Not Mr. Brightside (Open up my eager eyes)

Ang paghihintay ang sukatan ng pagkatao.

Nakakabagot. Minsan, nakapanlilinlang ng sarili. Kaya nga matagal ako gumising sa umaga, ayokong hintayin kung luto na ang almusal. Naiinis ako sa mga moonwalkers. Sa magsyotang moonwalkers. Sila ang palantaan ng iyong miserableng buhay at sukatan ng iyong pasensiya. Mapapaisip ka kung tama ba na sayangin ang oras sa pagsunod sa kanilang kabagalan at maghintay na ika’y makaalpas sa kanilang likuran.

Hindi ko alam kung gaano kahaba ang pasensiya ko dahil ang maghintay sa taong kausap ay magkaiba sa paghihintay ng katapusan ng buwan para sumahod, ng alas singko ng hapon para sa isang bored na empleyado ng gobyerno, ng inutang na di pa nababayaran, ng pagsukob ng ulap sa buwan, ng pagbaba ng eroplano, ng pagdating ng pangyayari na magpapangiti sa’yo.

Walang kaibigang panahon ang paghihintay. Nangyayari ito sa madilim na sulok ng mumurahing motel, sa maingay na bahagi ng fastfood counter, sa maliit na aparador, sa makislap na ilaw mula sa tv, sa papel, sa tubig, sa puso. Laging may lumilipas. Dadaanan ka ng mga taong nagmamadali habang hawak nila ang iniinom na malamig na sago’t gulaman, ng mga pabangong nilipad ng hangin, ng mga magagarbo at makukulay na kotse, mga taong magpapasaya at magpapaiyak, ng paglipas ng kabataan, mga oportunidad na hindi dumadating.

Sa bawat paghihintay, walang dumadating kundi ang mga pagbabalik lang, katulad ng mga elesi, gulong, bote sa truth o consequence at lalo na ng mga paang naghahanap ng mapapatungan at pagod na mga matang nakatingin sa relo. Nagbabalik ako. Pero hindi ko alam kung may naghihintay sa akin. Basta ako, naghihintay pa rin.

9 thoughts on “Not Mr. Brightside (Open up my eager eyes)

  1. magkaiba ang paghihintay sa pagaabang. nagaabang ka kapag sigurado kang may darating. naghihitay ka kahit hindi sigurado na may darating… pero wala ng sigurado sa mundo ngayon kaya wala ng pwedeng gawin kundi maghintay… palakasan na lang ng pananampalataya :)—off the record, the voting is now open for the e[kwento]mo: emo writing contest. i almost forgot that i passed an entry—lamentations of a withered tin can. if you liked it, don’t hesitate to drop by this site and vote. voting will proceed until october 17 (friday). there are 15 entries from 15 aspiring emo bloggers. so if you have time, it would be nice if you check us out :)http://kundiman.net/ekwentomo-entries/

  2. giboinks, lagi ngang may panahon para maghintay eh. kakalula. advance happy bday nga pala! =)ron, di ko pa naramdaman ang mag-abang. baka mas orgasmic ang pakiramdam dun. =)sige, iboboto kita.

  3. naku, i missed the showing of this film kasi i went to japan last aug-sep. hopefully mapalabas na nga siya this october. inform me when please. i’ll definitely show some love to your work🙂 ciao

  4. thanks bebs…will you be coming? rsvp kay kiks/rey. sana makarating ka.meanwhile, mapapanood ko ba ang film mo while im there? oct 23-nov 6 ako nasa manila.

  5. Sa bawat paghihintay, walang dumadating kundi ang mga pagbabalik lang… Pero hindi ko alam kung may naghihintay sa akin. Basta ako, naghihintay pa rin.naiyak ako.. ;(

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s