top 10 pinoy tv shows we oh, so miss

Note: Late night Public Affairs shows not included.

10 (tie). MAGANDANG GABI, BAYAN (1987-2005). – Grabe lang yung mga Halloween episodes ng MGB na poreber ansayang panoorin kahit di na makatulog sa gabi.  Talagang tulo ang uhog ng mga tao sa bahay lalo na sa mga nakakatakot na reenactments.

Kakamiss din yung New Year’s episode nila na pinapakita ang mga naputukan, naputulan ng kamay at tinamaan ng bala.  Walang panama ang Grey’s Anatomy at ER sa masabaw na dugo na take note, walang konsepto ng blur at pixel. 

Aired Saturday nights on ABS-CBN, the show’s last broadcast was on the 31st of December, 2005. The cancellation of the show rumored to be caused by problems with long-time host Noli de Castro and the ABS-CBN management. The station wanted to attack the Arroyo administration using the show, but de Castro decline to attack the ‘administration, because I’m [he is] part of it.’ 

10 (tie). STAR DRAMA THEATER PRESENTS 

Natutuwa ako dun sa OBB na pinapakita yung iba-ibang piktyurs ng featured artist nila for the month.  Lahat ng episodes showcased the versatility of the featured actor na off-the-edge yung pagkakasulat ng script at ng performance ng artista.

I remember Nora Aunor, Zsa Zsa Padilla, Lorna Tolentino at ang pinakanakakatuwang title, Star Drama Theater Presents… La Oropesa. Wala lang. Ang classy lang ng dating.

Later on, the show featured younger talents like Claudine Baretto, Kaye Abad, Piolo Pascual, Jolina Magdangal, etc. until its demise nung late 90’s.  Napalitan siya ng minis-series type show na Star Drama Theater Presents.. Burn at kung anu-ano pang mga one-word titles na maisipan ng mga writers. 

 9.  CALVENTO FILES – Nung mauso ang massacre nung late 90’s, pinalabas sa tv ang column na Calvento Files ni Tony Calvento.  Kahit hindi siya horror show, nakakatakot pero masaya siyang panoorin kasi wala lang. Masaya lang yung matakot ka sa fact na anytime, pwede kang pasuking nung criminal na nasa tv. Tapos nakakatakot pa tingnan yung brown shades ni Tony Calvento at ang kanyang “di-matitinag” na tindig with matching coat. Yeah.

8 (tie). GUIDE TO URBAN LIVING (1998)- On Studio 23, hosted by Daphne Oseña.  The first local tv show produced by Studio 23, Guide to Urban Living featured, ayun, guides to urban living. Ansaya.

8 (tie). ON-AIR (2001-2004).Produced by Ideal Minds, On-Air was originally broadcast on ABC-5. Kung makapal ang mukha mo, pumunta ka lang sa Starmall at me booth ang On-Air dun. Ayun lang, magsalita ka lang ng magsalita sa harap ng camera at makikita mo na ang mukha mo the next Wednesday sa tv. Nakakatawa ang pagiging candid ng show at ng host na si JM Rodriguez.

I think, kung di ako nagkakamali, dito ang first tv appearance ni nina Ate Glow, Maverick and Ariel at iba pang mga kwelang karakter sa Pilipinas na uhaw sa 15 seconds of fame.

7. MARICEL DRAMA ANTHOLOGY – Every Tuesday night.  Iba-ibang Maria ang mapapanuod dun tapos kakatuwa lang yung OBB na iba-ibang piktyurs niya. Angaleng lang niya.

6.  F – Hi, I’m Angel… I’m Daphne.. And I’m Cher.. Bago pa nag-Fox at nag-Troy Montero si Cher, la lang, kakatuwa lang yung tatlo.  Da best for a Saturday night viewing.  Andami kong natutunan sa show.

At di sila maarte maghost. Kung bakit pa kasi nilipat to sa Studio 23 tapos pinalitan pa ng Us Girls.  Gawa na nga tayo ng anti-Iya Villania crusade!

5 (tie). TABING-ILOG (2000-2004). – Waaah. Nakakamiss sina Eds at Rovic. Si Badong na inlove pa rin ke Corinne na kapatid ni Fonzy.  Na sobrang happy-go-lucky na eventually naging boyfriend ni George.  Na tomboyish na ex ni James na ex din ni Anne. Grabe. Ansaya.

Tapos kumukontrabida pa sina Gerrie at Jackie at sino nga ba si Beth Tamayo dun?

