Next!

Alam ko. Alam ko. I’m still waiting for a regular screening playdate for TYG sa Manila. At dahil mukhang forever na akong naghihintay (char!), might as well gawin ko na muna ang aking second project.

This one’s not a gay film. Dark. Drama. Para maiba naman. Currently writing the script and sana, makapagshoot na soon. Ayos.
Advertisements

Bebs is now friends with Letting U. Go

…sabi ko sa Facebook status. Pero walang kaganapang pagli-let go. Para akong buhok sa kili-kili na masakit bunutin kapag una mo itong ginawa pero kapag nasanay ka na, nakakaadik na.

Akin ang huling halakhak. Sabi ko sa Friendster shoutout. Jologs na nga pala ang Friendster. Susme, pati social networking sites, may social status na rin. Akala ko, sa showbiz lang may modang social hierarchy. Kunsabagay, dati, inisip ko rin na mas marumi ang pulitika kesa sa showbiz. Di rin pala. Magkasindumi sila! Kambal. Parang Mary Kate at Ashley lang, may bulok sa sistema. Kaya, kayong mga powertrippers diyan, pumulitika lang kayo, go lang. Post-postmodern na. Pati karma, digital na. Mabilis itong babalik sa inyo.

Sana naging pornstar na lang ako. At least, ang pornstar, marunong pumeke ng orgasmo. Kahit maluwang na, kaya niya pa ring umarte na masikip siya. Kaya lang, di ako marunong pumeke. At kailangan ko muna magpaganda ng katawan. ‘Yung tipong hindi na ako mukhang totoong tao. [Steroids… steroids kayo diyan…]

Mahal natin ang isa’t isa pero bakit hindi pa rin tayo masaya? Sabi ko ke Carlo nung isang araw. Pesteng linya ‘yan, matutunaw sa hiya ang mga writers ng Star Cinema. Hindi na nga ako nanonood ng mga romantic comedies para iwas suicidal tendencies pero trying hard naman akong magpa-witty.

Alas tres na ng umaga. Sabi nung kausap ko, nagliligpit siya ng bahay. Ano ba ‘yan. Ganitong oras? Naibulalas ko. Tanong niya, me oras ba ang paglilinis ng bahay. Oo, meron. Stereotypical rin kaya ang mga gawaing-bahay.

Pakshet. Naiinip na ako!!!!!!!

Ang solusyon sa lahat: lumipad sa Davao at kumain ng mainit at malutong na turon na ube ang palaman. Sasaya na uli ako. At gagawin ko yan sa Biyernes.

Blink

image
captured,
ignored,
nothing.
scent,
sweet cologne.
two holes
digged
on pimpled,
white cheeks.
together,
snubbed!
senses weak,
music,
danced.
loves
somebody
else,
who cares?
fall.
resist.
knew i did.
three
long
days.
through.
blink,
like seconds,
gone.
see you
soon
somewhere.
blank.

Duguin kayo kay Patani!

Naiinis ako kung paano minurder ng Survivor Philippines ang franchise at mas nakakainis na hindi marunong maglaro ang mga napiling castaways (hello, pseudo-PBB!). Sana, nag-audition na lang ako, kaso hindi naman ako model para ihandpick nila ‘no! Pero sa ilang mga beses kong napanood ang mga [dragging] episodes, me isang castaway na talagang tumatak. Si Patani. After niyang mavote-off, aba, biglang sumikat ang Pambansang Yaya at sunod-sunod na ang mga tv guestings niya. Napapanood siya ngayon sa Eat Bulaga at Unang Hirit.

Eto ang description ke Patani: After failing to qualify in StarStruck, 20-year-old Patani believes that joining Survivor Philippines might just be her last ticket to showbiz stardom. Born and raised in Camotes Island, Cebu, Patani has always dreamed of becoming a big star. While working as a baby-sitter in her hometown, she strived to learn Tagalog by watching TV shows and practiced speaking the language whenever she was engaged in conversation. A funny character, Patani loves acting, hosting, and modeling. She said she went to every audition she could just to follow her dream. Now that she has become one of the castaways in Survivor Philippines, Patani believes she’s finally got her chance to be the next big thing.

Ang lagi lang niyang sinasabi kaya siya nagjoin ng Survivor ay gusto niya ng EXFOWSYUR. Napakaendearing ni Patani, walang kyeme sa katawan. Nakakatawa siya at marami siyang fans, pramis. Kaya, kung gusto niyo pang duguin, eto,
nakuha ko sa PEP, sa blog ni Jojo Gabinete. Friendster profile daw ni Patani.

