before the sun rises
Wala akong kompidens sa pagsusulat.
Nung elementary ako, pinadala ako ng aking kapita-pitagang eskwelahan sa isang citywide interschool on-the-spot essay writing contest na inisponsoran ng Davao City Water District. Malamang tungkol sa tubig ang dapat namin isulat dun. Sabi ng coach namin, simulan daw ang essay namin ng me interest-catching caption. O di kaya tanong. At ang sample niya, “what if there’s no water?”
Sa araw ng competition, wala akong maisulat. Di ko alam kung pano ko susulatin o kung ano ang sasabihin ko. Kinopya ko na lang ang interest-catching caption example ng coach namin. At dalawang oras akong nakatulala sa yellow pad sa harap ko. Nangulelat ang skul namin.
Nung grade 6 ako, pinag-exam kami para sa magiging staff daw ng school paper. Di na ako umabot sa shortlist.
Nung highschool naman, nagtryout ako para sa Tagalog at English school papers. Kada school year na lang, umuuwi akong luhaan. Okey payn. Di nga talaga ako marunong magsulat. Kaya naisip kong wag mag-Journalism at mag-Creative Writing at wag nang ambisyunin maging writer ng magazine, libro o komiks.
Sa UP, kinarir ko talaga ang scriptwriting ke Bing Lao. Parang natutulala lang ako at natutunaw kapag kasama ang mga taong magagaling magsulat lalo na ang mga nagpapanggap na magpaka-hiffalutin. Highfalluting. Highfalooteen. Hifallutin. Buti na lang, naimbento ang blog kaya nakakapagsulat ako kahit walang nagbabasa.
Nung December, sabi ni Adolf, sulat daw ako ng skrip na galing sa konsepto niya na dalawang lalakeng may relasyon na magpapaalam sa isa’t isa bago mag-umaga. Huwaw. Parang ‘Before Sunrise’. Parang ‘Before Sunset’. Gay version. Inisip ko lang kung bangag ba si Adolf nung panahong sinabi niya yun o jowktym lang. Ah, sobrang busy lang siya kaya wala nang panahong magsulat pa kaya napagtiyagaan ako. Di ba, Adolf?
Naisip siguro niyang me paghuhugutan ako kasi me ganitong eksena rin sa totoong buhay sa shoot namin ng ‘Batanes’. Weeeh. Kontra sa paniniwala ng mga kaibigan at kakilala, hindi ko kinuha sa karanasan sa Batanes ang mga pangyayari sa buhay nina JP at William sa ‘Daybreak’. Sinunod ko lang talaga ang kung ano ang isinulat ni Adolf sa concept paper.
Kaya eto na. Ang resulta. Ang una kong full-length iskip na naisapelikula (mas nauna kong naisulat ang “The ‘Thank You’ Girls”). Pelikulang kabaklaan, isang alternatibong panonood para sa Valentine’s Day.
Aktwali, masaya ako sa naisulat kong materyal para sa pelikula pero gaya nga ng kadalasan nangyayari, me mga pagbabago mula sa orihinal kong sinulat sa lumabas na kabuuang pelikula pero ok lang.
Maayos ang pelikula.
Malalim ang pinanggalingan ng relasyon nina JP at William, ang dalawang karakter sa pelikula. Hindi lang libog. Hindi lang karnalan. Ni hindi nga atraksyon lang e.
Isang taon na silang magkarelasyon pero estranghero sila sa isa’t isa. Magkaibang-magkaiba sila sa lahat ng aspeto.
Seryoso si William na isang doctor (Paolo Rivero), happy go lucky si JP na isang bangkero sa Taal (Coco Martin). At hindi lang ekonomiya, karakter o maging ang sexual roles nila ang pinaglaro sa pulitika ng relasyon nila kungdi pati na rin yung struggle ng pamamaalam na kailangan gawin ng isa sa kanila bago sumikat ang araw.
