.

Bumaba uli siya sa Shaw. Ni hindi siya lumingon, ni hindi ako binigyan ng sulyap, ni hindi niya man lang naramdaman ang existensiya ko. Narinig ko pa rin ang singhot niya habang nilalamon siya ng mga nagsisiksikang tao papasok ng MRT. Bakit niya kaya paborito ang likod na bahagi ng tren? Ako? Hindi ko rin alam. Hindi ko na siya uli nakita ngayong araw na ‘to…

Malamang. Gabi na kaya ako lumabas ng bahay.

Astro!

Bukas ng gabi, gi-guest kunwari ako sa radio ni Papa Ramon “Astro” Bautista, ang idol ng bayan (oo, the next big thing sa advertising world a.k.a. Caltex guy). Yung “Brewrats” sa 99 RT (na Campus na ngayon). Alas nuwebe ng gabi hanggang alas onse. For fun lang bilang nagkita kami ni Astro last week sa UP at nilinlang ko siyang ipromote ang TYG sa radyo haha.

Perstaym kong umepal sa ganitong moda kahit me “Reeltime” radio show kami dati ng UP Cinema sa DZUP. Sana lang wala akong stutter, stummer, matigas-na-dila moments. Nakakahiya sa fans. Char. Me kyeme ring pa-world premiere ng “Naroon” ni Michael Cruz na theme ng TYG.

Anway, badtrip ang internet connection ko ngayon bilang hindi ko alam kung bakit nakakakonek ako sa ibang site at sa iba ay hindi. Inis. Bayrus, ikaw ba ito? Sana lang hindi.

The Muslim

Vanette is a Muslim and the youngest of the group. Nakuha ko ang idea ng character ni Vanette dun sa kwento ni Yam about sa isang grupo ng mga batang bakla sa isang lumad (indigenous people) area sa Davao. Naisip kong me mga baklang lumad pala.


KIT POLIQUIT. Camille Roxas look-alike daw. Naman. Tubong Cebu at nung nag-audition siya, siya lang ang nakapagtranslate ng script from Tagalog-Bisaya ng diretso. Magaling sa adlib. Go.

Music:

“Starsick”
Words and Music by Kampai
Performed by Kampai
Recorded / Mastered by Duane Fernandez of Blueberri Studio
Management: Nestor Abrogena and Joe Fajarillo
Copyright 2007

Jade Trinidad- Vocals, Guitars
Abi Casauay- Vocals, Percussions
Hepe Lavador- Drums
Alvin Cudal- Lead Guitars
Oboy Ofreneo- Bass

Salamat ke Nestor Aboriginie sa permisong magamit ang kanta. Tsweh.

Abangan

Nakatanggap uli ako ng bagong magandang balita. Mukhang TYG goes around the world na ito. Eeeeeh. Exciting.

In the meantime, gusto kong gumawa ng horror film. Ang title: THE ATTACK OF THE PHOTOSHOP BEAUTIES. Grabe. Naglipana! Pwedeng peg nito ang mga zombie films nung 80s tulad ng ‘Night of the Evil Dead’ or slasher films nung 90s tulad ng ‘Scream’ o ‘Blair Witch Project’.

Nagkakaroon uli ako ng interest sa mga experimental films (minsan napagkakamalang avant garde) at gusto ko uli sila iexplore Nirediscover ko si Maya Deren kagabi, kung saan ang mga pelikula niya ay ipinanood ni Maam Anne sa Expe class namin dati. Gusto ko siyang ipagsanib sa nirediscover ko ring konsepto ng Dadaism, isang protesta laban sa mga burgis, kolonyalismo at mga pa-art. Exciting. Abangan uli ito.

Confirmed na nga palang pupunta si Gus Van Sant sa Pilipinas para sa Cinemanila International Film Festival sa October. Siyet. Siya lang naman ang director ng paborito kong ‘Elephant’, ‘Paranoid Park’ at ‘My Own Private Idaho’. Siya rin ang director ng ‘Under the Bridge’ music video ng Red Hot Chili Peppers.

Hindi ko alam kung confirmed nang dadalhin nila si Martin Scorcese pero yun ang bali-balita.

Nga pala, sa mga nagtatanong, ang tickets ng TYG Premiere ay P100 lang at diretso nang makuha sa booth ng UP Cine Adarna sa August 28.

