heygard at ang kulay rosas na polo

Nilinlang lang pala ako ng oras.  Tinatawag na ako ng antok nguni’t nahimlay na pala siya sa damuhang hindi niya nahigaan.  Ang hapo ay parang globong yari sa lobo na nakakabit sa marumi kong mga tenga.

Kakayanin ko pa rin kaya? Premiere Night na tatlumpung minuto na lang magmula ngayon.   Balisa pa rin ang tingin ng sarili ko sa aking makamundong katawan. Naghihintay, naiinip. Pinagdadamutan na naman ako ng pagkakataong malanghap ang dapat kong kalagyan.

Dibidi. Bu-mern ka na. Dahil sa’yo nakasalalay ang lahat. Kung kailan gusto mo nang humalakhak dahil naabutan mo ang itinakda, kakambal ko na rin talaga ang pangangapa.  Sa isang kakarampot na pagkakataon, hindi niya kayang humiwalay sa sanay kong pagmamahal sa kanya. Heygard.

Premiere Night na. Nagdadalawang-isip nga akong ilagak ang aking pangalang ni anino ni Hudas ay hindi gustuhing makilala.  Andyan na.

Ilang beses ko ring sinabing hinding-hindi mangyayari ito. Dahil kanina lang, pinagsaluhan namin ang tawanan ng mga trahedyang nagaganap sa paligid. Maya-maya, iisipin ko pa ring hindi magiging trahedya ang pagpapalabas sa pelikulang hindi ko alam kung ikakahiya ko o ipagmamalaki.

Malamang nga, dapat nagtago na rin ako sa pangalang mas gugustuhin pang kilalanin ng anino ni Hudas.  Pangalang napakalayo sa tunay kong kaganapan.

Pumupositibo ako. Walang panahon sa pagkikitil ng panahon para sa sarili.

Wonga pala. Dapat andito ka kasama ko ngayon.  Pero wala ka, para makisalo sa kung anumang wala ang nararamdaman ko ngayon. Kaba, alinlangan, pagod, sakit sa katawan. 

Hay. Alam kong magiging maayos rin ang lahat mamaya.  Pumupositibo ako. At kahit nilinlang man ako ng oras, pipilitin ko na ring bigyang katuparan ang kanyang kasiyahang makita akong hapong-hapo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s