tuloy na

Nakapagfirst shooting day na ang ‘Kristo‘, ang directorial debut ni Jerwin Espiritu, classmate ko sa UP Film Institute, ka-cranky-han sa Ignite Media at kakuntsabahan sa iba pang mga bagay-bagay. Oiii, pumupromote. Umiindulge.
Isinulat namin ang script nato para sa Cinemalaya, swerte namang pumasok sa Top 25 kaso di naman nakapasok sa Top 10. Fortunately, nagkaroon ng interest si Carlo Maceda (na nagproduce ng ‘Nars’ ni Adolf… oo, si Carlo na dating Mossimo Bikini winner, hmf) na iproduce siya kaya ayun. Nagshoot na si Jerwin nung March 10.

Tungkol ito sa mga buhay ng mga kristo sa sabungan. Dahil makulay ang pagpapahalaga at sensibilidad para sa kultura ng mga tagaroon, kaya sa Cutud, Pampanga ang setting ng pelikula. Ipinarallel namin ang mga pangyayari sa mga kristo sa sabong sa buhay ni Kristong totoo kaya ginawa naming Holy Week ang kwento.

Originally, we wanted non-pro actors para gumanap sa mga characters pero dahil may tinatawag na ebolusyon, mainstream actors na nga ang kinuha para sa pelikula.

Si Jay Manalo ang gaganap na Pedring, isang kristong adik sa sabong na may kalive-in na bungangerang si Lina, na I’m sure, mabibigyang hustisya ni Katherine Luna bilang magaling itong artista. Sobrang magaling na artista, for more emphasis.

May dalawang anak si Pedring sa una nitong kalive-in na si Magda, si Weng, di ko alam ang apelyido ang gaganap, isang theatre actress. Na may kalive-in rin na isa pang kristo, si Karyo, na nemesis ni Pedring. Si Christian Vasquez naman si Karyo. Hot daw, sabi ni Jerwin, pumu-footnote lang.

Si Andrew si Steven, yung batang taga Goin’ Bulilit na laging may commercial at si Mary, ang dalagang tulala, played by Vaness del Moral ng Starstruck, ang mga anak nina Pedring at Magda. Personally, si Mary ang pinakapaborito kong karakter bilang wala lang. Tulala ito, autistic at pineg ko dun sa karakter na babaeng bangag sa isa sa pinakapaborito kong pelikula, ang “Lock, Stock and Two Smoking Barrels”.

Isa lang kasi siyang kabaligtaran sa ingay ng pelikula… ingay ng sabungan, ingay ng penitensiya sa Mahal na Araw, ingay ng nagtatalak niyang madrasta, ingay ng mundo. Ewan. Tawa lang kami ng tawa ni Jerwin habang isinusulat si Mary. Nakita ko na ang potensyal ni Vaness dati sa Starstruck at kaya niyang maging Mary.

Me isang tomboy na kristo, si Barbie. Go Aleck Bovick bilang Barbie! Sa totoo lang, deserve ni Aleck ang Famas Best Actress niya dati dahil sobrang galing ng babaeng ito at sobrang kaya niyang maging Barbie, na by the way, ang paboritong expression ay “Barabas!”

Iisa ang amo nina Pedring, Barbie at Karyo. Si Kapitan, isang negosyante dun sa baranggay nila. Halang ang kaluluwa nito. Madugas at maepal lang siya sa lahat kaya iniepal din siya ng mga kristo niya sa sabong. Si Monsour del Rosario ang Kapitan. Medyo bata si Monsour para sa role pero ok na rin.

Kung mapapansin, ang mga pangalan ng lahat ng mga karakter ay may koneksyon sa mga karakter sa bibliya na may relasyon kay Kristo. English names man ang mga ito o Tagalog. Pansinin lang.

Sa Holy Week, sasabak ang shoot nina Jerwin sa totoong flagellation sa Cutud, Pampanga at kukunan ang mga totoong pangyayari habang may nagpapapako sa krus. Isasalpak sa gitna ng maraming tao ang mga artista na parang dokyu. Ayus.

Ayun lang. Nakwento ko lang.

3 thoughts on “tuloy na

  1. sounds exciting! mkhang interesting ung plot ha? teka, segway muna… tanong ko sana san ako makakabili ng mga dvd copy ng mga pinoy indie films. san meron? salamat!

  2. hi me…

    ang alam kong, yung mga indie films lang na may dvds ay yung mga may distribution at release… you can buy them at videocity, astrovision at mga video stores..

    other than that, er, wala na akong alam… di ko naman iniencourage ang mamirata ng mga filipino films hehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s