ugly bebby

Pakiramdam ko ampangit ko ngayong araw na ‘to. Hindi yung tipong pangit dahil sa isang malaking tagyawat sa ilong (cue ‘Perslab’ by Hotdogs revived by Vina Morales bilang non-diegetic). O dahil may matigas akong muta sa mata na lumalabas lang pag umaga.

Ito yung pangkalahatang kapangitan na kahit anong sabihin ng nanay ko, ng mga kapatid ko, ng mga kaibigan ko (na alam kong hindi marunong magpatronize) na mukha naman akong tao, pangit pa rin ako.

Walang attribution ito sa global warming o pagbubuntis ni Camille Pratts o kakapalan ng mukha ni Gloria Arroyo pero ampangit ko talaga today. Siguro, nagmamantika lang ang mukha ko. Kelangan ko na na yatang magpagupit, di na kasi uso ang adik look ngayon. Pero ayoko namang magpaka-conformist. Mas lalong ayokong maging generic ang pagmumukha ko dahil kapareho ko na ng gupit ang isang libo’t isang tao na nakikisiksik sa MRT o naglalakad sa mga malls sa Makati.

Hindi. Kahit na puno na ng ‘parmesan cheese’ ang kulot, unmanageable at immune sa shampoo kong buhok, hindi muna ako magpapagupit. All in the spirit of anti-homogeneity.

Pero, ampangit ko talaga today. Bakit di ko kayang ma-spot ang kaibahan ngayon sa ibang araw kung kelan ako pangit (ergo, buong timeline ng buhay ko). Parang fill in the blanks sa isang quiz bee o game show na nakakataranta pero kailangang lagyan ng sagot dahil ganun ang essence niya bilang fill in the blanks.

Nabuburyong (hindi modang digital) lang siguro ako. Nababaligtad na naman kasi ang mundo ko dahil hindi ako makatulog sa gabi at bulagta ako sa araw. Nakakaapekto ba yun sa lunacy level ng isang tao? Sige, pipilitin kong magsurvey sa mga taga-call center kapag hindi ako tinamad. Malamang, sa puntong yun, di ko na iisiping pangit ako. Pero ampangit ko talaga aujourd’hui. Tama ba ang spelling ko, Bols?

Me mga panahon namang lumalampas sa Pluto ang self-esteem ko na pakiramdam ko lahat ng tao nakatingin sa’kin, naglalaway. Cut to dream sequence na hinahabol ako ng mga naglalaway na male Brazilian models. Cut to reality, pangit pa rin ako. Naisip ko lang. Na sa mga panahong Adonis at Venus ang tingin ko sa aking sarili, bagong gupit pala ako nun. Siyet. Kelangan ko na palang magpagupit. But no. All in the spirit of making a statement.

Naisip ko uli *tunog ng bulb, non-diegetic*: bakit andaming tao na iniisip nila na matatalino sila kasi film buff sila bilang tao? Not to mention, oozing sila with self confidence at kaya nilang i-enumerate ang lahat ng mga pelikulang ‘art film’ na hindi kayang lamunin ng sistema ng ordinaryong mainstream film lover? At kaya nilang magcritic ng walang patumangga dahil galing siya sa right side ng kanilang mga utak. Point ko lang ay, karamihan ng mga braggarts ay walang maibubuga.

Talagang ang manipestasyon na ito ay isang simbolo ng giyera ng intellectual status na laging sinusulong ng mga taong hindi kayang makipag-sumo wresting sa giyera ng economic status at/o sa giyera ng mga superpisyal sa pagwapuhan/gym-buffed-body status.

Pakshet. Parang wala yata akong giyerang kayang salihan sa mga yun ah. Sandali, ampangit ko talaga today, tangena. Sige lang, one of these days (pag dumating ang pagkakataon), masasabi ko rin ang mga linyang hango sa kapita-pitagang experimental short ni Jerwin entitled ‘Hayok’… “ang pogi ko… ang pogi pogi ko…” Isang voice-over yun na ang karima-rimarin at disturbing na biswal ay ang close-up shot ng aking pwet na puno ng kamot.

22 thoughts on “ugly bebby

  1. oh haha, bebs, it’s the weather. kakasabi ko lang kay leo (bago kayo dumating last friday) na ang oily-oily ng weather, feeling ko tuloy magkakapimple breakout ako. wahaha. anjourd’hui ata. pero not sure.

  2. hahaah. grabe kasi ang global warming, me epekto sa esteem ng mga tao.

    naaalala ko, aujourd’hui ang pinaka unang word na narinig ko mula sa french teacher ko dati. hehe

  3. si. mucho calor!

    haha. and to think na kakabudbod ko lang ng parmesan sa pesto kanina.

    sept12 ang end frame. may panahon pa. kamutin na yang pwet na yan!

  4. yaaaak. ruining my pasta-consuming moments is like ruining my entire life. eeeeeew.

    but then again, wala namang parmesan cheese ang ravioli. most of the time, it’s ricotta. so keri lang.

    i never really liked parmesan.

    pero yaaaaaaaaaaak pa rin.

  5. Naisip ko uli *tunog ng bulb, non-diegetic*: bakit andaming tao na iniisip nila na matatalino sila kasi film buff sila bilang tao? Not to mention, oozing sila with self confidence at kaya nilang i-enumerate ang lahat ng mga pelikulang ‘art film’ na hindi kayang lamunin ng sistema ng ordinaryong mainstream film lover? At kaya nilang magcritic ng walang patumangga dahil galing siya sa right side ng kanilang mga utak. Point ko lang ay, karamihan ng mga braggarts ay walang maibubuga.

    — ARAY!

    haha. oh well, bebs may mga ganyang moda lang talaga. wag ka nga. hahaha. isipin mo na lang may mas marami pang taong mas “bad hair day” kaysa sayo tulad ko ngaun, waaaah. at saka gwapo ka naman pag maayos a. ayyiiiii. hahaha. oh let it rain… clear it up… *insert video of jean garcia and gladys reyes dancing, pagud na pagud at patang pata na sa kakaloop ng kanta*

  6. bebs, tama si chard. mas maraming taong mas “bad hair day” kaysa sa iyo. at ako yun! isipin mo hihintayin ko humaba hair ko for more than 1 year ulit?! *sigh*

  7. hahahaha. ‘Yan ang epekto ng kakasumbrero mo. kahit wala namang araw. kahit nasa loob ka ng kuwarto. hahaha.

    at kumusta naman ang hayok na version mo? hahahaha. lovet.

  8. bols.. praning ka??? di nga ikaw yung iniisip ko habang sinusulat ko yun e. actually, me nakita lang akong isang blog na masyadong mapagpanggap. pero di sayo yun. wag praning ok? nakakarami yan ng parmesan cheese.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s