Name: Jervy Dano
Schools : University of Cebu
Occupation: RESIGN
Affiliations: Modern Image, Youth Organization
Hobbies and Interests: Dancing, acting, writing, modelling, advertising, hosting, news casting, singing, shopping, dating, going disco…and lots.
Favorite Books: Fairy tales & Top Secrets books
Favorite Movies: The Touch of Magic & Fruits Basket
Favorite Music: Pop, Jaz, Rock…Hip Hap

About Me: I’m just a simple woman, having a dippest dream. I’m just a simple Pilipina woman.

My beauty for me and my family is belong in middle class standard.

I’m not intelligent,but not totally brainless/bird brain In short, I’m not perfect but no ones in this super duper complicated world perfect!

But whatever I’m proud to say that Ive lot of talent and I’m loving and speaking of “loving” for me, it’s complete because if you love you can do everything,you can do anything.

But I’ll never believe the word”love is blind”. No one is blind,just bec.of love, you blind, because you afraid the real the true and because you loved, you’re pretend that you’re blind because you afraid to accept the truth. Anyway, I love to travel.I love to shopping. I love to go out of town w/ my family. But just emagine, we can’t afford that. I have a big and simple family.

M hometown is Camotes Island, it’s province of Cebu Region 7. But now, I’m here in city, which Cebu. Then, I’m just staying w/ my sistah, helping to take good care in my niece. I’m just a high school graduate.

Then,if I’m lonely, I’m spend my time in writing poem, script, advertisement in Tagalog version and English.

Who I Want to Meet: I want to meet a male or female with age from 18 to 80 and I want to meet for friendship. Want to meet a totally human being. And speaking of human,.important they have heart,mind,soul and spirit. Why ? Because if they don’t have this thing, mostly of us,crying,sacrificing. Why? Because lots of person, having a body but not totally a human. They have heart but no feeling.Why? Because no soul,no spirit. They have mind but still stupid! Because they didn’t use it. That’s why I want to meet a true, a fully, a totally human…

O ano. Dinugo ka no?

Poorita

Nagrereklamo ka na naman. Kasi hindi ka makakabili ng bagong Havaianas ngayong linggong ‘to. Sabi mo, atat na atat ka nang madagdagan ang flip-flops collection mo. Bugnutin ka. Mainitin ang ulo. Kasi ang kati na ng paa mo at gustung-gusto mo nang maisuot ang hinahangad mong bagong labas na design at awang-awa ka sa sarili mo habang tinitingnan ang mga taong palabas ng tindahan bitbit ang kanilang bagong biling pares. Nakangiti sila sa’yo, parang nang-iinsulto. Pero hindi mo ba naisip ang libo-libong mga bata sa buong Pilipinas na nagtityagang maglakad papunta sa eskwelahan ng nakapaa dahil hindi nila kayang bumili ng isang pares na tig-sisikwenta pesos na tsinelas? Ilang pares na kaya ang pwedeng bilhin ng isang pares mo ng Havaianas? Ngayon, naiinsulto ka pa rin ba?

Ayan ka na naman. Hindi mo na naman inubos ang chicken joy na inorder mo. Sabi mo, busog ka na. Sana, hindi ka na lang umorder ng ganun karami. Lagi ka na lang nagrereklamo. Na kesyo makunat ang manok o di kaya matigas ang pagkaluto, masyadong maalat, nakakasawa. Alam mo ba na sa pag-uwi mo ngayong gabi, gising pa ang mga taong mamumulot ng mga buto ng manok na hindi mo kinain. Pag-aagawan nila ang mga ito sa basurahan ng iyong paboritong fastfood, kokolektahin at lulutuin uli para me pantawid-gutom lang. Buti ka pa nga, kahit Jollibee, me pambili ka. Sila, nagtitayagang kainin ang mga tira-tirang buto na itinapon mo. Naalala ko tuloy yung kanin na pinabayaan mong mapanis nung isang araw. Sana inilagay mo na lang siya sa supot at ibinigay sa basurero. Sana, may isang pamilya ka nang napakain kahit papano. Sana malaman mong marami ang namamatay sa gutom habang nabubundat ka sa pagtatapon ng pagkain.

Ansaya-saya mo pala kanina. Kumakanta ka pa habang naliligo. Malamang, ginagamit mo ang iyong mamahaling gluta soap habang walang katapusang bumubuhos ang tubig mula sa shower. Nung isang araw nga, sabi mo ikaw na ang ang pinakakawawang tao sa mundo kasi andami mo nang trabaho at hindi mo na nagagawa ang magbabad sa jacuzzi. Alam mo bang wala pang tubig ang mga taong sinalanta ng matinding bagyo sa Bicol? Nahihirapan silang maghanap ng malinis na tubig na pwede nilang inumin. Sa katunayan, kahit maruming tubig, wala silang mainom. Naalala ko tuloy ang itinapon mong mineral water na di mo naubos kahapon.

