Ligo na U Lapit na Me (Teaser)

So ang mabentang libro ni Eros Atalia ay isa nang ganap na pelikula, official entry sa New Breed section Cinemalaya Independent Film Festival ngayong taon. Prodyuser si Noel Ferrer na prodyuser rin ng ‘Daybreak’, isinulat ng Palanca-winner na si Jerry Gracio (Muli, Astig) at idinirek ni Erick Salud na siyang nagdirek ng mga tv shows na katulad ng Mutya at I love Betty La Fea.

Unang sabak ito ni Erick sa pagdidirek ng pelikula (kaya nga New Breed, eh) at naatasan ako bilang Line Producer at Editor ng pelikula. Bida rito sina Edgar Allan Guzman bilang Intoy at Mercedes Cabral bilang Jenny.

Ang librong ito ay isa palang kulto.