wifi city

Kahit saan ako pumunta, me wifi dito sa Davao City. Kahit Chowking, meron. Sa Manila, Starbucks na nga na angmahal ng kape, eepal pang magpabayad sa internet access. E dito, kahit maliit na kainan, hotspot. Mahiya nga ang mga resto sa Manila, mga ebs.

Dumating ako dito ng Biyernes ng umaga. Wala masyadong tao sa eroplano kaya solo ko ang dalawang upuan sa pinakadulo. Nireview-review ko kunwari ang skrip ng “The ‘Thank You’ Girls” at napsyche ang sarili kong irevise siya pagdating ko ng Davao. Me panahon pa akong pumiktyur ng mga clouds at orange sunset sa eroplano habang nagpapacute sa tsekwa na nakaupo sa kabilang gilid ng eroplano.

Pagdating ko ng bahay, nakatulog na ako at di na nakapagrevise. Mineet ko na kinahapunan sina Yam, Yen at Pet pati na ang mga taong esensyal na staff para sa TYG. Tapos hinila ko si Pet na kumain sa open air barbikyuhan na uso dito. Nakakamiss kaya ang mga pagkain dito (kinilaw, barbikyung manok). Ansarap ng durian shake dun sa Banok’s.

After three days, wala pa rin akong konsepto ng pagka-haggard bilang preparasyon sa shoot. O baka di pa dumadating ang hagard mode. Mineet namin kanina ang Iwag Davao, organisasyon ng mga bading sa Davao. Pati Knightingales, org ng mga baklang estudyante sa Ateneo de Davao para ihikayat silang mag-audition sa Feb. 22.

Sa una, akala namin walang sisipot para magpaaudition, mukhang ngayon, biglang dumami na ang interesado. Lovet. Nung Sunday naman, pumunta ako sa Mintal, isang malayong baranggay sa Davao para harapin ang mga interesadong magpaaudition. Sa layo niya, kami na ang pumunta imbes na ang mga bakla para makatipid sila sa pamasahe. Kasa-kasama ko si Yam.

Apat na araw pa lang akong bumalik sa Davao at medyo naninibago pa ako nga ruta ng mga bagay-bagay. Andami nang mga gusali, kaninan na nawala at napalitan. Parang sa tuwing uuwi ako dito, di na siya ang dating lugar na kinalakihan ko. Laging me bago. Laging me disorientation. Ok lang, kasi nakakatuwang maglibot sa mga espasyo-espasyo.

Napadaan kami ni Jepoi sa harap ng The Venue kagabi at nagulat ako na parang sarado na siya. Mga three or four years ago, isa siyang spot ng mga sosyal at pasosyal na mga taga-Davao na buhay sa gabi para gumimik. Ngayon, ghost town. Grabe. Ganun talaga ang mga taga-Davao. Nagsaswarm sa mga lugar kung bago lang siya tapos lalangawin na pagkatapos ng isa o dalawang taon. Kaya walang nagtatagal na gimik places dito. Ewan. Ganun lang siguro ka-fickle at kasucker ang mga tao rito. Kung anong bago, dun. Tapos, madaling magsawa.

Naku, kung di ako pinahiram ni Yam ng laptop, malamang wala akong pag-ienjoy sa mga modang wifi sa mga lugar dito. Kaya when I feel the need, lipad lang ako sa parke ng Matina Town Square at iinternet na. Sarap. Kaso, wala nga lang nagkakamaling pumik-ap sakin. Tsk tsk.

Yun lang.  Salamat nga pala sa mga nanood ng ‘Daybreak’.

5 thoughts on “wifi city

  1. i wonder if you were successful in lugging with you your PC🙂 i remember your were thinking about it before you flew out. it is frustrating that manila doesn’t have that many wifi spot, rather, not many of manila’s bigger establishments has them, or if they do, it’s not free. was at our local carinderia here in chinatown and lo and behold, may WIFI!!! FREE PA!!!

  2. hi mrs. j, salamat.. you mean, jay javier? ahhh..hmm.. di pa kami nagmeet ng personal bilang mga tao.

    ayn, ayun. tinext na kita kanina. baka bukas dadaan kami pagkagaling ng cdo.

    jamie, actually, di ko na tinuloy ang maitim na balak na dalhin ang pc ko sa davao. mabigat magdala e, bilang isang bag lang ang dala ko pauwi. walang kwenta ang mga malalaking establishments. nagpapakasasa sa pagkagahaman. wifi forever dito sa davao.

    gavs. di ko dinala si dam-dam. bigat kaya. pinahiram lang ako ni yam ng laptop. turn my heeeeeeaaad… ang emo mo! hmf.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s