antok

Sana makawala na ako.  Nilalason na ako ng pagkabagot, pagkahamuhi, pag-aalinlangan, pagdaramdam, paghihintay.

Andami nang nawala sa kung anuman ang kaunting meron ako.  Walang nasagip.  Parang sunog sa kaluluwa, ang apoy, pawis.  Nawawala.  Bumabalik.  Umiikot.  Naghahangad sa isang galit na dapat ibigay.  Sa angas na nagkubli.

Kayumanggi. Itim. Pula. Puti. Berde. Wala lang.

Pinagdamutan.  Nagdamot.  Naghangad.  Pinagdamutan.  Poot.  Patuloy na nangangarap.  Andiyan ka ngunit di kita maramdaman.  Nawala ka.  Nasayang.  Nabangag.  Nabingi. Napundi.  Namanhid.

Walang lakas.  Walang tulog.  Walang gana.  Walang choice.  Walang hiya.  Walang pakiramdam.  Walang wala.

Nagtimpi.  Nagtitimpi.  Di na magtitimpi.  Said.  Sagad.  Lugmok.  Bangon.  Lakad.  Takbo.  Akyat.  Lipad.  Sipa.  Tadyak.  Sampal.  Saksak.

Tumigil.  Tumitigil.  Titigil.  Pipikit.  Pilit pumikit.  Mananaginip.  Kahit wala ka.  Kahit wala ka na.  Kahit wala ka na pala.  Mababasa.  Magkaiba.  Pinagkaiba.  Magkakaiba.  Sasaktan.  Kukubli.  Muli.  Uli.  Tuli.

Ngayon na.

the blordin night

Special mention for my Shitzy, er, whatta term.  It’s actually cute.

I’m trading my sweet ‘Tirador’ torture for an expectedly exciting night watching the final performance of American Idol Six’ Blake Lewis and Jordin Sparks.  I hope they deliver.

Tomorrow’s result is going to be intertersting.  While Jordin banks on her youthful charm and diva approach (and Jim says she’s a Fundamentalist, an anti-abortion crusader), Blake relies on his ability to choose the right repertoire and experiments almost limitlessly (when he fails, we often forgive him because he’s blazzzzzzzzzzzing hot!)

I didn’t get the chance to watch all episodes for this Season but Jordin, of all Idol hopefuls, is the one who often leaves a mark in every performance. 

For me, Blake’s best was his ‘Somewhere Only We Know’ performance (it’s wasn’t a spectacular vocal I know but when I watched him then, I knew he’ll go places in the competition).  Blake knows how to push the right buttons.  And he’s blazzzing hot.

The good thing about Jordin is that she didn’t lay all her jackpot cards in the beginning.  Sure she’s a good singer but during the early episodes, Jordin was devoured by more hyped contestants:  Sanjaya, who believe me, is this Season’s Jasmine Trias (well, almost.  Had he reached as high as Top 5, I was ready to spilly my conspirary theory.  Actually, Indians are the new Ethnic Phenomenon after Latino and Chinese the past years), Haley Scarnato (who used her sexuality in her performance to lure votes), Antonella Barba (who unfortunatlely, didn’t use her bad publicity to gain public sympathy) and Lakisha Jones (who poured all of herself so early she had to suffer the effects of the Law on Diminishing Returns).

Blake on the other hand, had to experiment and reinvent himself each week.  He knows which genre he’s good and he knows that if he’s gonna stick with the same style each week, he had two weeks to stay and he’d be gone.  That must have been the reason why Blake savored a beatbox performace to kept the audience excited and guessing as to what he would do next.  

The waiting was actually worth it.  Blake did a good job in reconstructing ‘You Give Love a Bad Name (much to the irk of Bon Jovi).  He had the best hair reinvention for this season (and not Sanjaya’s faux-mohawk!) by coloring his blonde hair black with highlights.

What’s interesting is that neither Jordin nor Blake is a Southerner (a pattern for American Idol winners and probably American presidents too?). 

I love Blake more than Jordin but I guess Jordin will win.