Hindi ka na naman pala pumasok sa Trigo. Sabi mo kasi, idadrop mo na siya kasi hirap na hirap ka na. Ayaw mo talaga sa math. Ayaw mo na rin pumasok sa eskwelahan. Sayang naman ang sem na ‘to, sana tapusin mo na. Libo-libong mga bata diyan ang atat na atat na makapag-aral pero hindi sila nabibigyan ng pagkakataon kasi wala silang perang pambayad sa tuition o pambili ng notebook o pamasahe man lang. Kaya karamihan sa kanila, nagsasaka na lang sa bukid, nakukuba sa katatrabaho sa plantation ng tubo at pinya, nagtatahong, nambabasura, namamalimos, nagrarugby. Hindi ka nga talaga pumasok kasi nakita kitang tumatambay sa Starbucks buong maghapon kasama ng mga barkada mo.

Ano bang meron dun at sobrang mahal? Di ba pare-pareho lang ang amoy at lasa ng kape? Sabi mo, ambience ang binabayaran dun. At ang additional whipped cream. Sabi mo pa nga, maganda ang couch nila, hindi masakit sa mata ang ilaw at minsan, gwapo ang barista. Ah, kaya pala. Sana nararamdaman din yan ng mga tao sa Pilipinas na walang ibang kinain sa buong buhay nila kundi kape.

Alam kong hindi mo kasalanan na naging mahirap sila. Pero sana, marunong kang magpahalaga kung anong meron ka. Masyado bang mahirap para sa’yo ang iabot ang kahit isa mong kamay para matulungan sila?

Sayang, hindi pala ganun kakumplikado

Naalala mo pa ba ang isang bote ng parmesan na inilagay mo sa pansit canton na niluto natin nung isang malamig na hatinggabing sabog tayo sa kanya-kanya nating moda? Naramdaman ko na sweet ka sa akin. Sinubuan mo ako ng isang tinidor ng nilukot na pansit canton pero hindi mo ito binudburan ng parmesan. Alam mo kasing paborito kong ulamin yun. O di kaya, pinapapak habang nanonood ng telenovela sa hapon. Kaya tuwang-tuwa ka na makita akong naglalaway sa pinapapak mong canton na isang oras kong niluto gamit ang kalan at uling sa likod ng bahay.

Nung inakyat natin ang pinakatuktok na bahagi ng napakahabang tulay sa Mindoro, hinawakan mo ang aking pinagpapawisang mga kamay. Kinilig ako nung sinabi mo na anlambot ng mga daliri ko, hindi bagay sa mukha kong parang kabayo. Hirap man akong akyatin ang napakatayog na mga bakal, di bale, naramdaman ko naman ang pagmamahal mo dahil pinuwersa mo akong isuot sa’yo ang harness na binaon ko para sa sarili ko at nag-alangan man ako, pinagbigyan kita nang sinabi mong umakyat ako gamit ang pulang high heels ng nanay mo. Ramdam ko ang kilig nang maglapat ang ating mga palad at bigla mo akong itinulak patungo sa mabatong lupa na siyang naging alaala ng minsang malinaw na sapa. Lasog man ang mga buto ko at napuno man ng dugo ang kapatagan, sapat na sa akin na marinig ang nakakahawa mong tawa habang tinitingnan ako. Mas pogi ka pala kapag masaya.

Umuulan ng apoy ang kalangitan – mas higit pa sa Sodom at Gomorrah – isang gabi. Kumakatok ka sa pinto namin at kahit pinamugaran ng muta ang mga talukap ko, pinagbuksan kita. Narinig kitang humihikbi at bigla mo akong niyakap. Nag-alangan ako dahil yun ang unang pagkakataong nagdampi ang mga dibdib natin. Naririnig ko ang malalakas na dagundong ng iyong puso at walang pagdadalawang-isip mong binasag ang dalawang bote ng beer na grande sa ulo ko. Ang sabi mo, “pasensiya na, napagdiskitahan lang kita ng galit”. Hindi ko maintindihan kung bakit pero ang alam ko, ako lang ang tinatakbuhan mo kapag binasted ka, hindi sinipot ng kasex-eyeball o di kaya ay di ka isinama ng mga barkada mo sa gimik nila dahil mahilig kang magpalibre ng pamasahe. Napapangiti pa rin ako, pinakahuli man ako sa listahan mo, ako pa rin ang takbuhan mo.

