kwentong patapon

Wala na akong maisulat.

Kahit na maisip isulat, wala.

Tungkol sa kahit na ano.  Sa Grammy nominations, sa Oscar contenders, sa mga tae na naaapakan ko sa gitna ng daan habang naglalakad papunta sa kanto ng Sandigan, sa mga mababahong pink urinals, sa mga aksidenteng pagkikita kina Bols at Kaktus (ang dalawa sa mga pinakanakakatawang nilalang at dalawa sa mga pinakadakilang halaman sa buong mundo), sa mga stickers ng Starbucks, sa baliktad na konsepto ko ng araw at gabi.

Andami palang pwedeng isulat.  Pero walang lumalabas mula sa medula oblongata ko.  Walang lumalabas na emosyon, walang drive, walang inspirasyon.  Buti pa nun sa dati kong blog, (blogdrive pa lang ang kapita-pitagan nun), bumubuhos ng mga pusa at aso ang mga angas ko… walang pasubali, walang pasintabi, walang hiya.

Pero ngayon.  Nawawala na yata ang dating ako.  Gusto kong sabihin na nawawala na yata ang dating angas ko.  Gusto kong isipin na trigger happy lang ako bilang tao pero hindi ako trigger happy.  Nagbabasa nga ako sa dating blog ko kanina,  pakiramdam ko, hindi ko na kilala ang sarili ko noon.  O di kaya ang sarili ko ngayon.

Nasa non-aircon bus ako kagabi, sumakay ako sa harap ng Dusit Hotel.  Nagbayad ako ng bente-otso pesos para papuntang Sandigan.  Sa may kanto ng Ayala at Edsa, nakita ko ang pamilyar na payatot na katawan ni Bols. Sabi ko, magpakaforeground nga ako ng fatale para makita ako nito.  Nakita ako ng kasama niyang si Tez.  Si Tez na pula ang buhok, si Tez na adik kay Thom Yorke, si Tez na bumungad ng “oi, Bebs, parang nag-iba ka na ngayon!”

“Ha? Paano?”, sabi ko.

“Lumiit ka yata.  Di ka ba nag-aAnlene?”

“Gagu.”

“Iba ka nga.”, sabi ni Bols.

“Umitim lang ako, galing kaya ako Batanes.”

“Iba ka na nga! Ambait-bait mo na.  Hindi ka na makasarili, parang hindi na nakaikot ang mundo sayo.”

Siyet.  Salamat, mga dakilang kaibigan.  Sa pagbe-verify na ibang-iba na nga ako.  Signos ito.  Apokalipsis.  Ito na ang senyales ayon kay Juan sa libro niyang Revelations.  Nangamba ako na baka sa susunod naming pagkikita, hindi na diyos ang tingin nila sa akin.  Siyet.  Ambait-bait ko na at kapag ang mga kaibigan ko na ang nagsabi sa akin ng ganyan, magmomodang panic na ako.  Bigla ko tuloy gusto kumain ng french fries.

French fries at mayonnaise.  At ketsup.

Naalala ko bigla, me nagsabi sa aking nung isang araw, “oi, Bebs, kung magpapatone ka ng katawan, marami kang paiiyakin.”

Yeba.  Hinding-hindi ako kailanman nagpapalamon sa konsepto ng Carlos Agassi chest, Vina Morales abs at Jackielou Blanco biceps pero nang marinig ko yun, naisip ko, siyet, hindi pala ako pangit.  O pwede ring pangit nga ako pero walang pangit na mukha sa masabaw na katawan.  Kaya ko palang magpaluha at mang-iwan ng mga lalakeng sinasamba ang perpektong katawan kaya naisipan kong magdiet, magtone, mag-exercise at bumili ng gym equipment.

Huwaw.

Siyempre, jowk lang yung diet, magtone, mag-exercise at bumili ng gym equipment.  Ano ako, tanga.  Ansarap kaya kumain.   Ng keyk, sundae, quarter pounder, pesto, sinigang, adobo, nilaga, sinangag, biko, bibingka, suman, sapin-sapin.  Ang langit sa pagkain ay di maikukumpara sa panandaliang pagtaas ng self-kompidens dahil pinaglalawayan ka ng crush mo ngayong maganda na ang katawan mo, pinatulan mo siya at bilang ganti ay iniwan mo siya habang para siyang asong ulol sa kakahabol sayo para matikman ka lang.

Ano ako, sira? Magpapadala sa kulturang binuo ng mga fashion magazines at ng mga anorexic na Hollywood stars?

Hindi no!  Kaya kong magpaiyak at magpalaway ng crush kahit malaki ang tiyan at walang kurba ang katawan ko.  At kinagabihan nun, lumamon ako.

Ng isang platong veggie salad, isang saging, isang hiwa ng protinang manok.  Siyempre, no rice.  Para sa unang araw ng diet-diertan.  Ansarap kaya ng pakiramdam ng magpaiyak ng mga lalakeng sinasamba ang isang taong may Carlos Agassi chest, Vina Morales abs at Jackielou Blanco biceps.

6 thoughts on “kwentong patapon

  1. bebs, mag-glutathione ka na lang!!! epektib sa ate ko!! hahaha. grabe salamat sa lait a. wag ka na mag-asam ng carlos agassi chest, bilang sya ay isa lang muscle na tinubuan ng pagkatao. haha.

  2. Ano ba ning ning.natawa naman ako sa abs ni Vina and biceps ni Jackielou…pero in fairview tama ang sinabi mo,ako kahit naggym lafang pa din…kasi masarap kumain eh..hehehe

  3. “Iba ka na nga! Ambait-bait mo na. Hindi ka na makasarili, parang hindi na nakaikot ang mundo sayo.”

    BWAHAHAHAHAHA! panalo to. hahahaha.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s