5 (tie).  KAYA NI MISTER, KAYA NI MISIS (1999). – Spin-off siya ng pelikula nina Maricel Soriano at Cesar Montano, shown every Monday night.  Patawad lang pero bentang-benta talaga sakin si Izza Ignacio bilang tanga-tangang katulong ni Nova Villa.

4.  ANG TV (1992).4:30 naaaaa…. Ang tv naaaa… Dooo waaa didi… didi, dam, didi–dummm…

Kumusta naman na crush ng bayan si Gio Alvarez at ang sobrang kamukha niyang kapatid na si Guila Alvarez.  Ang TV kids, eksmyuskeeee.

3 (tie).  OKAY KA FAIRY KO (1991). – Ito yung ultimate simbolo ng pagpapaniwala na angganda ng special effects sa Pilipinas.  Parang ansaya-saya tingnan nung mga naglalahong mga taga-Engkantasya.

Waaaah. Namimiss ko si Bale kasi sobrang nakakatawa talaga si Jinky Oda. Pati si Pipoy.  Musta naman sina Prinsipe K, Yaya Engkantada at siyempre si hmmmmm… Ina Magenta.

3 (tie). PALIBHASA LALAKE (1991) – Kahit na alam mong walang sense at pure chauvinism yung tema at porma ng Palibhasa Lalake, nakakatawa pa rin siya bilang waaaah, Cynthia Patag na kapatid ni Amy Perez.

Kumusta naman ang hawak-hawak niyang teddy bear lagi. Simbolismo na rin kaya yun ng pagiging weak ng mga babae at never nilang na-outgrow ang role na yun?

Sila ang nagpauso ng pagbubuhos ng tubig sa mga guest pag patapos na yung show tsaka gawing katatawanan ang personal life ng mga main actors.

Kahit ganun siya, nakakatawa siya. Musta naman ang Gwapings! Waaaah.

2. TROPANG TRUMPO – Hay. Ultimate gag show.  Battle of the Brainless, Bahaw ang Kaning Lamig at siyempre ang Caronia..caronia… chicken! dance.  Pikoy, bigyan na natin ng National Artist award for TV si Bitoy!

 

1. ABANGAN ANG SUSUNOD NA KABANATA

Ito yung diyos ng comedy na intelektwal, me slapstick konti at matapang, given the political climate sa Pilipinas nung panahong yun. Anggaleeeng.

Namimiss ko na ang mga Tengco, kakatawa sina Tessie Tomas (kahit hysterical), Anjo Yllana at Noel Trinidad dun. Kumusta naman si Sammy Lagmay na poreber nang nastereotype bilang kapitan ng baranggay at ang asawa niyang si Winnie Cordero at anak na si Jennifer Sevilla. Buwaha.

Andyan pa si Nova Villa na makabagong Donya Victorina na hanggang sa huling episode ng show, di pa rin tinanggal ang plastic ng sofa niya. Waaah.

Grabe lang si Roderick Paulate at si Carmi Martin na nagtatrabaho sa Kulasisi Bar at yung japayuki na kasama niya na sobrang nakakawa, si Stephanie.

Lahat ng satire sa showbiz, pulitika, gobyerno at sa ordinaryong tao, ginawa ng Abangan.  Napakarepleksyon lang siya ng kahibangan at kaipokrituhan ng mga Pilipino and the irony was, tawang-tawa tayo na makita yung mga sarili natin sa mga karakter nila.

Hay. Naiisip ko tuloy kung gaano kalalim ang pagdecline ng ABS-CBN bilang quality tv station.  Decline mula clouds hanggang tae. Waaaah.

35 thoughts on “top 10 pinoy tv shows we oh, so miss

  1. oo nga, ba’t pinalitan ng Us Girls ang F na sobrang mas maganda ang F? Buti na lang natira si Angel. Dati, pinapanood ko faithfully ang F, ngayon di ko kayang manood ng isang buong episode ng Us Girls. Mas ayoko si Chesca kesa kay Iya though.

  2. argh! i hate iya. ewan ko ba. nabibwisit ako sa kanya. mas hamak naman na me fashion credibility ang F girls sa dalawang us girls.

    wonga no. anna karenina. bilang si kim delos santos ay di pa obese.

  3. baka kasi, you know, para makahatak ng younger audience. pero ang pangit talaga ng show. ang pangit ng audio. ang pangit maghost nung dalawa. tapos ang pangit din ng mga segments nila. ano na?!

  4. Wow. Ang galing ng list. Oo nga, di makukumpleto yung Halloween pag walang MGB special halloween episodes. I used to sneak out to watch Calvento Files kasi bayolente daw sabi ni Papa, pero it brings out the killer tendencies in me so I like watching it. And yes, Ang TV, Kaya ni Mister, Tropang Trumpo and Abangan..! Woohoo.

