Sampung puting rosas

Ibinalik mo sa akin ang paniniwala na may nangyayaring “good accidents” sa buhay-buhay natin. Akala ko kasi dati, sa “Serendipity” lang nangyari yun. Di pala. Pwede rin pala siyang maganap sa Bulacan, sa Cubao o sa Panay.

Ambilis pala ng mga nangyari. Hindi ko namalayang nalunod na pala ako sa kumunoy ng mga ngiti mo, ng mga kwento mo, ng ingay mo. Ganun pala yun. Hindi mo iispin na dadating ang isang tao sa’yo at talagang nandyan siya na hindi man lang kakatok o magdoorbell. Bubungad na lang siyang parang advert sa isang porn site.

Di ba nga, nakasimangot ka pa sa akin nung una mo akong nakita. Di ba nga, ang kaluluwa ng alak ang nagtali ng mga pusod natin para maglakad sa iisang mundo at kabit-kabit na buhay-buhay. Di ba nga, maingay ka. Di ba nga, walang pakundangan ang pagbukas ng ating mga sarili sa isa’t isa. Di ba nga, nandoon na tayo. Di ba nga, nagtago tayo. Di ba nga, nagulantang tayo. Di ba nga, nabilisan tayo sa mga pangyayari pero sumakay tayo na kapit-kamay para hindi mahulog o mabangga. Di ba nga, sabay tayong lumipad.

Naalala mo pa ba yung isang puting rosas na inilagay mo sa bag ko habang nakalingat ako. Dinagdagan mo pa nga ng siyam yun. Oo, binilang ko. Binilang ko hanggang hindi ko na kayang magbilang dahil pati ang mga talutot nito, gusto kong pitasin para ilatag sa mesang pinagkainan natin at ibalik sa oras na tayo’y aalis. Naalala mo ang barbikyu? Masarap sila, gaya nung panahong nagkukwentuhan lang tayo ng mga bagay-bagay na nakakatawa at kahit anuuman ang nangyari sa iyo sa nakaraan, masaya nating binaybay ang katotohanang kaya ko rin pala na hindi magpanggap.

Ang ikli lang pala ng panahon natin. Hindi pa ako nakahinga mula sa gulat ng pagtatagpo natin, nagising akong lumabas ka na ng pinto nang di ko naririnig ang mga yapak mo. Wala ka na pala. Ang alam ko, hindi ako nanaginip at lalong hindi ako namalikmata.

Naalala mo pa ba ang oras? Ambilis niyang lumipas. Ambilis niyang dumaan. Ambilis niyang bumisita. Parang pinagtripan niya lang ako at dinala ka niya sa akin para sabihing “nangyayari ang mga aksidenteng pagtatagpo”. Binilang ko siya. Binilang ko hangga’t hindi ko na maintindihan kung ano ang mga nangyari, kung paano nangyari at bakit nangyari. Binilang ko hangga’t hindi ko na alam kung ibabalik ka pa niya sa akin o hindi.

Mabuti pa pala ang hangover, kung minsan, hindi ka iniiwanan. O ang peklat, kasi panghabambuhay. O ang balakubak, dahil nangungulit sila para balikan ka. Ang oras, hindi. Ikaw kaya?

Nga pala, andyan pa ang sampung puting rosas. Nakandusay. Matamlay. Ibang-iba sa mga ngiting naramdaman ko mula sa kanila nung iniabot mo sila sa akin sa gitna ng mga nagsasalpukang bote ng beer at barbikyu. Nalulungkot rin siguro sila dahil walang kasiguraduhan kung masisilayan ka pa nila. Sana, makapaghintay pa sila sa iyong walang kasiguraduhang pagbabalik. Tulad ko.

Asian Festival of First Films

Nung nasa Davao ako last month habang kumakain sa 24-hours open na Dimsum, nakatanggap ako ng tawag mula sa isang babaeng kakaiba ang accent.

“Ashkamanchatsekwenshelebenchar Charliebebs Goheeey-shaa?”, sabi niya.

“Yeee”.

“Kimealencheraputeluwagaribotushepbalimawarof email hutyeporeswadashipbuliteramidch your film The ‘Thank You’ Girls kirlopenshlakicht nominated”.

Bumagting ang tenga ko sa salitang “nominated” dahil the rest of the sentences, di ko na naintindihan.

“Okay, I will just check my email”, sabi ko, excited.

“Okay, thank you”.

Umuulan. Sumi-cinematic yata ang langit nang mga panahong yun.

“Congratulations! Your film “The ‘Thank You’ Girls” is nominated for Best Cinematography/Editing in the 2008 Asian Festival of First Films in Singapore to be held on December 4-10”.

Huwaw. “Albert [yung Cinematographer], congrats!”, sabi ko sa sarili ko. “Congrats, self”, sabi ko uli sa sarili. Napaisip ako, bakit kaya pinagsama nila ang dalawang categories? Weird lang. Naalala ko na sinubmit pala ni Jim, producer ng TYG, ang pelikula para sa festival na ‘to. Nagpadala agad kami ng mga kinakailangan nilang data mula sa mga nominees.

Cut to.

Tinanong nung coordinator kung ang Cinematographer ba ay first-timer. Malamang hindi. Nakapag-Lav Diaz na nga yun e. E ang editor, tanong niya uli. Malamang hindi rin.

Ang festival pala ay para sa mga first-timers. Pero hindi ba’t ang first time ay kino-consider usually kung ito ay first film ng isang director. But no. Kailangan, first time din ito ng kung sinuman ang nominated sa mga categories. So dapat, first time actor ka, first time director, first time producer, first time cinematographer/editor (pinagsama) at iba pa. Hindi rin kasi masyadong malinaw yung rules nila, akala namin, qualified kami dahil first film naman siya.

