kumatok ka ba?

Pakshet.

Kung kelan pa’ko nakapagmove on, dun ka pa nagparamdam uli. Para kang engot. Di ko na nga kinakanta ang ‘Over It’ e. Na ilang libo ko ring paulit-ulit na pinapatugtog sa laptop ni Jerwin habang nababangag at nauubusan ng dugo sa kakaedit ng ‘Tirador’. Na in return, ilang libong beses rin niya akong pinagtawanan over it. Over na ako sa’yo, ok? Wag ka nga.

Inerase na nga kita sa phone book ko, senyales ng paglimot tapos umaalingawngaw na naman yang pamilyar mong numero sa tsipipay kong selepono.

Sana nagparamdam muna ang kaluluwa mo di ba, bago ka bumulusok ng text diyan na parang walang nangyari ilang buwan na ang nakakaraan. Wala kang karapatang nakawin ang konsepto ng Ressurection mula sa Panginoon kaya sana hanggang mag-apokalipsis, di ka na mabubuhay.

Komplikasyon ka lang sa buhay ko e. Wala kang pinagkaiba sa ibang basura ng mundo (a.k.a. Wendy Valdez). Alam kong bored ka lang kaya ka nangungulit. Parang dati rin.

Tapos, kani-kaninang nagkaron na’ko ng lakas ng loob na buksan ang magulo mong pwenster, ayun, bumulaga sa’kin ang mga piktyur mong nagsusumigaw ng pag-ibig mo sa isa pang ex mo. Pwe. Sana man lang pangalan ko ang nakalagay dun no.

Wala lang. Masaya lang isipin na kahit papano nagsuffer ka rin pala. O bitter-bitteran ka rin. But no. Magsama kayo ng ex mo! Mga ebak.

Demanding ka pang kelangan kong sumagot sa text mo. Wag ka nga. Wala akong unli. At wala akong natatandaang me ‘time frame’ tayong dalawa. Bangag ka ba. Hindi ako ang kausap mo nun. At kung sinuman siya, sabihin mo sa’kin at ipapa-assassinate ko. Tandaan mong hindi tayo sina Deborah Kerr at Cary Grant sa ‘An Affair to Remember’.

Hay. Sa susunod ha, kumatok ka muna. Para me preparation ako sa mga bagay-bagay. Tapos kung magpaparamdam ka, siguraduhin mong manlilibre ka at hindi yung bagot ka lang at kelangan mo ng kausap. Pfft.

11 thoughts on “kumatok ka ba?

  1. hay ginoo ko, kalisod ba aning tagaloga. since gipugos man kog comment,
    no comment sa ko diri. sa english section nalang ko mag comment. next please..🙂

  2. wow, ang bitter mo nmn! ang ayos ayos ng pinagusapan natin tas bigla bigla mo kong titirahin sa blog mo?! anong kasalanan ung ginawa ko sayo?!
    unang una kaw nmn ung nagsimula ng away natin dba? d ako ung nag message non sa friendster mo at wala na kong pakialam kung cno mang demonyo un! naka move on ka na sbe mo e bkit gnyan ka? yan ba ung way mo ng pag ganti sakin? ung twagin ako ng masasakit na salita? kxe nung mag kausap tyo sa txt d ka nmn ganyan e… sorry kung inisip mo na ginugulo kita at bored lng ako nung ngtxt ako sayo baka d mo alm tntxt kita b4 kaw ang d nagttxtbak kya wag mo sakin isisisi na ngkaganto tyo! kaw ang ngalit sakin d nmn ako! wala akong kasalann syo! kya nga ex ko na dba? at kung d kita minahal non e di sana d kme nagaway nung ex ko! anyway tama na explanation gusto ko lng malamn mo na tong ebak na to na nakakabagot e ung taong minahal mo dati at minahal ka! ikaw ang walang kwenta mag sma kyo ng boyfriend mong walang binatbat!!!

  3. mag-usap tayo. ng maayos. wag dito.

    bebs, ikaw ba talaga yan? diplomasya? gawd, ngayon ko napatunayan that you’re really troubled. hehehe. joke lang.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s