editing ‘foster child’

Nanonood ako ng season four ng ‘Queer as Folk’ kagabi, ay kaninang madaling araw, nung tumawag si Direk Dante (Mendoza). Tagal ko na rin palang di nakakausap yun sa selepono, pagkatapos ng ‘Pantasya’. At naibulalas niya ang isang sobrang napakagandang balita.

Nakasama ang ‘Foster’, yung pelikulang ginawa namin nung nakaraang buwan sa isang napakaprestihiyosong filmfest.

Huwaw. Tumambling ako. At dahil ako lang daw ang sinabihan niya, ayaw pa ipasabi ni Dante sa iba na natanggap nga hangga’t di pa lumalabas ang official na statement mula sa filmfest na yun. Wushu, ip ay nuw, alam na ng buong mundo. Pero, maderpadershet, ito na nga ang ultimate.

Sana nga lang makasama ako sa pagpunta sa filmfest kung sakali. Ba, dapat lang ‘no! Editor kaya ako dun. Pwes, ididemand ko sa prodyuser yun. Ngork. Wala akong ganung kapangyarihan.

Galing sa mga utak nina Bing Lao at Joel Jover, ang creative consultant at writer ng Kubrador respectively, ansimple lang ng kwento ng ‘Foster’. Para lang siyang a day in a life of a foster family na maghahatid ng kanilang foster child na inalagaan nila for three years sa mag-asawang amerikano na aampon dito. Di ko namalayang meron palang ganung konsepto ang mundo, bago ako naging parte ng pelikula.

At kinuha nga nilang direktor si Brillante a.k.a Dante Mendoza.

Napapayag nilang maging prodyuser ang Seiko, a very surprising move for Sir Robbie, considering anlayo nito sa mga ginawa niya dati. Owel, at least, nagmomodang indie na rin naman si Sir Robbie lately e.

(Naalala ko tuloy nung una kaming usap ni Sir Robbie sa pre-prod ng Foster, sabi ko, ‘Sir, salamat nga pala kasi pinanalo mo’ko as Gawad CCP last year. Sagot niya, ay oo, naaalala ko yung pelikula mo. Di ba kaw yung taga-La Salle? Tineng! *sound epeks* ‘Di Sir no, taga-UP kaya ako’. ‘Ah basta naalala ko’, sabi niya. ‘Sir, yung pelikula ko yung ‘Payb’ yung lalakeng tumatakbo.’ ‘Oo, naaalala ko yun. Tumatak sakin yun e!’ Napangiti na lang ako, parang di ako masyado kumbins na naaalala nga niya, pero alam ko naaalala nya somehow. Anyway…)

Ayun, wais din si Sir Dante. Talagang pinilit niya akong gawing Continuity at Editor at the same time para wala na raw akong rason para magreklamo sa mga di nagmamatch na shots. Waaaaaaaaaah. Sige na nga. At nagmodang eksayted pako sa una kasi akala ko madali lang maging continuity. Owel. Gusto ko lang isigaw na hindi! Hindi maging madali ang maging continuity person! Tonet aka Stacie Orrico look-alike, naiimagine ko kung gaano kasakit sa ulo maging Continuity sa mainstream. Hay.

I therefore conclude na ayoko nang maging Continuity!

Di lang ang pagiging Continuity ang first ko sa Foster. First time ko rin mag-edit sa Avid at grabe lang, sa loob pa ng Roadrunner. Roadrunner ito!!! Grabe, at puma-panginoon yung pakiramdam ko kahit hindi naman.

Talagang kinapa ko ang Avid, salamat sa tulong ni Mik, na sobrang galeng at bait. Wuy, Mik. Magthesis ka na rin! Pero di ko nagustuhan ang Avid bilang editing software. Mas masaya pa rin sa Final Cut at sige na nga… Vegas.

Masaya ang proseso ng paggawa ng Foster. Nakadaupang palad ko ang mga artista na sina Cherry Pie Picache, ang nakakatawang si Eugene Domingo (oo, makulit siya sa personal), Jiro Manio (na may hobby lang ng pangtutusok ng pwet ko) at oo, gwapo si Alwyn Uytingco.

At grabe lang yung mga dikusyon na sinasalihan ko kasama sina Sir Bing, Kuya Joel, Sir Dante, Ben (PD) at James (AD).

Real time ang approach ng pelikula, na kung pwede i-achieve ang cinema verite, hala sige. At puro long takes ang form. Pag pinanood mo yung pelikula, akala mo andali niya gawin pero ang heygard pala.

Kahit nagmuka na akong adik at kelangan kong mag-isip ng fatale para ma-edit ng maayos ang pelikula, sulit na rin. Andami kong natutunan. Naranasan na rin.

Di ko pa kayang magsaya ng hanggang langit. Kasi gusto ko talagang sumama sa filmfest. Buwahahah.

At di ko pa alam kung kelan ipapalabas ‘to. Pero maganda siyang pelikula. Laitin lang lahat ng aspeto wag lang ang editing. At continuity. Pfft. Tae.

Eto pala ang cast and crew:

Cherry Pie Picache – Thelma Manlangqui
Jiro Manio – Yuri (bunsong anak ni Thelma)
Alwyn Uytingco – Gerard (panganay na anak ni Thelma)
Dan Alvaro – Dado (asawa ni Thelma)
Eugene Domingo – Bianca (social worker)
Kier Segundo – John2x Slack (yung foster child)

Anggaling ng bata dito. Pwamis.

Director – Brillante Mendoza (Masahista, Kaleldo, Manoro)
Writer – Joel Jover (Kubrador, Manoro)
Director of Photography – Odie Flores (Kaleldo, nakalimutan ko na ang iba)
Production Designer – Ben Padero (Masahista, Kaleldo, Ang Pamana)
Editor – ehem. (walang kwenta, proud lang)
Sound Designer – Nolet Clemente (Ligaya ang Itawag Mo Sa Akin at mga Carlitos Siguion-Reyna films)
Creative Consultant – Armando “Bing” Lao

2 thoughts on “editing ‘foster child’

  1. swerte mo naman! I just watched three of his films today at the French Film Festival and I bumped into this blog while looking for a poster image for Manoro (meron kaya?).

    Really, a great and talented director.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s