![]() |
Photo taken at Angkor Wat, Siem Reap, Cambodia. September 2012.
Saw an old Japanese couple watching the sunset together. What a romantic sight at one of the world’s well-loved temples.
|
Author Archives: bebs
Crossroads
Heard we’ll be having a school launch and a theatre launch next week. POPCOM is not planning to release this in the commercial theatres, though. Here’s the trailer:
The natural phenomenon of madness – Official Poster
Ligo na U Lapit na Me (Full Trailer)
Ligo na U Lapit na Me (Teaser)
Unang sabak ito ni Erick sa pagdidirek ng pelikula (kaya nga New Breed, eh) at naatasan ako bilang Line Producer at Editor ng pelikula. Bida rito sina Edgar Allan Guzman bilang Intoy at Mercedes Cabral bilang Jenny.
Ang librong ito ay isa palang kulto.
Trailer – The Natural Phenomenon of Madness
I miss the feeling of watching my film on the big screen. It’s an accomplishment and a validation, something that reminds me to give myself a pat on the back.
Here’s the trailer.
MADNESS schedule:
17 July/Sun 1:30PM Greenbelt 3 – Cinema 3
21 July/Thu 9:00PM Tanghalang Aurelio Tolentino (Little Theatre)
23 July/Sat 9:00PM Greenbelt 3 – Cinema 5 (talkback)
Unfortunately, I don’t have any idea how much the tickets will be. See you there!
Black Madness
Two years after she was raped, a woman agrees to meet with her rapist in the beautiful ruins of Intramuros. As they have the same blood type, her rapist asks her to donate blood for his operation claiming this will lengthen his life and will give him ample time to seek redemption. The woman refuses to do so as she rediscovers she is still a victim of unrequited love towards her rapist. Told in two separate perspectives, the story revolves around how the woman and man pick the pieces of their broken lives after the rape, meeting every so often at places that remind them of their past. They are confronted by the fact that they are both victims of each other: THE WOMAN struggles with loving no one but the man; THE MAN, struggles with his guilt knowing he can’t love the woman the way she wants him to.
White Madness
Windmills of your mind
Ikaw, Siya at ang Patlang na Walang Guhit
Nakita ka niyang naglalakad mag-isa sa isang kapehan kung saan tumatambay ang mga pasosyal sa may Araneta Center, Cubao. Gulat siya pero hindi ka sigurado kung naaaninag mo pa rin ang ningning sa mga mata niya. Hindi rin siya sigurado kung ano ang sasabihin niya.
Matagal na kasi kayong hindi nagkikita, halos isang taon na mula noong may pinasabog kang balita tungkol sa sarili mo. Sino ba ang unang lumayo? Siya o ikaw?
“Saan ka pupunta?” tila isang template na tanong, filler sa isang album na walang magandang kanta, program plug sa tv show na walang commercial, anghel na dumaan sa hangin.
“Diyan lang.” Kikitain mo ang boypren mo. Halos isang taon na rin pala kayo. Mabilis ang panahon. Alam niyang masaya ka.
Umupo ka sa tabi niya, hindi niya inasahan yun. Ipinakilala sa mga bago niyang kaibigan. Wala kayong maisip na pag-usapan. Bakit nga ba hindi na tulad ng dati na lahat ay pwede ninyong maging tampulan ng diskusyon, hindi na kailangan ng bente-singko sentimos para tumunog na parang juke box, wala nang gatilyo para lumabas ang bala ng baril, walang pagitan.
Simula noong nagka-boypren ka, wala na kayong naging tulay, nag-iba na ang mga mundo ninyo. Hindi niyo lubos maisip na sabay kayong umiyak noong nagbuhos ka ng problema sa kanya halos isang taon na ang nakaraan.
“Alis na muna ako, text mo ako kung nasaan kayo pagkatapos niyo magkape.”
