biktima

Pakshet. Pakiramdam ko ako na si Richard Bolitas, ang taong kahit naglalakad lang sa sidewalk ay crime-victim prone.

Kagabi, nagcelebrate ang buong production staff and crew sa Gerardos, sa harap ng ABS-CBN dahil naglast shooting day na kami sa ‘Nars’ (abangan ang entry at mga piktyurs ko para dito). At bilang modang saya-sayahan kahit walang tulog, tawa kami ng tawa sa pambabalahura ke Direk Arman na pinangalanan ni Jodi Sta. Maria ng “DD (direk daut)” dahil sa kanyang mga classic at walang prenong nakaka- rollingonthefloorlaughingoutloud one-liners.

Inihatid ako nina writer Agnes at Direk Arman sa Philcoa ng mga alas dos ng umaga (halos alas tres na yata) at bilang umuulan, hapong-hapo at mabigat na ang mga mata, kelangan kong sumakay ng kung anumang modang transportasyon na mauunang tatambad sakin.

Ayun, lumabas mula sa Quezon circle ang isang bakanteng jeep na may lamang dalawang lalakeng pasahero. Sumakay ako sa front seat. Sa mga ganitong pagkakataon, lagi akong nakasilip sa salamin sa taas para makita ko ang mga hitsura ng mga pasahero sa likod (at suma-sight kung gwapo ang mga nakaupo dun). Ang huling matandaan ko, ang dalawang lalakeng pasahero ay mukhang mga holdaper.

Siyet. Wonga no. Naisip ko bigla. Ang isang lalake ay nakaupo sa kabilang extreme gilid habang ang isa ay nakaupo sa extreme gilid sa me likod ng passenger seat. Nahuli na ang pagputok ng bulb sa taas ng ulo ko na may kasabay na microwave oven sound dahil naunahan na akong hawakan sa leeg ng lalakeng payat na nasa likod ng passenger seat.

Tangena. Nasaan ang bato ni Darna nung kinakailangan ko siya. Me sinabi ang lalakeng payat habang lumilipat siya sa tabi ko. Tiningnan ko ang driver kung kasabwat siya pero mukhang hindi dahil lumipat na ang lalakeng mas malaki ang katawan sa likod niya. Sabi, diretso lang daw ang takbo at nanginginig talaga ang kamay nung kawawang driver. Itinutok ng lalakeng malnourish ang kanyang kutsilyo cum balisong o kung anumang patalim sa gilid ko.

Sabi ko sa thought bubble ko, ‘siyet, tangena. Hindi pa ako pwedeng mamatay, hindi pa ako sikat.’ Buti na lang at me grace under pressure ako nung panahong yun dahil di ko naramdaman ang panic. Habang hinahalughog ng lalaking malnourish ang bag ko, nag-iisip ako kung paano ako makakalundag sa jeep. Mukhang mahirap kasi nasa gitna ako ng driver at ng malnourish.

Naalala ko bigla yung lalakeng Engineering student na naholdap sa jeep sa UP tapos tumalon mula sa tumatakbong jeep. Ayun, lasog ang katawan. Thought bubble uli, ‘ayokong mamatay na basag ang bungo ko no!’

Unang kinuha ng malnourish ang pitaka ko. Sabi ko, siyet, sana wag niyang buksan. Dinivert ko agad ang attention niya at mabilis kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa at ibinigay sa kanya. Gusto kong humirit ng ‘sandali Kuya. Pwede bang replayan ko lang ang text ni Carlo?’ Bilang katext ko lang siya 5 seconds ago bago ako sumakay ng jeep at aligaga yun pag di ako nagrireply agad.

Binolunteer ko na rin ang pagbulalatlat ng bag ko sabay sabi ‘eto po’. Po ako ng po. Tangena. Hindi ako masyadong ma-‘po’ bilang tao at ang hayop na holdaper na yun lang ang nagkaron ng prebilihiyong ‘galangin’ ko ng fatale. Siyet siya. Kung di nga lang dala ng pangangailangan, di ko ibababa ang dignidad ko ‘no para galangin lang ang pesteng hayop na yun.

