top 10 unforgettable cinematic moments (filipino)

Note: Base lang sa mga napanood ko.

 10.  SHAKE RATTLE AND ROLL 1. – Nakakatakot yung ref sa “Pridyider” episode ng Shake, Rattle and Roll 1 (1984).  Kumusta naman yung pangrireyp ng ref kay Janice de Belen (Virgie).  For a month, natatakot akong lumapit sa ref namin, baka mawala din virginity ko. Woo. Anklasik lang ng horror film nato.  Though ginamit na bilang pambato ni Mother Lily ang ‘Shake…’ films kada Metro Manila Filmfest and the succeeding franchises didn’t live up to the legacy of the original, ok na rin (except sa ‘Undin’ episode with Manilyn Reynes). 

 

9. BITUING WALANG NINGNING (1985). – You’re nothing but a second-rate, trying hard copycat! *sound epek*.  To think na gawa-gawa lang ‘to ni Cherrie Gil at ipinaalam pa niya sa direktor nito na si Emmanuel Borlaza kung pwede niya to gamitin sa eksena, di inaasahang ang line na’to na siguro ang one of the most recognized Pinoy move lines ever made.

 8.   HIMALA (1982). – Sige na nga, di naman makukumpleto ang listahan na ‘to kung wala ang pelikulang pinagmulan ng pinakapopular na linya na madalas i-spoof sa Pilipinas.  Pagkatapos niyang ideclare nga wala ngang himala, binaril si Elsa tapos chaos.  Anggaleng lang ng pagkacinematic ng long shot ng mga taong nagtatakbuhan. 

Wala ngang himala pero di na kataka-takang manalo ang pelikulang ito sa Bronze Hugo Prize sa 1983 Chicago International Film Festival.

Ang himala ay nasa puso ng tao… ang himala ay nasa puso nating lahat.  Ang translation: Miracle is found in a heart of a person… a miracle is found in all of us! Ayos ka, Elsa!

7.  ORO PLATA MATA (1982). – Da best silhouette scene ever.  Kumusta naman yung exodus ng mga tao, long shot, habang me malaking sunog sa background at ang katawan ni Kuh Ledesma sa foreground.

Yang ang cinematic na walang chroma.

6. IKAW AY AKIN (1978). – Ito ang ultimate love triangle.  Si Nora (Tere) ang original ni Christopher (Rex) at umeksena si Vilma (Sandra).

Sa buong pelikula, isang beses lang nagkita ang dalawang magkaribal na babae (sa pelikula at sa totoong buhay). Sa ending.

Anggaleng ng 5 minutes na silence, ay kabuuan ng confrontation scene nina Nora at Vilma. Gusto kong isipin na Bernal chose not chose one actress over the other sa scene na’to pero considering the competition between Vilma and Nora at that time, oh well. 

Sige na nga, to be politically correct, gusto na rin sigurong sabihin ni Bernal na sa ganung set-up walang nanalo, thus ‘walang’ resolution. Pero resolution na nga siguro yun in itself bilang pagdefy ni Bernal na isatisfy ang gusto ng audience na dapat me pipiliin between the two women.

Nanominate pala si Vilma dito sa Urian. Si Nora hindi.

Quote: Rex tells Tere: “Kailangan ako ni Sandra hindi lamang sa pisikal kundi sa emosyonal din. Tulad ng pangangailangan ko sa iyo. Sa kanya, parang nagkaroon ako ng gamit. Kailangan ko kayong dalawa para mabuo ako.” To Sandra, he says later: “Si Tere, tinaggap nang hindi niya ako maaangkin nang buong-buo. Kung sasabihin mong nakuha mo nang buong-buo ang isang bagay, kulang pa rin.”

5.  SCORPIO NIGHTS (1985). – One of the most disturbing endings ever, binaril ni Orestes Ojeda ang kanyang asawang si Ana Marie Gutierrez habang nakikipagsex kay Daniel Fernando.

Very impressive kahit sa studio lang ginawa.  Isang aral para sa mga malilibog na tao, lalo’t gustong makipaglaro sa apoy kasama ang mga taong me asawa.

4.  KAKABAKABA KA BA? (1980). – Ang musical sa bandang ending ang nagset ng kakaibang standard sa term na “musical” sa buong Pilipinas. 

Grabe lang yung sarcasm sa musical sequence na’to.  Binalahura ni Mike de Leon ang lipunan ng Pilipinas lalo na ang commercial imperialism, mga diktador, ang mga tsekwang producer at ang simbahan. Angaleng. Antapang ng pelikula.

