dagundong, blagadag

Kinakabahan ako na hindi, para sa magiging resulta ng deliberation nila ngayong araw na ‘to.

Malakas ang kutob kong makukuha ako sa sampu, iba yung naging pakiramdam ko nung isinubmit ko ang sinulat kong iskrip. Pati yung ke Jerwin. Pero, nang makausap ko sila kahapon, mukhang tumagilid ako.

May isang multo ng kahapon kasi na hanggang ngayon naghahasik pa rin at sinira na ako sa mundo. Hindi ko naman naging kabuuang kasalanan yun pero di ko rin maitatangging ang pagiging bahagi nun ay isang pagkakamaling anhirap ituwid.

Wala pa ngang napapatunayan, namatay na agad ang karir.

Pero ayokong ijinx. Ayokong pangunahan. Nasabi ko na rin ang mga dahilan ko, nasa kamay na nila ang lahat. Masaya na ring ako’t alam kong kahit papaano, nasa shortlist nila ako. Napag-isip ko na ring mas mabuti na yung handa ang loob ko sa magiging pasya nila kesa umekspek ng pagkataas-taas. Kung anuman, tatanggapin ko ng buong-buo. Kapag hindi ako lulusot, umangas at magwallow ng isang araw at magmub-on.

Kung matatanggap naman, salamat sa pagkakataon. At least, mapapatunayan kong mali ang naging akala nila.

Sa ngayon, isang matinding dasal muna buong araw. Sana nga matanggap.

Photo courtesy of http://www.stickgal.blogspot.com

6 thoughts on “dagundong, blagadag

  1. hindi ko masabi na pagdadasal kita dahil hindi naman ako nagdadasal, good luck na lang.🙂
    kahit naman anong desisyon, alam mo naman na maganda ang sinulat mo, yun yun e.

    (o di ba, ambait ko. kahit binabalahura mo ako parati, ang nice ko pa rin.)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s