wuy si jodi (wala yatang ‘e’)

Disclaimer: Hindi ito ang pinakamagandang kuha ko with Jodi. Bangag lang ako nung mga panahong ito. Si Tonee kasi, antagal ibigay yung ibang mga pics.

Sabi ko ke Adolf (Alix) nung September sa shoot ni Raya Martang, ‘huy, Adolf, raket naman diyan’. Wala akong iniedit na pelikula nun. Dalawang buwan rin akong nagpalamon sa pahinga at katamaran.

Sabi ni Adolf ‘sige, me gagawin akong digital, sama ka.’ Tungkol daw sa mga nurses. Anong gagawin ko, tanong ko. Wala na raw ibang position, sabi ni Adolf. Basta go na lang daw ako sa pre-prod sa Baang Cafe (di ba, BangBang yun?) sa Morato. Lumipad naman agad ako.

Andun ang producer, si Carl Balita. Sikat pala siya sa nursing review industry. Aaaah. Pinakilala ako ni Adolf, sabi ako ang script con. Haaaa? Ako? Ayoko na magscript-con. Ansakit kaya sa ulo nun. Siyet.

Cut to.

Me binigay na downpayment ang line producer na si Carlo Maceda. So, tinanggap ko na. Tutal, seven days shoot lang naman.

Cut to.

Gabi, exterior, sa Binangonan Rizal. Masaya kaming nagbabonding ni Jodi at pinramis ko sa kanya na gagawan ko siya ng write-up sa blog ko.

Dissolve. Flashback. Flash of white ang transition.

First day. Ay, si Jodi Sta. Maria pala isa sa mga artista. At si Agot. Naku, impression ko pa naman sa mga yan, matataray. Hala. Unang encounter ko ke Jodi, nasa car siya, kunwari first day of school, magkikita sila ni Agot. Kami ni Jerome ang stand-ins nun.

Sabi ko ke Jodi, ‘Miss Jodi, papicture naman, for continuity lang’. Ngumiti siya. Yung usual Jodi smile na may kasamang mapupungay na mata. E angganda pa naman ng mga mata ng babaeng yun. Tapos, itinaas niya ang dala niyang mga libro at di talaga natanggal ang ngiti sa mukha niya. Pagkatapos ko siyang makunan, sabi niya ‘thank you’. Huwaw.

Lagi kong naaalala si Jodi bilang si George sa ‘Tabing-Ilog’. (Jods, patawad pero sasabihin ko talaga na me konting hawig ka ke Via Veloso, yung sexy star nung early 2000.) Tutomboy-tomboy ang role niya dun. Kakatuwa silang tingnan ni Baron Geisler, yung laging clueless na si Fonzy.

‘Tabing-Ilog’ baby ako bilang tao. Kaya lagi ko siyang inaabangan linggu-linggo. Iba yung chemistry nila ni Baron. Me konsepto ng pagkamatining ang boses ni Jodi kaya pag nag-aaway sila ni Fonzy, nakakatuwa. Kinu-complement nila ang mga characters nila. Si Fonzy, yung batang walang disposisyon sa buhay at si George yung laging pumupuno dun dahil sa kanya laging nakasandal si Fonzy.

Pero nagrigodon ng loveteam yung show. Naging si George at James (Patrick Garcia). Okay lang din pero iba talaga ang tandem nina Jodi at Baron.

Napanood ko si Jodi sa ‘Jologs’, isa sa mga pinakapaborito kong pelikula sa buong buhay ko (abangan kung anung numero ko siya ilalagay sa aking 80 Most Favorite Films). Vestal virgin naman siya dun. Dun ko nakita na oo nga, anggaling nga ni Jodie. Kaya niyang gumanap ng anong role.

Kakatawa yung eksenang magsi-sex na sana sila ni Patrick pero dumating yung tatay niya at nagmamadaling tumakbo palabas ng condo si Jodi.

Tapos, anggaleng niya sa ‘Bagong Buwan’. Paano kaya niya hinugot yung arte niya dun bilang babaeng manganganak na pero wala ang asawa niya.

Pagkatapos nun, di ko na alam kung me mga pelikula pa si Jodi o tv show kasi di na ako masyadong nanonood sa ABS nun.

Nung nasa Binangonan kami habang nagsu-shoot ng ‘Nars’, ang tawag ng mga tao sa kanya ‘Cynthia’. Wonga, yun pala yung role niya sa ‘Walang Kapalit’. Angganda nga ng reviews ke Jodi dun bilang lunatic na walang ibang kasalanan kundi magmahal ng sobra. Though sumemplang ang ending, bawi naman daw sa akting ni Jodi. Huwaw.

Sana pala sinubaybayan ko yung ‘Walang Kapalit’, at least dahil man lang sa pagiging saving grace si Jodi dun.

Pinahanga ako ng babaeng yun nung sinabi niyang ‘I don’t want to be just a celebrity, I want to be an actress’. Magaling umarte si Jodi. In fact, sa ‘Nars’, dalawa sila ni Agot na magagaling. Masaya ako na kahit mainstream ang orientation niya, willing si Jodi na umarte sa indie kung yun ang magpapagrow sa kanya.

More than that, professional katrabaho ang babaeng yun. Masaya pang kakwentuhan sa set, walang arte, walang kyeme. Nabura lahat ng impression kong mataray siya (si Agot masaya ring katrabaho).

Akala ko pa naman kasama siya sa ‘Batanes’, sayang. Mas masaya sana kung andun siya. O ayan Jods, eto na utang ko sayo ha. Sana makatrabaho pa kita uli at sa ‘uli’ na yun, sana ako na ang direktor mo. *Ngiti*

16 thoughts on “wuy si jodi (wala yatang ‘e’)

  1. I like Jodi as an actress. I like her eyes in particular.She is one of the young ACTRESSES (if I may emphasize what she said) who has the makings of a true artist. Parang walang arte ang batang ito. Sana magtagal siya sa industriya para naman hindi puro stars lang ang bumibida. Wala namang K. If only TV and movie honchos would take notice of actresses like her, and not dwell on star complex, matagal na sanang nag-improve ang Phil movie industry.

    Ganda ng mga shots mo sa Batanes! And I am sure you had great fun with the actors as well. (Smile!)

  2. hi inkblots..

    tama ka.. walang kyeme si jodie. and she will stay long sa industriya. she has great talent!

    salamat…yep masaya sa batanes..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s