Nasa lampas Central na kami nun, halos sa harap ng Iglesia ni Cristo. Hindi ako makapag-sign of the cross bilang Iglesia ni Cristo kaya yun. Thought bubble uli ‘manong driver, dahan dahan naman ng takbo para naman makalundag ako. But no…’

Hinalughog ng malnourish ang bag ko. Nakita niya ang maraming barya. “Ano ‘to? Bakit maraming barya dito?” Tanga ka pala e. Malamang mga sukli-sukli na inilagay ko lang sa bag ko bilang wala akong coin purse.

Pinakialaman niya rin ang mga susi ko. Tanong uli ‘Ano to?’ Susi, malamang. Antanga. Antanga-tanga. Nakakairita ka na Manong ha. First time mo bang mangholdap? Thought bubble uli.

Sinuri niyang mabuti ang cross keychain na binigay sakin ni Ben galing Roma. Hay Manong, walang value ang mga yan. Asa ka pa. Nakita niya ang charger ko, sabi ko ‘kunin niyo na rin ho yan’. Tanong niya ‘asan ang camera mo?’ Tanga. Sa cellphone yan, thought bubble. Ang nasambit ko ‘sa cellphone PO yan’.

‘Akin nang relo mo.’ Siyet. Ang magandang relo ko. Anak ng pakshet ka naman Manong oh. Memorable yang relo na yan kasi sinuot yan ni Jon Avila sa isang eksena sa ‘Nars’ nung maispatan niya habang nag-uusap kami. Sabi, ‘Hey, your watch is nice’. I replied ‘Thanks.’ ‘Can I wear it?’ And the rest was history. Shet ka Manong. Attention grabber ang relong yun. Andami pa namang nagandahan dun. Kainis. Binigay ko na rin ng walang kagatol-gatol.

‘Ikanan mo! Ikanan mo!’ sabi ng lalakeng malaki ang katawan. Best supporting actor ka Manong? Nasa Balara na kami nun, sa harap ng Our Lord’s Grace. Hay. Salamat, bababa na ang mga holdaper. O di kaya, ito na yung parteng pagsasaksakin na kami nung driver at itatapon na lang ang malamig naming mga bangkay sa harap ng madilim na squatter’s area dun habang umuulan. Siyet… what a cinematic way to die.

‘Pwede ka na dito di ba!’, sabi nung malnourish. ‘Opo’ sagot ko. Tangena, napa-opo uli ako. Mabilis akong bumaba ng jeep habang inipit ng dalawang holdaper ang driver. Sana naman di siya patayin. Sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, ayun, basang basa ako sa ulan at parang antagal dumating ng jeep na pwede kong sakyan uli.

Kumusta naman ang LSS kong ‘Samson’ habang nababasa sa ulan… “Samson went back to bed.. told me that my hair was red… na na na na na… you are my sweetest downfall….”

Buti na lang di nila binuksan ang makapal kong pitaka. Buti na lang, di nila kinuha ang mga barya, me pamasahe pako at nakapagtricycle pauwi. Buti na lang di ako sinaksak ng purol nilang kutsilyo. Buti na lang di ako nagpanic.

Hay. Bakit ba lagi akong nahoholdap pagkatapos ng isang project. Last year naman, pagkatapos ng ‘Twilight Dancers’, nilaslas ang bag ko at kinuha si TD, ang aking P900. Kainis, andun pa naman ang mga tseke ko na ipapaencash ko pa naman sana today.

Nung isang araw, parang nagbabadya na rin si Insiang, ang aking recon na cellphone na nabili ko ng P3,000 sa Ever. Me konting sira na ang housing at matigas na ang keypad. Sabi ni Agnes nun, ‘nagpapapalit na yan!’ Hay. Papalitan ko na nga siyang tuluyan. At least me dahilan na nga akong bumili ng bago.

