shooting tyg (day 2)

March 29. Galit-galitan ata ang langit kasi nagbabadya siyang umulan. Maraming sequences ang hindi naclose the day before dahil nga nagdiva ang ulan at umariba sa shoot. Hello. Summer. Huwag umastang panahon ng tag-ulan. Pero sige na lang. Kelangan mag-adjust sa tawag ng kalikasan at gawin kung ano ang nararapat.

Hindi ko pinansin ang nagpaparamdam ng nakangiting si Murphy’s Law dahil before the shoot pa lang, me konting aberya na tulad ng di natuloy na pagpapahiram ng mga costumes nung taong nagpromise na magpahiram (abangan mo ang bulaklak na ipapadala ko sayo sa iyong magaganap na bertdey! haha), yung bumisita ang producer namin na si Jim sa set at kahit gustung-gusto niyang sumama sa Salumay para panoorin ang shoot, di na siya natuloy dahil kelangan na niyang bumalik ng Manila. Tsk. Sayang.

Hindi pa kami handa na umistambay ng Salumay the night before kaya umuwi kami sa aming headquarters sa Bangkal, Davao City, sa bahay na iprinovide ng napakagenerous na Ayn Dimaya. Thanks Ayn at sa mommy mo at sa lolo mo!

Kinunan uli namin ang mga city scenes. Binabaybay ng jeep ang city, police station, hospital. By 7 or 8pm, tumungo na kami ng Baganihan para kunan ang backstage scenes ng 2nd pageant, na nangyari sa Bukidnon sa script. Malapit lang siya sa Salumay pero mas malamig siya. Nung hapon pa lang, tinext na ako ni Armi, ang aming magiting na PD, na mukhang uulan kaya pinaposisyon na namin ang set sa isang lugar na di uulanin.

Isang advantage na palipat-lipat kami sa malalayong location ay yung magkaroon ng time para bumonding sa mga actors at crew. Halos karamihan ng mga staff galing Manila, kabalahuraan ko na kasi magkasama na kami sa mga pelikula dati. Kaya natatawa ako pag tinatawag ako ng “direk”. E-wee. Kadirs. Ayoko kaya magpatawag ng ganun, haha. Mas gusto ko ng western set-up. Walang pyudalismo at katawagan na title sa mga tao.

Pwede namang pangalan lang ang itawag sa’kin no. Kaya ang Mark Locsin na aming field sound recordist ay bugbog sakin dahil siya ang laging nanunukso at tumatawag sakin ng ganun. Di ako masanay-sanay. Natatawa ako sa ganung sistema. Basta, bawal ang pyudal sa set.

Minority ang mga hetero sa pelikulang ito. Almost 90% ng mga actors at staff, bading. Wow. Hindi naman siya ganun ka-obyus na gay film.

Kaya masaya sa kahit hegard. Habang tumatravel papunta sa ibang location, baklaan galore lang ang mga tao. Nakasakay ang main cast sa picture vehicle (Char lang…), kasama ako at iba pang staff. At usually, si Gie (Salonga) ang laging bumabangka ng mga patawa. Grabe lang bilang siya ang life of the party. Go Gie! More on that soon.

Ayun. Asan na ba ako?

Second night nga pala. So there, we shot the backstage scenes sa Bukidnon pageant, ang Hiyas ng Pinya 2008!

At bigla, wala na akong makwento. Tapos na.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s