skill ang pagmumub-on

Bols, nabilang mo na ba kung ilang New Year na natin sinasabi sa ating mga sarili ang mga katagang “sisikat din tayo sa taong ‘to”? Ako, hindi na.

Siguro, nirefuse ko nang bilangin siya dahil nagiging generic na rin ang mga nangyayari sa mga sari-sarili natin sa bawat taon na dumadaan. Kung me pinagbago man, mas nagiging bitter tayo at nalulunod sa kumukulong angas na walang pinaghugutan.

Nung isang taon, hindi ako nakauwi para magpasko at bagong taon kasama ang pamilya pero sige lang. Ikinain ko na lang ng napakaraming fruit salad, nagmub-on nako.

Ngayong taon, nabuwisit ako kasi pakiramdam ko ni hindi nirecognize ang mga eports ko habang ang mga hindi deserve ang mga yun ay kabi-kabila ang citations. Sige lang, ikinain ko na lang yun ng limang masasarap at matatamis na turon at nagmub-on nako.

Hindi man lang nanalo si Blake Lewis sa American Idol, navote out naman ang bet kong si Michelle sa Survivor Fiji at nangulelat ang mga bet ko sa Amazing Race at di man lang ako nakapagsubmit ng audition tapes para sa Amazing Race Asia dahil wala akong makuhang magaling na partner (ergo, marunong magdrive). Sige lang, uminom lang ako ng isang kartong chocolait at nagmub-on nako.

Gustung-gusto kong pumunta ng Bangkok nung summer para maglandi, manghaliparot at mambalahura ng mga tao pero hindi ako nakalipad, ni magpatiket o mapaschedule hindi ko man lang nagawa. Anlungkot lang na andaming nagsasaya sa bakasyon habang nasa bahay ako nagmumukmok kasama ang kapatid ko. Sige lang, nagdibidi marathon na lang ako ng Jumong at Queer as Folk at nagmub-on nako.

Naholdap ako at ninakaw ang seleponong pinaghirapan ko.  Kinuha ang wallet kong may laman ng mga mahahalagang personal na mga bagay na sobrang attached ako.  Ibinuhos ko ang sama ng loob ko sa isang galon ng ice cream at nagmub-on nako.

Hindi ako nakapag-enrol ng first sem dahil sa maraming dahilan. Nakakainis, andaming dapat asikasuhin. Andaming makulit. Nakakabwisit man, pero kailangan magmub-on, sa next sem na lang uli, susubukan ko. Ikinain ko na lang ng piattos, nagmub-on nako. Dumating ang second sem, di pa rin ako nakapag-enrol, galing kaya ako ng Batanes nun. Hay. Nainis uli ako pero ikinain ko lang ng isang box ng pizza, nagmub-on na uli ako.

Me umiwan sakin nung February. Gagung yun ah. Kala niya patay na patay ako sa kanya, hayop siya. Anggaleng ko ngang artista e, napaniwala ko siyang natutuwa ako habang kami pa. Inunahan lang niya akong magpaalam, pasalamat siya di ako nangrireject ng tao. Ayun, madal namang kalimutan siya. Isang LSS lang ng “Over it” ni Katherine Mcphee, nagmub-on nako. Buti na lang, me Carlo na pumalit sa kanya.

Me sanalihan akong kontes, ang alam ko pumasok ako.  Angganda na sana ng magiging konklusyon ng taong ‘to kaso may mga hindi naniniwala sa kakayahan ko kaya inilaglag ako.  Ok lang, babangon ako’t dudurugin ko sila.  Kumain ako ng isang platong pesto at dalawang platong carbonara at isang litro ng c2 apple, ilang araw na lang, malapit na akong magmub-on.

Ganun nga talaga, sa dinami-dami ng pang-iiwan, pambuburaot at panliliit na natatangap, mub-on lang ng mub-on.  Kaya kahit ilang new year pa siguro ang kailangan bilangin para makuha yung gusto kong lebel ng success, bibilangin ko na rin.

Mag-tu-2008 na.  Iwan na ang mga bagahe sa taong ‘to.  Kakain na lang ako ng maraming biko at pasta sa media noche, mumub-on na rin ako.

9 thoughts on “skill ang pagmumub-on

  1. aylav the umaaligid na nyebe!!! yey!

    advanced hafi vurdei! pagkabirthday mo, magmub on ka sana nang mabilis.. if you know what i mean.. hahaha.

  2. “Hindi man lang nanalo si Blake Lewis sa American Idol, navote out naman ang bet kong si Michelle sa Survivor Fiji at nangulelat ang mga bet ko sa Amazing Race at di man lang ako nakapagsubmit ng audition tapes para sa Amazing Race Asia dahil wala akong makuhang magaling na partner (ergo, marunong magdrive). Sige lang, uminom lang ako ng isang kartong chocolait at nagmub-on nako.”

    I know how that feels… Imagine nasa trabaho pa ko nung navote out si Peih Gee sa Survivor China. Shet, di talaga nila ko makausap.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s