Jordin captures the votes of the parents who want their kids to be like her.  And she’ll get votes from young girls who can relate to her bubbliness.

Blake will get the votes of screaming girls and men who.. love Blake. Gawd, reminds me of that homoerotic moment when Chris Robertson was booted out.  Did MY Blake have to cry so hard like that?

Here’s the catch.  Though Jordin will win, Blake will have a more lucrative career ahead of him (analogy: Reuben Studdard and Clay Aiken, haha).  Alright, Jordin can be sing pop but for her young age, she can’t pass up for a diva.  Producers will be at a lost at how Jordin will be marketed. 

She’s can’t be packaged as a sexy diva like McPhee nor a country diva like Carrie.  She can’t be Kelly neither.

Questions are raised though if Blake’s too much independence will be able to work with 19 Records, in case he wins.  But recording companies will soon be running after Blake for a record deal though.

Though he won’t win, he has a clear career path.  He’s hip/hop or RnB.  He even said that he wants electronica pop as his first album. 

Guess that’s one thing Jordin lacks.  A total package.  And she suffers from temporary charisma (one that lasts only until her stint on American Idol is still on.  Read: Taylor Hicks).

So, go Blakey! I just hope you won’t end up to be another Bo Bice.

isko

Today, I ought to be alone.  Again.  For whatever your vanishing is worth, I commend you for your cowardice.

Stab me then with your silence.  Leave me asking.  When you’re back soon, it’d be my chance to wash off my trail.  Tearless.

I’ll die laughing.

bebsism vs. astah rustah

Dahil si Astrid ang dahilan ng pagkawala ng mga cellphone ko (kahit hindi ko siya kasama sa Cubao), ayan kailangan na siyang isumpa.  And the conversation went like…

Astah Rustah:  So me bago ka nang phone.

Bebsism:  Heh.  Umayos ka.  Ikaw ang jinx ko.
Astah Rustah:  Sapagkat hinihigop ng bulawang buwan ang iyong kapangyarihan.  haha.  – Moon Priestess.

Bebsism:   Buwan ka lang.  Buwan! Buwan! Buwan.  Ako, universe.

La lang.

lito (hindi lapid)

Aym kompyusd.

Election ngayon, di ako bumoto.  Lagi akong umiinom ng tubig, ngunit palagi rin akong uhaw.  Malapit na akong matapos magrender, hindi naman buo.  Halos makalimutan ko na siya, bumalik pa.

Abot kamay ko na ang macbook pro, naaberya pa.  Nawala ang selepono ko, di ko kayang malungkot.  Me namimiss akong mga tao, asan na sila.

Lagi pala akong late.  Hindi lang sa aspetong pag me klase o meeting.  Late din pala ako sa pagkagusto sa mga bagay bagay.  Nagmamarathon ako ng Veronica Mars.  Masaya pala siya bilang show.  At yun ang nagpapapuyat sa akin ngayon.

Nabuntis ko na pala si Utong, di ko man lang alam.  Masaya pala maglakad mag-isa sa Makati kapag gabi, last week ko lang narealize.

Masaya ang mapag-isa, pero me hahanapin ka rin pala.

that phone

Yes.  That obsolete Nokia 3510 cellphone was just stolen.  Exactly an hour ago.  Perfect.

I’ve been wanting to get rid of that phone but I just didn’t know how to dispose it.  Second-hand cellphone stores won’t accept it for trade-in, I’m sure.  My friends will definitely refuse to take it as a gift and my younger brother has a better looking cellphone so he’s off the list of volunteer takers.

I was walking along Cubao, beside Gateway in particular.  Oh yes.  That posh mall where pretentious social butterflies flock for coffee, clothes and movies.  Geographically, beside that is a notorious place where prostitution, one-night stands and robbery happen. 

Voila.  Someone took interest on that piece of garbage.  Unfortunately, an hour ago wasn’t the best time to have it stolen.  I wasn’t able to create a back-up of all my contacts and these people were in the process of making my life miserable when the robbery happened.

Just when I wanted to be miserable (simply because it was important at that time), the cellphone was not mine anymore.

