Inatake ako ng ADHD

I-photoshop ko kaya ang aking sarili?

O di kaya, maglagay ng piercing sa gitna ng ilong?

O magmahal ng temporary, yung good while boredom lasts, dalawa or tatlong oras.

Advertisements

Ikaw, siya at ang beer sa lalamunan

“All I have to do is dream,” sabi niya.

“Oo. Yung bandang kumanta nyan, sabay-sabay silang namatay sa isang plane crash,” sabi mo.

“Kinilig ako nung kinanta siya nina Ally McBeal at Antonio Sabato, Jr. sa isang episode kung saan nag-hire si Ally ng male escort para magpanggap na boyfriend niya. May gusto kasi siyang i-prove. Nagselos si Billy, yung childhood sweetheart niyang may-asawa na.”

“Weird ako. Hindi ako mushy.”

“Applicable kasi sa akin ang life imitates art. Mas masarap mabuhay sa hindi makatotohanang mundo.”

“Bakit ba pag-ibig na lang lagi ang bagahe mo?”

“Kasi matagal ko na siyang hindi nararamdaman.”

“Mature ba tayo?”

“Hindi. Sa lahat ng tao, pakiramdam ko, ako na lang ang hindi nagbago.”

“Gusto mong isipin na hindi siya masama?”

“Sana nga hindi masama na manatili akong isip-bata.”

“Siguro naman.”

“Kasaysayan na lang ang huhusga sa atin.”

“Sa atin.” Pag-uulit mo.

“Ako ang representasyon ng sawing pag-ibig.” Seryoso siya.

“Nakakatawa naman.”

“Ikaw ba hindi?”

“Ganon din ang pakiramdam ko.”

“Kaya nga tayo nandito, di ba.”

“Dala-dala ang parehong bagahe.”

“Sa magkaibang lebel.”

“Bakit?”

“Basta. Sigurado akong magkaiba tayo ng nararamdaman.”

“Sa parehong konteksto.”

“Pwede rin.”

Hindi na nila alam ang susunod na sasabihin sa isa’t isa.

“Uy…” hindi ka niya matingnan ng diretso.

“Bakit?”

Gusto niyang hawakan ang kamay mo. Pero hindi niya magawa. [Ang totoo niyan, gusto na niyang tapusin ang kwento niyo. Para sa’yo kaya?]

Confrontation three

[*3rd of three. Ang konek nito ay ang dalawang mga nauna: Confrontation at Confrontation, too.]

Salamat pero hindi mo naman kailangang makinig sa mga pagdadalamhati ko. Ano ka ba, wala ‘to. Ang totoo niyan, napapasaya ako ng mga bagay-bagay na nakakasakit sa akin. Mas nalulungkot ako sa katotohanang hindi ako ang dahilan ng kalungkutan niya. Ngayon, unti-unti ko nang pinag-aaralan kung paano lumayo sa kanya. Wag mo na kasi ako bigyan ng pansin, hindi ako sanay na may nag-aalala sa akin.

Salamat nga pala sa dalawang galong ice cream na binili mo. Naubos ko siya ng isang upuan habang nanonood ng “Nightmare on Elm Street” at “Petrang Kabayo”. One and Two. Talagang alam mong iyon ang gamot ko sa pag-eemo, no? Nagprisinta ka na namang lutuan ako ng pasta. At dahil hindi pula ang sauce na ginamit mo, tatlong kawali ang nilamon ko habang paulit-ulit na nakikinig ng System of a Down, Saydie, Slipknot, Rage Against the Machine at Aegis. Ng sabay-sabay. Oo, headbanger ako.

Salamat sa plano mong bigyan ako ng dalawang maltese terriers pero ang totoo niyan, panda at koala ang gusto kong gawing house pets. Minsan nga, gusto ko rin mag-alaga ng penguin at oras na malaman mo yun, sigurado akong bukas na bukas din, lilipad ka ng Alaska para hulihin ang pinaka-kyut na penguin sa buong kapuluan. Nga pala, ang gusto ko ay yung penguin na polka dot ang balat ha, kung sakaling may makita ka.

Salamat din pala sa pagsasabing anggaling-galing ko kahit lahat ng tao, tae ang tingin sa obrang ginawa ko. Kahit papaano, naiaangat ko ang sarili kahit man lang sa paningin ng mga taong tulad mo.

Hindi ko namalayan isang gabi na nakalutang na pala ako sa Ilog Pasig sa sobrang kalasingan pagkatapos kong languin ang apat na kahong sioktong at bangag dahil sa limang piraso ng katol na sabay-sabay kong tinira dahil mag-isa kong ipinagdiwang ang kaarawan niya. Dumating ka sakay ng isang helicopter para iahon ako pero hindi ko natatandaang ikaw ang tinawagan ko.