Minsan, pinainom mo ako ng insecticide na may halong natutulog na mantika. Sabi mo, “gusto ko, sabay natin subukang magpakamatay”. Tuwang-tuwa ako nun. Pakiramdam ko, ako si Juliet at ikaw si Romeo. Sinampal mo ako ng malaking palakol. Sinigawan mo ako dahil gusto mo ikaw si Juliet. Sige na nga, sabi ko. Pinili ko na lang maging si Othello. Talagang mahal mo ako, ‘no? Pinagdasal ko talaga ng masinsinan, sana lagi tayong sweet sa isa’t isa.

Di ba, sabi pa nga natin, mas gusto nating magpahinga sa purgatoryo. Kasi dun, hindi masyadong mainit tulad ng impyerno. At di masyadong bughaw katulad ng langit. Kaya lang, hindi natin pinag-usapan kung magtatabi ba tayo o magyayakap kapag may maririnig na kulog o isa sa atin ang kukuryentehin ng kidlat. Ang alam lang natin, sabay nating ibuhos ang lahat ng sama ng loob sa nagugunaw nang mundo.

Lahat pala, kaya nating gawin. Kakayanin ko, basta sabay lagi tayo.

Pero nakita kita minsan, hawak-kamay ang isang lalakeng maputi, matangkad, malaki ang katawan, mayaman, mabango, matalino. Wala siyang patay na kuko tulad ko. Hindi jologs ang English niya, branded ang pantalon at sapatos, mapuputi at kumpleto ang ngipin. Tinawag mo ang mabantot kong pangalan habang nakasakay ka sa kanyang pula at makintab na kotse, katabi niya. Kinawayan mo pa nga ako. Napalingon ako at tulad ng slow mo sa commercial ng shampoo – sa unang pagkakataon simula nang makita ka – napilitan akong ngumiti ng totoong ngiti.

Naramdaman ko ang napakasakit na kirot na higit pa sa pagdaramot mo sa akin ng pancit canton na may parmesan, pagkahulog mula sa tulay na bakal, paghampas ng bote ng beer sa ulo, pag-inom ng insecticide na me mantika o pagbigyan kang ikaw ang Juliet at hindi ako. Anhirap pala na sa kabila ng lahat, hantungan mo lang ako at laging may isang tao na mas nakakaangat sa aking diyan sa puso mo. Na kahit ilang beses kong ibigay ang kalahati ng sarili ko para sa’yo, may isang bagay akong laging nakakalimutan. Kaya patawad.

Sa susunod naman kasi, lagi mong ipapaala sa akin… hindi pala ‘tayo’.

Not Mr. Brightside (Open up my eager eyes)

Ang paghihintay ang sukatan ng pagkatao.

Nakakabagot. Minsan, nakapanlilinlang ng sarili. Kaya nga matagal ako gumising sa umaga, ayokong hintayin kung luto na ang almusal. Naiinis ako sa mga moonwalkers. Sa magsyotang moonwalkers. Sila ang palantaan ng iyong miserableng buhay at sukatan ng iyong pasensiya. Mapapaisip ka kung tama ba na sayangin ang oras sa pagsunod sa kanilang kabagalan at maghintay na ika’y makaalpas sa kanilang likuran.

Hindi ko alam kung gaano kahaba ang pasensiya ko dahil ang maghintay sa taong kausap ay magkaiba sa paghihintay ng katapusan ng buwan para sumahod, ng alas singko ng hapon para sa isang bored na empleyado ng gobyerno, ng inutang na di pa nababayaran, ng pagsukob ng ulap sa buwan, ng pagbaba ng eroplano, ng pagdating ng pangyayari na magpapangiti sa’yo.

Walang kaibigang panahon ang paghihintay. Nangyayari ito sa madilim na sulok ng mumurahing motel, sa maingay na bahagi ng fastfood counter, sa maliit na aparador, sa makislap na ilaw mula sa tv, sa papel, sa tubig, sa puso. Laging may lumilipas. Dadaanan ka ng mga taong nagmamadali habang hawak nila ang iniinom na malamig na sago’t gulaman, ng mga pabangong nilipad ng hangin, ng mga magagarbo at makukulay na kotse, mga taong magpapasaya at magpapaiyak, ng paglipas ng kabataan, mga oportunidad na hindi dumadating.

Sa bawat paghihintay, walang dumadating kundi ang mga pagbabalik lang, katulad ng mga elesi, gulong, bote sa truth o consequence at lalo na ng mga paang naghahanap ng mapapatungan at pagod na mga matang nakatingin sa relo. Nagbabalik ako. Pero hindi ko alam kung may naghihintay sa akin. Basta ako, naghihintay pa rin.