papuntang ignite

Gusto kong kumain ng cheesecake dahil parang naaamoy ko ang kanyang tamis na nasa dulo ng dila kong naglalaway na nakakainis dahil ang ganung paghahangad ay hindi makukuha habang nagmamadali sa loob ng mabagal na takbo ng taksing kulay berde at puti.  Naiinggit sa mga dinadaanang magkahawak-kamay habang nag-uusap at nangingitian kahit hindi nila alam na ayaw kong makakita ng mga masasayang nagmamahalan sa sidewalk ng Katipunan at dahil ako’y nabuburaot ng gawin ang mga proyektong dapat matagal ng tapos.  Isang sick saykel na laging pumupundi sa gana kong magpatuloy dahil bakit kailangang andaming taong walang konsiderasyon sa pagod at upos na enerhiya ng iba.

Nalula at natuwa sa mga pangyayaring di inasahan pero walang usapang pagbabalikan hangga’t masaya pero umaasa na makita na siya.  Naguguluhan, nabibwisit at napapamura sa mga taong walang konsepto ng sakripisyo pero hindi pwedeng pwersahin baka bumaha ng berdeng dugo kasama ng laman-loob sa malinis na aspalto ng Makati.

Laging may kagustuhang gawin ang mga sariling mga pelikula at sa pag-uwi, nabangag sa pag-alog ng mga bitukang nakaupo sa likod ng tila walang katapusang pagharurot ng bus sa kalagitnaan ng mahabang daan habang namamanhid ang dalawang daliring hawak ang may yelong pulang tsaa na hindi tinitingnan ng inaantok na di pa naliligong katabi.  Hindi pa napapagod at pinilit ang sariling gawin ang mga kinakailangang tapusin habang ang mabigat na katawan ay gusto nang sumuko, na sa lahat ng kabalintunaan ay ang masayang pagdilat ng mga mapupulang mata na napapalibutan ng maiitim na lawa ng kamatayan.

Alipin ng walang pagpipiliang demonyong walang buntot o ang malalim na dagat na puno ng langis at hindi masaya sa nabiling hopia na singmahal ng isang tinapay na may palamang piniritong baka at kamatis.  Nagutom at nilamon ang buong sanlibutan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s