Bebs is now friends with Letting U. Go

…sabi ko sa Facebook status. Pero walang kaganapang pagli-let go. Para akong buhok sa kili-kili na masakit bunutin kapag una mo itong ginawa pero kapag nasanay ka na, nakakaadik na.

Akin ang huling halakhak. Sabi ko sa Friendster shoutout. Jologs na nga pala ang Friendster. Susme, pati social networking sites, may social status na rin. Akala ko, sa showbiz lang may modang social hierarchy. Kunsabagay, dati, inisip ko rin na mas marumi ang pulitika kesa sa showbiz. Di rin pala. Magkasindumi sila! Kambal. Parang Mary Kate at Ashley lang, may bulok sa sistema. Kaya, kayong mga powertrippers diyan, pumulitika lang kayo, go lang. Post-postmodern na. Pati karma, digital na. Mabilis itong babalik sa inyo.

Sana naging pornstar na lang ako. At least, ang pornstar, marunong pumeke ng orgasmo. Kahit maluwang na, kaya niya pa ring umarte na masikip siya. Kaya lang, di ako marunong pumeke. At kailangan ko muna magpaganda ng katawan. ‘Yung tipong hindi na ako mukhang totoong tao. [Steroids… steroids kayo diyan…]

Mahal natin ang isa’t isa pero bakit hindi pa rin tayo masaya? Sabi ko ke Carlo nung isang araw. Pesteng linya ‘yan, matutunaw sa hiya ang mga writers ng Star Cinema. Hindi na nga ako nanonood ng mga romantic comedies para iwas suicidal tendencies pero trying hard naman akong magpa-witty.

Alas tres na ng umaga. Sabi nung kausap ko, nagliligpit siya ng bahay. Ano ba ‘yan. Ganitong oras? Naibulalas ko. Tanong niya, me oras ba ang paglilinis ng bahay. Oo, meron. Stereotypical rin kaya ang mga gawaing-bahay.

Pakshet. Naiinip na ako!!!!!!!

Ang solusyon sa lahat: lumipad sa Davao at kumain ng mainit at malutong na turon na ube ang palaman. Sasaya na uli ako. At gagawin ko yan sa Biyernes.

5 thoughts on “Bebs is now friends with Letting U. Go

  1. hmmm that’s actually a good question????at pamatay nga na line…love is supposed to be a beautiful thing, not destructive..wala lang. enjoy the trip!

  2. alex, ahihih. super nag-eenjoy nako sa trip. oo, ang mga linyang pamatay ay nakakalason.melay, tsweh. wala gyud ka nagtext bah.ron, oo, me ganun na ang friendster. pero wag mo na iattempt na iupdate yung sayo. uhm, kelangan ko muna iconquer ang aking fear na magpakita ng katawan para maging isang ganap na pornstar. char.kizay!! amishu!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s