Siya, na pinapangarap kong sumagip sa akin, ay nalunod rin pala sa sarili niyang kalungkutan dahil hindi man lang siya binati ng taong pinangarap niyang bubuo sana ng bertdey niya. Teka, pupuntahan ko siya. Kailangan niya ng makikinig at dadamay sa kanya. Hindi mo na ako kailangang samahan pa.

Kaya, sa muling pagkakataon, heto na naman ako, nakamasid sa kanya habang ipinagluluksa ang pag-ibig niya para sa taong may mahal namang iba. At ikaw, bakit ka ba laging handang magmasid sa akin?

Paulit-ulit mo mang sabihin at iparamdam sa akin, maraming salamat pero hindi ko kailangan ang pagmamahal mo.

Ang paghihiganti ni Cofradiang Panget

Nakikilala mo pa ba ako? Sigurado akong ‘hindi’ ang isasagot mo. Huwag mo akong titigan na para bang ang pagtataka mo ang mag-uudyok sa simbahan para gawin kang santo. Awa? Anong awa ang pinagsasabi mo.

Hindi mo man lang ako pinakinggan noong unang beses kong sinubukan na lapitan ka at ibigay sayo ang card na pinagpuyatan kong buuhin. Isinulat ko ang tulang ginawa ko para sayo at nilagyan ko ng tatlong petals ng bughaw na rosas para maiparamdam ko ang paghanga sayo. Hindi mo man lang tinanong ang pangalan ko at mabilis mo akong sinipa ng iyong napakatigas na paa. Black belter ka nga pala. Ang iniwang alaala nun ay ang marka ng swelas sa mukha ko na araw-araw kong tinititigan sa salamin dahil umaasa pa rin ako na sana, umilag na lang ako.

Nakita kita sa mall kasama ang nililigawan mong sikat na artista. Lumapit ako para ngitian ka dahil gusto kong ipakita sayo ang bagong linis kong ngipin pero hindi ko pa naibukas ang mga labi ko ay sinigawan mo na ako at ipinahiya sa mga taong dumadaan. Tinulak mo ako sa salubong na escalator at hindi ka pa nakuntento, nilagyan mo ng dinikdik na sili ang nabasag kong bungo at sinabi mong wag na wag na kitang susundan. Nakatingin sa akin ang nililigawan mong sikat na artista habang humahalakhak sabay sabing “belat”. Sana sinampal mo lang ako noon. E di sana, hindi nakalabas ang utak ko ngayon dahil sa nabasag kong bungo.

Naiihi ako noon kaya pumasok ako sa isang sosyal na restawran at doon, kumakain ka kasama ang bago mong nililigawang sikat na model. Nakita mo ako at hinila papunta sa kusina at walang kaabog-abog na itinali mo ang mga kamay at paa ko sa tangke ng gas sabay sabing “wag mong gambalain ang pagkain ko dahil nasusuka ako kapag nakikita ko ang pagmumukha mo!” Natuwa ako kahit papaano dahil natatandaan mo ako. Siguro, naaalala mo ang sapatos mo kapag nakikita ako. Inutusan mo ang mga kusinero na i-bake ako sa oven at kapag naging golden brown na ako ay ilagay ako sa loob ng pridyidir upang manigas at nang hindi ka na magambala pa habambuhay. Pag-alis mo, imbes na sundin ang utos mo ay ginahasa ako ng sampung tagapagluto, benteng waiter, tatlong sekyu pati na ng babaeng cashier at baklang manedyer.

Hindi ko inisip na api ako pero katulad ng mga bida sa fairy tales at telenovela, nakapag-asawa ako ng bulag na mayaman na siyang nagbigay sa akin ng lahat ng hihingiin ko. Siya, na hindi ko rin sigurado kung minahal nya nga ako o napapanatag lang siya sa katotohanang may nilalang na mas masaklap pa ang sinapit kaysa sa sarili niya. Oportunista ako kaya mayaman na ako ngayon. Sikat at tinitingala ng mga taong dati nag-aakalang isa akong estatwa sa gitna ng garden ng namatay kong asawa. Pero, higit sa anumang pagtanggap ng mundo sa bagong ako, sinigurado kong mabubuhay ako ng matagal upang sa pagdating ng araw na ito, maisagawa ko ang paghihiganting inaasam-asam ko.

At ngayong kaharap na kita, nakapagtatakang ni awa o galit sa’yo ay hindi ko maramdaman. Ni pag-ibig, pagnanasa o libog ay wala na rin. Napatitig na lang ako sayo at napagtantong ang trahedya ko lang ay masyado kasi akong mahilig sa gwapo.

Magpapa-makeover ako

Sigurado akong ito na ang magluluklok sa akin sa dambana ng kagandahan. Walang effort, walang gastos.

