balian ng buto sa uaap cheerdance

Sabihin na nating ang salitang ‘innovation’ ay nag-aapply lang sa UP Pep Squad. Let me rephrase that: ang UP Pep Squad lang ang nakakapag-execute ng salitang ‘innnovation’ at ‘reinvention’ ng may hustisya.

After five loooong years, eto na. Champion na uli ang mga iskolar ng bayan sa UAAP Cheerdance Competition. Grabe lang. Pagkatapos mabalahura ang UP Pep noong 2005 (tingnan sa baba ang patunay) kung saan dapat sila ang nagchampion (apparently, hindi), eto na, bawing-bawi na ang paghihintay. Parang Waiting for Godot, ang kaibahan nga lang, me peyrnes pa rin pala ang mga bagay-bagay.

Sabihin na lang nating ang cheerdance ay isang konsepto ng pahirapan ng stunts at mga routine na hindi halatang nirecycle at kinopya (hindi kasali sa sinasabi kong ito ang mga required stunts). Hindi lang ito contest ng paulit-ulit na presentation bawat taon na mukhang bago lang dahil iniba lang ang formation at costume. Para rin itong karinderya no! Dapat laging me nakaka-waw na putahe, bago sa paningin at pang-amoy. At yun ang laging inooffer ng UP Pep.

Ewan ko ba. Habang ang UP Pep ay nakapaglakbay na sa pang-sampung planeta lampas ng Pluto, yung iba, nasa mundo pa rin ng tao, nagkaka-hepa. (At sino ang makakalimot sa malaking, malaking banner na nagsusumigaw ng ‘UP ako, ikaw?’ nung isang taon sa Araneta. Ito ang tinatawag na ‘bitter pero witty’.)

This year, mukhang nag-improve na ng milya-milya ang ibang schools. Grabe lang ang impluwensiya ni Edu Manzano sa popular culture dahil sa kanyang ‘Papaya Song’ pero mukhang ang DLSU na yata ang may pinakakyut na execution ng (ready…) turururut…. turururut…. Kumusta naman ang green afro na ginawang pompoms at ang ‘Al Lasalle’. Yeah.

Oo, Jerwin. Sinabi ko talagang hindi tumayo ang balahibo ko habang pinapanood ang UP Pep sa tv kanina. Dahil hindi naman talaga. Hinahanap ko lang siguro ang routine na makakapagpatambling sakin, yung mas wow pa sa ginawa nila sa kanilang synchronized swimming stunt dati. Kasi alam naman nating hindi na uulitin ng Pep yun di ba (inuulit na lang ng ibang schools… buwahaha).

Pero, oo. Maganda pa rin ang routine ng Pep ngayon. Malinis. Pulido. At inexecute nila ang pyramid na ginawa rin nila sa 2007 National Cheerleading Championship (hindi sumali o nakasali ang Uste dun… gusto kong isipin na hindi ‘nakasali’). Ayus yung pyramid na yun. Kahit anong isuot na costume ng UP Pep, anggaling pa rin nila. UP Rocks talaga, sabi sa finale!

Tapos, anggaling ng FEU. Woohoo ang synchronization nila. Malinis naman tingnan ang costume. Threat ito. Tumahimik ang buong UP side. Sabay-sabay ata dumadagundong ang kaba ng mga Isko at Iska sa Araneta. Oo, nakita na natin dati ang mga stunts na ginawa nila kanina pero dahil malinis, pakshet, nakakakaba pa rin.

At pagkatapos, nag-intermission number ang NU.

Ang Adamson, ayun, namalikmata pa ako. Akala ko tuloy, mas magaling pa sila sa UP kasi me konsepto pa sila ng rotation at helicopter lift o kung anuman ang tawag dun. Sige, go Adamson. Pero binawi ko rin pagkatapos nila magperform. Mas magaling pa rin pala ang UP.

Tapos, eto na. Nagmamaganda na ang courtside reporter ng Uste. (Namiss ko tuloy si Gretch Fullido. Hi, Greta!)

