mudraks (hindi yung pelikula)

Ansaya ng may nanay. Lumipad si Mama galing Davao para ihatid ang isang kapatid ko na pupuntang Saudi.

Unang-una niyang ginawa pagdating sa apartment ay kunin ang walis at naglinis. Malamang pagkatapos ng litanya niya ng mga bagay-bagay. May konsepto naman kami ng mga kapatid ko ng paglilinis ng bahay pero iba talaga yung linis na parang dinilaan ng aso. Ibig ko sabihin, iba talaga pag ang nanay ko ang naglinis. Pulido. Walang pinapatawad na dumi o alikabok.

Kumusta naman yung lagi akong wala sa bahay at ang paglilinis ng kapatid ko ay yung pagliligpit lang ng mga kalat, sampung galaw ng walis, limang pahid sa mga alikabok at anim na pagpag ng unan at kumot.

Kinabukasan nun, ang aga nagising ni Mama (as usual) para maglinis. Paggising ko, huwaw. Parang nagising ako sa ibang mundo. Gusto kong sabihin na “Ma, hindi ka naman lumipad ng Manila para maglinis lang di ba?” Pero choosy pa ba ako?

Nung tanghaling yun, nagluto siya ng sobrang namimis kong law-uy. Hay. Grabe. Namiss ko yun. Malamang sa mga Bisaya, makakarelate sila. Kadalasan, yung law-uy ng nanay ko, me halong ‘una ng ginamos’. Yun na, hirap itranslate sa Tagalog.

Tapos, bilang dessert, pinapak namin ang mga duryan na dala niya habang uma-update ang nanay ko sa mga tsismis na nangyayari sa lugar namin.  Halos maduling ako sa sarap.  Huwaaaw.  Mura lang ang mga duryan sa Davao ngayon.  Waaaah.  At bilang aphrodisiac siya, halos magkaron na rin ako ng spontaneous human combustion nung mga panahong yun buti na lang maulan.

Tapos nun.  Ayun na. Tapos na ang kwento ko.

4 thoughts on “mudraks (hindi yung pelikula)

  1. kamusta naman yung nakakabusog at nakakagutom na komento di ba?

    nga pala, nakakain na ako nung sinasabi mong ulam. naging makulay ang aking buhay simula noong matikman ko iyon. tanong lang, bakit hindi ko magustuhan ang duryan? minsang tumikim ako, nahilo ako sa unang kagat at nasuka. di ko maipaliwanag pero parang nakarating ako sa nirvana.

    may teknik ba para magustuhan yun? hape saburday ulet.

  2. engz…burp,burp, burp… napasayaw ka rin ba habang nagkakulay ang buhay mo?

    pero ang duryan ay isang manipestasyon ng langit.. psychological lang na mabaho ang amoy pero ang totoo..mabango ang amoy ng duryan. promise!

    at.. aprhodisiac siya.

    kizay.. miss ko na uli ang law-uy.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s