Hindi na ako magpapagupit. Ganun din yun, tutubo pagkatapos ng isang buwan. Papalitan din ang current hair fashion. Sayang ang effort. Wala ka rin namang ibang gawin sa parlor kundi mag-scan ng mga lumang magazines. Bakit pa ba kailangan mag-gym at magpalaki ng muscles? E di kumain na lang ng kumain, magpakataba, magpakababoy. Minsan lang tayo bata. Pagtanda natin, mag-aamoy lupa rin tayo, lalaylay na ang balat at hindi na kinakailangan ang muscles. Marami na ang sakit na maninirahan sa katawan natin at magsisisi tayong hindi natin kinain ang mga pagkaing dapat nating inenjoy nung tayo’y malusog pa.

Masyadong mahal ang mga bagong labas na fashionable clothes. Sa totoong buhay, hindi naman sinusuot ng totoong tao yung mga ibinabalandra sa runway, eh. At katulad ng lagi kong ginagawa, hahalughugin ko ang lahat ng mga ukay-ukayan sa Pilipinas. Kung anong uso, babaligtarin ko ang fashion statement ko. Tight-fitting clothes? Pwes, papakyawin ko ang lahat ng extra large shirts. Bright colors? Mag-iitim ako lagi. Pagluluksa sa kinahinatnan ng Pilipinas.

At ang finale. Magpapakahaggard ako ng fatale. Easy. Wag matulog ng isang linggo, instant eyebags galore. Walang reinforcement na pulbo o hilamos. Maligo na lang kapag kinakailangan. Sayang kasi ang tubig, kailangan ng mga susunod na henerasyon ng malinis na tubig. Gusto ko yung tipong hindi na ako makilala sa sobrang kapangitan. Besides, what is essential is not visible to the naked eye naman, di ba.

Dapat, ang laging mantra sa buhay: oiliness is next to goddessness.

Kaya pala

Mahimbing ang paglalakbay ko pauwi kagabi. Sakay ng jeep, naramdaman ko ang lamig ng hangin. Minsan, malamig sa gabi, minsan mainit. Pinilit kong hindi makatulog at hindi maramdaman ang pangambang baka hohold-upin na naman ako. Sana naman hindi. Ngayon pa, bilang aligaga ako sa dinami-dami ng ginagawa. Sunud-sunod. Momentum kung momentum.

Nag-iedit ako ng pelikulang “Marino” ni Paul Sta. Ana. Ng “Astig”, Cinemalaya entry ni GB Sampedro. Nagsusulat ng pang-nth na draft ng pangalawa kong pelikula, ang “Bodega”. Nagpi-PM ng short film ni Gavsi Mae na “Where I’m Likely to Find It” aka “I know where it’s at” for short. Andami palang nangyayari. Sana madagdagan pa. More kabusy-han at kahalamanan mode para masaya.

Kaharap ko ang isang matabang lalake. Maitim. Mukhang rocker. Mahaba ang buhok. Siyet. Angganda ng buhok niya. Straight, healthy at sumusunod sa galaw ng hangin. Sana, naging buhok na lang siya.

Katabi niya ang dalawang dalagitang napakaikli ng mga suot. Nakastripes ang isa. Nakaputi ang isa. Malalaki ang mga puson nila. Iniisip ko, sana nagpa-raspa na ang mga ito. Mukha kasi silang mga prosti. Makapal ang make-up, text ng text yung isa. Bumaba sila sa may Quezon City Hall. Tapos na siguro ang kanilang duty.

Sa likod ng passenger seat, may dalawang binatilyong mukhang Aeta. Mga taga-Balara yata. Tawanan sila ng tawanan. Baka galing sa concert ng isang emo band. Pero hindi sila nakaitim. Katabi ko, dalawang babae. Mga factory workers ata. Hindi ko na naaninag ang mga mukha nila. Hindi kasi nila inabot ang bente pesos na bayad ko. Hindi pa ako nasusuklian pala.

Mahapdi ang mga mata ko. Inantok yata ako sa isang litrong RC na ininom ko bago ako pumunta sa studio ni GB. Syet. Gustung-gusto ko na talagang magpagupit ng Beatles-look. Bangs kung bangs. Lampaso kung lampaso. Gusto ko yun. Habang straight pa ang buhok ko.

Biglang sumigaw ang isang ale. Nagulat ang lalakeng may magandang buhok. Mukhang cashier sa isang tindahan sa tondo ang ale. Siguro, makapal ang make-up niya nung umagang yun dahil ang nakita ko na lang sa kanya ay isang linya ng pulang blush on, siguro, lipstick niyang ipinahid sa kanyang mukha. Bitbit niya ang itim niyang bag at ang kanyang pulang panyo. Sumigaw siya, nagdadada. Hindi ko siya maintindihan.

“Ambaho! Putang ina, ambaho talaga!” sabi niya, galit na galit.

