anak ng…

Bebsism’s current emo mode: Best I Ever Had – Vertical Horizon

Alam kong may bumabagabag sa kanya nitong mga nakaraang araw. Nitong mga nakaraang linggo. Nitong mga nakaraang panahong ambilis dumaan, na para bang pas porward sa Final Cut Pro.  Hindi ko na mabilang ang mga espasyong tumakbo na di ko siya naramdaman.

Darating rin ang paghihiwalay. Hindi ko inasahang kanina na pala yun.

Lumabas na nga ang katotohanan.  Hindi pa rin pala siya makaalpas sa gapos ng taong minahal niya noon. Hanggang ngayon.  Ewan kung anlakas talaga ng sense of humor ng Diyos, na kung kelan ako kumubra ng pera mula sa pinagraketan ko sa Makati, saka naman niya ibinuhos ang masamang balitang humihingi siya ng espasyo.

Espasyong hindi temporaryo. Yung tipong blanko na espasyo na parang maitim na slug na naghihiwalay sa dalawang dapat magkasunod na video clips sa edit timeline. Kung me fade in at fade out man sa gitna, di na siguro importante.

At parang slow mowwww, naglakad ako sa gitna ng maraming naglalakad na mga aliping nakabarong at nakadesigner office uniform sa Ayala Avenue, mula Paseo papuntang MRT Ayala.  Sayang, hindi umaraw kanina. Nasuot ko sana ang shades na nabili ko sa tiange nung isang Linggo.

Pero bakit kaya anggaan-gaan ng mga paa ko nung binaybay ko ang disenyadong daan ng Makati.  Para akong modelong guma-glide sa isang pashon show sa background ng mabilis na musika. Lumulutang na hindi ko na napansin ang paghahanda ng aking mga sweat glands para sa isang masikip na tulakan sa MRT.

Walang kagatol-gatol na pumasok ako ng Glorietta.  Na noon ay halos isuka ko dahil ayokong pumasok sa dahilang nabuburaot ako sa ere ng pagpapanggap ng mga taong andun. Kanina, tangena, namiss ko rin pala siya kahit papano. Sayang talaga, di ko nasuot ang shades.

Iniisip ko kung dapat nga ba akong masaktan.  Siguro nga.

Sa mga walang kyemeng “alryt” na sinagot ko sa kanya, para bang naghahanap pa siya ng kasagutan kung bakit ganun lang ang mga sagot ko.

Ano pa nga ba ang dapat kong sabihin? Ayokong magdrama.  At hindi na uso ang pagtutulo ng luha mula sa isang mata sa gitna ng maraming-maraming tao.  Hindi na rin bumibenta ang past porward crowd habang nakatayo sa gitna ang main actor.  Nilaos na ang style na iyon ng Queer as Folk.

Kaya ang nasabi ko na lang bukod sa “alryt” ay, “sabihin mo sakin kung ano ang gusto mong marinig at sasabihin ko sayo”.  Sabi niya, “wala na nga…”  Haaaay. Ang witty ko talaga.

Nag-indulge ako sa existence niya sa buong oras na nasa MRT ako. Hanggang sa Philcoa. Hay, Philcoa, namiss rin kita.  Kelangan ko mag-internet pagkatapos ng isang siglong pagkawala.

Oo na. Tamad akong lumabas ng bahay. At nakita ko si Utong. At si Gavina. At si Ayn. Huwaat? Bibidyoke raw sila. Hmm, parang naglalaway akong sumama. Pero kailangan ko mag-internet at bumili ng elektrik pan pagkatapos.

Dala-dala ko ang isang 500 ml na pulang C2.  At sa isang lagok ko lang nun, tangena, ok na pala ako. Narealize ko na mas masakit pa pala yung mga panahong naghihintay akong magparamdam siya kesa sa kaninang marinig mula sa kanya na hindi na siya magpaparamdam kailanman. Tangena. Ansaya.

Kaya sa huling pagkakataon, ikakaskas ko sa gitara, para sa’yo. Sana marinig mo siya at sasabayan mo ako sa pagkanta, kahit na naka-split screen ang magkabilaang mundo nating dalawa.

So you sailed away
Into a grey sky morning
Now I’m here to stay
Love can be so boring

Nothing’s quite the same now
I just say your name now

But it’s not so bad
You’re only the best I ever had
You don’t want me back
You’re just the best I ever had

So you stole my world
Now I’m just a phony
Remembering the girl
Leaves me down and lonely

Send it in a letter
Make yourself feel better 

And it may take some time to
Patch me up inside
But I can’t take it so I
Run away and hide
And I may find in time that
You were always right
You’re always right

So you sailed away
Into a grey sky morning
Now I’m here to stay
Love can be so boring

What was it you wanted
Could it be I’m haunted

But it’s not so bad
You’re only the best I ever had
I don’t want you back
You’re just the best I ever had
The best I ever had
The best I ever had.

4 thoughts on “anak ng…

  1. thank you for evrything… i really appreciate the move that u have given me.. believe me if i could turn back time i would… i wana take back all the words that i’ve said… i miss you… i really do….='(

  2. thank you for evrything… i really appreciate the love that u have given me.. believe me if i could turn back time i would… i wana take back all the words that i’ve said… i miss you… i really do….=’(

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s