Mga tips sa panonood ng TYG

Para sa mas kaaya-aya at mas masayang panonood ng “The ‘Thank You’ Girls”, isapuso, isaisip at isakaluluwa ang mga tips na ito:

Maghakot ng friends, family, lovers, exes, sexmates, ka-it’s complicated at kung anu-anong kategorya ng relationship status. Mas maraming manood kasama mo, mas masaya.

Hangga’t maaari, panoorin ang pelikula sa simula hanggang matapos ang pagrolyo ng credits. Mas masaya ito kesa sa panoorin mo mula sa gitnang parte.

I-LSS ang “churchur mega mega chur chur” bago, during at pagkatapos panoorin ang TYG. Sayawin ang steps nito (makikita sa pelikula) kasama ng mga nahakot (refer to number 1). Huwag rin kalimutang i-LSS ang iba pang mga kanta sa soundtrack.

Kung ikaw ay may ambisyong maging beauty queen o isang frustrated beauty queen at ayaw mong ma-thank you girl, imemorize ang mga quotable quotes lalo na sa question and answer portion.

Mamili ng paboritong karakter sa pelikula at irelate ito sa sarili.

Huwag mahiyang tumawa ng balahura. Huwag pigilan ang sarili na mag-enjoy.

Magbasa ng mabilis dahil Tagalog ang subtitle.

Pumili ng isang linya o expression sa pelikula at ipauso ito sa pamamagitan ng pagsasalita nito sa totoong buhay.

Ang pelikulang ito ay hindi lang para sa mga bakla kundi para sa lahat ng sangkatauhan. It transcends beyond gender. Char!

Alalahaning ang pelikulang ito ay ginawa hindi para pagtawanan ang mga bakla kundi para mas i-empower pa ang mga ito.

Kung nagustuhan mo ang pelikula, humayo ka’t ipagkalat at ipromote ito sa kakayahang kaya mo. Sa text, sa blog, sa websites, sa egroups, sa tv, sa newspaper. Kung hindi mo naman ito nagustuhan, ipagkalat mo pa rin.

7 thoughts on “Mga tips sa panonood ng TYG

  1. hi herbs… patawad, ngayon lang ako nakapag-online.. sana di pa late.. 12:30. 2:35. 5:00. 7:25. 9:50. Thanks herbs!hi vanvan, lika na, lumusong kana sa siyudad para mapanood mo.. markey, nakita moko? haha. kakahiya.wanderingcommuter, maraming maraming maraming salamat.. o, hatak ka pa ng mga tao.. hehelucas, everywhere.. mga gala kasi hehe

  2. master dam-dam, parang cdo lang ata ang siyudad na kaya kung lusungin sa mga times na ito..showing ba ito doon..pde malaman ang sked?sana naman showing, eh diba some scenes are taken in cdo pa nga?masyado akong feeling expert..♥

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s