Inilabas niya ang kanyang cologne, inispray sa kanyang tenga at paulit-ulit niyang sinasabi “ambaho! ambaho!” Andami niyang sinabi. Sabay pa kami ng lalakeng may maganda ang buho na napakunot ang noo. Hindi ko na tiningnan ang ale, tinanaw ko na lang ang kadiliman ng UP.

Hindi na siya tumigil sa kadadakdak. Bumaba siya sa may Balara. Hindi pala taga-roon ang mga binatilyong mukhang mga Aeta.

“Sino ang dumura sa inyo?” tanong ng kunduktor sa dalawang binatilyo.

“Hindi kami”, sagot ng dalawa. Nahihiyang ngumiti.

“Akala mo kung sinong maganda!” sabi ng dalawang babaeng katabi ko na mukhang mga factory workers.

Malapit na akong bumaba. Bahala kayo diyan, sabi ko sa sarili ko. Mahapdi na ang mga mata ko. Naglalakad ang ale, pahid ng pahid sa kanyang tenga habang galit na galit sa papalayong jeep.

May isang misteryosong mamuo-muong dura pala ang nilipad ng hangin na sumapol sa kanyang mapulang pisngi.

Mas magaan pala ang dura kaysa sa buhok na straight.

Bebs is now friends with Letting U. Go

…sabi ko sa Facebook status. Pero walang kaganapang pagli-let go. Para akong buhok sa kili-kili na masakit bunutin kapag una mo itong ginawa pero kapag nasanay ka na, nakakaadik na.

Akin ang huling halakhak. Sabi ko sa Friendster shoutout. Jologs na nga pala ang Friendster. Susme, pati social networking sites, may social status na rin. Akala ko, sa showbiz lang may modang social hierarchy. Kunsabagay, dati, inisip ko rin na mas marumi ang pulitika kesa sa showbiz. Di rin pala. Magkasindumi sila! Kambal. Parang Mary Kate at Ashley lang, may bulok sa sistema. Kaya, kayong mga powertrippers diyan, pumulitika lang kayo, go lang. Post-postmodern na. Pati karma, digital na. Mabilis itong babalik sa inyo.

Sana naging pornstar na lang ako. At least, ang pornstar, marunong pumeke ng orgasmo. Kahit maluwang na, kaya niya pa ring umarte na masikip siya. Kaya lang, di ako marunong pumeke. At kailangan ko muna magpaganda ng katawan. ‘Yung tipong hindi na ako mukhang totoong tao. [Steroids… steroids kayo diyan…]

Mahal natin ang isa’t isa pero bakit hindi pa rin tayo masaya? Sabi ko ke Carlo nung isang araw. Pesteng linya ‘yan, matutunaw sa hiya ang mga writers ng Star Cinema. Hindi na nga ako nanonood ng mga romantic comedies para iwas suicidal tendencies pero trying hard naman akong magpa-witty.

Alas tres na ng umaga. Sabi nung kausap ko, nagliligpit siya ng bahay. Ano ba ‘yan. Ganitong oras? Naibulalas ko. Tanong niya, me oras ba ang paglilinis ng bahay. Oo, meron. Stereotypical rin kaya ang mga gawaing-bahay.

Pakshet. Naiinip na ako!!!!!!!

Ang solusyon sa lahat: lumipad sa Davao at kumain ng mainit at malutong na turon na ube ang palaman. Sasaya na uli ako. At gagawin ko yan sa Biyernes.

Poorita

Nagrereklamo ka na naman. Kasi hindi ka makakabili ng bagong Havaianas ngayong linggong ‘to. Sabi mo, atat na atat ka nang madagdagan ang flip-flops collection mo. Bugnutin ka. Mainitin ang ulo. Kasi ang kati na ng paa mo at gustung-gusto mo nang maisuot ang hinahangad mong bagong labas na design at awang-awa ka sa sarili mo habang tinitingnan ang mga taong palabas ng tindahan bitbit ang kanilang bagong biling pares. Nakangiti sila sa’yo, parang nang-iinsulto. Pero hindi mo ba naisip ang libo-libong mga bata sa buong Pilipinas na nagtityagang maglakad papunta sa eskwelahan ng nakapaa dahil hindi nila kayang bumili ng isang pares na tig-sisikwenta pesos na tsinelas? Ilang pares na kaya ang pwedeng bilhin ng isang pares mo ng Havaianas? Ngayon, naiinsulto ka pa rin ba?

