in-out, exit-entrance

Di ko na mabilang kung nakailang bukas ako ng bag kahapon para sa inspection ng mga gwardyang may stick. Parang walang katapusang maze na papasok-lalabas pero alam mo naman na sa totoong buhay, hindi naman talaga nila iniinspeksyon ang mga gamit mo sa bag. Very pakitang-tao lang, bubuksan mo ang bag mo, ibovolunteer mo sa kanila, kikilatisin kuno nila ng konti pero di pa natatapos ang isang segundo… next!

Magkasama kami ni Adolf kahapon na binaybay at nakipagbunuan sa daloy ng mga taong nagmamadaling umuwi, alas sais ng gabi. Point of destination, ABS-CBN, mula Makati. SA dami ng nilusutan namin, naging point of no return na halos. Labyrinth, ikaw ba ito?

Una kaming pumasok sa Greenbelt 1, bukas ng bag. Inspection. Lumabas. Tapos pumasok sa Greenbelt 3 (3 ba yun? or 4? Basta, Greenbelt.) Pumasok uli dun sa may bandang may konsepto ng xray. Bukas ng bag, inspection.

Akyat ng hagdanan, binaybay ang skywalk papuntang Landmark. Papasok dun, anghaba ng pila, bukas bag, inspection. Lumabas, pumasok sa Glorietta. Daming tao, siksikan, walang gwapo. Hay, buhay nga naman. O kung me gwapo man, di ko na napansin.

Posible kayang sa dinami-dami ng tao dun, isa sa kanila ang soulmate ko? La lang. Random thoughts. Tapos, pag naging kami na, irireminisce ko yung araw na yun na nakipasiksikan ako sa linya papasok ng Landmark at sasabihin din niya, “oi, andun din ako. Nakatayo sa likod mo.” Huwaw. Para namang hindi ordinaryo ang makipagsiksikan sa mga tao para makapasok sa mall na yun papuntang MRT.

Ayun, lakad lakad uli. Gwardiya ng Glorietta na naman ang kaharap namin. Bukas bag, inspeksyon. Para namang nag-iinspeksyon talaga sila. Tseh. Ampaplastik niyo. Akala nila andali magbukas ng sling bag!

Gwardiya ng SM uli, bukas bag, inspeksyon. Di ko na nga matandaan kung sa male area o female area ba ako luminya dun, basta yun na. Tapos linya na naman para papasok ng MRT. Hay nako. Bakit mas nakakapawis ang linya sa mrt kesa sa Greenbelt? Ah, kasi baka aircon. O baka naman, mas masa ang mga tao sa mrt kumpara sa Greenbelt pwedeng nasa classes A, B or C ang mga andun. Ang mga pawis ng mga Greenbelt people ay nasasapawan ng pabango, fake man ito, genuine o Prescripto lang.

Hay, grabe lang ang konsepto ng mga inspeksyon, nakakalula. Ganun din naman, nabobomba pa rin naman ang mga malls at ang mrt. I therefore conclude, walang silbi ang inspection.

Pagdating sa ABS, narealize kong wala pala akong ID na pwedeng ipakita. Siyet, strikto pa naman dun. Buti naman at nagamit ni Adolf ang kapangyarihan ng charm niya. Hay. Narealize ko bigla na isa akong phantom, walang identity sa lipunan dahil nga wala akong ID. E wala naman akong affiliation, saan ako magpapa-id? Buti pa nga ang mga phantom sa klase ni Sir Avecilla, me classcards, me identification. Ako, ni isa wala. Huwaw. Naalala ko tuloy ang mga IDs na nanakaw sakin.

San kaya tinapon ng mga holdaper yun? What if soulmate ko ang nakapulot nun tapos tinry akong kinontak? Pero malamang, of all odds, hindi soulmate ko ang nakapulot nun dahil hanggang ngayon, walang kumontak sakin. Sigurado akong, nilunod na sa mga basura ng Payatas ang mga id ko.

Nakailang inspection kaya ako kahapon? Di ko na maalala. Kung ako nga, may modang pagkapagod sa kakabukas ng bag, kumusta naman ang mga gwardiyang may hawak ng drumstick at kunwaring nag-iinspect ng mga ito. Malamang, lampas outer space na ang burnout mode nila, kaya eto na, susupalpalin ko na ang sarili ko at wala na akong karapatang mag-angas.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s