naratibong nonlinear

Syet. Isang pitik lang ng kabaliwan, magpapapierce na talaga ako. Matagal ko nang gustong gawin wala lang akong lakas ng loob. Either sa dila (kasi nakakainggit si Kuya Mark) o di kaya sa kanang kilay. Isang manipis na linya na lang ang naghihiwalay sa oo at hindi at isang “tara” lang ni Jerwin, gagawin ko na. Angas.

Hindi pala maganda sa katawan ang nakakaadik na idleness. Yung tipong titingin ka lang sa kisame buong araw. Di kaya dahil hindi lang aircon ang espasyo ko kaya hindi masaya ang lucid moments na ito? Try kong tumunganga sa me aircon, titingnan ko ang kaibahan.

Hoi Dimen! Wala lang. Bilang isa kang PBB adik, gusto ko lang sabihin na ex pala ni Gerald Anderson si Shy no? Hay, showbiz. Ayan, pinag-aksayahan ko ng eport yan. Nakita ko lang sa isang forum yan sa g4m. Salamat sa source ko.

3 Responses to “naratibong nonlinear”

  1. Hindi ko alam na may pics pala silang ganyan.

  2. ako rin nagulat nung una ko makita ‘to. something’s fishy di ba.

Leave a Reply