Ayan ka na naman. Hindi mo na naman inubos ang chicken joy na inorder mo. Sabi mo, busog ka na. Sana, hindi ka na lang umorder ng ganun karami. Lagi ka na lang nagrereklamo. Na kesyo makunat ang manok o di kaya matigas ang pagkaluto, masyadong maalat, nakakasawa. Alam mo ba na sa pag-uwi mo ngayong gabi, gising pa ang mga taong mamumulot ng mga buto ng manok na hindi mo kinain. Pag-aagawan nila ang mga ito sa basurahan ng iyong paboritong fastfood, kokolektahin at lulutuin uli para me pantawid-gutom lang. Buti ka pa nga, kahit Jollibee, me pambili ka. Sila, nagtitayagang kainin ang mga tira-tirang buto na itinapon mo. Naalala ko tuloy yung kanin na pinabayaan mong mapanis nung isang araw. Sana inilagay mo na lang siya sa supot at ibinigay sa basurero. Sana, may isang pamilya ka nang napakain kahit papano. Sana malaman mong marami ang namamatay sa gutom habang nabubundat ka sa pagtatapon ng pagkain.

Ansaya-saya mo pala kanina. Kumakanta ka pa habang naliligo. Malamang, ginagamit mo ang iyong mamahaling gluta soap habang walang katapusang bumubuhos ang tubig mula sa shower. Nung isang araw nga, sabi mo ikaw na ang ang pinakakawawang tao sa mundo kasi andami mo nang trabaho at hindi mo na nagagawa ang magbabad sa jacuzzi. Alam mo bang wala pang tubig ang mga taong sinalanta ng matinding bagyo sa Bicol? Nahihirapan silang maghanap ng malinis na tubig na pwede nilang inumin. Sa katunayan, kahit maruming tubig, wala silang mainom. Naalala ko tuloy ang itinapon mong mineral water na di mo naubos kahapon.

Hindi ka na naman pala pumasok sa Trigo. Sabi mo kasi, idadrop mo na siya kasi hirap na hirap ka na. Ayaw mo talaga sa math. Ayaw mo na rin pumasok sa eskwelahan. Sayang naman ang sem na ‘to, sana tapusin mo na. Libo-libong mga bata diyan ang atat na atat na makapag-aral pero hindi sila nabibigyan ng pagkakataon kasi wala silang perang pambayad sa tuition o pambili ng notebook o pamasahe man lang. Kaya karamihan sa kanila, nagsasaka na lang sa bukid, nakukuba sa katatrabaho sa plantation ng tubo at pinya, nagtatahong, nambabasura, namamalimos, nagrarugby. Hindi ka nga talaga pumasok kasi nakita kitang tumatambay sa Starbucks buong maghapon kasama ng mga barkada mo.

Ano bang meron dun at sobrang mahal? Di ba pare-pareho lang ang amoy at lasa ng kape? Sabi mo, ambience ang binabayaran dun. At ang additional whipped cream. Sabi mo pa nga, maganda ang couch nila, hindi masakit sa mata ang ilaw at minsan, gwapo ang barista. Ah, kaya pala. Sana nararamdaman din yan ng mga tao sa Pilipinas na walang ibang kinain sa buong buhay nila kundi kape.

Alam kong hindi mo kasalanan na naging mahirap sila. Pero sana, marunong kang magpahalaga kung anong meron ka. Masyado bang mahirap para sa’yo ang iabot ang kahit isa mong kamay para matulungan sila?

Not Mr. Brightside (Open up my eager eyes)

Ang paghihintay ang sukatan ng pagkatao.

Nakakabagot. Minsan, nakapanlilinlang ng sarili. Kaya nga matagal ako gumising sa umaga, ayokong hintayin kung luto na ang almusal. Naiinis ako sa mga moonwalkers. Sa magsyotang moonwalkers. Sila ang palantaan ng iyong miserableng buhay at sukatan ng iyong pasensiya. Mapapaisip ka kung tama ba na sayangin ang oras sa pagsunod sa kanilang kabagalan at maghintay na ika’y makaalpas sa kanilang likuran.

Hindi ko alam kung gaano kahaba ang pasensiya ko dahil ang maghintay sa taong kausap ay magkaiba sa paghihintay ng katapusan ng buwan para sumahod, ng alas singko ng hapon para sa isang bored na empleyado ng gobyerno, ng inutang na di pa nababayaran, ng pagsukob ng ulap sa buwan, ng pagbaba ng eroplano, ng pagdating ng pangyayari na magpapangiti sa’yo.

Walang kaibigang panahon ang paghihintay. Nangyayari ito sa madilim na sulok ng mumurahing motel, sa maingay na bahagi ng fastfood counter, sa maliit na aparador, sa makislap na ilaw mula sa tv, sa papel, sa tubig, sa puso. Laging may lumilipas. Dadaanan ka ng mga taong nagmamadali habang hawak nila ang iniinom na malamig na sago’t gulaman, ng mga pabangong nilipad ng hangin, ng mga magagarbo at makukulay na kotse, mga taong magpapasaya at magpapaiyak, ng paglipas ng kabataan, mga oportunidad na hindi dumadating.

