tyg at daybreak

At last, locked na ang TYG. Tapos na ang edit. I met up with Nono this afternoon para ikyeme ang music. And soon, audio mixing na. Soon, as in this weekend na. Di ba, Adolf? Malapit nang matapos ‘to! Pakshet! Next project na, please. Para magkapera na ang butas-butas kong bulsa. Char.

Nga pala, lumabas na ang DVD ng ‘Daybreak’ at nandoon kasama sa special features ang tsaran… TYG Teaser, Adela Trailer, Alternative Ending at iba pang bagay-bagay katulad ng isang napakalaking Photo Gallery na may mga hubad na katawan nina Coco at Paolo. Kaya bumili na kayo ng maraming, maraming kopya para madagdagan pa ang bonus kong si Briccio. Kareh?

Advertisements

daybreak lines uli

30 EXT. CONT. LIVING ROOM.

JP shoves William’s grip.

WILLIAM (PAOLO RIVERO)
You never said you love me!

JP (COCO MARTIN)
Ikaw rin naman ah!

SPECIAL SCREENING

February 13 and 14
UP Film Center
Screening time: 3pm, 5pm, 7pm

REGULAR SHOWING

February 20-26
Robinsons Galleria’s IndieSine.

before the sun rises

Wala akong kompidens sa pagsusulat.

Nung elementary ako, pinadala ako ng aking kapita-pitagang eskwelahan sa isang citywide interschool on-the-spot essay writing contest na inisponsoran ng Davao City Water District. Malamang tungkol sa tubig ang dapat namin isulat dun. Sabi ng coach namin, simulan daw ang essay namin ng me interest-catching caption. O di kaya tanong. At ang sample niya, “what if there’s no water?”

Sa araw ng competition, wala akong maisulat. Di ko alam kung pano ko susulatin o kung ano ang sasabihin ko. Kinopya ko na lang ang interest-catching caption example ng coach namin. At dalawang oras akong nakatulala sa yellow pad sa harap ko. Nangulelat ang skul namin.

Nung grade 6 ako, pinag-exam kami para sa magiging staff daw ng school paper. Di na ako umabot sa shortlist.

Nung highschool naman, nagtryout ako para sa Tagalog at English school papers. Kada school year na lang, umuuwi akong luhaan. Okey payn. Di nga talaga ako marunong magsulat. Kaya naisip kong wag mag-Journalism at mag-Creative Writing at wag nang ambisyunin maging writer ng magazine, libro o komiks.

Sa UP, kinarir ko talaga ang scriptwriting ke Bing Lao. Parang natutulala lang ako at natutunaw kapag kasama ang mga taong magagaling magsulat lalo na ang mga nagpapanggap na magpaka-hiffalutin. Highfalluting.  Highfalooteen.  Hifallutin.  Buti na lang, naimbento ang blog kaya nakakapagsulat ako kahit walang nagbabasa.

Nung December, sabi ni Adolf, sulat daw ako ng skrip na galing sa konsepto niya na dalawang lalakeng may relasyon na magpapaalam sa isa’t isa bago mag-umaga. Huwaw. Parang ‘Before Sunrise’. Parang ‘Before Sunset’. Gay version. Inisip ko lang kung bangag ba si Adolf nung panahong sinabi niya yun o jowktym lang. Ah, sobrang busy lang siya kaya wala nang panahong magsulat pa kaya napagtiyagaan ako. Di ba, Adolf?

Naisip siguro niyang me paghuhugutan ako kasi me ganitong eksena rin sa totoong buhay sa shoot namin ng ‘Batanes’. Weeeh. Kontra sa paniniwala ng mga kaibigan at kakilala, hindi ko kinuha sa karanasan sa Batanes ang mga pangyayari sa buhay nina JP at William sa ‘Daybreak’. Sinunod ko lang talaga ang kung ano ang isinulat ni Adolf sa concept paper.

Kaya eto na. Ang resulta. Ang una kong full-length iskip na naisapelikula (mas nauna kong naisulat ang “The ‘Thank You’ Girls”). Pelikulang kabaklaan, isang alternatibong panonood para sa Valentine’s Day.

Aktwali, masaya ako sa naisulat kong materyal para sa pelikula pero gaya nga ng kadalasan nangyayari, me mga pagbabago mula sa orihinal kong sinulat sa lumabas na kabuuang pelikula pero ok lang.

Maayos ang pelikula.

Malalim ang pinanggalingan ng relasyon nina JP at William, ang dalawang karakter sa pelikula. Hindi lang libog. Hindi lang karnalan. Ni hindi nga atraksyon lang e.

Isang taon na silang magkarelasyon pero estranghero sila sa isa’t isa. Magkaibang-magkaiba sila sa lahat ng aspeto.

Seryoso si William na isang doctor (Paolo Rivero), happy go lucky si JP na isang bangkero sa Taal (Coco Martin). At hindi lang ekonomiya, karakter o maging ang sexual roles nila ang pinaglaro sa pulitika ng relasyon nila kungdi pati na rin yung struggle ng pamamaalam na kailangan gawin ng isa sa kanila bago sumikat ang araw.

