lipat bahay

Dahil modang gypsy at inaatake ako ng ADHD kada isang taon, eto’t lilipat na naman ako papunta sa aking pangatlong blog.

Sa mga naglink sa akin, pakiupdate na lang at ituro na ang mga nguso papunta sa address na ito:

http://bebsisms.blogspot.com

WordPress, magdagdag na kasi kayo ng features. Nakakabore kayo. Isa kayong malaking buraot. Kayong mga empleyado ng wordpress diyan, wag niyong tangkaing burahin ang mga dating entries ko dito ha? Hintayin niyo munang mailipat ko silang lahat sa blogspot ko.

Bye.

Advertisements

ober da bakod

TULONG!

Paano ba ililipat lahat ng mga blog entries ko dito papuntang blogspot? Yung import something.

Gusto ko nang magblogspot. Amboring na ng WordPress!

Help.

tyg at daybreak

At last, locked na ang TYG. Tapos na ang edit. I met up with Nono this afternoon para ikyeme ang music. And soon, audio mixing na. Soon, as in this weekend na. Di ba, Adolf? Malapit nang matapos ‘to! Pakshet! Next project na, please. Para magkapera na ang butas-butas kong bulsa. Char.

Nga pala, lumabas na ang DVD ng ‘Daybreak’ at nandoon kasama sa special features ang tsaran… TYG Teaser, Adela Trailer, Alternative Ending at iba pang bagay-bagay katulad ng isang napakalaking Photo Gallery na may mga hubad na katawan nina Coco at Paolo. Kaya bumili na kayo ng maraming, maraming kopya para madagdagan pa ang bonus kong si Briccio. Kareh?

lapit na

Editing of TYG is almost done. Oh gawd, it took me almost a month to do it and mind you, karamihan ng mga pelikulang inedit ko would almost take two weeks the most. Even one week with “Daybreak” and “Foster Child”. Dahil nga siguro unang pelikula ko ‘to kaya mas stressed ako, mas allegated at mas balisa.

I asked the great Shitzy to edit half of the final scene kasi mukhang nalula na ako and I need to gasp and take a breath of fresh air. Buti naman at gracious enough itong aso ko para paunlakan akong tulungan. Thanks Shitz!

Within this week, may final cut na ang TYG and so far, mukhang happy-happy naman kaya sana magustuhan siya ng mga manonood. Ayiiii.

After ng final cut, ipapaaudio mix ko na siya at ipapacolor grade. Oh, can’t can’t wait to see the final film. Nangingisay ako sa excitement. Ito nga pala talaga ang pakiramdam ng maging bagong parent.

I’m currently in the process sa pagbubuo ng soundtrack ng TYG. Meron na akong kanta ni Michael Cruz (Singing Bee) na pinamagatang “Naroon” which will be the film’s main theme. Siyempre, andyan ang baklang-baklang “Churvaloo” mula sa isang napakagaling na bandang Haphazard. And the catchy “Paghihintay” by Roxymorrons. Maraming Roxymorron songs ang nasa OST ng TYG at masasabi kong anggaleng-galeng ng bandang ito.

Marami pang ibang unsigned alternative rock bands and songs ang mapapabilang sa TYG soundtrack and I’m still looking for more songs. Kaya, kung me kilala kayo na unsigned bands na willing magpahiram ng kanta nila, dali na, ikontak niyo na ako.

Yiiiii. Ansaya-saya. At least, masasabi ko na malapit na nga matapos ang isang phase ng post-prod and I’m on to my next step.

Kaya mga people, let’s all HAIL THE QUEENS OF THE BACKSTAGE!!!

Define darkness.

Char!

Latag lang

Pakshet. At last, pagkatapos ng napakahabang panahon na halos dalawang linggo o mahigit pa yata, me nagawa na rin akong rough cut ng TYG. Ibig sabihin, dalawang linggo akong wala sa sibilisasyon at kasa-kasama ko lang ang aking pinakamamahal na laptop na si Briccio. Katulad nga ng lagi kong disclaimer ke Dante pag nakakagawa na ako ng rough cut, “latag lang…….” Pang-iwas okray haha. Kaya nga rough cut e, dahil rough siya.