Tumango lang siya. Natakpan kaya ng usok ng sigarilyo ang ngiti niya? Tinahak mo na ang daan patungo sa kung saan naghihintay ang boypren mo. Hindi ka lumingon, hindi ka niya hinabol ng tanaw. Hindi na kayo tulad ng dati. Wala ni isa sa inyo ang nakakaalam kung bakit.
“Saan kayo banda?” text mo sa kanya isang oras ang nakalipas.
“Dito, inuman sa may Araneta Center.”
Wala na siyang natanggap na reply mula sa’yo. Hindi ka na niya kinulit o tinanong kung hahabol ka pa ba. Umuwi siyang lasing. Umuwi ka na sakay sa kotse ng boypren mo.
Not so gloomy Sunday
“It Must Have Been Love” ang pinapatugtog sa radyo nung araw na ‘yun. Radyo ng kapitbahay. Hindi na kasi ako nakikinig ng radyo magmula nang mamatay ang aso ko dahil sa isang pangkaraniwang sakit. Sinisi ko ang radyo noon dahil bente-kwatro oras akong nakababad sa pakikinig ng mga programang nagbabasa ng mga sulat-karanasan ng mga tagapakinig na dumaan sa hagupit ng pag-ibig. Naaalala ko ang sabi ng kaibigan ko, ‘that song will never be the same again’. Nalaman ko na lang na ang kantang iyon ang laging pinapatugtog habang sumasayaw ang paborito niyang macho dancer sa gay bar na tambayan niya tatlong beses sa isang linggo.
Tahimik tayong kumakain ng bagoong, hapon ng makulimlim na Linggong yun. Maalat na ulam para sa malungkot na kaning lamig. Nakasanayan na nating kumain ng lampas sa oras kapag Linggo. Tinatamad kasi tayong kumilos at mas gusto nating mag-aksaya ng oras sa paglalaro ng jakenpoy pagkagising natin sa tanghali.
Ang mga tunog ng mga aligagang kutsara’t tinidor lang ang kaulayaw ng kantang pang-gay bar. Kakaiba ang ere sa bahay. O hindi ko lang napansing dalawang buwan na pala tayong hindi nag-uusap kahit tungkol man lang sa mga bagay na wala namang kabuluhan sa buhay o relasyon natin. Madalas naman nating pinagtatawanan ang mga mabababaw na bagay noon.
Mga kwento mo tungkol sa panonood mo sa boss mo habang nangungulangot sa opisina, ang nakikita mong mga batang kalye na nagpapabilisan sa pagjajakol sa harap ng Jollibee, ang mga dahilan mo kung bakit ayaw na ayaw mong manood ng news, ang paghahalintulad mo ng buhay mo sa isang soap opera. Lahat ng iyon, kahit paulit-ulit mong ikwento sa akin noon, napagtitiyagaan kong pakinggan at di ako nabigong maaliw.
Hindi ba’t nagsimula ang katahimikan sa apat na sulok na ito nung hinawakan ko ang kamay mo nung iniiyakan mo ang hindi na pagtawag sayo ng fuck buddy mo na nakilala mo lang sa barbikyuhan sa kanto. Marahil nagulat ka kasi di mo inasahan ang pagdampi ng mga kamay ko o kahit inasahan mo man, hindi mo pinangarap ang bagay na yun.
Isang segundo at inalis ko na ang pagkahawak ko sayo pero binago nito ang pakikitungo natin sa isa’t isa. Hindi mo na ako matingnan sa mata, pinipili mo na lang ang mga bagay na kinikwento mo sa akin, ang pagbibigay mo ng opinyon tungkol sa pulitika at showbiz, ang mga drama mo sa buhay.
Kumakain tayo nun, magkaharap nguni’t parang hindi nakikita ang isa’t isa. Matagal akong nagmuni-muni, nagtimbang, nag-ipon ng lakas ng loob. Gusto ko kasing magtanong, linawin at basagin ang anumang meron o wala tayo. Wala nang nangyayari sa relasyon na ‘to.
“Teka, anong relasyon?”
Mahaba-habang usapan ito.
The Moro Leader
This is Sequence 14
World Spins Madly On
The natural phenomenon of madness