Maraming modang tahimik ang pelikula. Mga pag-iisip. Mga pagmumuni-muni. Yun din ang naging kaibahan dahil naisulat ito na ang pag-uusap ng dalawa ang naging buhay nila buong gabi na para bang iniiwasan nila ang komprontasyon ng realidad na magpapaalam na sila.

Ang ang mga modang tahimik ng ‘Daybreak’ ang naging silbing tensyon ng dalawang karakter. Hindi pagtalikod kundi ang pag-iwas sa pagharap sa napipintong maririnig na katotohanan.

Isang gabi lang nangyari ang lahat. Sa totoong buhay, parang anhirap ng ganun pero pwedeng mangyari. Nangyayari. Hindi lang sa mga relasyong pambakla kundi sa kahit na anong klase ng gender relationship. Kaya pwede ko ring sabihin na universal ang sitwasyon.

Anong koneksyon nito sa kompidens ko sa pagsusulat? Wala. Di lang ako makapaniwalang makakabuo ako ng skrip, akala ko wala akong kakayahan sa ganun. Tumatak na kasi sa isip kong olats ako sa ganung aspeto.

Basta, manood kayo ng ‘Daybreak’.

“daybreak” tidbit

Directed by Adolfo Alix, Jr.
Written by Charliebebs Gohetia

SEQ 26 EXT. CONT. TERRACE/OUTSIDE.

He goes outside to smoke while William looks at him intently. He’s thinking that now is the perfect chance to tell JP but he’s still having a hard time doing it. He opens a book and tries to read he but can’t concentrate.

He follows JP outside. Nervous, he shares the cigarette with him. They stare at the Lake quietly, feeling the cold breeze.

JP

Alam mo, lagi akong dumadaan dito. Gusto ko lang malaman kung andito ka.

WILLIAM

Tumatawag naman ako pag aakyat ako di ba?

JP

Ewan. Gusto ko lang. Palatandaan ko ang ilaw diyan sa may bandang kwarto Pag nakabukas yan, alam kong nandyan ka. Kapag ang ilaw ng sala ang nakabukas, malamang, yung asawa mo. (beat) Sa dalawang buwan na di kita nakita, di ko akalaing hahanap-hanapin pala kita.

WILLIAM
(breaks JP’s seriousness)

Ano ka, stalker? (beat) Know what? I’ve always wanted to know how it is to be a stalker. Parang sa mga horror films. Kaya siguro, initially, gusto kong maging Psychologist, gusto kong malaman yung sense of mystery nila.

JP

Nasubukan mo na bang maging stalker?

Watch ‘Daybreak’…

OPENS

Feb 13 and 14 – UP Cine Adarna (formerly UP Film Center

Feb 20 to 26 – Robinson’s Galleria

Feb 27 – March 4 – Robinson’s Ermita

March 5 – 11 – Robinson’s Bacolod

opens on feb 13, 2008 at the up cine adarna

“DAYBREAK”

Written by Charliebebs Gohetia
Directed by Adolfo B. Alix, Jr.

Cast: Coco Martin, Paolo Rivero

“DAYBREAK” happens entirely in one place: a rest house in Taal, Batangas and only with two characters. In a single narrative time, intending by way of voyeurism, we discover what happens to two men spending one night contemplating whether to break up or continue their relationship. William and JP allow us to know their biggest lies and the biggest truths… two people loving each other, clinging to each other, betraying each other — trying the fragility of their feelings in only one night.

Memories and dreams, truths and lies, fears and desires, betrayal and honesty, love and hate are all closely entwined in this night.

Behind the veil of words, they are drawn to each other but will the light of the sunrise bring this intimacy to an end?

i will post the landscape pics some other time…

..in the meantime, camwhoring first.


I know, cute lang.


With Iza, upon arrival in Batanes.  Right, with Sid upon arrival in Sabtang.


In Sabtang, left, with Kuya Rolly (PM), Adolf (Director), Maxie (Asst. Line Producer) and Armi (Script Continuity. Right, ako ang real ‘Masahista’, not Coco.


Ganun kagutom si Sid.  Right, umaanggulo si Coco (as usual).


Oo, me konsepto ng crane shotssss ang pelikula.  Right, sa bahay yan where Ken stays.

the happy part…

Some random pics of the shoot. Oh, well not really very behind the scenes mode pero choosy ka pa ba? Detailed story sa susunod na pag me maayos na akong internet connection dito. Dami ko sana ikikwento. Naglalaway kayo no? Bleh. More on my Multiply and will upload more soon.

From top to bottom, left to right:

1. Some vanity.
2. A fisherman tries his made-in-Batanes rod.
3. ‘Batanes’ co-director Adolf Alix (the other one is Ignite Media’s Dave Hukom), Iza Calzado in the middle and Piolo look-a-like Joem Bascon who plays as her Ivatan husband in the film.
4. Pointing at nothing in particular at the Chanaria Shelter Port.
5. Vanity pic, still at the Chanaria Port, taken this afternoon.
6. In Mahatao, first shooting day.
7. Oh yeah, some macho image at Chanaria. Tseh.
8. First shooting at Mahatao.
10. Harutan mode with Coco Martin shortly after he arrived from Manila (with Sid Lucero).