Masasabi ko na ang “Tirador” ang pinakamahirap na pelikulang inedit ko. Walang logs, walang sequence numbers, wala lahat. At mukhang halos mga ganong lebel na rin ang TYG. Sa TYG naman kasi, medyo nahirapan akong iedit siya, given na hindi ko nashoot ang lahat ng mga naisip at gusto kong gawin kaya kelangan ko rin mag-adjust sa editing. May mga biases kasi ako bilang tagasulat at nagdirek pero kailangan kong magpakaeditor at the same time. Kadalasan, ang mga editor ang objective, logical mind sa proseso ng pelikula at tagapukpok sa ulo ng direktor kapag masyado na itong inlove sa mga shots niya.

Kumusta naman kung ako lahat yun bilang tao.

Ang alam ko, si Bb. Joyce Bernal, sinisigurado niyang siya ang gumagawa ng rough cut ng mga pelikula niya. Kokonting full length directors lang ang alam kong nag-iedit ng sarili nilang mga pelikula, example na si Lav Diaz at yung director ng “The Gymnast”.

Dapat ang pinakamagaling kong bebe Shitzu ang iedit nito pero since Bisaya ang dialogues, naisip kong baka mahirapan siya. At yun nga, me mga ibang parte sa iskrip na di nasunod at karamihan ay di magkasundo ang mga logs at id, haha. Paging Peky Ladinyot.

It took me quite a while na ipsyche at ilapit ang sarili ko sa personang editor. Multiple personality ito kaya after several days ng hibernation, sumapi na rin sa katawan ko ang kaluluwang yun.

Marami akong natutunan sa prosesong ito:

1. Mahirap iedit ang sariling pelikula. Ibang usapan kapag short film siya kasi short. Kapag full length na kasi, full na siya. Kaya ang nangyari, natagalan ako sa psyching up at sa pagtatrial and error ng mga clips.

2. Mahirap gumawa ng road movie pero kapag may ganitong pelikula pa uli, gagawin ko pa rin siya. Sa mas malaking budget siyempre, haha. Sa TYG ko natutunan ang magmake do with what I have. Kaya resourceful kung resourceful, kembot kung kembot ng mga kung anong pwede mapalibre.

3. Magagaling ang team ko. Di ba Maxi? Musta ang bestfriend mo? Haha.

4. Ang di paglabas ng bahay ng matagal-tagal ay nakakaburat, nakakaputi, nakakatipid sa tubig at damit, nakakaburyong at nakakadry ng buhok.

5. Nakakadugo ng ilong ang magtranslate ng Bisaya papuntang English, lalo’t gay linggo. Ano nga ba ang English ng char at echosera? Ang makakasagot, may kiss.

6. Iba na ang magiging editor ng susunod na pelikula. Oi, nangangarap na me susunod.

Kaya pagkatapos ng latag mode na ito, isang linggo na naman ang bubunuin ko para sa final cut. Yiiii. Excited nako magcolor grading at maglatag ng audio.

Excited na rin akong ipalabas siya. Yiiiiiiiiiiiiiiih.

tinatamad

Pakshet. Yoko ng ganitong feeling. Walang ginagawa. Ambagot. Buraot. Pfft.

Pero happy naman kahit papano. Me lumabas daw na whole spread feature about TYG sa Mindanao Times today. So mga taga-Davao, bili na kayo ng Mindanao Times.

Salamat Chris Fabian sa support! Woohoo.

ang ineeeeeeeeeeeet

Salamat sa matatandang henerasyon at iniwanan nila tayo ng napakainit na mundo. At kung kailan pa nakakatunaw ang init, dun pa nasira ang nakakawindang kong electric fan. Dam-et.

Simula na akong mag-edit ng TYG. Masaya naman makita ang mga footage. Ayos.

Bigla ko tuloy namiss ang Salumay. Na kahit nakamamatay ang lamig, at least mamamatay akong hindi pinagpawisan. Hay.

Babalik ako dun. ASAP. Di ba, Armi?

tyg preparation

Still have lots of stuff to do.  That’s why I’m flying to Davao tomorrow with our production designer, Armi, to do whatever logistics that need to be done. 

Yesterday, I met up with the guys who will be making the film’s official website. Exciting.

Have to finalize the casting, with no one to play Carlos yet.  But I’m not panicking. Yet. 

Gie, the actor playing Allyson, will be flying to Davao on the 24th to join another round of workshop with the other cast.  Gie has to learn the proper delivery of the Visayan gay lingo dialogues but given he’s a fast learner, he’ll do well.

