tisis uli! pwes.

Pakshet. Gusto kong makasigurado na hindi pa nga ako MRR. Kung anung ibig sabihin ng acronym na yun, ewan. Basta, yun yung maximum years na dapat mo itigil sa UP, depende sa course mo. At within those number of years, dapat, gumradweyt ka na.

’02 naman ang student number ko e. So I assume, di pako MRR. Buwahhaha. Kakatawa ka Claravall, malamang MRR ka na. Bilang 01 ka at galing pa ng Chem. Musta ka namang biglang tatawag ka ng alas kwatro ng umaga para lang itanong sakin kung pano magcomplete ng tisis!

Siyet. Sang taon na pala akong dapat gumradweyt na. Kahapon, nung pumunta ako ng MassComm para ktiain si Bolitas, di ko inasahan na makita ang nilalang na mas delinkwente pa sakin.

Ace Patrick Bright.

Buwahhahahahhahahahahhahahahhahahahhahahahah.

Ace Patrick Bright. Ang dating pantasya ni Piem. Buhay ka pa pala? Wonga no. Pareho pala tayo ng kapalaran. Tawang-tawa ka pa sa sarili mo bilang bawat punta mo Film Institute ay nag-iiba ang konsepto ng tisis mo! Buwahahah.

“Mag-written ka na lang”, sabi ni Sir Piano sayo. Buwaha. Written. Nag-Film ka pa.

Tapos, dumating pa ang isang kakosa. Julo Quinto. Grabe. Reunion ito ng mga delinkwente. Julo Quinto. Alamat ka. Kumusta naman ang pagpapaconvert mula old curriculum papuntang RGEP. Kasi naman. Obsolete na ang mga subjects na nasa prospectus mo.

Hoi, gumradweyt ka na.

Grabe. Kahapon, habang tinitingnan ko ang ating mga sarili, natatawa ako. At least, pakunswelo, me raket tayo kahit di pa tayo gradweyt.

Kulang na nga lang sina Yosha, Herman, Dax, James, Bolitas.

Waaaah. Next sem, sigurado na ba tayong gawin ang ating tisis, Bols?  Alam kong anhirap intindihin ng mga taong labas ang sitwasyon natin. Na pinag-usapan pa natin hanggang alas-dos ng umaga kanina. Grabe.

Pero narealize ko kagabi na kahit kinukutya tayo at pinagtatawanan at kahit ano pa ang kunin nila at ibato sa atin, iisa lang di natin pwedeng takasan. Filmmaker tayo, Bols. Gagawa tayo ng pelikula dahil mahal natin iyun. At all costs.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s