On my way to the MRT, I was thinking if the robber realized the low marketability of my phone and considered giving it back to me or threw it out of digust.

Whatever.  I’m hungry and I don’t feel the loss.  I will just have to deal with the wrath of the people who are making my life miserable for not replying.  Just when things have to be done ASAP, I’m out of reach.

badtrip

Potangenaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa.

Isa pa nga. Potangenaaaaaaaaaaaaaaaaaaa.

It’s a terribly bad day.  Sobrang nakakairita ng araw na to.  Surprisingly, hindi siya katulad ng ibang bad days na halos mamatay-matay na ako sa stress o di kaya me palpak ako. 

Talagang mabigat lang ‘tong araw na ‘to na di ko magets kung bakit kailangan niyang apektuhan ang buong pagkatao ko.

Siguro, sinimulan lang ng di maganda kasi wala pa akong tulog nung umuwi ako mula pag-edit sa Ignite.

Una, di pa’ko nagkakaroon ng laptop na sobrang kailangang-kailangan ko na! Pangalawa, me nagdadrama na hindi maintindihan kung bakit hindi ako pwedeng maging imperpekto at impasensiyoso kahit minsan lang.

Tapos I have to deal with the pain of virtual reality pa.  Na kung bakit kailangan kong magtiis ng ganun. Potangena.

Tapos me deadline na hinahabol.  Kinukulit pa ako ng mga tao sa iba pang deadline na di naman dapat deadline at wala akong cut sa pera. Potangena lang. Hinahagard ako ng mga potangenang tao.

Tapos malaman-laman ko pa na iriremake ng Hollywood ang aking peyborit na ‘My Sassy Girl’ starring starring Jesse Bradford at Elisha Cuthbert.  Tangena lang.  Kelan pa ba titigil ang Hollywood sa pambababoy ng mga pelikulang original.

Wala! Walang sinumang Hollywood actress ang kayang pantayan si Jun Ji-Hyun. Wala!

Tapos, pangarap ko pa namang gumawa ng remake starring Toni Gonzaga dahil feeling ko siya lang ang kayang magpull-off ‘nun.  But no.  Malaman-laman ko na rin lang na nagpaplano na rin ang Star Cinema na gumawa ng version nila.  Potahena.  Tama na ang pambababoy sa My Sassy Girl.

Please lang. Wag niyong gawing Gyeon-woo si Sam Milby o Piolo Pascual.  Papasok talaga ako sa Star Cinema at magsu-shooting spree ala ‘Elephant’.

Hay. Ambadtrip.  Badtrip pa rin ako hanggang ngayon.  Ni ang pagdating ni Nigel Barker sa Pilipinas, hindi nakaalis ng suya ko.

Gusto kong sumigaw, magnakaw, manaksak, lumaklak, makipagsex sa sarili, manapak, mangagat. In short, baliw na ako.  Baliw. Baliw!!!!!!!!!! Paksheeet.

Potangenaaaaaaaaaaaa world.

sa iyo

Di tayo patatangay sa mga agos.  Makakabawi rin tayo.  Tulad ng ulan kanina, bumuhos man ng malakas, tutuyo rin pagdating ng pagsibol ng masakit na init ng araw. 

Magpakaanod na lang tayo sa ngayon.  Tulad ng mga bangkang papel.  Magdala tayo ng ligaya tulad ng champorado at tuyo.

Magtatagpo rin ang ating magkabilaang mundo.  Maalikabok man o umulan sa araw na yun, maglalaro tayo tulad ng mga batang nahanap ang langit sa kanilang mumunting kamalayan.

 Andito lang ako.  Wag kang mangamba.

panawagan sa mga mayayamang maaksaya

Baka irarasyon na raw ang tubig sa Metro Manila by 2020 (could be earlier).  Kaya naman kahit papano, nagmodang sakripisyo na rin ako para makatipid-tipid at baka pwede pang gawan ng paraan na yung isang galong rasyon sa 2020 ay magiging isa’t kalahati.

Me aspetong bayani rin pala ako, pero wag na. Ayoko ng mabigat na medal o nababasag na plake o photo op para marecognize.  Tutal, ginagawa ko rin ang pagkokonserba ng tubig para na rin sa sarili ko.  Disclaimer:  hindi ako self-serving.