Most of the staff from Manila will be flying to Davao on the 26th.

We still have to rehearse the shots with Albert, our cinematographer, so we won’t waste our time figuring things out on the actual shooting day.  The schedule is hectic and by the end of the 1st shooting day, we will know our pace.  Hopefully, our 7-day sched is enough.

Direk Arman already did the call sheets and squeezed in everything in six days. 

Costumes are very crucial so they have to be planned well.  The unbeatable team of Santi and Frances are doing the best they can to deliver the requirement. *Wink* 

Hopefully, we will be able to finalize the list of talents/extras by Tuesday or Wednesday.  They still have to be briefed with what they’re going to do.

Apparently, I still have so much things to arrange Holy Week has passed me by with a big sign of the cross right in front of my face wishing me “good luck”.

whoever you are

Why did you have to flash your hot hot hot smile at me! Why did you have to flirt with me while I was going out of Starbucks (corner of Caroline Hill Road and Leighton in Causeway Bay) last Wednesday, March 18!

You were extremely hot I know and while we were smiling at each other, I knew I had to go back inside Starbucks but I realized you were wary that Jim (who was with me) was my boyfriend. No. He wasn’t. He isn’t. Gawd, I wish you did approach me.

So all I had to do was take a stolen picture of you, hot creature! Damn. I had to endure and get punished by Jim’s I-can’t-believe-Bebs-doesn’t-know-how-to-flirt look!

Damn you. Whoever you are, tell me your name. And wherever I could locate you. So I’d have one strong valid reason to fly back to Hongkong asap and let’s be together! Dali na.

Kung sinuman ang nakakakilala sa hot mammal na ito, ipagbigay-alam lamang po sa kanya ang aking mensahe.

di ako nanalo

Pero ok lang yun.

Woo. Red carpet.

At least, I got to see Tony Leung in person. Bad thing I wasn’t able to take a closer picture of him kasi di ako nakapunta sa red carpet. I was at the Welcome Dinner though. The food was soooo good and met lots of people, even my co-nominees.

David Richardson (na katabi ko during the ceremony), a British guy who edited this Hongkong film titled “Eye in the Sky” won Best Editor. Grabe.

Ang boring ng awards night, sobra. Parang walang energy ang mga tao. The beauty pageants and awards nights o kahit mga shows sa Pinas are much livelier. Parang pilit lang pumalakpak ng mga tao. Ewan ko ba. O dahil lang siguro sa language na pagpupumilit ng mga instik na mag-English.

Ampangit ko sa piktyur na yan. Si Jim kasi, blurry kung kumuha. Hmf. Di nabigyan ng hustiya ang galing ng pagdala ko sa tux, haha. After ko magpapiktyur sa red carpet na yan (pagkatapos na yan ng awards ceremony), nagnakaw ako ng maraming maraming Hongkong International Film Festival id badges. Pampasalubong sa mga tao.

Ay, lima lang pala lahat nanakaw ko. Nakakalat kasi, ayan.

Dami ko pa kwento. Hilo lang galing byahe. Hmf.

camwhoring agad

Dumating kami ng HK mga 10:00 am. Nagulat ako bigla me papparazi. Haha. Photographer ata ng AFA yun. Dinala kami sa Grand Hyatt Hotel instead of the original Cosmopolitan Hotel. Ewan, me changes ata pero choosy pa ba ako bilang ansosyal lang niya.

Ayun lang. Awards night na mamaya. Ok lang kahit di manalo, sulit naman sa landian. Woohoo. Pero ok din manalo. Pfft.

tyg theme song

It’s confirmed.

Michael Cruz, the gay rocker who became popular via the talent search ‘Star in a Million’, will lend his beautiful song “Naroon” as the theme song of “The ‘Thank You’ Girls”.

Michael, who popularized a rock version of Madonna’s Crazy for You in 2005, will be recording his new song this Saturday.

I am actually excited to be working with Michael for this project. Adolf Alix will be directing the song’s music video and will be released before the premiere of TYG.

I have also chosen another song that will be part of the film’s OST, Roxymorron’s ‘Paghihintay’. Roxymorron is an unsigned band that was already featured in Myx’ Bandarito.

I first heard of ‘Paghihintay’ when Ab, a friend, sent me a copy of the song and I instantly liked it.

As of present, I am still looking for more songs from unsigned bands to be part of the film’s OST.