it’s official!

Natanggap ko na kanina through email ang invitation galing Asian Film Awards. Ansaya. Sagot nila ang plane fare pati hotel. Mas masaya. Kaso for three days nga lang (March 16-19) pero wala na akong konsepto ng choosy at pag-iinarte. Pero plano ko na rin mag-extend ng mga dalawang araw pa. Saya nito! Excited nako makadaupang palad si Tony Leung. “Hey there, Tony! Zup, man?” Siyet. Wala pa akong karanasan sa modang starstuck, baka ngayon pa lang.

“Hey there, Tony. Gawin natin yung ginawa niyo ni Leslie Cheung sa Happy Together!” La lang.

At sana andun si Wong Kar Wai. “Wuy, Kar Wai, pwedeng umapprentice sayo?” Saya. Tapos punta akong Central, maglalandi, mambiktima ng mga tsekwa. Dudugo na naman pagkatao ko nito sa kakasalita ng broken English para magkaintindihan kami.

First ever festival at awards night ko ‘to kaya exciting.

Ngayon, masasabi ko nang official na rin nagstart ang pre-prod ng “The ‘Thank You’ Girls”, kaya tuloy na tuloy na ang shoot sa March 28 sa Davao. Saya. Looking forward to it. First full-length ito. Lovet.

Ang mga detalye sa pelikulang ‘to sa susunod na lang. Samantala, sana marami ang manood ng ‘Daybreak’.

Nood muna ako ng ‘Bound’. Andami na palang HMV dvds sa Quiapo. O baka matagal na siyang available dun at kanina ko lang nadiscover. Saya!

5 thoughts on “it’s official!

  1. bebs, congratulations. sama ako sa hongkong!!! i hope you will win. nagulat ako sa achievements mo. hahaha, parang di ako makapaniwala. no offense meant. hehehe. good luck.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s