Tsa-champion daw sila uli, sabi ng reporter. Sige, kick for six lang kayo diyan. At magchant kayo ng “gooooo-usteeee…” habang pinapaikot-ikot ang dilaw na hotdog lobo. Payn. May budget kayo para sa lobo.

At lumabas na ang mga higanteng bubuyog. Itim na mga bubuyoooooog! Huwaaaaaahhhh… Mommy, mommy! may higanteng mga bubuyog sa Aranetaaaa… Waaaaah… (Iniimagine ko ito na si Bolitas ang umi-execute ng linya). Parang isang eksena sa Darna and the Giants and/or Darna at ang mga Babaeng Tuod. Mommmy.. Mommy… me higanteng bubuyog.. o, shadap na.

Isang hirit na lang: Asan ang queen bee?

Eto na, mumub-on na. Grabe lang ang hiyaw ng mga Isko’t Iska nung me bumagsak na pyramid o. Grabe, ang evil lang. Pero nga naman, simpleng pyramid, di pa maayos. Oo, bumagsak din ang ginawang pyramid ng UP Pep nung 2003 pero antaas nun at lalake pa ang binuhat. Oo na. Juma-justify.

Anyway, ang mga higanteng itim na bubuyog ay di na masyadong nagsasayaw tulad ng mga ibinalandra nila nung mga nakaraang taon. Aminin na nating ang ‘dance’ sa compound word na ‘cheerdance’ ang kanilang forte. At maganda silang tingnan dahil syncrhonized sila pag sumasayaw habang suot-suot ang kanilang dominantly-yellow na uniforms na aminin uli natin, maganda tlaga ang symmetry ng mga lining (redundant na ata…parang lang). Malaki ang factor nito sa naging impact ng overall performance nila.

Pero this year, ang mga naninilaw na uniforms ay naging mga higanteng itim na bubuyog. Umeport sila sa pagreinvent ng kanilang mga sarili, routines at stunts. Pressure nga naman ang ‘kick for six’ di ba. Sa kanilang bagong hitsura, umeport sila ngayon sa lifting, tambling at kung anu-ano pang mga bagay-bagay na aminin uli natin, nakita na nating ginawa na nila noong mga nakaraang taon. Sayang nga lang na hindi na nila isinali ang helicopter/rotation lifts nila kasi masyado nga namang halata yun.

Nung inilabas nila ang mga dilaw na wigs.. Waaaaaah. Akala ko, andyan na uli si Queen Femina. Hinintay ko ang paglabas ng higanteng palaka na anytime pwedeng lamunin ang buong Araneta. Sino kaya sa mga baklang paminta dun sa Araneta ang sisigaw ng Zaaatuuuurrnnnneeeehhhhh!

Kung lalagyan ko ng thought bubble ang tig-iisa sa mga nagsasayaw na bubuyog (parang sa komiks), siguro iisa ang sinasabi nila (kunwari ako ang gumawa ng script)… “wala na kaming maipakitang iba.. wala na kaming maihaing bago… kaya, pagtiisan niyo na ‘to.” Buti na lang ang UP Pep, kahit laging 2nd for the past five years, di nawawalan ng bagong pinapakita. Yan ang thinking ahead!

Nung nagperform ang mga bubuyog, nagkulay itim ang sahig ng Araneta. Gusto ko na tuloy maniwala na ang kulay itim ay pang-luksa lang.

At dun na natapos ang kumpetisyon.

Ay, meron pa pala. Sumunod na ang UE. Na oo. Ang hot nung dancer sa intro nila. Wuy, kung sino ka man, magpakilala ka. (naka-bold ang font). Ancute din ng uniform ng UE. Nag-improve ang ginawa nilang routine. Malinis naman. Pero bakit parang walang ‘wow’ factor? Ah…baka sa uniform.

At ang ADMU, huwaw. Panggulat ah. Naging maayos naman kahit papano. Go ADMU. Andaming gwapo sa inyo. Sabi ni Caloi, magtaka ka Bebs kung walang gwapo dun. Sige, andami ngang gwapo dun! Ai, cheerdance pala ‘tong entry na to.