Maraming modang tahimik ang pelikula. Mga pag-iisip. Mga pagmumuni-muni. Yun din ang naging kaibahan dahil naisulat ito na ang pag-uusap ng dalawa ang naging buhay nila buong gabi na para bang iniiwasan nila ang komprontasyon ng realidad na magpapaalam na sila.
Ang ang mga modang tahimik ng ‘Daybreak’ ang naging silbing tensyon ng dalawang karakter. Hindi pagtalikod kundi ang pag-iwas sa pagharap sa napipintong maririnig na katotohanan.
Isang gabi lang nangyari ang lahat. Sa totoong buhay, parang anhirap ng ganun pero pwedeng mangyari. Nangyayari. Hindi lang sa mga relasyong pambakla kundi sa kahit na anong klase ng gender relationship. Kaya pwede ko ring sabihin na universal ang sitwasyon.
Anong koneksyon nito sa kompidens ko sa pagsusulat? Wala. Di lang ako makapaniwalang makakabuo ako ng skrip, akala ko wala akong kakayahan sa ganun. Tumatak na kasi sa isip kong olats ako sa ganung aspeto.
Basta, manood kayo ng ‘Daybreak’.
February 6, 2008 at 12:58 am
wow bebs, big time ka na!!! hahaha. LIBRE!!!
February 6, 2008 at 7:35 am
Huwwaww as in ikaw gumawa ng script na ito? kelan ipapalabas at san makakakuha ng copy just in case naipalabas na! Hmmm gusto ko kasi ang mga ganitong movies.
Congrats!
February 8, 2008 at 6:16 am
dimen, kakalibre ko lang sayo ah. *evil grin*
klitorika, yep yep. napag-utusan lang hehe. sa feb 13-14 siya palabas sa up cine adarna. feb 20-26 sa rob galleria indiesine. di ko pa alam kelan ang release ng dvd. months after siguro siya ipalabas. nood ka ha!
February 8, 2008 at 3:45 pm
wuuy! fan mo yung porn site na pinupuntahan ko haha
http://miong21.blogspot.com
February 9, 2008 at 1:16 pm
hihintayin ko ang pelikulang ito. congrats sa iyo! sana’y magsulat ka pang maraming script!
February 10, 2008 at 6:58 am
dumdum, wala naman siyang sinabi na fan ko siya e.. weeeh.
gibo, salamat! kitakits.
February 10, 2008 at 12:53 pm
ikaw pa fish ka pa eh. eh gandang ganda nga daw siya sa trailer – pang international daw. nask! though his taste is still up for discussion, publicity is publicity is publicity.
you wrote the script and edited the movie. and (i presume) you made the trailer, too. so congrats.
fishing.. tsss.. not your greatest talent hahahaha
cheerios damdam!
February 12, 2008 at 9:02 am
isda.. isda.. isda..
February 16, 2008 at 3:44 pm
Hi! napanood ko na po yung daybreak sa cine adarna last Feb 13.. Ang ganda po.. Nagustuhan ko yung pelikula.. Malalim, punung puno ng emosyon at higit sa lahat para po sa lahat yung pelikula..nakakarelate ako kahit girl ako.. ang galing po!!!
February 17, 2008 at 1:10 pm
Hi judee, salamat sa pagnood.. at isang malaking ngiti para sayo dahil nagustuhan mo ang munti naming pelikula.. =)
April 1, 2008 at 3:48 pm
Hi…
just to let you know, ilang gabi na akong di makatulog dahil sa pelikulang ito. After watching the movie, naglalakad ako papalabas ng cinema na parang zombie, at napansin ko na lamang na lumuluha pa rin ako…
Nanood pa nga uli ako ng sumunod na araw. I know na inevitable ang kanilang pagpapaalam, pero kailangan ko talagang hanapin ang mga iba’t ibang dahilan…
Arrgh, see, I can’t stop. Anyway, I was a great movie. A must own once na lumabas ang video copy…