Sa bawat paghihintay, walang dumadating kundi ang mga pagbabalik lang, katulad ng mga elesi, gulong, bote sa truth o consequence at lalo na ng mga paang naghahanap ng mapapatungan at pagod na mga matang nakatingin sa relo. Nagbabalik ako. Pero hindi ko alam kung may naghihintay sa akin. Basta ako, naghihintay pa rin.

nagmamayabang at choosy ako

Dahil hino-haunt pa rin ako HANGGANG NGAYON sa sinabi ni Jerwin noong medyo ilang buwan na ang nakakaraan, eto’t naaaligaga ako.

Sabi niya: Bebs, malakas ang appeal mo sa pangit.

Potah ka Cranks! Mukhang nagkatuloy-tuloy na nga ang sumpang ito. Araw-araw, ang average number of messages na natatanggap ko sa G4M mula sa mga “pangit” ay: 5.

At ang average number ng pagreply ko sa kanila ay: ZERO.

Hoy, mga panget! Di ko kayo type, ok. Wag na wag na wag niyo nang hingiin ang number ko o magdemand na maging textmates tayo o maging ka-YM ko kayo o maging friends tayo. I have millions of them kaya di ko na kayo kailangang idagdag pa, mga peste! Kung pupuwede lang, wag niyo nang iview ang profile ko kasi naalibadbaran ako kapag nakikita ko na araw-araw, kayo-kayo lang ang bumibisita dun. Nakakawala kayo ng self-esteem eh!

Para me idea kayo, eto ang type ko: MGA PERFECT LOOKING PEOPLE!

Kung hindi niyo pa maintindihan ang ibig kong sabihin sa deskripsyon na ito, pwes, sasabihin ko sa inyo na sila ay yung mga lalakeng kamukha lang naman ng mga modelo sa magazines, yung mga tipong malalaki ang katawan na walang ibang ginawa sa mga buhay nila kundi magturok ng steroids o magbuhat sa gym. Perfect ang kanilang smile, yung tipong nakakatunaw ng libido at ang mga mukha nila ay nagpapatunay na minsan, hindi talaga fair ang Diyos.

Matatangkad sila, katulad ng mga modelong rumarampa ng naka-bikini briefs sa mga fashion show o nambabalandra sa mga billboards at print ads. Mukha silang mabango at naliligo, parang mga pornstar na walang bahid ng dungis sa katawan. Mapuputi sila, yung tipong isang galong gluta ang iniinom araw-araw.

Wala akong plano na patulan kayo dahil allergic ako sa pangit at ang gusto ko lang maachieve ay ang magkaboyfriend ng mga lalakeng EPEKTO NG PHOTOSHOP!

Kaya, kayong mga pangit, huwag niyo na akong iritahin, pwede? Stop na. Wag niyo nang letsehin ang araw ko. Dahil kung sa mundo niyo, Adonis na ang tingin niyo sa akin, pwes, sa mundo ko, mas masahol pa ako sa hitsura ni Gollum na milya-milyang paligo ang lamang sa akin, ok!

Huwag kayong mag-alala at matuwa na kayo sa katotohanang pare-pareho lang tayo ng kapalaran. Kung sa paningin ko ay libag lang kayo, para sa mga perfect-looking people na pinapantasya ko, tae ako.

Kaya ganti-gantihan na ito. Kung di man nila ako kayang patulan, pwes, ipapasa ko sa inyo ang aking pagkamuhi at di ko rin kayo papatulan no! Tumigil na kayo at wala kayong mapapala sa akin. Sa parehong sitwasyon, since wala rin akong mapapala sa mga perfect-looking objects of my antasies, tabla-tabla na lang.

Isa nga lang ang pagkakaiba natin, mga panget: KAYO, malakas ang loob niyong imessage ako habang AKO ay nakamasid lang, nakatingin, naglalaway at nangangarap at nilalamon ng takot na bigyan sila ng mensahe.

Dahil ang totoo niyan, nabibwisit rin ako sa kanila! Kung kayong mga pangit ang mga kuhol sa kabukiran, ang mga PERFECT-LOOKING PEOPLE ang totoong mga SALOT NG LIPUNAN! Mas masahol pa sila sa mga janitor fish sa Marikina River. Ang mga taong ito ang dahilan kung bakit mababa ang tingin natin sa ating mga sarili at kung bakit mataas ang presyo ng bigas, gasolina, matrikula at pamasahe.

Pero mga pangit, tigilan na ninyo ako ha. Di ko pa rin kayo type. At hindi ako natutuwa kapag pinaflater ninyo ako. Kasabot!

whoever you are

Why did you have to flash your hot hot hot smile at me! Why did you have to flirt with me while I was going out of Starbucks (corner of Caroline Hill Road and Leighton in Causeway Bay) last Wednesday, March 18!

You were extremely hot I know and while we were smiling at each other, I knew I had to go back inside Starbucks but I realized you were wary that Jim (who was with me) was my boyfriend. No. He wasn’t. He isn’t. Gawd, I wish you did approach me.