Bakit ang karamihan sa ibang mga eskwelahan, laging me common denominator every year? Dalawa o tatlo ang laging me parehong formula. Di nagmimintis yan. Great minds think alike ba talaga? O same minds think alike? Andaming gumawa ng ‘papaya dance’. Tapos nagmodang wig pa ang Al Salle at Uste. Ai, wonga. Baka nga same minds think alike.

Nung mag-anawnsment na, tinawag na 2nd Runner-up ang FEU. Huwaaaat? Angganda pa naman nung modang Happy Feet nila. Kala ko, Uste yung tatawagin e. Yung mga mukha ng mga tamaraw, hindi maipinta o. Parang mukha ng mga taga-UP nung inanawns na 1st Runner-up ang Pep nung 2002.

1st Runner-up ang mga itim na bubuyog. Huwaaat? Dapat FEU yan e. Ang kagandahan sa mga taga-Uste, maluwag nilang tinanggap na ang ‘kick for six’ ay tuluyan nang sinipa base sa konseptong ‘there’s no way but down’. Pumalakpak sila at tumalon at nakangiti. Yan ang sport! Saludo.

Pero mensahe para sa babaeng nahulog mula sa pyramid, kargo de konsensiya mo ang di ninyo pagkapanalo. Hala ka….

At itinanghal nga na champion ang UP Pep Squad. Woohooo. Isang malakas na hiyawan at apir tayo diyan. For more balance of nature nga, sabi ni Dimenic. At last. Kulelat man sa basketball, hala, bawi naman sa cheerdance.

Di nga lang ako masyadong makapaniwala sa 0.15 na difference sa score ng UP at Uste. Naisip ko lang, sila kaya ang mananalo kung nagsuot sila ng kulay hepa imbes na kulay kilikili? Kung iba ang costume ng UE ngayon, mag-2nd Runner-up kaya sila?

Kung ang sinuot kaya ng UP for the past 5 years ay yung uniforms ng Uste, mananalo kaya tayo? At kung ang sinuot ng Uste for the past 5 years ay yung mga uniforms ng UP, mananalo PA RIN kaya sila?

Parang mas lalo yata narereinforce ang validity ng theory ko bakit sila nanalo: nasa uniform lang yan! Talagang di na ako makakadaan ng Espanya ng isang taon nito ngayon, malamang. Di ako makakalabas ng buhay. Buwahaha.
Congrats uli sa UP Pep Squad! U–niber—sidad ng Pili-pinas!! Matatalino at matatapang!! Walang takot kahit kanino!!!!

31 thoughts on “balian ng buto sa uaap cheerdance

  1. Hehe. UP ka kasi kaya hindi ka makapaniwala sa miniscule difference between the scores.🙂 Never pa akong makapanood ng cheering competition. Congrats sa Pep Squad!

  2. grabe damdam, ang harsh, evil, mean, bitchy ng post na’to. Hahaha.

    Two years ago, nung matalo ang UP, may post din akong ganito ka-yabang pero bitter. Pero ngayon, ayoko na magyabang. Andami kong friends from USTe and Ateneo. Halos lahat ng pinsan ko ay Lasalista.

    Besides, People grow up. I did. Well, you, you’re not a person, you’re a goddess, so mage-expect pa ba ako?

    (Uuy, natuwa sya sa sinabi ko. Manlilibre ulit yan ng sine. Haha)

    Heto ang hi-lites ng post mo na nagpagulong saken.

    At sino ang makakalimot sa malaking, malaking banner na nagsusumigaw ng ‘UP ako, ikaw?’ nung isang taon sa Araneta. Ito ang tinatawag na ‘bitter pero witty’.

    AHAHAHAHAHAHAHA. Wala akong masabe.

    Namiss ko tuloy si Gretch Fullido. Hi, Greta!

