kainan, chef, atbp.

Ansarap sa Oyster Boy. First time namin kumain dun nina Shitzu at Gavs. Wala lang. Gusto lang namin maglunch sa Dampa sa Farmer’s nung Dec. 31 pero wala masyadong ready-to-eat food nung mga panahong yun.

Sayang, ansarap nung mga hipon at crabs na nakatunganga sa ibabaw ng mesa, nakalagay sa malalaking plastic na lalagyan, pinaluto pa yata. Parang magpapakain yata ng buong baranggay ang me ari nun.

Lakad, lakad hanggang hindi kami makapagdecide kung saan kakain bilang alas tres na ng hapon at ngumangawa na ang ulcer namin. Umabot kami sa Dencio’s Araneta pero me iniiwasan kaming tao na coincidentally, andun, of all places. Ay, ako lang pala ang umiiwas.

So napunta kami sa Oyster Boy. Craving lang kasi namin ang calamariiii (kalamareyyy) nung panahong yun. Ansaya lang bilang libre ni Shitzu. Sarap pag libre. Naramdaman ko lalo ang keso sa oyster, ang kalamansi sa tuna sisig, ang bagoong sa fried rice, ang bawang sa barbikyung manok, ang linamnam ng mga shells na nalunod sa sabaw (walang kasamang mantao bilang paborito lang nila Shitz at Gavs ipares ang mga yun).

Sulit din pala ang mga pag-iwas-iwas sa mga taong ayaw makita. Parang gusto ko bigla mag-chef. O di kaya, mag-aral magluto. Wala lang.

Speaking of chef, ang hot lang ni Rob Pengson. Hindi siya gwapo. Hot lang. Pwede siyang ikumpara sa mga panahong alas dos na ng madaling araw at nagkicrave ka ng Lucky Me pancit canton pero ang meron lang ay Nagaraya kaya yun na lang ang kakainin mo. Mabubusog ka pero hindi ka kuntento. Parang ganun. Hindi gwapo pero hot.

Una ko siyang nakita sa show niya na ‘Chef to Go’ sa QTV 11. Konyotik magsalita pero ok na rin kasi mukha namang down to earth. Me commercials na rin siya. Balita ko, engaged na siya sa isang chef rin pero something tells me na hindi siya straight. Or iniisip ko lang na dapat hindi siya straight. Whatever. Wala lang.

Basta hot siya. Pero hindi gwapo.

Parang gusto ko tuloy magkaboypren ng chef. Yung hahandusay ka lang sa sala at tsaran, me inihain na lalamunin mo for dinner. So di mo na kelangan pumunta sa mamahaling resto (kung saan ambience lang ang kadalasan binabayaran) dahil may instant alipin ka na na magluluto sayo ng pagkain beyond pritong itlog.

On that note, parang gusto ko rin magkaboypren ng doctor, nurse, physical therapist, dentist, lawyer, engineer, architect, economist, artista, model, painter, wedding singer, pianist, violinist, writer, fireman, policeman, navy, army, pilot, flight steward, politician, school principal, college professor, bodybuilder, bouncer, fashionista, social climber, lifeguard, veejay, deejay, internet hacker, seminarista.

Wala lang. For variety.

Rob’s pic courtesy of this site.

5 thoughts on “kainan, chef, atbp.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s