eksayted

Lilipad na’ko papuntang Davao sa Feb. 15 para magpreprod ng “The ‘Thank You’ Girls (TYG). Lovet. Andami ko pang dapat irevise sa skrip pero di ko pa nagagawa. Kumusta naman yun bilang sa Feb. 22, audition na. Masaya ‘to dahil friends ko lahat ang staff. Di ba, Adolf at Maxie and Armi?

Iniisip ko pa nga kung pwede kong dalhin ang PC ko pauwi sa Davao at bilang maralitang tagalungsod, wala akong laptop. Sana lang pumayag ang eroplano.

Bukas na ang premiere ng ‘Daybreak’. Excited nako malait ng mga tao. Sana maraming manood. At mapuno ang UP Cine Adarna (at pati na rin sa Indiesine sa Feb. 20-26). Sa mga paying viewers nakasalalay ang kinabukasan ng pag-angkin ko ng isang tumataginting na macbook. Haha. Kaya sumuporta at pangakong walang mabibigo.

Naglapat na kagabi ng final audio mix. Maganda naman daw ang kinalabasan. Maganda daw ang music ni Nani. Oi, si Nani Naguit, ang alamat ng mga thesis sa UP Film ay may full length score na. Final viewing dapat kaninang 1:30 kaso di ako nakapunta late nako nagising. Naadik kaso ako sa paggawa ng multiply site ng TYG. Gusto ko lang kasi idocument lahat ng mga pangyayari mula preprod papuntang postprod ng kauna-unahang pelikula ko.

Eksayted na’ko makasuot ng black suit sa AFA. Di pa ako nakakapagsuot nun. Ano kaya ang feeling at pakiramdam ko, di ako babagay bilang dugyot. Kailangan ko na rin pala magpaliit ng tiyan. Baka pag nakita ako ni Edison Chen dun, matiturn off sakin yun. Ancute ng gagung yun. Manyak nga lang. Grabe yung sex scandal niya, umabot hanggang CNN. Ayan ang pic oh. Ai, bastutch.

Eksayted na ako pumunta ng Spratlys para sa shoot ng pelikula ni Adolf. Sana nga makasama dahil wala pang final na sked.

Lapit na Valentine’s. Eksayted nako.  Ay, hindi pala.

4 thoughts on “eksayted

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s