Salamat, URIAN!

Huwaw. Pagkatapos kong umemo last year dahil feeling ko naisnab ako for “Manoro”, eto na. Heaven. Langit. Paraiso. Orgasmo. Grabe lang ang mga biyaya ng lupa ngayong taong ito. Daming blessings! Salamat, Lord. Grabe.

Urian ito. Urian! Mapansin lang ang pinagpaguran, heaven na. Eeeeeh. Ansaya. Pagkatapos ng Asian Film Awards at Young Critics Circle para sa “Tirador” for me, eto naman, para sa “Foster Child”. Patawad… Super saya lang ako. Wag umaligaga, pagbigyan na.

Nakakatuwa rin na karamihan sa mga nominado, mga pwends at kakilala ko lang din at lalo na sa team “Tirador” at “Foster Child”, loves it! Sa mga manunuri, maraming salamat sa recognition na ito.

Congrats sa mga kaibigang nominado! Mabuhay ang pelikulang Pilipino. Char.

1. SOUND:

Ditoy Aguila (Tambolista), Ditoy Aguila and Junel Valencia (Tirador), Emanuelle Clemente and Arnold Reodica (Foster Child), Mark Laccay (Tribu), Jerrold Tarog (Confessional)

2. MUSIC:

Teresa Barrozo (Tirador), Vince de Jesus (Pisay), Francis de Veyra (Tribu), Khavn dela Cruz (Tambolista), Danny Gil (Maling Akala)

3. EDITING:

Lawrence Ang (Tribu), Aleks Castaneda (Tambolista), Ray Defante Gibraltar (When Timawa Meets Delgado), Charliebebs Gohetia (Foster Child), Pats R. Ranyo (aka Jerrold Tarog) (Confessional)

4. CINEMATOGRAPHY:

Rodolfo Aves Jr. (Kadin), Albert Banzon (Tambolista), Albert Banzon (Tribu), Jeffrey dela Cruz, Brillante Mendoza, Gary Tria and Julius Villanueva (Tirador), Odyssey Flores (Foster Child), Odyssey Flores (Selda), Larry Manda (Maling Akala), Dan Villegas (Still Life)

5. PRODUCTION DESIGN:

Harley Alcasid and Deans Habal (Tirador), Armi Cacanindin (Tribu), Jhek Cogama (Endo), Lav Diaz and Dante Perez (Death in the Land of Encantos), Martin Masadao, Regie Regalado, Dante Garcia, and Endi “Hai” Balbuena (Pisay), Benjamin Padero (Foster Child), Danny Red (Selda), Baba Velasco and Vilma Velasco (Maling Akala)

6. SCREENPLAY:

Jade Castro, Michiko Yamamoto, Raymond Lee (Endo), Lav Diaz (Death in the Land of Encantos), Joel Jover and Ralston Jover (Foster Child), Ralston Jover (Tirador), Jim Libiran (Tribu), Jose Javier Reyes (Katas ng Saudi), Ave Regina S. Tayag (Tambolista), Ramon Ukit (aka Jerrold Tarog) (Confessional)

7. SUPPORTING ACTOR:

Publio Briones III (Confessional), Benjamin Fileo (Tirador), Alcris Galura (Endo), Emilio Garcia (Selda), Sid Lucero (Tambolista), Jiro Manio (Foster Child), Coco Martin (Tambolista)

8. SUPPORTING ACTRESS:

Malou Crisologo (Tribu), Eugene Domingo (Foster Child), Anita Linda (Tambolista), Liza Lorena (Katas ng Saudi), Ara Mina (Selda), Angela Ruiz (Tirador)

9. ACTOR:

Jason Abalos (Endo), Jerrold Tarog (Confessional), Roeder Camanag (Death in the Land of Encantos), Jinggoy Estrada (Katas ng Saudi), Sid Lucero (Selda), Jiro Manio (Tambolista), Romnick Sarmenta (Prinsesa), O. G. Sacred (Tribu)

10. ACTRESS:

Glaiza de Castro (Still Life), Ina Feleo (Endo), Cherry Pie Picache (Foster Child), Judy Ann Santos (Sakal, Sakali, Saklolo), Lorna Tolentino (Katas ng Saudi)

