smells good, tastes good

Orgasmo ang makatikim uli ng duryan. Kaya nang umuwi ako sa Dabaw nung isang linggo, nagpabili agad ako ke Mama. Kung me duryan man dito sa Manila, ang mahal kasi. Kasing mahal ng puri ko. Tsaka nag-iinarte ang mga taga-rito, mabaho raw yung amoy. Tseh. Bango kaya. Sarap!

Nung lumipad si Mama ng Manila bago ako pumunta ng Batanes, nagdala siya ng duryan pero karamihan sa mga yun ampapait. Me iba-ibang klase na pala nito. Kala ko dati, malagkit lang at yung regular lang ang meron. Di ko kinaya ang pait niya.

Sabi pa ni Mama, “November na. Di na season ng duryan ngayon. Ayan, P40 na kada kilo”. Wa, Ma. Kumusta naman kung nasa season yun. Sabi, P10 daw kada kilo. Ahhh. Durian festival kung durian festival.

At nginata ko na at ng kapatid ko ang isang buong duryan na biniyak niya sa harap ko. Ansarap, antamis, ang-orgasmic! Nanuod lang ako ng tibi at ten minutes after, ayun, ubos na agad. Siyet, bitin. Pagkatapos, mahilo-hilo akong tumayo ng sofa para pumunta sa kwarto. Naknamputcha. Musta naman ang cholesterol ng duryan. At isang buong prutas pa ang kinain ko nang walang pakundangan. Waaah.

Di bale, ininggit ko naman sina Angie at Caloy, ayun, matunaw-tunaw sa sobrang dismaya.

Naglambing pa si Agnie na magdala raw ako pagbalik ko, sabi ko oo naman. Araw ng alis ko, pinabili ko si Mama ng limang duryan at nilagay lahat ng laman sa lalagyan ng ice cream para di mangamoy sa eroplano.

Kompident pa akong lumusot sa check-in area kasi gusto kong ihand carry na lang siya. Habang naglalakad ako, medyo lumalabas ang amoy niya konti pero hala, sige. Pagdating ko sa xray machine, nadiskubre ang scam ko at pinacheck-in sa akin ang bag. Siyet, me laman din na mga suman yung bag. Waaaaah. Baka, mapaflat lahat!

Pagdating ko ng Manila, nagbus na ako pauwi. Alam ko kung gaano kaselan ang mga taga-Manila sa mabangong amoy ng duryan kaya mahigpit ang hawak ko sa bag na nilagyan nito, medyo lumalabas na kasi ang amoy. Baka nabutas habang nasa eroplano siya.

Pagdating ko sa bahay, pinapak agad namin ng katapid ko ang mga duryan. Kaso, me ibang lasa at amoy na siya. Maasim na medyo kakaiba. Siyet. Nilamon ata ng init sa loob ng cargo at napanis. Kahit nilagyan pa namin siya ng ice, wala pa ring epek. Pagkatapos ng dalawang oras, ayun, nag-iba na nga. Di na namin siya nakain. Hay. Sana pala dinevour ko na lang siya habang nasa Davao pa. O di kaya, nilagay ko sa plastic tapos niref buong gabi.

Ang arte kasi sa eroplano e. Sana hinandcarry ko na lang.

Di ko tuloy naibigay kay Agnie yung pangako ko. Tumutulo pa naman laway nun habang iniisip kung gaano kasarap ang duryan. Sige lang, sa susunod na pag-uwi ko ng Davao. Sisiguraduhin kong di na mapapanis ang dala ko. Pinagtiyagaan ko na lang din lamunin ang masasarap na mga suman na dala ko.

3 thoughts on “smells good, tastes good

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s