Buti konti lang ang natangay sakin ng mga hayop na yun. Ang aking kulay silver na pitaka na bigay sakin ni Marlette nung birthday ko 4 years ago. Makapal siya dahil sa mga id at mga papeles ko. Siyet, andun pa pala ang mga 2×2 pictures ko. Pag itinapon nila yun, kawawa naman ang UP at Ateneo ids ko. Sayang. Pero nakahinga ako ng maluwag at di nila binuksan habang nagaganap ang lahat or else, makikita nila ang laman nitong P120 pesos.

At ang maganda kong relo. Waaaaaaah. Ang napakaganda kong relo na nabili ko rin sa Ever sa tumataginting na halagang P99.00. Pero di yun e. Sayang ang mga alaalang minsan nakadaupang-balat kami ni Jon Avila, na lagi kong tinatawag na ‘Noknok’. Waaaaah. Sayang talaga.

Sa totoo lang, wala talaga silang nakuha sa akin. Di ko pinakitang natakot ako kaya achieve na rin yun. Naiimagine ko tuloy ang mukha nung dalawang gagong yun pag binubuksan na nila ang pitaka ko. Buwahhahahhahaha. Mas lalo siguro pag inattempt na nilang isangla ang relo at cellphone ko. Buwahhaha uli. Tingnan natin kung me mapapala nga sila.

Hay, ang karma… ambilis nga naman. Akala nila maisahan nila ako. Pwe.

Eto ang mga tips ko in case nasa ganitong moda din kayo.  Una, wag magpanic.  Relax lang, kahit akting lang.  Isipin mo na kinakabahan rin sila tulad mo.  Tapos, wag silang tingnan sa mata.  Para silang mga aso o ahas.  Wag nang pumalag.  Ibigay mo na ang lahat.  Hindi magkasing-value ang buhay mo at ang cellphone mo.  Yun lang.

40 thoughts on “biktima

  1. omg bebs!!! buti okay ka lang!!! shet, super nakakatakot yung nangyari sa iyo ha. buti hindi ka nagpanic. ako hindi ko alam anong gagawin ko if that happens to me.

    ’siyet, tangena. Hindi pa ako pwedeng mamatay, hindi pa ako sikat.’ –> this attitude may have just saved your life! hehehe.

  2. buti nalang hindi tinangay ang hindi nila naintindihan susi mo na may keychain galing sa roma. unang una mahal ang keychain! presyong euro plus yung binayad kong plane fare papunta at pabalik galing dun! astig ! pano ka ba mamamatay, diba may kasabihan sa mga masasamang sagbot? hehehe

  3. Grabe. Grabe. Grabe. Gusto sana kita i-hug nung magka-usap tayo kanina kaso ONLINE kasi tayo magka-usap ano, paano ko naman kita iha-hug?

    Tsaka sorry kung hindi mo ako makausap ng maayos kanina. E kasi yung boss ko kaya nasa likod ko lang. Kumusta naman yun?

    Huy, okay ka lang ba. kinuha ba lahat? baka wala ka na panggastos o pangkain ha. text ka lang. ay wala ka palang cellphone. Basta, let me know pag kelangan mo ng tulong.

  4. uts,. hehe. tseh.

    dimenic,. yep ok lang naman ako.. huhuhu. thanks. sayang lang yung mga tseke ko dun na pwede naman papagawa ulia ko. sure thing, ill haggard you pag kelangan ko ng pera. pero ok lang naman ako hehe meron pa naman naitabi.

  5. buti na lang hindi ka pa gaanong sikat (kahit na may IMDB page ka na…). Buti at okay ka! HINDI KA PA NAGTHETHESIS NO! Ililibre mo pa ako!!!

    *yakap*

  6. geez, that’s horrible. but you’re okay pa naman, and that’s the important thing at the end of the day.

    you more or less know how to get in touch with me if you need anything. ingat ka.

  7. Omg. Lapitin ka sa mga holdaper. Buti na lang hindi ka sinaksak. Buti na lang safe ka. Haha. May KRiSTO pa tayoooo! Buwahahaha.

  8. gavs, ironically, galing ako ng baclaran that night kasi dun ang location ng last scene namin…. musta naman? at nagpray pako before that ha.

    aynish, 10,140 na hekhek.

    jerwin, naman! kailangan pa ako ng kristo.