So all I had to do was take a stolen picture of you, hot creature! Damn. I had to endure and get punished by Jim’s I-can’t-believe-Bebs-doesn’t-know-how-to-flirt look!

Damn you. Whoever you are, tell me your name. And wherever I could locate you. So I’d have one strong valid reason to fly back to Hongkong asap and let’s be together! Dali na.

Kung sinuman ang nakakakilala sa hot mammal na ito, ipagbigay-alam lamang po sa kanya ang aking mensahe.

there he goes

Can you still remember we both wanted to be a doctor back in Kindergarten? We were one of those kids with “I want to be a doctor” sign in our yearbook hoping to make it big in Medicine. But as we grew older, we knew we couldn’t be doctors. The sight of blood weakened our knees and our parents couldn’t send us to med school. Such poverty.

Can you still remember the times we used to cry because were not good sports? Always losing in our kiddie games made us feel worthless and weak and taking all the jeers from our playmates kept us home for days so we had to play cards and rubber bands the whole day. We’ve always wanted to become a volleyball player but nobody gave us the chance because we got bullied for our poor balance the first time we tried playing it. Remember we despised the karate lessons in our PE class, boy scout formations in the afternoon and industrial arts classes for boys?

Can you still remember how we grew up to be latebloomers? While everybody were talking about sex and actually doing it, we were busy reading comics and showbiz magazines and became fanatics of Sharon Cuneta because our moms used to love her. That was way back when we knew she never lipsynched her songs and believed her dancing wasn’t horrible.

Can you still remember that mango tree we used to climb? We sat there, singing songs or look at our half-naked neighbor getting dressed in his room. Those were the branches we used to swing on like monkeys. And how you almost fell on a Holy Friday, we were so frightened at the thought the devil might have pushed you. Had you fell from that mango tree, would you have become a hunchback like what our moms used to tell us?

Can you still remember we always wanted to become disc jockeys in a local radio station and was really envious of our classmate who actually made it? We knew we were better speakers and that failure became reflective of everything that would happen in our lives from then on. We hated losing but we always ended up being at the end tail of things. Like being last had become a bitter habit for us.

Can you still remember the faces that passed us by every single year we had to celebrate? Can you still remember the smile on their faces, looking at both of us thinking we are still the people they thought they knew. They didn’t have any idea how we’ve grown apart and our eyes were the only debris that made us so similar. Can you still remember their sarcasm, their joy of finding both of us but ours was not a feeling of mutual admiration?

Can you still remember the cartoons we loved to watch?  How about the places we used to sit and laugh, the stories we shared, the fear we had that still haunts us? Can you still remember the smell of grass, the color of the river under the bridge we used to walked on as we go home? Can you still remember the color of sunset that greeted us, the sound of early night where we had to wash our feet and were forced to stay at home? Can you still remember the smell of dama de noche late at night while we lie down on our terrace looking at the stars?  Can you still remember that scar that reminded me of you?

Can you still remember me? I dont.

skill ang pagmumub-on

Bols, nabilang mo na ba kung ilang New Year na natin sinasabi sa ating mga sarili ang mga katagang “sisikat din tayo sa taong ‘to”? Ako, hindi na.

Siguro, nirefuse ko nang bilangin siya dahil nagiging generic na rin ang mga nangyayari sa mga sari-sarili natin sa bawat taon na dumadaan. Kung me pinagbago man, mas nagiging bitter tayo at nalulunod sa kumukulong angas na walang pinaghugutan.

Nung isang taon, hindi ako nakauwi para magpasko at bagong taon kasama ang pamilya pero sige lang. Ikinain ko na lang ng napakaraming fruit salad, nagmub-on nako.

Ngayong taon, nabuwisit ako kasi pakiramdam ko ni hindi nirecognize ang mga eports ko habang ang mga hindi deserve ang mga yun ay kabi-kabila ang citations. Sige lang, ikinain ko na lang yun ng limang masasarap at matatamis na turon at nagmub-on nako.

Hindi man lang nanalo si Blake Lewis sa American Idol, navote out naman ang bet kong si Michelle sa Survivor Fiji at nangulelat ang mga bet ko sa Amazing Race at di man lang ako nakapagsubmit ng audition tapes para sa Amazing Race Asia dahil wala akong makuhang magaling na partner (ergo, marunong magdrive). Sige lang, uminom lang ako ng isang kartong chocolait at nagmub-on nako.

Gustung-gusto kong pumunta ng Bangkok nung summer para maglandi, manghaliparot at mambalahura ng mga tao pero hindi ako nakalipad, ni magpatiket o mapaschedule hindi ko man lang nagawa. Anlungkot lang na andaming nagsasaya sa bakasyon habang nasa bahay ako nagmumukmok kasama ang kapatid ko. Sige lang, nagdibidi marathon na lang ako ng Jumong at Queer as Folk at nagmub-on nako.

