dahil emo habang bagyo

Ano ba ang pinakamalaking joke na pwedeng mangyari sa buhay mo?

Yung papaniwalain mo ang isang tao na mahal na mahal mo siya.  Hindi ka naging masaya kasama siya.  Tapos nang maghiwalay kayo, akala mo walang epekto sa’yo.  Pero malaman-laman mo na lang, nasasaktan ka ngayong wala na siya dahil mahal mo na pala ang taong dati di nag-i-exist para sa’yo.

O di kaya, pinagpupustahan mo ang isang tao kasama ng mga barkada mo.  Trip lang, kasi bored ka sa buhay mo.  Isang large na pizza sa isang Italian Restaurant lang ang ililibre ng matatalo.  Susuyuin mo siya, kunwari totoo ka sa kanya.  Naging kayo.  Nanalo ka sa pustahan.  Tapos magigising ka na lang isang umaga, hinahanap-hanap mo na siya.  Minahal mo na siya.  Pero nalaman mo na ikaw pala ang pinagpustahan ng barkada niya.

Pinakamalaking jowk kaya ‘yung mahalin mo ang taong alam mong di bagay sa’yo.  Para sa kanya, hangin ka lang.  Nararamdaman pero hindi nakikita.  Imbisibol.  Andyan dahil kailangan LANG sa paghinga.  O, tae.  Naaamoy pero di pwedeng hawakan, nakakadiring tingnan.  Pero para sa ‘yo langit siya.  Ngunit di naman mangyayari kailanman yung konseptong happy ending dahil para sa kanya, ang term na “magiging isa tayong dalawa” ay hindi niya maiisip dahil ang mahal niya ay iba.

Jowk din ba ‘yung mamahalin ka ng taong di mo gusto?  Anlaki ng pagtataka mo kung anong formalin ang pinakain mo sa kanya at baliw na baliw siya sa’yo.  ‘Yun bang pati ang galaxy ibibigay sa’yo basta mahalin mo lang siya?  O, at least, kahit effort lang na magkunwari kang mahal mo siya.  Pero anuman ang mangyari, sa ilang libong reincarnation niyong dalawa sa mundo (mula sa pagiging ipis hanggang pagiging harina), kahit pagpapanggap di mo magawa kasi wala ka talagang nararamdaman para sa kanya?

Pa’no pa kung naglalaro lang kayong dalawa.  Naging kayo kasi friends with benefits ang turing niyo sa isa’t isa.  Libugan lang sa mga panahong grabe ang pangangati ng katawan.  Tapos naramdaman mo na lang bigla, para sa’yo ang laro, totoo na pala.  Alam mong wala kang mapapala dahil nilabag mo ang batas ng laro at hindi niya kayang humiwalang sa  modang paglalaro dahil ang sex object ay para sa kama lang. 

Mas nakakatawang jowk ba yung mainlove ka sa taong di mo pa nakikita.  Yun bang birtwal lang ang pagkatao niya bilang bahagi ng mundo ng chatroom at teknolohiya ng text na nag-iexist sa isang universe na hindi mo maabot.  Wala kang katibayan sa katotohanan ng pagkatao niya pero pakiramdam mo, mahal na mahal mo siya dahil siya na ang taong pasok sa halos lahat ng kategorya ng inaasam mong perfect someone?  At pag nagkita na kayo, malulugmok ang mundo mo hindi pala siya ang taong sinasabi niyang SIYA sa lahat ng pag-uusap niyo. Umexpect ka lang ng abot langit para sa taong walang mukha at ang pagkahulog mula dito ay isang napakabilis na pagharurot paibaba.  Isang dagok na mangyayari kahit hindi mo pa inabot ang lupa.

Eh….may mas joke pa ba sa isang pagmamahal na di mo masabi dahil para sa kanya, ika’y isang kaibigan o kaklase?  O worse, isang estranghero lang?

15 thoughts on “dahil emo habang bagyo

  1. paano naman kung sinabi mo na mahal mo na siya tapos NR lang siya sa iyo? masakit rin yun! haay bebs… natamaan ako sa isa dyan ah.😛

    waah!!! nakakasenti talaga ang ulan.

  2. ….mas masaklap yata yung biro na ikaw ang gumawa para sa sarili mo. ang ilusyunin ang isang tao na gustuhin ka kahit alam mong mismong ikaw, hindi magawang mahalin ang sarili mo…

    sa mga sitwasyong ganito, ang tanging gagawin ko ay kunin ang aking kumot at unan, humiga, magtulug-tulogan, magdasal na dumating ang isang malakas na ulan at umasang sa pagtaas ng tubig-baha, kasamang aanurin ang sakit ng birong nalikha.

  3. kizay, oo na. wag iyakan ang trahedya.

    apol..oi.. relate siya.

    wuy tish, it takes a hundred balls to tell someone na mahal mo siya ha…

    aliping mortel, wushu. if i know, talagang tumayo balahibo mo habang binabasa ito at umiyak iyak ng sniff sniff.

  4. O di kaya, pinagpupustahan mo ang isang tao kasama ng mga barkada mo. Trip lang, kasi bored ka sa buhay mo. Isang large na pizza sa isang Italian Restaurant lang ang ililibre ng matatalo.

    hango ito sa totoong buhay. apir tayo jan! puchek yan. bakit magulo ang buhay ng mga tao? malapit na ba ang apokalipsis? nyar.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s