    I texted Gretch kahapon habang nanonood. Sabe ko, pinag-enervon ba yung pumalit sa kanya. Kasi nakaka-miss na si Gretch sa courtside. Huhu.

    At ang ADMU, huwaw. Panggulat ah. Naging maayos naman kahit papano. Go ADMU. Andaming gwapo sa inyo.

    True. Kaya nga sa Ateneo ako magma-masters eh. Hahaha.

    Tapos nagmodang wig pa ang Al Salle at Uste. Ai, wonga. Baka nga same minds think alike.

    HARSH. HARSH. Pero yung mga pinsan ko na taga-DLSU at USTe, they think alike.

    For more balance of nature nga, sabi ni Dimenic. At last. Kulelat man sa basketball, hala, bawi naman sa cheerdance.

    puhlease, stop calling me Dimenic. I have a first name. And a nickname.

    NICE NICE POST. MAYABANG AT EVIL PERO WITTY!!! Isa kang dyosa.

  3. hahaha. ganadong ganado ka sa pagsulat nito a! ramdam na ramdam ko ang energy! jampacked ng witty lines! punung-puno ng sarcasm! hahaha. sayang di ako nakapanuod. pero parang minsan dinadahilan mo na lang ang pagka-witty mo e. no? no? hehe.

  4. Haha.. eto patunay na mayabang ang mga tag-UP.. may banner, simple lang naman ang nakasulat…

    “So?”

    Haha. at ang sama.. talagang nilabas nila nung nagchi-cheer ang mga taga-USTe. Pero astig, tawang-tawa ko dun. Haha.

    Love the post Bebs.. binasa ko in fairness. haha.

  5. parehas tayo. ako rin, nabiliban sa Adamson.

    sa palagay ko, kaya nanalo ang UP kasi medyo nagconform siya ngayong taon. hindi siya gaanong “trailblazing.”

    goes to show na ibang level talaga tayo. hehehe. [yabang]

  6. Seryoso naman ako na ibang-iba talaga pag pinapanood mo sa Araneta. Nung tinext moko after UP Pep’s performance at sinabi mong walang wow factor at hindi bongga masyado ang routine ng UP Pep, sa isip-isip ko: LECHENG STUDIO 23 YAN, PINAGLARUAN NA NAMAN ANG CAMERA. And when I watched their coverage through Youtube, tama nga ako. Yung mga dapat highlights ng routine ng UP eh hindi na-highlight. TAMA BA NAMANG MAGCLOSE-UP AT SIDE ANGLE SHOT LAGI. Leche. Pero kahit na ganun pa man, maangas pa rin ang naging routine ng UP.

  7. BEBS! hahaha. witty to ah.

    “Nung nagperform ang mga bubuyog, nagkulay itim ang sahig ng Araneta. Gusto ko na tuloy maniwala na ang kulay itim ay pang-luksa lang.”

    BWAHAHAHAHAHAHA. I agree. Dapat FEU yung second. Kinabahan din ako eh. hehe.

  8. Hello, just bumped into your site while looking for videos of UP’s performance this year.🙂

    Haha! UP ka nga, ang galing mang-okray! :p Pero ha, agring-agri ako on ALL your points!!! Tumpak!

    Hm… di kaya nag-iiba-iba ng judges every year kaya di napapansin ang mga nanggagaya’t umuulit? hehe.

    UP PPAAYYT!

  9. i just saw this thread, anyway, oo nga nakakamiss nga ang former UP courtside reporter na si Gretch Fullido, parang patay yung bagong UP reporter ngayon eh…walang energy, unlike Gretch na parang sabog sa ka-hyperan pag UP pep squad na ang kanyang iniintroduce! =)

  10. it’s almost 2 months since the recent 2007 UAAP CDC ended..
    for me it must have been:

    Champ – UP
    1st runner-up – FEU
    2nd runner-up ADAMSON

    UST
    ATENEO
    UE
    NU
    DLSU

    well.. im biased because im from adamson.. pero compare naman the stunts and difficulty of ADU’s performance with UST’s.. PEACE!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s