  9. grabe lang ang special mention sakin! now you know the feeling… hahaha. bebs! anu bang kapalaran meron tayo! yay. ayoko sanang sabihin, pero yung huling holdap sakin, tatlo kasi sila e no, at saka parang anlakilaki ng muscles ko para ipitin nila at tutukan ng balisong e. alam mo yung mga ganun, naghahanap sila ng prey na kakayan-kayananin lang nila, at mukhang vulnerable. ayun, ingat na lang sa susunod pero hindi mo talaga masasabi. tama wag magpapanic (sa totoo lang dapat inaaway mo rin sila verbally, ung witty lines na hindi nila alam na inaalipusta mo na pala sila: “Kuya, wag ka ngang nagmamadali! o kaya “Kuya, ang atat mo. Ibibigay ko naman e.” Tapos matitigilan sila. Nga lang, mahirap talaga tumalon sa dyip, swear, inisip ko rin yan habang dinidistract ko sila sa pagsigaw: “Manoooooong, hinoholdap na ko!! Wala ba kayong gagawiiiiiiin!” At ayun, wala nga silang gagawin. Isa pang tip, wag ipahalatang nag-iisip nang malalim habang nasa biyahe. Yay, panu na yan, hindi na ako makakapag-emo ulet sayo! Grabe nanghinayang din ako sa relo.

  10. siyempre bols, ikaw kaya yung perfect caricature ng “biktima”…

    feeling ko naman, nung hinoldap ako, since walang ibang pasahero dun sa jeep, they could’ve robbed anyone.. nagkataon lang na ako ung sumakay nung panahong yun.. minsan, hindi namimili ng bibiktimahin ang mga holdaper lalo’t kelangang kelangan na nila ng pera.

    grabe, as much as possible nga, ayoko magsalita nung mga panahong un.. di ko talaga binalandra ang mga sarkasmo ko no.. baka bigla ako saksakin.. tsuk.

  11. naman! anong istorya ito?! itetext pa naman sana kita, buti hindi natuloy bilang di mo din mababasa.

    hay… isipin mo na lang, buti yun lang ang nakuha sayo. saka di ka nila papatayin kasi sisikat ka pa.🙂

  12. siyempre buhay ako, super busy lang.

    natakot naman ako nung binasa ko yung entry na to. promise sunod na pagkita natin, may super-laking yakap ka sakin, haha.

  13. armi.. anik na. tinitext kita di ka naman sumasagot. ayan tuloy, nanakaw na, di ka man lang nakapag update sakin kung ok na yung talents.

    bols, kelangan na nating magsuot ng protective shield.. time space warp.. ngayon din!

    jepoi, mao gyud.

    rocky, wushu.

  14. susunod sa da baz! isang nagngangalang bebs pinagkaguluhan sa philcoa, hahaha joke! i heard dis news from tita agnes….tsk tsk tsk kya kids mag iingat! buti nlng ok qa db?!!!! uy sori d q nka puntang after party nywei hope to see u all again soon!!! muah! muah!

  15. stays, anong nakain mo at naging si netnet ka!!! buwhahahhahahah. kala ko kung sino e. mishu too stays.

    vern, musta? ganyan ka.. palibhasa sisikat ka na kaya di kana join sa after party.. hehehe

  16. sorry, naghibernate lang ako. pero na-save ko yung number na binigay mong kontak. saka na ang chikahan. marami tayong oras

  17. nangyari na rin ito sa akin. ang ikinaasar ko, ako na nga yung hinuholdap, putcha ako pa yung pinapaulanan ng mura ng holdaper…syet sya. walang respeto.hihi.

    binigay ko lahat except atm ko. ayun, buhay pa naman ako hanggang ngayon.

  18. engz, 2x nako tinutukan pero 1st time nangyari sa gabi. dati, tanghali naman sa harap ng qcmc na world citi na ngayon. gold bracelet ko naman ang kinuha. pakshet.

    mga walang modong holdaper. baboy sila.. baboooooooy.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s