  5. bigla kong namiss ang Abangan ang susunod na kabanata, si dino tengco at ang pagkagat nya sa kanyang gumagalaw ng kamay tuwing natetensyon.

    kabisado ko pa nga na kapag lunes ay abangan, martes ay palibhasa lalaki, miyerkules ay home along, huwebes ay MMK at friday ay super laff in.

    nakakamiss din ang mga public affairs show ng dos, yung usapang business, inside story, etc.

    ay, nakakamiss din ang okidokidoc! ang mag cupcake.

    pero disappointed ako at wala ang gimik or tgis sa listahan mo. hehe, part of my growing up days yun!

  6. actually, mas maka-tgis ako.. pero parang mas mabigat sa’kin ang tabing-ilog kaya yun ang nilagay ko..

    haay. nakakamiss ang glory days ng abs.. o dahil mga bata pa tayo nun at madali nating naappreciate ang kababawan ng mga palabas at maganda na yun para sa’tin..

    pero abangan pa rin.. mahal ko si nova villa dun! haha

  7. Ay, walang Okatokat? Grabe din yun. Nakakamiss sila Agot Isidro at Ricky Davao. Haha. Gustung-gusto ko ring panoorin nun ang Kapag May Katwiran, Ipaglaban Mo, tsaka Villa Quintana. Haha. Shet, nakakamiss yung mga palabas nun.

  8. ang wala sa henerasyong ito ay ang mga chummy youth oriented shows na tipong nagpasa-pasahan na sila ng syota eh happy pa rin. at i agree, na ang abangan ang susunod na kabanata ang isa sa most intelligently written TV shows ever. at bakit walang Mister Kupido at Flames dito? haha. medyo recent pero highly commended ko ang Kay tagal kang hinintay (red butterfly, lady morgana).

    at ang okatokat at kagat ng dilim. susme. ilang gabing katumbas ng MGB haloween special yun.

  9. iniisip ko nga na ilagay ang tgis pero wala lang. di ko lang nilagay. oh yessss… mister kupido.. i lovet!!!

    alam kong adik ka ke lady morgana pero di ako naadik sa kanila. iba pa rin ang mgb hallooooweeeen experience.

  10. trying hard na rin kasi ung sequel.. nawala na yung magic ng satire ng abangan compared to the other one…

    plus, yung political turbulence nung panahon ng abangan was more ka-satire satire than nung panahong pinalabas yung sequel niya.. kaya di na tuloy nakakatawa.

  11. grabebs. ngayon ko lang nakita to. haha. nakumpirma ko na pala sa blog ni irene. grabebs. HAHA!

    nasaan ang Ula? Pandakekoks? Mara Clara? Valiente?

    bwahahahahahahaha! nostaljik.

  12. hahaha basta ako ultimate kapamilya pa rin naman. siguro kaya nagdedecline mga quality shows dahil nawawala rin ang mga quality audience. napapalitan ng mga audience na er mababaw… well sana magbalik ang ningning at kalidad pero actually nagagawa naman ng abs yun eh… haha bias.

  13. waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah. i don’t think nawala na ang quality ng taste ng audience.. ang mga think tanks lang ng mga tv stations ang nag-iisip na bobo ang audience na pinoy kaya sila gumagawa ng mga shows na pambobo..

    they treat filipino audiences na hindi nag iisip.

  14. To both Tessie Tomas and Ms. Ai Ai delas Alas whom managed themselves to become two of my all time favorite female comedians in the Philippines today, they often used their own unique style of making the audience laugh with each of their characters and I think they deserves to become icons to inspired many other female filipino comedians to become more about themselves as human beings as well .

  15. Pingback: » The Kendo Post Frivolous

  16. haaayyy…kakamiss ung halloween episodes ng MGB…d ko na kc naaappreciate ung halloween episodes ngaun…if pede lng bumalik during those times…mas masaya sana..haha

  17. ako gusto ko ung Coney Reyes on Camera… its my turn, every Saturday after Eat Bulaga. Pati na ung TSCS. Sama mo na din ung FLAMES at Mr. Cupido na daily ang palabas pero every week iba iba ang story.

    Tama bata pa tayo nun kaya mas naaapreciate natin ang mga bagay bagay naun.

    Agree ako sa Tabing Ilog, MGB, Maricel Drama, Star Drama Presents at Abangan.

  18. Hello from Russia! Should it be practical for me to quote a submit within your weblog using the url to you? I’ve tried emailing you with this problem but it really seems i cant reach you, please response when have a moment, thanks.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s