break muna sa editing

Di ko narealize na marami na rin pala ang naglalaway kay Mario Maurer (bigla na lang). Siya yung Thai actor na nasa “Love of Siam” kung saan nanominate siya sa 2nd Asian Film Awards bilang Best Supporting Actor.

Picture pa lang niya dati sa AFA website, super crush ko na siya. Kalbo siya sa “Love of Siam” at nung nakita ko siya sa AFA bilang presentor, humaba na ang buhok niya at siyet, bumubula ang bibig ko sa sobrang hot niya. Di ko na matandaan kung anong category ang pinresent niya pero winish ko na sana siya na lang ang nagpresent nun sa Best Editing. Tsk.

Side note. Yung kulot na girl na bida sa “Ploy” ang nagpresent ng Best Editing (na nominated rin for Best Supporting Actress at di rin nanalo). At angganda niya nung gabing yun.

Hindi nanalo si Mario sa category niya kaya after magpresent nung girl sa Ploy, sabay na sila lumabas ng venue kasama yata nila yung manager nila or something, or nag-assume lang ako na pareho sila ng manager.

Bilang nabore na ako dahil umuwi rin akong luhaan nung time na yun, niyaya ko na si Jim na lumabas. Paglabas ko, nakita ko sina Mario at si Ploy girl, me dala-dalang bag ng Hongkong Filmfestival. Souvenir items ata. Sa malapitan, sobrang hot talaga siya, grabe. Binilisan namin ni Jim ang lakad namin at nung umabot kami sa me bandang red carpet area, pumiktyur-piktyur kami.

Dumaan sina Mario at pumose-pose din. Sabi ko, siyet, pagkakataon ko na ‘to at bilang di ko alam kung makakabalik pa ako ng AFA sa susunod na taon, talagang nilapitan ko si Mario at sinabing “hey hottie… lick me

Jowk.

Sabi ko lang, “ey, can I have a picture of you?” Shy niyang sinabi na ‘sure’. Nahawa naman ako sa pagkasoft-spoken niya at bigla akong tinunaw ng hiya.

Pero inutusan ko pa rin si Jim na kunan kami ng piktyur.

At bilang pang-inggit kina Karl at Santi, eto ang piktyur namin ni Mario. Belat.

Nga pala, Santi. Pa’no mo namemorize ng sobra yung theme song ng “Love of Siam”? Adik.

Bakit parang antaba ko sa piktyur?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s