Naholdap ako at ninakaw ang seleponong pinaghirapan ko.  Kinuha ang wallet kong may laman ng mga mahahalagang personal na mga bagay na sobrang attached ako.  Ibinuhos ko ang sama ng loob ko sa isang galon ng ice cream at nagmub-on nako.

Hindi ako nakapag-enrol ng first sem dahil sa maraming dahilan. Nakakainis, andaming dapat asikasuhin. Andaming makulit. Nakakabwisit man, pero kailangan magmub-on, sa next sem na lang uli, susubukan ko. Ikinain ko na lang ng piattos, nagmub-on nako. Dumating ang second sem, di pa rin ako nakapag-enrol, galing kaya ako ng Batanes nun. Hay. Nainis uli ako pero ikinain ko lang ng isang box ng pizza, nagmub-on na uli ako.

Me umiwan sakin nung February. Gagung yun ah. Kala niya patay na patay ako sa kanya, hayop siya. Anggaleng ko ngang artista e, napaniwala ko siyang natutuwa ako habang kami pa. Inunahan lang niya akong magpaalam, pasalamat siya di ako nangrireject ng tao. Ayun, madal namang kalimutan siya. Isang LSS lang ng “Over it” ni Katherine Mcphee, nagmub-on nako. Buti na lang, me Carlo na pumalit sa kanya.

Me sanalihan akong kontes, ang alam ko pumasok ako.  Angganda na sana ng magiging konklusyon ng taong ‘to kaso may mga hindi naniniwala sa kakayahan ko kaya inilaglag ako.  Ok lang, babangon ako’t dudurugin ko sila.  Kumain ako ng isang platong pesto at dalawang platong carbonara at isang litro ng c2 apple, ilang araw na lang, malapit na akong magmub-on.

Ganun nga talaga, sa dinami-dami ng pang-iiwan, pambuburaot at panliliit na natatangap, mub-on lang ng mub-on.  Kaya kahit ilang new year pa siguro ang kailangan bilangin para makuha yung gusto kong lebel ng success, bibilangin ko na rin.

Mag-tu-2008 na.  Iwan na ang mga bagahe sa taong ‘to.  Kakain na lang ako ng maraming biko at pasta sa media noche, mumub-on na rin ako.

unang iskrip

Anglimbo lang ng pakiramdam sa shoot na yun. Walang gana kumilos ang kaluluwa ko para sa mga bagay-bagay, parang c2 na ibinuhos sa isang basong may maraming ice. Tama, walang esensiya ang c2 kapag naibuhos sa ice.

Parang ako. Na naiirita habang ang isang aktor ay hindi kayang bigyan ng hustisya ang sinulat kong iskrip. Kuya, kauna-unahang iskrip ko yun at sa tingin ko naman, maayos naman ang potensiyal niya. Mataas ang naging kasiyahan ko nung matapos ko siyang isulat at inasahan kong sa tulad ng naging kalibre mo (o reputasyon ng kalibre mo), mahihigitan mo ang nailarawan kong karakter na talagang itinahi para sayo.

Pero napa-isplit ako, parang si Mystica nung tugatog ng kasikatan niya. Punit ng kalahati ang buo kong katawan na nagsimula sa mabuhok kong yagbol. Hay. Sana inaral mo ang iskrip. Sana inaral mo ang karakter. Sana binasa mo man lang. Ganun pala. Na higit sa lahat ng disappointment, ang iniluwal na mga salita, dialogo at drama mula sa pinagpuyatan ko ay hindi man lang kayang pahalagahan ng mga taong dapat na magbibigay buhay sa isang daang piraso ng papel. Sayang.

Kahit sabihin pa ng iba na hindi maganda ang naisulat ko, naniniwala pa rin akong nagawa ko siya ng tama. Kahit papano.

Nagmomodang love your own lang naman.

Kung me paraan lang sana ako. Hay. Sa totoong buhay, parang ganun nga yata. Me papalpak talaga. Nakakapanibago lang na hindi ako yun, haha.

Kung kaya ko lang sana isaayos ang sirkumstansya ng mga planeta sa sarili kong pamamaraan, ginawa ko na. Kaso hindi. Pero wala namang hard feelings. Walang dapat iwallow.

Nasayangan lang kasi talaga ako sa istorya. Pero sa susunod, kung me isa pang pagkakataon uli, hindi na ako pupunta ng shoot para hindi ko na makita kung paano tinadtad ang sinulat ko. Na ganun naman talaga ang realidad. Reaksyon sa stimulus at dinidikta ng pagkakataon, kumbaga. Nais kong tumagal sa industriyang kinahuhumalingan ko ngayon kaya dapat magpakatigas na ako ng sikmura.

Magpapakadiva na lang kaya ako! Siyempre, jowk lang. O, sinong gusto magpasulat ng iskrip?