peke

Parte ka lang ng isang magandang panaginip. Isang resureksyon ng pag-asa ni Cinderella sa isang happy ever after kasama ang kanyang perpektong prince charming. Ni hindi nangyari. Hindi mangyayari.

Nalunod ako sa aparisyon mo. Ang pagtatangkang masilip ang iyong isang milyon at isang maskarang naikubli sa ilalim ng nakakatuwang ngiti at malinis na sumbrero. Isa kang trahedyang naghihintay na mangyari at eto na nga, ang katotohanang walang katotohanang naganap sa iyong mga salita o sa iyong mga matang hindi ko nasilayan.

Walang pasubaling mamumutawi sa mga nanginginig kong labi ang “sayang” dahil wala nang salita ang kayang yumapos sa mga panahong akala mo hindi mo ako maramdaman dahil binalot ka ng iyong sariling mga kasinungalingan.

Naghihintay ang mga kamay ko tulad ng pag-aasam ng mga tulang bibigkasin ng mga pusong itinalaga para maantig ng mga ito. Ikaw ang lamig ng dapithapon na hindi nakakapanindig balahibo dahil nakikipaglaban sa paparating na dilim at usok na naiwan ng naghihingalong piraso ng liwanag. Tulad ng namumulang araw, magtatago ka sa malawak na dagat ng walang pag-aalinlangan at hindi mo bigyan ng pagbabalik tanaw ang mga paa kong humakbang palayo sa iyong kinaroroonan.

Para sa aking pamamaalam sa iyo, na isang malungkot na magandang panaginip, lulundag ako sa malamig na dagat. Muli, ang paglabas mula sa baul ng aking rebound song.

“…and it’s time to face the truth. That I will never be with you.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s