Ngayon, di nako naghuhugas ng kamay pagkatapos umihi.  Di na rin ako nagbubuhos ng alcohol o cologne o anumang mabangong likido sa kamay.  Kasi, pag mabilis maubos yung mga likidong bagay-bagay na yun, e di mapipilitan ang mga paktorya nito na magproduce ng magproduce.  E water-based kaya yang mga yan.  Kaya, huhugas na lang ako ng kamay kapag kailangan.  Mali.  Kapag kailangang-kailangan.

Umiinom ako ng maraming maraming tubig para ihi ako ng ihi.  Ang mga ihi na yun ay magiging pure water kapag dumaan na sa cycle of nature at pwede na uli inumin pagdaan ng panahon.  Ansaya.  Maligayang pag-inom ng aking ihi, mga pipol.

Pakiramdam ko, ang dapat sisihin kung bakit tayo natutuyot ay mga mayayaman na walang pakundangan sa pag-abuso ng tubig.  Luho kung luho, lunod kung lunod.  Grabe lang yung kapangyarihan nilang lamunin ang kalakihan ng share natin ng tubig sa mundo.  Tama nga si Plato sa kanyang sinabi sa The Noble Lie.

Naiimagine ko na lang kung ilang tonelada ng tubig ang ginagamit nila para sa swimming pool nila.  Oo, yung greenish blue na tubig na me spark-spark sa anggulong bird’s eye view.  Sana naman, bilang konsiderasyon, ang mga mayayaman, once a year na lang sila magpalit ng tubig sa pool. 

Kung di pa nila nasusubukan, masaya ang magswimming sa pool na me berdeng algae at mga kokonting libag sa tiles.  Cinematic nga siya e!  E bakit nagawa ni Cuaron sa Y Tu Mama Tambien, aber.

Rumerepleksyon kasi sa mga swimming pool na yan ang pagiging gahaman ng mga mayayaman sa resources ng mundo na kahit na bayaran man nila ng sampung libo buwan-buwan ang Maynilad, di pa rin yun sapat na halaga kung me tig-iisang tao na mamamatay bawat araw sa 2020 dahil sa dehydration.

Sige, compromise.  Kung nag-iinarte sila at gusto talaga nilang magpalit ng tubig ng pool kada linggo, sana dun na sila magsabon at magbanlaw araw-araw.  Yung mga bula na nagamit sa pagligo e, naeevaporate naman yan at suma-cycle sa buong dimensyon ng tubig ng pool kaya pagdating ng scheduled na pagpapalit ng tubig, parang malinis pa rin siya tingnan.

Tsaka, dun na rin kayo maglaba, magkula at magbabad ng maruming damit para lubusan na.  Wag niyong kalimutan na me ulan na nahihigop ang tubig ng pool kaya ang saturation ng kemikal ng sabon at libag ay di na ganun kalaki.

Tapos, itong mga mayayaman, kung makahugas ng sasakyan akala mo wala nang bukas.  Bakit di kaya kayo mag-ipon ng tubig sa jacuzzi niyo o di kaya sa isang malaking palanggana o di kaya sa plastic na mini-swimming pool at dun kayo maligo para di masayang ang tubig.  For more variation at pasosyal epek, ikabit niyo ang handy shower sa palanggana o jacuzzi para di nawawala yung pakiramdamn ng pagsashower (dahil pangmahirap nga naman ang balde at timba).

Yung pinagliguan niyo ay pwede nang irecycle para panglinis ng kotse. Praktikal, di ba!

Ganun din ang proseso pag naghuhugas ng pinggan.  Ilagay lahat sa isang malaking lalagyan tapos yung nagamit na tubig ay ihugas mo ng sasakyan.  Kung gusto mo, ipanligo mo na rin.

Kayong mga mayayaman, di niyo na kelangan ng tubig para sa katawan.  Tutal, sosyal naman kayo, magwine na lang kayo.  Nakakconserve pa kayo ng tubig, di pa kayo nagmukhang cheap at healthy pa para sa puso.  Ayan, andami nang perks na hindi ko na rin siya matatawag na sakripisyo sa aspetong ito.