Kakatawa si George Javier bilang idol ng mga imperialist colonizers. At kumusta naman ang mga subtitle na Japanese at Chinese. Klasik.

3.  BATCH ’81 (1982). – It’s the classic rumble scene ever made.  Patawad lang pero anggaleng ni Mike de Leon dahil ginawa niyang classical music ang background ng rumble scene.

Not to mention angwapo ni Sid Lucero, ay ni Mark Gil pala.

If only violent films were made as classy as this one… Hay.

 2.  KISAPMATA (1982). – Sa ending, binaril ni Vic Silayan ang kanyang asawa na si Charito Solis, anak na si Charo Santos (at ang kanyang ibinubuntis na anak, na anak rin ni Vic Silayan), ang asawa nitong si Jay Ilagan at pagkatapos ang kanyang sarili.

Nakakalunod yung subtle cry for freedom ni Mike de Leon.  Statement ito against Marcos na pinortray dito as dictator and evil katulad ni Vic Silayan.

Ang ending, siguro hinangad na rin ni Mike de Leon na patayin ni Marcos ang sarili niya. Sige na nga. Patayin ang oppression at incest na ginagawa ni Marcos sa Pilipinas nung panahong yun.

 1.  TEMPTATION ISLAND (1981). – Grabe.Hail to the King of Camp!

Akala ng iba, camp lang ang mga pangyayari sa Temptation Island but it was more than that.

It was a full source of wit and social commentary na napakasubtle at funny.

Napakadisturbing ng scene bago sila marescue.  Kinakain ng mga survivors ang binarbi-que na laman ng namatay na si Joshua para lang sila magsurvive.  Sabi ni Azenith, “Kumanta kaya tayo para mas madali natin malunok” And so they sang Barbra Streisand’s “Somewhere.” Thus, being made the most unforgettable cinematic moment para sa akin.

Quotes: 

One scene in the yacht, before the fire takes place, immediately cues us to the campy nature of the material:

Suzanne: (after bumping Bambi on purpose) Sorry ha, di kita napansin.

Bambi: Bakit? Nalula ka ba sa aking towering height? It must be your failing eyesight.

Suzanne: Excuse me! 20-20 yata ang vision ko!

Bambi: Ay sorry ha, I thought it is your bustline. So it must have been my fault after all, bitch!

Suzanne: Double bitch!

Joshua (the flamboyant gay organizer): Rub-a-dub-dub, two bitches in a tub!

Isa pa. There’s the scene where Bambi is whining about missing her mother. To which Suzanne replies, “I have no time for middle-class sentiments!”

There’s another scene where Joshua is whining about how difficult it is to build a grass hut. To which the ever-reliable Suzanne replies, “I have no carpenter complex so I don’t know what you are talking about.”

Another scene where Suzanne is bitching to Azenith whom she has caught sleeping with the waiter. Azenith tells her, “Nanganganib na nga buhay natin, pa-bitch-bitch ka pa diyan!” To which Suzanne replies, “What are bitches for, but to bitch around their fellow bitches!”

Critics have since taken note of how the film slyly and intelligently inserts commentaries on social classes-without marring an ounce of make-up.) Source for these quotes: click here.

15 thoughts on “top 10 unforgettable cinematic moments (filipino)

  1. dimen, wonga e. talagang inisip ko ng matagal kung ilalagay ko siya sa listahan. pero ewan, parang mas na overpower siya ng pridyidir ng ‘shake…’ kasi dapat #10 yung tanging yaman.. ayun, nalaglag siya. hehe

    salamat nga pala sa input!

  2. hmm. sa pagkaka-alala ko, nagkita si nora at vilma ng isa pang beses, dun sa bahay. naalala ko kasi pa-triangle yung posisyon nila, nasa gitna si christopher tas nasa magkabilang dulo si nora at vilma. tama ba?

  3. haha tonet, aktuwali di ko na rin maalala. pero ang alam ko dun na lang sila sa huli nagkita kaya titigan tu da max talaga. lamunan ng titig. may vcd sa astro vision a. hehe

  4. oo, out sa vcd na. me dvd ba? malamang di ako bibili. dvd pala sa quiapo ibig ko sabihin.

    ako din, naaalala ko lang ay ang titigan nila, ala maria, maria mode. haha.

  5. I agree with this list. Noticed there’s none from present movies. Movies back then, esp in the early 80’s are really far better, has more depth and may social relevance, even wihtout those hi-tech effects, whining and pa-cute teenagers.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s