11. DIRECTOR:

Adolfo Alix Jr. (Tambolista), Jade Francis Castro (Endo), Lav Diaz (Death in the Land of Encantos), Jim Libiran (Tribu), Brillante Mendoza (Foster Child and Tirador), Jerrold Tarog and Ruel Dahis Antipuesto (Confessional), Paolo Villaluna and Ellen Ramos (Selda)

12. PICTURE:

Confessional (Creative Programs, Inc. thru Cinema One Originals and Oddfield Productions), Endo (UFO Pictures Production), Foster Child (Seiko Films), Death in the Land of Encantos (Sine Olivia Pilipinas), Tirador (Centerstage Productions), Tribu (8 Glasses Productions)

13. SHORT FILM:

To be announced.

14. NATATANGING GAWAD URIAN:

Kidlat Tahimik

The (Un)Talented

Mahal na mahal si Macario ng mga magulang niya. Sinusuportahan siya sa lahat ng mga bagay-bagay tulad ng pagsali niya sa mga Miss Gay (MG). Ironically, hindi siya ipinanganak para maging reyna.

Mataba lang naman siya. Hindi siya maganda. Hindi siya marunong kumanta, wala siyang talent pero pinipilit pa rin niya ang sarili niya sa ganitong mundo. Alam naman niya yun at mataas pa rin ang self-confidence niya. Wala, makapal lang talaga ang mukha niya.

KIM VERGARA. Si Macario ang ultimate thank you girl kasi di mo mapapansin ang presensya niya, lagi siyang nilalamon ng mga kasama niyang mas malakas ang personality. Naachieve naman ni Kim yun. Nung nag-audition siya, chubby mode siya pero nung nagsushoot na, pumapayat siya ng pumapayat araw-araw to think lamon siya ng lamon. Hiyang?

Di ko naringgan ng reklamo yang si Kim, pakainin mo lang, gu-gow na yan. Haha. At dahil hindi alam ng tatay niya na siya ay bakla, pwes, i-a-out na kita Kim! Me modang basketball player ka pa ha! Hmf.

Yun lang.

“Boom”
Lyrics by: Mark Bitanga Del Rosario
Music by: The Roxymorrons
Performed by The Roxymorrons

Pinakamabilis na pelikulang inedit

Presenting, IMORAL.

Ang napaka-imoral na pelikulang tungkol sa menage-a-trois ng isang TOTOONG bisexual guy (hindi nagba-biseks-bisekswalan lang), ang kanyang asawa at ang kanyang kabit na baklang paminta (ang sabi ng bakla: una kang naging akin!).

Imoral, dahil hindi ko alam kung me ganitong set-up sa totoong buhay (pero sabi meron daw… hango daw ito sa buhay ng writer na si Frank).

Imoral dahil kung ako ang bakla, hindi ako papayag sa ganitong sitwasyon (sa ngayon, masasabi ko ito). Imoral dahil hindi ko naiimagine ang sarili kong may kahati sa puso at katawan ng aking minamahal at nakatira pa kami sa iisang bahay. Imoral isipin na nagsiseks sila at naririnig ko sila. Nakakaarouse kaya yun? Ewe.

Imoral dahil hindi natin dapat hinuhusgahan ang mga taong nasa ganitong sitwasyon (assuming meron). Por dat, tayo ang imoral, hindi sila.

Imoral dahil nadiscover kong si Arnold Reyes pala ang nagsulat ng “Kung Ako Ba Siya” na kinanta ni Piolo Pascual sa Himig Handog a few years back. Huwaw. Talented. Pero mas gusto ko ang version ni Arnold (nasa closing credits ng pelikula)

Imoral dahil, maraming maloloka dito sa isang scene ni Edgar Allan Guzman (siya yung winner ng Mister Pogi sa Eat Bulaga dati).

Imoral dahil magaling umakting si Katherine Luna.

Imoral dahil promising si Paolo Paraiso.

Imoral dahil tinapos ang pelikulang ito para maihabol para sa closing ng Cinemalaya 2008 noong July. In a span of tsaran… in less than two weeks.

Imoral dahil nahaggard ako sa pag-edit nito na sumuma-total ng tatlong araw. Tatlong araw lang. Pakshet. Tatlong araw. Kaya manood na para masaya. Ineportan ko ‘to. Hmf.

August 6 na. Sa Robinsons Indiesine.