lapit na

Ito yung part na mahihirapan akong umalis kasi nakasanayan ko na. Pagbalik ko sa Manila sa Lunes, malamang hahanap-hanapin ko ang masakit na tama ng araw, ang mga maliliit na pampasaherong jeep, ang di-mahulaang bugso ng panahon, ang turon na ube ang laman, ang murang pagkain, ang mga kakulangan ng mga gwapo, ang amoy ng nilutong ulam sa bahay.

Ang mga bagay-bagay.

Baka dahil bagong gupit lang ako. Mahigit isang taon na pala akong di nagpapagupit. Si Pidot kasi, ang Mommy Paola sa TYG. Pilitin ba ako. O dahil balak ko na rin tanggalin ang goatee ko, pagkatapos ng tatlong taon.

Baka dahil masyado na akong nag-enjoy dito sa Davao, parang ayoko pang umalis. O dahil marami pa akong mga taong dapat kausapin. O baka masyado lang akong natuwa dahil blockbuster ang ‘Daybreak’.

O baka naman dahil hawak ko ang pawikan.

Next week, magsushoot na ng ‘Kristo’ si Jerwin. Exciting. Ng ‘Ochenta’ si Adolf. Ai, iiedit ko pala yun. Dadating na rin galing NY si Jim. Lilipad ako sa Hongkong sa Asian Film Awards sa March 16. Babalik sa Davao ng 22. Shoot ng ‘Thank You Girls’ sa March 28.

Siyet. Busy pala ako.

3 thoughts on “lapit na

  1. rocky, yeah, new haircut.. pero narealize ko na it didn’t make that much difference sa mukha ko.. trim lang pala siya so ganun din pala buhok ko.. i shaved the goatee though.

    kirkay, asan trophy ko? hurhur..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s