ikaw kaya ‘to

Hindi ba’t pareho tayong hindi marunong magmahal?

Kaya halika, samahan mo akong maglaro, maghanap at magmasid sa mga dumadaang hindi na natin masasalubong uli. Takpan natin ang ating mga mata, maglakad habang may nakasandal sa ating mga likuran. Madadapa tayo na walang galos ng alaala sa ating daraanan.

Sumabak tayo sa isang paglangoy na magtatapos sa araw ng ating paggising. (Hiling ko na hindi pa bukas o sa makalawa iyon). Itanghal natin ang ating mga sarili sa pinakamataas na pedestal ng ating pagkabulag at gawin mo ang lahat ng hindi ko kayang harapin.

Pakinggan natin ang sigaw na nagmula pa sa malayong kabihasnan at ibalik ito sa matagal nang nagmamatyag sa ating harapan. Ipangako mong magsasabay tayo dahil ang isang hakbang ko ay patungo sa maliwanag na kagandahan at ayokong lumabas sa kulungang kasama ka.

Huwag mo nang sundin ang kampay ng kanilang mga paa dahil mapipilay tayo sa mga ngiti nila. Tumitig tayo nang hindi kumukurap hangga’t hindi tayo bumabalik.

Hinding-hindi natin matutunan ang magmahal kaya halika na. Paglaruan natin ang isa’t isa.

4 Responses to “ikaw kaya ‘to”

  1. oi! gusto ko yan! just play the game and have fun… basta sa bandang huli, walang sisihan. (**eto ang dictum ko sa buhay**)

  2. korek. walang expectations, walang sakitan. ang mainlove, talo.

  3. pano mo mahahanap ang tunay na pagmamahal kung ang paniwala mo’y ito ay laro lamang?

  4. ang kasagutan: wag nang hanapin.

    sabi nga, be with the wrong people until the right one comes.

    di ko alam kung alin ang paniniwalaan ko.

Leave a Reply