anksyus

Today’s Bebsism: Make me laugh. Tell me about your miserable life. <Copyright 2007>

Bukas, bubuka ang lupa at lalamunin ang aking mga panaghoy. Pinagdadasal ko talaga na wag naman sana, pero pakiramdam ko, ngayon pa lang, hindi ko na mapapahiran ang malalamig na mga pawis na lumalabas sa likod ng leeg ko. Pakshet talaga. Kung bakit naman kasi kailangan ko pang pagdusahan ‘tong kapakshetan na’to.

Nagdusa na nga ako sa proseso, hindi pa ako nabigyan ng hustisya. Potangenang pera.

Bols, salamat nga pala. At least sinagot mo ang Today’s Bebsism ko. Lika, rant uli tayo. Yung rant na hindi nag-a-anti-climatic kasi nagmamadali ka nang umuwi. At yung rant na hindi lang tisis. Talagang rant na makakapag-anorexia sa atin.

Kinakabahan ako para bukas. Siyet. Binigyan na ako ng isang araw na extension, pero helpless pa rin ako. Di ko kasalanan ang lahat lahat. At ayokong maniwala na totoo ang Murphy’s Law. Isang panawagan para ke Sir Bing Lao. Poetic time ba ito?

Ayoko rin mag-bahala na. Pero parang ganun na nga ang mangyayari. Potaaaaaaaaaaaaaaaah. Ayokong manisi ng tao. Pero gustung-gusto ko. Di ko lang magawa. Siguro, nice person nga talaga ako. Pero evil ako, evil. At hindi ako nakakarma.

Kinakabahan ako para bukas. Potangena.  Parang gustong bumaligtad ang lahat ng mga lamang-loob ko. Pero sayang rin ang kinain kong Yum with TLC kaninang alas otso ng gabi. Siyeeeeeeeeeeet.

3 thoughts on “anksyus

  1. oy di ako makarelate dun sa underlying naratib pero gudlak pa rin. yaka yan. nakakapagod na rin pero may choice ba tayo? oo naman. galingan mo kung anu man yan. at ayoko mang ulit-ulitin, totoo ang murphy’s law. unibersal. pangkalahatan. conclusive at inclusive.

  2. bilang nabiktima na ng pa-VIP na si murphy at ng mas paimportante niyang batas, alam kong yakang-yaka mo yan, nasa yo pa rin ang huling halakhak promise. yan ay dahil law lang siya at tayo ay tao. TAO KA. TAOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO.

    next time, kapag ganyan, bilika ng mga uber mahal na hamburger. para kung pumalpak ka man, pwede mong sabihin sa sarili mo, “bleh at least nakakain ako ng masarap na hamburger na mdaming lettuce at malaki ang kamatis.” tse.

  3. stays. mahirap hindi pagpawisan at mangatog kapag umaatake si murphy.

    pero, andyan lang naman lagi ang yum with tlc para magpakalma. kaya pwede nang sabihing masarap nga ang burger with lettuce at kamatis. with cheese.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s