Ang ending. Nirevoke ang nomination namin. Hindi raw kasi kami virgin sa pelikula e. Sayang.

Pero ok lang yun. At least, nakakuha uli ng validation ang pelikula kahit papano. Pampalubag-loob sa sarili.

Case Unclosed

Last month pa sinabi sakin ni Adolf na nirefer niya ako para magdirect ng isang episode ng Case Unclosed, yung bagong Public Affairs show ng GMA na ipinalit sa 100% Pinoy every Thursday midnight. Weeks ago, nabanggit na rin ni Tonee na binigay niya ang number ko sa EP ng show. Nasa Davao pa ko nun, nagmomoda.

Nawala na rin siya sa isip ko dahil mas nakatuon na ang galit ko sa SmartBro bilang nasira ang internet connection ko at sabi nila, hindi na raw nila mabibigyan ng solusyon. Huh? Pakshet. Unti-unti ko na ring sinanay ang sarili ko na kumilos uli at magtrabaho. Pinipilit kong magkaroon ng inspirasyon at drive na tapusin na ang “Bodega” dahil nakapasok as semi-finalist sa Cinemalaya yung isang concept na kapareho nito, yung “Lobby”. Tapos si-nyche ko na ang utak ko sa mga darating na pagbi-bleeding dahil sinimulan ko nang iedit yung pelikula ni Kuya Joel (Jover) na “Bakal Boys”. Matagal ko na kasi siyang inoohan kaya nakakahiya nang bumack-out.

Lunes last week, tumawag si Eliza, yung EP ng Case Unclosed. Bibigyan ako ng episode na ididirek, yung Bubby Dacer at Manuel Corbito Kidnap-Slay Case. Ai. Lovet naman ang kaso. Ang catch, Thursday na ang shoot at nakaset na ang editing schedules ko ke Kuya Joel. Nyetah. Umoo na rin ako. Opportunity ito dahil first time kong gumawa ng tv docu-drama plus mami-meet ko na rin si Kara David (ang host ng show). Finally, masasabi ko na rin sa kanyang, “wuy, Kara. Alam mo bang na-inspire akong gawin ang TYG dahil sa docu mo about sa mga baklang nagmi-Miss Gay?”

Kinontak ko agad si Jaja para maging cinematographer. Naisip ko kasing magiging guinea pig namin ‘to para sa “Bodega” dahil siya rin ang DOP nun. Kapag maayos naming naiexecute ‘tong shoot na ‘to, sisiw na sa amin ang “Bodega”. Agad kong kinontak si Tonee para mag-PD dahil siya rin naman ang nagrefer sakin so might as well magsama na rin kami. Antagal sumagot, allegated na naman yata so kinontak ko sina Armi at Dohna.

Tuesday, preprod-preprod. Medyo humaggard lang ng konti kasi marami ang PD requirements at medyo mahirap hanapin ang mga yun in a short period of time. At dahil madalian, di kakayanin so nagbeg-off sina Armi at Dohna. Panic mode ng konti so tinawagan ko sina Deans at Harly (mga co-Dante Mendoza babies, har). Umoo naman at dahil matagal ko nang di nakakausap si Deans, kwentuhan ng fatale (siya rin nag-PD nung ke Kuya Joel kaya relate).

Nagbeg-off sina Deans at Harly Wednesday morning kaya humaggard uli ang dugo ko. Haggard din talaga ang PD. Kaya I took the chance of calling Tonee again, nagbakasakaling free siya. Lo and behold, buti free siya. At salamat Ikwin dahil, di ka kumwit. Har. Haggard rin kasi that afternoon, pumunta ako ng Magic Field para mag-edit ng “Bakal Boys”. Huwaw. All of a sudden, hardworking na ako. That night, Jaja and I had the chance na magre-bonding after our two failed attempts na magtandem dati (thesis ko at TYG).

Ten a.m. ang calltime nung Thursday. Sinwerte ako at tumiming sa sked ko ang grip van ng GMA, kumpleto ang ilaw kaya fatale ang tuwa ni Jaja. Me smoke machine pa kaya A for effort. First location sa isang parking area sa harap ng GMA. Masaya ang shoot, magaan, smooth. Kailangan nga lang very factual so dapat meticulous sa details. Umulan lang nung hapon kaya lipat sa second location sa Montalban tapos tira agad ng kidnap scene na medyo haggard i-mount kahit binlock na ang isang buong lane ng highway. Andaming taong nanonood kahit walang artista.

That night, shinoot naming ang spiels ni Kara and finally talagang sinabi ko sa kanyang “wuy, Kara. Alam mo bang na-inspire akong gawin ang TYG dahil sa docu mo about sa mga baklang nagmi-Miss Gay?” Natuwa naman siya (siguro, nag-assume lang ako, har). “Binibining Bading” pala ang title nung docu niya na yun.

May mga shots kaming pinlano ni Jaja na hindi naiexcute kasi matarik pala yung creek na pinagshootin naming. Literally creek na bangin kaya adjust ang moda. Four thirty ng umaga na kami natapos. Record breaker ata sa pinakamatagal na shoot ng ‘Case’. Bwaha. Mukhang pinaninindigan ko na yata ang bansag sa akin sa TYG bilang Wen DeLamay. Char.

Tonight, airing na siya. Medyo di ko na siya nareview kasi inaayos pa raw nila. Sayang, gusto ko pa naman sana mapreview para makapag-input sa edit. Sana ok ang labas.

Anyway. Masaya naman.