Higit sa lahat, kayong mga katulong na nagpapaalipin sa mga mayayaman, dapat me awareness din.  Dapat nga, sa inyo nagsisimula ang ganitong rebolusyon e.  Kayo rin, kung makagamit kayo ng tubig ng mga amo niyo, akala niyo, nakikimay-ari na rin kayo sa Angat Dam.  Wag ganun, mga ate.  Hinay-hinay lang.

Kung simulan niyong gawin ang mga suhestyon ko mga ate, wala namang magagawa ang mga amo niyo kundi u-moblige.  Sa totoo lang, sa power struggle sa mga bahay-bahay ng mga amo niyo, kayo ang mas me kapangyarihan kesa sa kanila.  Kung magsiserve kayo sa kanila ng red wine buong taon, di sila makakapalag.  Sabihin niyo lang na walang tulo sa gripo o di kaya, nagsara na ang lahat ng franchise ng distilled water sa buong mundo.

Hay.  Kung totoo ngang me malasakit ang ibang mga mayayaman (lalo na ang mga pulitiko) sa kapakanan ng mga hampaslupa, sana maisip nila na sa kanilang munting sakripisyo ay maraming buhay ang makikinabang. 

Por dat, at least mapopostpone ang tagtuyot mula 2020 hanggang 2025.  Sayang din ang limang taon.

sa g4m…

Nagulat ako, biglang me nagmessage sakin.  Sabi ba naman…

Siya: lets meet i want you 0922********  im enrico

Ako:  pangit ako, mabaho at jolog.

Di na sumagot uli ang potah. Wag kasi akong ginugulat ng ganun, yan tuloy, kung anu-ano na ang lumalalabas sa bibig kong walang tutbras.

Pag ganitong nauuhaw ako, pinagpapawisan, nangangamoy at nangangapa (dahil 30 minutes lang ang kaya ko bayaran sa cafe) at blueberry cheesecake ng Starbucks lang ang pananghalian ko, wag akong simulang balahurain.

Tapos, maya-maya, me nagmessage uli.  Sabi…

Siya:  Eloo po good afternoon sir.. this is prince alvin… massage therapist po… i offer u may services po.. its only 250 lang… very affordable po mas mura compare sa spa.. i worked before at nakpil spa sa malate din po.. home service na po… i assure you makapagrelax kayo mabuti… at you felling magaan ang pakiramdam… malate din po ako..so try its.and text me// this is my number po pala.. 0928-*******/ for more confirmation…. sa landline po.. 5*****… salamat po..

Oo! Oo! Oo! Kelangan ko ng massage, pero hindi ng masahista no!!!! Naaalala ko si Coco Martin, wag ganun.  Incest yun, incest.

Hay, andaming modang emo the past few days.. Gavina Gracia, Rainy.. at tumay-ming pa kayo sa heygard mode ko. Pero namen, wala ako magawa kundi mag-offer ng wisdom ko. Hay.

Ayun, pauwi na nga lang ako, humabol pa si nanggulat. Sabi…

Siya: hekhek okay lng un .. still i want you txt me 0915******

Aba! Globe naman ang ginamit ngayon.  Di ka pala sensitibo ha, pwes.  Kaya sabi ko…

Ako:  isa akong manananggal, kuba, bobo at higit sa lahat, effem.

Yun yung pinakamatinding panakot dun e.  Effem ako, effeeeeeeeeeeeeeeeeeeeem! Kung di pa siya napuruhan dun, naku, ewan ko na lang!

Minsan nga talaga, kelangan mo diretsuhin na wala ka sa mood o ayaw mo lang talaga makipaglandian.  Mga pakshet. Insensitibo! Bye.

hey you! listen.

You’re drying me out.  And I can’t take your abuse.  Not anymore.

So prepare yourself.  You may not be able to take it when I say NO in my most monster-like phase.

It’s going to be soon and I can’t promise I’ll be gentle.